Share

CHAPTER 05

Hinimas-himas ni Emerson ang sariling panga.  Pakiramdam niya gumalaw ang ngipin niya sa loob sa napakalakas ng suntok. 

"That crazy woman," kanyang bulong.  Napalingon naman si Jax, at Chase sa kaniya.

"Ayos ka lang, Pre? Parang malakas ang pagkakasuntok sa'yo ah, agad ka kasing sumalpok sa lupa," wika ni Jax. Pinukolan nya ito ng nakakamatay na tingin dahil as if may pake pero may halo namang pang-aasar ang pananalita. 

"You know what, she's cool," manghang usal ni Chase sabay tingin sa direksyon ng babae.

Mahina namang sinuntok ni Jax ang dibdib ni Chase. "Ano ka ba, Pre. Nasuntok 'tong tropa natin pero pinupuri mo pa rin ang babaeng 'yon."

Napabusangot ng mukha si Chase sabay haplos sa sariling dibdib.

Lumingon naman silang tatlo kina Cendrick. Kahit wala silang sinasabi,  kahit tinititigan lang nila sina Cendrick ay umalis ang mga ito nang kusa sa kanilang harapan .

Nang makaalis sina Cendrick ay hinimas ulit ni Emerson ang sariling panga at minasahe. Nabigla naman siya nang biglang tapikin ni Jax ang kaniyang likod ng dalawang beses.

"For the first time bro, may isang babaeng sinuntok ka," nang-aasar na tono ni Jax habang tuwang -tuwa ang mukha. 

"Yeah, she's cool, right? Hindi talaga ako mapaniwala sa ginawa nya, " wika naman ni Chase. Sinamaan ni Emerson ng tingin ang dalawang kaibigan , hindi nya na nga mawari kung kaibigan paba ang dalawang 'to.

"Ako rin, Chase" sang-ayon na rin ni Jax, "Sorry Pre hah pero that woman? Ganong tipo ng babae ang gusto ko. " 

Mas lalong kumulo ang dugo niya sa pinagsasabi ng dalawa. Sya na nga ang napahiya tapos nagawa pa ng dalawang 'to na magkagusto sa babaeng iyon.

"Same, Pre," singit ni Chase.

"She's badass. She's tall, halos kaheight na nga nya tayo eh, 'di ba Pre?" dagdag ni Jax, at tumango naman si Chase bilang sagot.

"And last she's so pretty. Can't you see? I like her. I really really like her," dagdag ni Jax.

"I like her too," singit ni Chase na pinapakitang sang-ayon sya sa lahat ng sinabi ni Jax.

"How she acts, how she talks, how she stares to us? Hindi sya inosente, Pre, at ang lakas pa ng dating nya. Woah bro~ ugh..." wika pa ni Jax, at nag-fistbump sina ni Chase.

Napailing na lang si Emerson sa sinabi ng mga 'to. Naglakad sya palayo nang mag-isa, magkukunwari na lang sya na walang narinig kundi sasabog talaga sya sa galit ngayon din.

"Hoy Pre, sandali!" sigaw ni Jax. Hinabol sya ng dalawa. Malapit pa siya madapa nang malakas syang inakbayan ng dalawang 'to.

"Chill bro. Huwag mo na 'yon pansinin. Babae lang naman 'yon," wika ni Chase. Mas lalo lang naiirita si Emerson sa mga naririnig. Isa na lang talaga ay pagsasabungin nya na ang ulo ng dalawang 'to.

"Ako na nga ang nasuntok, pinupuri pa ng mga gagong 'to ang babaeng 'yon tang*na," isip ni Emerson.

Sa kabilang banda, nasa likod ng paaralan ngayon sina Savannah, at Aron. Hindi pa rin humihinahon si Sav, at  mas pinagsusuntok pa ang puno para ilabas ang galit.

"URGH!" Halos lalabas na ang ugat ni Sav sa galit. Sinuntok ulit nito ang puno na may buong pwersa.

"Sav, tama na 'yan!"Kanina nya pa inaawat si Sav pero hindi pa rin ito tumitigil.

Naiintindihan nya kung bakit ayaw nitong makinig agad. Alam nya ang disorder ni Savannah na may kinalaman sa paglabas ng emosyon. Kapag si Savannah ay natrigger ay mahirap na ito pigilan. Kaya silang apat nina Shane ay nag-iingat talaga sa sinasabi para hindi magalit si Sav na hanggang tatlong araw bago mawala.

Nagsisimula nang dumugo ang kamao ng dalaga kaya hindi na nya ito babalewalain. Lumapit sya rito at hinawakan ang kamay. Pagharap ni Sav sa kanya ay agad itong kumawala ng suntok gamit ang isa pang kamay pero mas mabilis sya. Nakailag sya , at mabilis na nahuli ang kamay nitong ginamit pang-atake.

"Sav, ano ba?!" Hindi na nakapagpigil ay sinuntok nya si Savannah sa mukha. Napahiga na lamang ang dalaga sa bermuda dulot ng hilo. 

Napabuntong hininga siya. "Nasuntok ko na naman sya. Pano naman kasi eh, 'tsaka lang babalik sa sarili kapag sinasaktan na pabalik," inis nyang isip.

Dahan-dahang bumangon si Savannah at umupo. Luminga naman si Aron sa paligid para siguradohing wala bang nakakakita sa kanila. Mabuti't walang nakakitang ibang tao.

"Ngayon, ayos ka na ba?" tanong niya kay Sav. Tumango ito sa kanya.

Napabuga sya ng mabigat na hininga. Ayaw nya na nagkakaganito si Savannah; alam nyang kaya ni Sav ang sarili pero makitang nagseself-harm ito ay hindi na mabuti.

Tumabi sya sa dalaga at sumadal sa puno. Ngayon, nakatulala lang na nakaupo si Savannah na parang wala sa sarili. May maliit na pasa na rin ang gilid ng labi. 

Lumuwa ng sariling laway ang dalaga sa gilid. Makita ang laway nito na pulang-pula ay napaiwas sya ng tingin. Sanay na sya sa ganitong sitwasyon, hindi rin naman nagagalit si Savannah kung dudugo ang ngipin nito.

"Kontrolin mo 'yang emosyon mo, Sav, hangga't makakaya mo. Baka diyan sa pinaggagawa mo, ilang araw lang tayo dito, at paalisin na tayo," seryosong payo nya dito.

Lumipas ang ilang minutong pamamahinga, tumayo si Savannah kaya tumayo na rin si Aron mula sa pagkakaupo.

"San tayo pupunta ngayon? Sa Admin's Office ba?" tanong ni Aron habang naglalakad. Tumango si Sav.

"Paano 'yang kamay mo? Dumudugo oh. Punta muna tayo ng clinic para malagyan yan ng bandage," presenta ni Aron.

Tiningnan ni Sav ang likod ng sariling kamay. "Pasa lang 'to," kalmadong tugon niya.

"Pero ang panget pa rin tingnan, Sav. Mas maganda kung mabandage 'yan."

Nang makarating sila ng clinic ay nilinis ng nurse ang sugat sa kamay ni Sav 'tsaka binalot ng bandage. Nilagyan din ng ointment ang pasa sa kanyang labi. Nang matapos ay naglakad na sila papuntang Admin's Office.

"Anong nangyari diyan sa mukha mo, Iha?" pag-aalala ni Mrs. Dean nang makarating sila sa Dean's office.

Kitang-kita ng Dean ang pasa sa cheekbone at labi ng dalaga at may bandage pa na nakabalot sa kamay nito.

"Don't mind it. Nandito kami para malaman kung saang building, classroom, at section kami," walang ganang tugon ni Savannah.

"Uh wait" —binuklat ni Mrs. Dean ang isang folder —"Skyler Mendez, and Calvin Anteza?" Tumango silang dalawa ni Aron.

Sinabi ng Dean ang building, at room number nila. Si Savannah ay sa Bussiness Administration building habang si Aron ay sa Computer Science. Binigyan din sila ng mapa ni Mrs. Dean para may gabay sila.

"About sa uniforms. Strict ba ang uniforms dito?" tanong ni Savannah.

"Yes pero may mga estudyante na matitigas ang ulo kaya hinahayaan na lang. Pero dahil hinahayaan lang ay gumaya na rin 'yong iba. Ayos lang kung hindi kayo mag-uuniform pero 'pag sinabi ng professor nyo na may important guests na dadating, at required talaga mag-uniform that day, mag-uniform talaga kayo," mahabang sagot ng Dean. Tumango silang Sav.

"May isa pa pala akong concern," pahabol ng dalaga.

Umupo si Mrs. Dean sa swivel chair. "Yes, ano 'yon?" 

"Yong anim kanina. 300 push-ups lang ang napagawa ko sa kanila. Dalhin mo na lang ang mga 'yon sa detention, at ikulong mo ng dalawang araw," walang ganang wika ni Sav.

"No," angal nito agad. Dumilim ang ekspresyon ni Savannah sa sinabi ng Dean.

"Ganito na lang. Maglilinis na lang sila sa Bussiness Ad building, at para na rin sa gano'n ay mamonitor mo sila. Kahit kasi ipadetention sila, Iha, hindi pa rin sila nagtitino." 

"Nandito ako para sa mahalaga at importanteng gawain, Mrs. Dean. Hindi ako pumunta rito para maging punisher ng mga estudyante mo. May guidance councilor naman dito 'di ba? 'Yon ang utosan mong magparusa sa anim na 'yon," halong lamig at inis na tugon ni Savannah.

"Sav, tama na 'yan," maowtoridad na awat ni Aron dahil hindi nya nagustuhan ang pananalita ni Savannah lalo pa't Dean ang kausap nito. Pero umirap lang si Sav sa kaniya, at lumabas na ng opisina. 

Napabuntong hininga na lang siya, at konsensyang tumingin sa Dean.

"I'm sorry about that, Ma'am. Nagalit lang talaga 'yon kanina, at hanggang ngayon ay galit pa rin. Sana maintindihan nyo po," paumanhin niya.

Maliit na ngumiti ang Dean. "It's okay, I understand. Can I ask who you are to her? Kaibigan ka ba nya?"

Nag-isip naman si Aron kung ano ang isasagot .

Ngumisi na lang si Mrs. Dean. "Hindi mo na kailangang sagotin dahil alam ko na ang sagot. Kilala ko na ang batang 'yon, kaya naiintindihan ko kung bakit gano'n yun makipag-usap kahit sa matatanda."

Gumusot ang noo ni Aron sa pagtataka. "Po?"

Ngumiti lang ng maliit ang Dean. "Ako pa sa'yo habolin mo na sya, at pumunta ka na rin sa klase mo," tugon lang nito sa kanya.

Kahit marami syang katanungan sa isipan ay nagpaalam na lang sya, at umalis na.

Nang makalabas ng Admin's Office ay hinanap nya si Sav kahit saan, pero hindi na ito makita. Tiningnan nya ang relo, Alas-otso pa ng umaga. Nagdadalawang isip sya kung papasok na ba sya sa klase, o pagkatapos na ng recess.

Sa kabilang banda, pagpasok ni Savannah ng classroom nya ay napatingin sa kanya ang lahat na nandito. Kahit ang professor ay napatigil sa pagsasalita at nilingon sya. 

Hindi nya binigyang pansin ang mga matang nakaitingin, at iginala na ang paningin para humanap ng mauupuan, pero tumigil ang mga mata nya sa pagmumukha ng tatlong lalaki kanina. Nanliit na lamang ang mga mata niyang tinitigan ang tatlo. 

"So kaklase ko pala itong tatlong kupal sa subject na ito.." isip niya. 

"Miss, ikaw ba ang bagong transferee dito?"

Naputol ang tingin nya sa tatlo para sagutin ang guro. Tumango sya sa professor bilang tugon.

"Okay Class, we have transferee here. Miss, can you introduce yourself?"

"Skyler Mendez," tanging wika lang nya, at naglakad na palapit sa bakanteng upuan na nasa bandang likuran.

"Huh?" pagtataka ng iilang estudyante. Akala nila mataas ang sasabihin ng babae, ang iba naman ay 'tsaka lang tumigil sa ginagawa nang matapos na magsalita ang babae kaya hindi nila naintindihan ang sinabi nito.

"Okay. Skyler Mendez, welcome to the class. Now, let's proceed to our lesson," wika ng prof. 

Nakahinga ng maluwag si Sav dahil hindi na nag-abala ang professor na pagsalitain sya ulit. Pero bumabalik ang kulo ng dugo nya dahil sa mukha ng tatlong lalaki, si Chase, Jax, at Emerson. Simula sa araw na ito ay wala na talagang araw na hindi kukulo ang dugo nya.

Dumaan ang isang oras, tumunog ang bell. Tiningnan ni Savannah ang relo nya pero 9:30am pa. Hindi nya gawain ang mag-recess kaya naisipan niyang pupunta na lang sa soccer field.

Nang makarating ay umupo sya sa bench, pinagkrus ang mga braso, at ipinikit ang mga mata. Hindi naman mainit sa pwesto nya dahil sa likuran nya ay may malaking puno. 

Ang buong field ay napapaligiran ng malalaking puno. Sa bandang kanan naman nito ay may bleachers. May mga sementong upuan din sa paligid ng field. Ang field ay hiwalay sa running track.

Ang court naman ng ibang sports ay nasa gym lahat. Ang gym ng paaralan ay sobrang laki dahil nandoon na ang court ng basketball, volleyball, badminton, swimming. Kahit training room ng archery, at taekwondo ay nando'n na rin. Nalaman nya ang lahat ng 'to kay Aron, pero kung magkakaroon sya ng bakanteng oras ay lilibotin nya talaga ang buong paaralan.

Ilang minutong pamamahinga ay nakarinig si Savannah ng pamilyar na boses.

"Sobrang miss ko na bestfriend ko." Napadilat sya ng mga mata sa pamilyar na boses na narinig. Tumingin sya sa likuran, at nang magtama ang mga mata nila ng babae ay agad itong sumigaw.

Mabilis syang tumayo para pigilan ang bibig ng babae. "SAVAN--"

Sumenyas sya ng 'Shh'. Tumango si Lianna kaya't dahan-dahan nyang inilayo ang sariling kamay sa bibig nito.

"Oy kailan ka pa dumating?! OMG dito ka na magsch-school?!" nasasabik nitong usal sabay yakap sa kanya. Habang nakayakap ay tumatalon pa nga at sumisigaw sa tuwa.

Sa sobrang saya ni Lianna ay nadala na rin sya kaunti, at napangiti. Niyakap nya pabalik ang kaibigan.

"Lianna, huminahon ka nga."

Kumalas si Lianna sa yakap, kita niyang hanggang tenga pa rin ang ngiti nito. Sya at si Lianna ay kabaligtaran; kung sya ay malamig, minsan nadadala sya sa pagiging masayahin ni Lianna. 

"Ay sorry. Super happy lang ako dahil palagi na tayo magkakasama ngayon! Yeyyyy!!" Niyakap siya ulit ni Lianna sa sobrang tuwa.

Aaminin nyang lumalambot ang puso nya ngayon dahil may taong sobrang nakaka-appreciate sa kanyang pagbabalik. Tagadibdib lang ang height ni Lianna kaya hinaplos-haplos nya ang ulo nito.

"Oh okay. Teka upo muna tayo," awat ni Sav kaya kumalas muna sa yakap si Lianna. 

Umupo sila sa bench. "Skyler ang pangalan ko, at nandito lang ako Lianna para sa misyon. Nagpapanggap lang ako bilang estudyante dito," mahinang wika ni Sav.

"Gano'n ba.. Bakit? Anong misyon nyo ngayon?"

"Hanapin ang anak ng kalaban namin." Parang nagbubulongan lang sila sa hina ng kanilang mga boses .

Sinasabi nya ito kay Lianna dahil buong buhay nya, si Lianna lang ang kaibigan nya na hindi agent pero sobra nyang pinagkakatiwalaan. 

Lianna Herrera ay childhood friend nya. Alam nito ang karamihan sa kanyang mga sikreto at sa kabutihang palad ay kailanman hindi sya binigo nito. Marami pang alam si Lianna kesa sa kanyang sariling ina.

Alam ni Lianna na isa syang secret agent, ang tungkol sa kanyang daddy, atbp. Wala rin itong pinagsasabihan na kahit na sino patungkol sa kanyang mga ginagawa, kahit mommy pa nya yan ay walang kaalam-alam.

"Gano'n ba.. Sino naman kalaban nyo ngayon?" 

"Hindi mo na kailangang malaman. Basta kapag makakita ka ng tattoo na letter P sa batok nila , lumayo ka na dahil mapanganib sila," tugon nya dito.

"Okay," mahinang bigkas nito. 

"Kung may magyaya sayo na mag-Bar , huwag kang papayag dahil baka lagyan nila ng druga ang inumin mo."

Hindi umimik si Lianna kaya nilingon niya ito. Kita sa mukha ni Lianna ang pagkalito at pagtataka.

Tumingin ulit sya sa harapan. "Huwag kanang malito, Lianna. Sundin mo na lang ang sinasabi ko. Kapag may mangyari, tawagan mo ko."

"Okay," sagot nito. Tiningnan ni Savannah ang sariling relo, malapit na pala matapos ang recess time.

"I'm sorry Lianna, malapit na ang next subject. Sa ibang oras na lang tayo magkwentuhan," paalam nya sabay tayo.

"Huh? Wait! Sandali!"   Tumigil si Sav at hinarap ang kaibigan.

"Alam mo ba kung saan ang building mo? Ang classroom mo?" 

"Oo. Huwag kang mag-alala, may mapa rin akong dala. Bye Lianna," maiksing tugon nya.

"Sav este Sky!" tawag nito ulit sa kanya kaya lumingon sya ulit dito. "Punta ka mamaya sa bahay, please. Kwentuhan tayo. Matagal rin tayo hindi nagkita eh."

"Tingnan ko lang, Lianna. Pupunta ako pag-free ako."  Ngumiti si Lianna at kumaway sa kanya. Tumugon sya sa kaway nito bago tuloyang maglakad papalayo.

Habang tinatahak ang daan paputang building, sya'y napaisip bigla. Sa isang iglap ay umiba sya ng direksyon. Hindi na lang muna sya pupunta ng klase para maglilibot muna; kailangan nyang kabisadohin ang buong paaralan dahil sobrang napakalaki nito.

___________

Matapos ang ilang oras na klase, Alas-dose na. Ngayon, papunta silang Emerson ng cafeteria kasama ang buong grupo nila.

"Damn bro, Skyler pala ang pangalan nya. Ang ganda ng pangalan pero ang lamig ng boses," daldal ni Chase.

"Agree. Ang ganda nya Pre!" dagdag ni Jax pero naging dismayo rin ang boses pagkatapos, "pero 'yon nga lang parang ang hirap tikman eh dahil sa boses pa lang natatakot ka na." 

Napailing na lamang ang ibang kaibigan kay Jax.

"Sa tuwing may bagong schoolmate talaga tayo, Pre, kapag maganda, titikman mo talaga agad 'no?" sarkasmo ng kaibigan nila na si Levi. 

"Syempre," confident na tugon ni Jax.

Sa kabilang banda, habang kumakain si Savannah ay bigla nyang naramdaman ang pag-vibrate ng sariling telepono sa loob ng bulsa. Nang mailabas ay kitang si Sir Mike ang tumatawag.

Tumayo sya sa kinauupuan, at mabilis nang tumakbo palabas ng cafeteria. Papalabas na sana sya ng entrance nang may nakabangga sya. Akmang magpapatuloy sya muli sa pagtakbo at babalewalain na lang ang taong nabangga pero hinarangan sya ng mga kasamahan nito.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" malamig na wika ng lalaki na nakabangga nya.

Matalim naman nyang nilingon ang lalaki.

"Wala akong oras sa'yo, at isa pa ikaw ang humarang sa dinadaan ko," malamig nyang tugon rito.

Umirap sya sabay talikod. Binangga pa nya ang balikat ng isang lalaki 'tsaka mabilis naglakad paalis.

"Sh*t. Wala naman akong kasalanan dito. Ba't dinamay nya pa ang balikat ko?" reklamo ni Marco na gangmate rin nina Jax.

"That's her, dudes. Sya 'yong Skyler na sinasabi namin ni Chase," pagmamalaki ni Jax.

"Talaga?" 'di-makapaniwalang tugon ng mga kaibigan nila. Mabilis tumango si Jax sa kanila.

"Sya 'yon, mga Pre. Nakita nyo ba ng mabuti ang mukha nya. Sh*t 'di ba ang ganda nya?" tili ni Jax, at sinampal-sampal pa ang balikat ni Grady, at Chase.

"Hindi namin nakita pero 'yong boses nya ang lamig. Gano'n na ba ang type mo ngayon Jax? She looks like an ordinary," komento ni Russ.

Bumusangot naman ang mukha ni Jax sa sinabi ni Russ. Kumuha muna sila ng pagkain sa counter, at pumunta sa mahabang mesa na maraming bakanteng upuan, ito ang pwesto nila palagi.

"She's not ordinary girl, Russ. Hindi nyo pa nga alam ang kotse nya. So don't call her an ordinary cu'z she's not ordinary," pagdepensa ni Jax.

"Bakit, ano ba ang kotse nya?" tanong ni Levi. 

Sasagot na sana si Jax pero biglang nagsalita si Emerson. "She's not ordinary becuase she's a crazy woman."

Napatingin silang magkakaibigan kay Emerson.

"Kung hindi mo pa rin itigil 'yang bunganga mo sa kakapuri sa babaeng 'yon Jax, magdasal ka na lang na papalagpasin ko 'to," dagdag ni Emerson. Napalunok si Jax ng laway, at kumain na lang.

Nagkatinginan naman si Chase at silang lahat magkakabarkada. Sa pamamagitan ng tingin ay nakuha ni Chase at Jax ang gustong itanong ng mga 'to. Hindi magawang makasagot sina Jax  at Chase dahil baka mas magalit lang si Emerson.

Sa kabilang banda, nang medyo distansya na si Savannah sa ibang tao ay 'tsaka pa nya sinagot ang tawag. "Yes Sir?"

"Where's your manners?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ng kabilang linya.

"Alam mo ba kung ano ang binalita ng Dean d'yan sa 'kin?! Where's  your manners, Savannah Samson?" maowtoridad na wika ni Sir.

Bumuntong hininga sya, at napahilot ng sentido.

"Kilala mo kung sino ang kausap mo, Savannah, but still, hindi ka nagbigay ng respeto!" 

"I'm sorry Sir--"

"I don't care about your excuses, Savannah. Kontrolin mo 'yang emosyon mo, at piliin ang mga taong pagbuntongan mo ng arogante mong ugali. 'Wag na 'wag kang magkakamali sa pagpili dahil kung may mababalitaan na naman ako katulad nito, asahan mong hindi ko 'to papalagpasin," maowtoridad na usal nito.

Bumuntong hininga sya.

"Okay Sir--" tugon nya pero biglang napatay ang tawag. Napabuntong hininga sya muli habang nakakagat sa sariling pisngi. Nahiya sya sa sarili nya.

Tumingin sya sa taas, gusto pa nya bumalik sa cafeteria pero nawalan na sya ng gana.

"At piliin mo ang mga taong pagbuntongan mo ng arogante mong ugali."

"Oo na. Ako na ang arogante. Ako na ang mayabang. Pilit ko naman kontrolin ang emosyon ko pero kapag lagpas na talaga sa limits ko, hindi ko na makayang hindi magliyab.

"All the time, 'yan naman ang sinasabi ni Sir 'pag nalalaman nyang nakipagsagutan ako sa mga matataas sa 'kin. Nakakainis!" paglalabas nya ng galit sa loob ng isipan.

Ilang minutong palakad-lakad, nakarating si Savannah sa likod ng paaralan. Ang likod ng paaralan ay maganda. Malaki ang ispasyo, may iilang puno, at bermuda pa ang lupa. Ngayon ay nakahiga sya sa sanga ng malaking puno. Siya lang mag-isa dito, marahil, sobrang tirik naman ng araw. 

Komportable sya sa pwesto nya ngayon dahil hindi sya nasisinagan ng araw dahil sa mga naglalakihang dahon. Sobrang mahangin din. Sa sobrang sarap ng hangin ay para syang hinihili nito. Sa sobra ding tahimik ng paligid ay narerelax ang kanyang isipan.

Unang araw ng trabaho, sobrang dami na nangyari. Kailangan nya munang mapag-isa para pakalmahin ang utak dahil baka pagkatapos nito ay may magpapakulo na naman ng dugo nya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status