CLAIMED BY THE BILLIONAIRE

CLAIMED BY THE BILLIONAIRE

last updateLast Updated : 2025-04-21
By:  RyzaComeOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
80views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dahil sa matinding pangangailangan, napilitan si Raine Almiro na ibenta ang katawan niya kay Marcus Laurent, ang estrangherong nakilala niya sa bar. Desperada na siyang makalikom ng pera na ipambabayad sa tuition fee niya kaya nagsinungaling siya sa lalaki—sinabing kaya niyang ibigay ang kaligayahang hinahanap nito nang gabing ‘yon. Pero ang totoo, virgin pa siya. Iyon ang unang beses niya at handa siyang ibigay iyon, ganun siya kadesperada. Pagkatapos ng mainit na tagpong ‘yon, hindi na muling nagpakita ang lalaki. Pero may iniwan itong pabaon sa kanya... Nabuntis siya nito. Four years later, hindi niya inaasahang muling magtatagpo ang mga landas nila. Marcus is now her new boss—at mukhang tuluyan na siyang nakalimutan nito. And what’s worse? Her first job is to find the woman he met four years ago. Kailangan ni Marcus ang anak niya para makuha nito ang mana. At kapag hindi nahanap ni Raine ang babaeng iyon sa loob ng isang buwan ay matatanggal siya sa trabaho. Pero nang malaman niya kung bakit pinapahanap siya ng lalaki, pinanghinaan siya ng loob. Gusto na lang niyang tumakbo at muling magtago. But she also needs her job—ayaw na niyang bumalik sa pagpa-part time para lang maitaguyod ang anak niya. Now, she’s torn between losing her job and keeping her peace.

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Pwede ko ba iwan muna dito si KD?” sambit ni Raine sa matalik niyang kaibigan. Nasa boutique siya nito ngayon. “Babalik din ako agad pagkatapos ng interview.”

“Oo naman. Walang problema sa akin, Raine. Akong bahala kay KD,” nakangiting tugon ni Pat. “Huwag mo munang isipin ang anak mo. Focus ka muna sa interview,” dagdag pa niya bago inilahad ang kamay sa bata at nginitian.

Tumango na lang si Raine at ngumiti saka nagpaalam sa kanilang dalawa.

Halos malula siya sa lapad at tayog ng gusali nang makarating siya sa building na pupuntahan niya. Kumikinang ang malaking pangalan ng kompanya dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Dalawang beses na niyang nakita ang gusaling ito, pero hanggang ngayon ay napapahanga pa rin siya sa laki nito.

Sa totoo lang ay wala siyang kaalam-alam na isang malaking kompanya pala ang pag-a-applyan niya. Noong araw lang mismo ng job interview niya nalaman na isa pala sa nangungunang real estate companies ang LAURENT. At kapag malaki ang kompanya, maganda rin ang benefits at malaki ang sweldo.

Huminga siya nang malalim at taimtim nanalangin na sana ito na ang hinihintay niyang blessing; na ito na ang ginhawang matagal na niyang hinahangad.  

“Lord, ibigay mo na sa akin ‘to, please? Para sa anak ko,” taos-puso niyang bulong bago tuluyang pumasok sa loob at dumiretso sa 40th floor dahil doon gaganapin ang interview.

Habang paakyat ang elevator ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Sumisipa na rin ang epekto ng pagod at puyat niya—sumasakit na ang ulo niya at kaybigat ng talukap ng kanyang mga mata. Pasimple niyang kinurot ang sarili at pilit na idinilat ang kanyang mga mata. Pakonti nang pakonti ang mga tao sa elevator habang pataas ito nang pataas. Hanggang sa siya na lang talaga ang natira. Doon na kumabog nang husto ang dibdib niya. Pati tuhod niya ay nangangatog na rin. Hindi niya tuloy mapigilang murahin ang sarili.

At nang marinig niya ang tunog ng elevator kasunod ng pagtigil at dahan-dahang pagbukas nito ay isang marahas na pagbuga ng hangin ang ginawa niya para kahit papaano ay kumalma siya.

Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang isang babaeng nakatayo sa isang maliit na cubicle. Agad siyang lumapit dito. Tiningnan niya ang nameplate sa desk ng babae.

“Good morning, ma’am. Pwede po bang magtanong?” magalang niyang sabi sa Assistant Secretary.

Matamis itong ngumiti sa kanya. “Ano po ‘yon?”  

“Saan po ba ang final interview ng mga secretary applicants?”  

“Oh, you must be Ms. Raine Almiro?” anito bago may tiningnan sa computer nito. “Please follow me.”  

Tumango lang siya at sinundan ito.

Pumasok sila sa isang malaking pinto at sinalubong siya ng isang malawak na opisina. Puti at itim ang interior ng paligid. Una niyang nakita ang malawak na office living room kung saan may nakaupong isang lalaki na sa tingin niya’y nasa mid to late fifty’s.  

“Sir Dante, this is Ms. Almiro,” pagpapakilala sa kanya ng Secretary. 

“Thank you. You may leave,” maawtoridad na sambit ng lalaki. Mas lalo tuloy tumindi ang kaba niya dahil pakiramdam niya’y strikto ito. Bumaling ito sa kanya,  

“Sit down, Ms. Almiro."  

Mabilis siyang umupo sa katapat nitong upuan. Halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya.  

Pansin niya ang pagsipat nito ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.  

“Did you bring the documents we asked you?”  

“Y-Yes, sir,” kabado niyang sagot sabay abot dito ng envelope. Sa sobrang kaba niya ay hindi na niya naitanong ang pangalan nito.  

“Good. Can you start working today?” tanong nito sa kanya.  

Nabingi yata siya sa narinig niya. Ilang beses siyang napakurap ng mata.  

“P-Po?”  

“Didn’t you hear me?” masungit nitong sambit. “I said, can you start working today?”  

“Ano p—”  

“You’re hired,” putol nito sa sinasabi niya. “You’re the first one to arrive so you get the job,” dagdag nito bago ito tumayo at inilahad ang kamay sa kanya. “Congratulations.”  

Hindi man makapaniwala ay tumayo na rin siya at inabot ang kamay nito.  

“Thank you, sir,” tugon niya at matamis na ngumiti. “And yes po, I can start right away,” dagdag niya at pilit na pinigilan ang pamumuo ng mga luha niya.  

Hindi niya alam kung anong nangyayari pero sobrang saya niya. Mamaya, pagkatapos ng trabaho ay dadaan talaga siya sa simbahan para magpasalamat. Sa wakas, dininig na rin ang matagal na niyang panalangin.

“Good. Let’s proceed with the contract signing,” anito bago siya pinaupo ulit.  

Pagkatapos ay may tinawagan ito sa cellphone at sinabihan na dalhin ang kontrata.

“Congratulations,” mahinang sabi nito nang makalapit ito sa kanya. “Now...” Tumingin ito kay Raine. “Let’s go?”

“S-Saan po?” tanong niya.

“To meet your boss,” tugon nito at ngumiti sa kanya.

Napatitig na lang siya rito. So hindi pala ito ang boss niya?

“This way,” aniya at naunang maglakad. Doon lang niya napansin na may isa pa palang pinto sa loob. At pagkabukas ni Sir Dante nito, nakita niya ang isa pang mas malawak na opisina na itim at puti rin ang interior. Pero agad na dumiretso ang mga mata ni Raine sa lalaking nakaupo sa gitna ng opisina at abala sa ginagawa. Nakayuko ito at mukhang may pinipirmahang mga papel.

‘Marcus Laurent,’ basa niya sa nameplate na nasa gitna ng mesa.

“Good morning, Mr. Laurent,” bati ni Sir Dante rito. “Ipresent to you your new secretary,” aniya bago pumagilid para ipakilala si Raine.

“G-Good morning po,” magalang na bati ni Raine at hinintay na mag-angat siya ng tingin.

At nang gawin niya iyon, natulala na lang siya. Tila tumigil ang lahat. That face. It may have been four years since she last saw that face. It may have just been once, but she would never forget it. Never. Because how could she ever forget the face of the man who didn’t just take her virginity but also left her with a heavy responsibility? How could she ever forget the face of the father of her son?

Nanigas siya nang tumingin sa kanya si Marcus. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. The hatred, the pain, the struggles—everything came to her all at once. Nanginig ang mga kamay niya sa tindi ng emosyong nararamdaman. 

She clenched her teeth to control the surge of emotions inside her. She couldn’t afford to make a scene here.

“You,” matigas niyang sambit habang malamig na nakatingin ang kanyang kulay-abong mga mata. “Sort these documents. Start from the oldest to the most recent,” dagdag pa nito at itinulak ang makapal na mga papel sa mesa niya.

Nagising ang diwa ni Raine sa malakas na boses ni Marcus.

“Do your best, Ms. Almiro. I’ll take my leave now,” sabi ni Sir Dante bago siya nagpaalam kay Marcus.

“Ano, tatayo ka na lang ba riyan?” matigas na sabi ni Marcus.

“Y-Yes, sir,” tarantang sagot ni Raine bago kinuha ang mga papel at dinala sa kabilang mesa na tingin niya’y magiging pwesto niya.

Habang inaayos niya ang mga papel, hindi niya maiwasang mapaisip—nakikilala ba siya ni Marcus o ganoon na talaga ang ugali nito sa kanya, o hindi na siya naaalala at ganoon na talaga ang ugali nito?

But either way, never in her wildest dreams did she imagine that she would see him again pagkatapos ng nangyari sa kanila noon. Hindi niya tuloy alam kung ano ang gagawin.

Should she tell him the truth or just keep acting as if she didn’t know him and that she didn’t remember everything that happened between them?

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status