Share

COLD SHOT OF BULLET
COLD SHOT OF BULLET
Author: FAYEMEB

CHAPTER 01

"Damn you, f*cker."

Sa isang napakadilim na eskinita, abot impyernong napasigaw ang lalaki nang dahan-dahang bumabaon ang kutsilyo sa sariling leeg. Mabilis tinakpan ni Savannah ang bibig nito para patahimikin.

"AAAAAAAAAAHHH---" Ilang minuto bago ang huling hininga , walang humpas na d*******g ang lalaki. Wala nang mas sasakit pa na pinuputol ng babaeng ito ang kanyang ugat; walang bahid ng awa, hindi ito mahihilayo sa isang demonyo.

Gumuhit ang ngisi sa labi ni Savannah; makikitang nagdudusa ang lalaki ay tila nakakakita sya ng isang palabas na mas maganda pa sa theatro. Amoy ng dugo na tila'y pabango, d***g ng lalaki na tila isang musika sa pandinig, ang mga mata nitong nagmamakaawa na tila isang magandang guhit.

"Be a good girl, honey"

Agad syang napalayo nang may bumulong sa kanyang isipan. Sa isang iglap, sya'y napabalik sa sarili. 

Nang lumandas muli sa lalaki ang kanyang paningin, ngayo'y nakaupo na ito sa sariling mga paa habang nakasandal sa pader, hawak ang kutsilyo na nasa leeg habang hinahabol ang sariling hininga. Napakuyom sya ng sariling mga palad, buti na lang may bumulong sa kanyang isipan kundi mapupugot nya talaga ang ulo ng lalaking ito sa sobrang pagkawala sa sarili.

Ngayo'y nagdadaosdosan ang dugo nito ay walang kahit niisang kukuting ng konsensya ang kanyang nararamdaman.  Natatawa lang sya sa katapangan nitong tutokan sya ng kutsilyo sa tagiliran tapos ngayon ay ito pa ang dahan-dahang napupugotan ng sariling hininga.

Sumuka ng dugo ang lalaki bago tuloyang humiga.

"I guess I failed again," dismayadong bulong nya sa sarili. Medyo nakokonsensya sya kaunti sa parteng hindi na naman ginawa ang tama bilang secret agent. Pwede lang naman sana na patakasin na lang ang lalaki pero heto na naman, may buhay na naman syang nakitil.

"Sorry bro-- aaahh--" Sya'y napahawak sa sariling sikmura nang makaramdam ng kirot. Pagbaba ng tingin ay kita nyang umaagos din pala ang kanyang sariling dugo dahil sa pagkakasaksak ng lalaking ito. 

"Ang liit lang pala," sarkasmo nya sa sarili. Napahugot sya ng malalim na hininga. 

Nang sinimulang ilakad ang mga paa ay napaalalay pa sya sa pader sa kawalan ng balanse, napapikit na lamang sya nang mariin para pigilang d*****g.

Humugot sya muli ng lakas, at sinikap na makalakad ng maayos. Kailangan niyang makabalik ngayon din, wala nang oras para isipin pa ang kirot at sakit. Hangga't kaya niyang indahin ay babalewalain nya na lang muna. Nasa madilim na eskinita sya ngayon. Naglilibot lang sya dito kanina nang bigla syang tinutokan ng lalaking iyon sa tagiliran. 

Wala naman talaga syang planong pumatol pero talagang pinasarap ng lalaking iyon ang kanyang pasensya.

Nang makarating si Savannah sa sidewalk ay luminga siya sa paligid. Wala nang mga tao pero may iilan pang mga sasakyan ang dumadaan. 

Palakas na palakas ang agos ng dugo kaya itinigil nya muna ang pag-aabang ng taxi at naisipang magtago muna sa madilim na parte. Paika-ika ang bawat hakbang pero minabuti nyang makaabot sa madilim na parte sa kabila ng hilo at panghihina. 

Ramdam nya ang malalamig na pawis sa buong katawan, kahit ang sariling mga kamay ay nanginginig na rin, nanunuyot ang mga labi at lalamunan; ang mga takulap ng mga mata'y bumibigat na rin. 

Dahan-dahang syang napaluhod sa sariling mga tuhod; malakas na pinunit ang sleeve ng suot na long sleeves at kinuyom, 'tsaka ginawang pantakip sa sugat. Sa muli ay humugot sya ng malalalim na hininga. Kahit inaatake na sya ng antok ay sinisikap nyang labanan. 

Ilang saglit ay bigla siyang napaalerto nang may marinig na mga sipol, dalawang taong naglalakad habang kalmadong nagsisipol. Dali-dali syang lumapit sa malaking basurahan at nagtago. Naka-all black naman sya at naka-mask pero kailangan niya pa ring magtago.

Makaraan ang ilang minutong paghihintay ni Savannah ay may nakita na syang taxi kaya pinara nya ito.

Pagsakay ay tiningnan sya ng driver na parang kinikilatis na may halong pagtataka. Nang may napansin na ang drayber sa kaniya ay nanlaki ang mga mata nito sa lubos na pagkagulat. 

"Are you okay? D-do you want me to take you to the hospital?" pagpapanic ng amerikanong driver.

Ramdam niya nang parang nagsisimula na itong matakot sa kanya, hindi lang dahil sa sugat kundi parang naiisip na nito na baka may dala syang baril o kutsilyo.

"No. Drive me to the Beautiful Rise Tower Four."

"A-are you sure? It seems you are in pain now." 

"Just take me there! I don't need a f*cking hospital! Just drive! Geez!" Napaitlag ang drayber sa takot. Kalaunan ay humarap na lang sa manibela para magmaneho na.

Mainit na ang ulo ni Sav para tumanggap pa ng simpatya; hindi yan ang kailangan niya ngayon at ayaw na ayaw nya rin ng simpatya dahil hindi naman sya kaawang-awang tao.

* * * *

Pagkarating ni Savannah sa harap ng condo unit ay mabilis nyang niswipe ang card, at pumasok. Dali-dali syang pumunta ng banyo, at pagkapasok, hinagis niya agad sa lababo ang nakakuyom na tela na ginamit pantakip. Hinubad ang suot na mask at hinubad rin ang suot na pang-itaas.

Sinimulan nang hugasan ang mga kamay. Mabilis nyang kinuha ang first-aid kit na nasa bandang taas ng lababo pero pagtingin sa laman ay alcohol, at bandage lang ang alam niya sa lahat na nandito.

Napatiim-bagang siya sabay mura, "F*ck!"

Sobra na syang nakakaramdam ng panhihina, wala na syang oras para basahin pa isa-isa ang mga gamot. Kung sa loob ng ilang minuto ay hindi pa rin nya nagagamot ang sarili ay mahihimatay na talaga sya nito.

Binasa nya ang ibang bote pero tinatamad na syang alamin kung para saan ang mga ito. Ayaw nya rin basta-basta gumamit ng kung ano-ano dahil baka magka-infection lang ang sugat niya imbes na gagaling.

"Ugh no choice ka na Savannah. Alcohol lang ang meron." 

Tinabi nya sa gilid ang kit sabay bilis kuha ng towel. Ipinasok ang towel sa bibig. Alam nyang magiging sobrang masakit ito pero wala nang oras para magdalawang isip. Humugot na lamang sya malalim na hininga nang paulit-ulit. Nang handa na ang sarili ay nagbilang sya ng tatlo 'tsaka ibinuhos ang alcohol. 

"AAAAAAAAAAAA!" 

Tila abot impyerno ang sakit, sobrang hapdi na parang pupugotan na sya ng hininga, kaya't mahigpit na lamang syang napahawak sa lababo sabay bitaw sa alcohol.

"Ah f*ck! Aurgh WTF, sh*t!" Taas-baba ang dibdib, nanlalambot ang mga tuhod na parang gusto nang bumagsak. 

Inalis nya ang towel sa bibig, at humawak ulit sa lababo. "F**k."

Mas gugustohin pa nyang masuntok sa mukha kesa gawin ito ulit; sobrang napakahapdi na tila sa susunod na araw ay nasa loob na sya ng kabaong.

Hinabol nya muna ang hininga nang ilang minuto bago naisipan na pulotin ang alcohol sa sahig. Nanginginig niyang sinirado ang alcohol. Napapalunok siya ng sunod-sunod, namamawis na parang bagong ligo. 

Kinuha nya ang dressing bandage sa kit; nanginginig ang sariling kamay na idinikit ang bandage sa sugat. Nang maidikit ay napatigil na ang dugo sa pagtulo kaya  hindi na makayanan ay dahan-dahan syang napaupo sa kinatatyuan. Nakahinga sya ng maluwas na sa wakas naibsan kaunti ang hapdi dahil sa tulong ng bandage.

Ilang minuto, maingat syang tumayo muli. Nanginginig niyang hinugasan ang mga kamay, pagkatapos ay binalik na ang kit sa lalagyan nito, at naghilamos na.

Matapos magpunas ng mukha ay kanyang binasa ang kaparehong towel para punasan ang ibang parte ng katawan na may dugo.

Makaraan ang mga minuto, nakabihis na ng bagong damit si Savannah, at nakahanda na rin ang  dalawang maleta at malaking handbag. Nakaponytail na rin ang sariling buhok.

Late na sya ng dalawang oras sa flight nya pero hinayaan na lang nya iyon dahil wala na syang magagawa.

"Yes, hello Sav," sagot ng lalaki sa kabilang linya nang makasagot ito sa kanyang tawag.

"Nick, I need a private plane," kanyang utos habang nililinis ang mga kalat ng unit; gusto nyang walang matirang bakas.

"Are you still in the Los Angeles?"

"Yup. At papunta pa lang ako ng airport," sagot niya dito.

"May masasakyan ka pa ba diyan eh anong oras na. Alas-dose na oh."  

"Magagawan ko 'yan ng paraan, Nick," paninigurado niya.

"Okay. Sabihan mo ko kung nasa Monterey ka na at 'tsaka nako magpapahanda ng private plane," saad nito.

"Copy. Thanks Nick." Pinasok niya ang pitaka sa pantalon. 

"No probs. Mag-ingat ka," paalam ni Nick 'tsaka binaba ang tawag. Kahit kailan ay maaasahan talaga ito sa lahat ng utos. 

Nagpatuloy si Savannah sa paglilinis. 'Yong towel na may dugo kanina ay nilagay nya sa plastik, at mamaya ay itatapon nya ito sa basurahan sa labas ng building, gano'n din sa damit nyang may dugo. Hindi maaari na itapon niya lang sa basurahan sa banyo dahil isang malaking kapalpakan lang iyon. 

Ngayon ay nasa US sya, nasa Los Angeles dahil may munting inasikaso lang. Kahapon nakapagpaalam na sya sa Mommy nya na pupunta siya ng Pilipinas.

Tanging si Nick lang ang may alam na nasa Los Angeles pa sya ngayon dahil ito naman ang naghatid sa kanya dito. Ang bahay nila ay nasa Monterey, California USA.

Mula Monterey to San Francisco International Airport (SFO) ay 1hr and 50 mins ang byahe. Kapag galing Los Angeles to San Francisco naman ay 6 hours. Ang flight naman from California to Manila ay 14 hrs and 40 minutes.

FAYEMEB

I regret to inform you that I will be removing this story from GN for personal reasons. However, I have some good news for you! The story is already available with 99 chapters on Dreame and Yugto apps. You can continue reading it there. Thank you for your understanding and continued support! Lovelots!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status