Share

CHAPTER 03

"Tawagin nyo si Aron, papuntahin niyo dito," utos ni Sav. Lumabas naman agad ng silid si Shane para sundin ang utos.

Habang naghihintay ay nagtitingin-tingin muna si Sav. Random nyang nabuksan ang isang kabinet dulot ng pagkabagot. Nagkasalubong ang mga kilay nya'ng makita ang isang malaking papel na nakarolyo. 

 

Tiningnan niya ito ,  sa hindi inaasahan ay isa itong blueprint.

 

"Ano 'yan, Sav?" Napatingin siya kay Xavier. Sa halip na sumagot ay lumapit muna siya sa mahabang mesa, at inilatag ang malaking blueprint.

Ayon sa nakasulat sa pinakataas ng papel, 'Vinson College Blueprint' ang nakalagay. Sa pangalawang blueprint naman ay patungkol sa bahay kung nasaan sila ngayon.

"Bakit naman magkakaroon si Sir ng blueprint ng Vinson College?" pagtataka ni Vera habang hawak ang blueprint na tinutukoy.

Kahit alam ni Savannah ang sagot ay nanatili siyang tahimik. Binitawan niya ang papel kaya lumukot ito ng mag-isa. Kinuha naman ni Xavier ang blueprint habang siya ay nagpatuloy sa pagtitingin-tingin.

 

Biglang bumukas ang pinto ng opisina kaya napatingin silang tatlo roon. Pumasok si Shane, at Aron. Ititigil na lang muna ni Savannah ang pagtitingin para pumunta na sa harapan ng apat. 

 

 Nagsiupuan ang apat sa mahabang mesa maliban kay Savannah.

*Flashback*

"The Dark Pentagon. Isang grupo ng sindikato, at pinakalakas na supplier ng druga sa iba't-ibang panig ng mundo," wika ni Sir habang naglalakad papunta sa harapan. Si Savannah ay nasa video call lang sa  kadahilanang nasa amerika ito.

"Ayon sa pag-iimbestiga namin. Ang grupo na 'yan ay may limang membro, at puro sila drug lords. At isa sa kanila ang mastermind. Isa sa nalaman namin ay isa sa mga membro na 'yan ay may anak na nag-aaral sa Vinson College," dagdag ni Sir.

" Hindi pa namin nalaman ang buong detalye dahil mahirap buksan ng hacking system natin dahil sa sobrang private ng informations na tungkol sa kanila. 

"Pero may tattoo sila na kulay itim na letter P sa ibabang parte ng batok nila so matatakpan ito ng damit kaya check nyo talaga nang maayos kung may mahuli kayong kalaban. May pulang mga mata din sila pero hindi lahat. Hindi kasing-pula na kagaya sa bampira, ito lang electro red. Kung halimbawang contact lens lang ang mga yan, yan ang hindi natin alam kung bakit sila nagsusuot." Pinakita ni Sir sa presentation ang halimbawa ng electro red.

End of flashback*

 

Humingang malalim si Savannah bago magsalita.

 

"Okay. Nag-email na sa 'kin 'yong IT. Ako si Skyler Mendez habang ikaw Aron ay si Calvin Anteza. Kagaya ng sabi ni Sir, magpapanggap tayo na 4th year college student sa Vinson College para hanapin ang anak ng kalaban. Tandaan mong dapat walang makakaalam na magkakilala tayo."

 

Tumango si Aron bilang sagot.

 

"May uniform na tayo pero nando'n sa kwarto ko.

 

"Ikaw Shane, ikaw ang mag-monitor sa cctvs. At bukas e-hack mo muna ang cctvs ng paaralan. Pumunta ka sa security room ng paaralan bukas, at alam mo na ang gagawin mo. Pagkatapos ay umuwi ka na agad." Tumango si Shane.

Kinuha ni Sav sa mesa ang isang blueprint, nang makompirmang ito ang blue print ng paaralan ay binigay niya ito kina Aron. 

"Kabisadohin nyo 'yan." Tumango ang dalawang lalaki sa kanya.

"Ikaw Vera, ang trabaho mo hindi lang hacker, kung ano ang ipapagawa ko kay Xavier ay gagawin mo rin. So basically, si Shane lang dapat ang palaging matitira dito sa bahay.

"Kayo ni Xavier, bukas ay pumunta kayo sa iba't-ibang clubs dito sa Vinson City. Magmasid kayo sa mga mapupuntahan nyong clubs, at alam nyo na. Kapag napansin nyong maraming drug addict 'don, imbestigahan nyo agad ang club na 'yan. Any questions?"

 

"Hindi ba namin huhulihin ang mga nagdru-druga sa loob ng club, Sav?" singit muna ni Xavier.

"Sa tingin nyo, biktima lang ba sila?" tanong pabalik ni Savannah. Walang nakasagot.

Ilang saglit, nagsalita si Shane. "Para sa 'kin oo."

"Ako rin," wika naman ni Xavier.

"Hindi ako sang-ayon," pagsalungat ni Vera.

"Explain your answers," hamon ni Sav sa mga 'to.

"Para sa 'kin oo dahil parang hindi naman nila alam na may druga na pala ang inumin nila," paliwanag ni Shane.

"Pano naman 'yong mga drug pushers?" pabalik ni Vera.

"Hindi sila magiging drug pusher kung walang nag-introduce ng druga sa kanila," kalmadong sagot ni Shane.

"Kahit na Shane. Naging drug pusher sila dahil ginusto nila 'yon. Kahit alam nilang bawal ay pinagpatuloy pa rin nila. Tapos kapag mahuli sila, sasabihin nilang biktima lang sila?" bato ni Vera. Napabuntong hininga si Sav sa debate ng dalawa.

"Hindi naman lahat ng nakakatikim ng druga, Vera, ay drug pusher na. Ang sinasabi ko lang naman--" 

"Hep hep hep," singit ni Xavier.

"Hooray!" pilyong patuloy ni Aron. Nagtawanan si Aron, at Xavier na parang mga baliw, samantalang si Sav ay napangisi na lang sa kabaliwan ng dalawa pero si Shane, at Vera ay seryoso pa rin ang mga mukha.

"Alam nyo, masyado kayong seryoso eh. Chill~ Kayo naman," panunudyong tono ni Xavier.

"Balik tayo sa tanong ni Xavier," wika ni Sav kaya bumalik na ulit sa seryoso ang usapan.

 

"Kapag may nakita kayong drug pusher sa club, hulihin nyo sila na walang nakakakita pagkatapos ay ipadakip nyo lang 'yan sa mga pulis. Alam nyo na ang gagawin diyan. Any questions?" Wala nang tanong ang apat.

"Okay, dismiss. Aron, halika." Tumayo si Aron at sumunod.

Pagkarating ng master's bedroom, kinuha ni Sav ang uniform at ang bag na nasa kama, at ibinigay ito kay Aron.

"Mag-uuniform ka na ba bukas, Sav?" Umiling siya bilang sagot.

"Pagkarating na'tin bukas sa paaralan, saan tayo didiretso? Pupunta pa ba tayo ng Admin's Office?" tanong pa ni Aron.

"Oo. Wala ka bang natanggap na email?" tugon niya. 

 

Umiling si Aron. "Bakit? Ano bang sabi?"

"E-email ko sa'yo mamaya. Maraming inimail ang IT. Kailangan mo 'yon makita," tugon niya habang papalapit sila sa pinto. Tumango si Aron, at lumabas na.

 

 

Nang sya na lang mag-isa, nilingon nya ang mga maleta. Mag-aayos muna siya sa ngayon.

 

Ilang minutong pag-aayos, ilalabas na sana niya ang sapatos nang makita nya ang Glock 18 niyang baril. Ang baril na ito ang palaging dala nya araw-araw. Nilapag niya muna pansamantala ang baril sa mesa. 

 

Sunod na inilabas ay ang makeups. Dinala nya ang mga ito dahil kung sakaling may pupuntahan sya na  party o biglaang pormal na lakad. Isa-isa nyang inayos ang makeups sa iisang drawer ng mesa. Ang tatlong libro naman nya na tungkol sa Law, bussiness, at fighting techniques ay inilagay nya sa shelf. 

Nagustohan nya ang mesang ito dahil napakaraming mapaglagyan, malaki rin ang mismong mapaglapagan ng laptop. At kung sakaling bibili sya ng mga wig ay may shelves din syang mapaglalagyan.

Sa ikalawang drawer ng mesa ay dito naman nya inilagay ang tatlong klase ng relo. Sa parteng ito, dito na  lang nya din ilalagay ang anumang alahas o ang mga kagamitan na araw-araw nagagamit.

Dumaan ang isang oras na pag-aayos sa mga gamit ay naligo na si Savannah dahil sa sobrang lagkit na nararamdaman. Nang matapos maligo ay nagsuot lang sya ng simpleng itim na shorts at tshirt.

Sa ngayon, wala syang maisip gawin kaya maglilibot na lang sya sa buong bahay. Pagkababa ng hagdan ay unang nakita ng mata nya ang hapag-kainan. 

Ang entrance ng dining ay walang anumang pinto pero may glass sa magkabilang gilid na pavertical sa ceiling. Sa likod ng glass na ito ay mayroong dalawang malalaking vase na may tig-iisang halaman. 

Kung sya'y nakatayo sa entrance, ang mesa ay naka-horizontal. Kasya ang labing-dalawa na tao sa hapag. Ang kusina ay konektado lang din sa kusina, tanging dalawang step lang ng hagdanan at maliit na boarder.

Uminom muna sya ng malamig na tubig bago lumabas. Sa patuloy na paglilibot-libot kahit saan , alam na nya ang bawat sulok ng bahay. Ang baba ng boy's room ay kusina at dining. Ang baba naman sa kwarto ni Vera ay may laundry room at maliit na bodega.

Sa baba naman ng opisina ay nandito ang training room. May dalawang backdoor din ang bahay, nasa kusina at nasa likod na parte. Ang sala naman ay napakalawak dahil wala itong kahati, at distansya kaunti sa main door.

Malaki talaga ang buong bahay at moderno. Tanging kanilang mga silid lang ang simple dahil alam na ni Sir ang kanilang hilig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status