Share

CHAPTER 02

Pagkalapag ni Savannah ng Pilipinas ay preskong hangin ang sumalubong sa kaniya pagkalabas ng eroplano. Dalawang buwan din bago sya nakabalik ng Pilipinas dahil binigyan niya ng oras ang kanyang ina na ngayo'y nasa amerika.

Habang naglalakad palabas ng airport, isa lang talaga ang masasabi niya sa kanyang pagbabalik; wala pa ring pinagbago, kahit saan man lumingon ay hindi nya ramdam ang kapayapaan.

 

Parang buong buhay nya na nga ito dadalhin; walang totoong kapayapaan, walang tigil ang utak sa pagiging alerto sa bawat oras dahil sa anumang panahon at kahit saan sa paligid ay nandyan at nandyan ang anumang uri ng panganib. 

 

Sanay na sya pero minsan ay nakakaramdam din sya ng pagod. 

Tuloy-tuloy lang ang lakad ni Savannah hanggang sa makalabas ng airport. Pagkalabas ng exit ay isang lalaki ang agad nakaagaw ng kanyang atensyon. Nakasandal ito sa harap ng kotse habang nagse-cellphone. 

 

Huminto sya sa kinatatayuan, hindi sya aalis dito hangga't hindi mag-aangat ng tingin ang binata. Ilang saglit pa bago luminga-linga ang lalaki sa paligid hanggang sa nakita sya nito. Mula sa pagkakasandal ay tumuwid ito ng tayo sabay ngiti. Sya naman ay itinaas ang isang sulok ng labi bilang tugon.

 

"Welcome to Vinson City," bati ni Shane na may halong biro, kasamahan niya sa grupo. Kahit kailan talaga ay puro na lang kabaliwan ang lalaking ito, parang may sira sa utak. 

 

 Nag-brohug sila ni Shane at malakas niyang tinapik ang likod nito bago kumalas. 

"Musta?" tanong ng binata. Makitang sobrang laki ng ngiti nito na abot tenga ay natatawa na lamang sya sa kinaloob-looban, pero labas ay tinugonan nya lang ng smirked .

 

Hinawakan ni Shane kanyang ulo sabay hila para sa yakap. Niyakap nya rin pabalik ang binata, at sa puntong ito ay nagyakapan na sila na tila nangungulila sa isa't-isa.

 

Ilang segundo lang ang yakapan, at kinuha na ni Shane ang mga maleta para ilagay sa sasakyan.

"Ayos ba ang bahay, Shane?" tanong niya habang naglalakad sila palapit sa itim na kotse.

"Well, ayos naman. Pagkarating namin kagabi, chineck namin ang buong bahay" — ipinasok ni Shane ang mga bagahe sa compartment — " kagaya ng sabi ni Sir, kompleto na lahat ng kakailanganin natin so wala na tayong dapat ipag-aalala pa." 

Binuksan ni Savannah ang shotgun seat, at sumakay na. Matapos masira ang trunk ng kotse ay sumakay na rin si Shane sa driver seat.

"Tungkol sa mga armas?"

 

"Nasa basement," maikling sagot ni Shane. Napatango siya.

Makalipas ang isang oras na byahe, nakarating na sila. Ang bahay ay nakadestino sa Villa, nasa eastern housing subdivision, VES-lot 46. Kaya mula Nepacin ay isang oras ang byahe nila bago makarating.

Nagbusina si Shane ng tatlong beses bago dahan-dahang bumukas ang gate nang mag-isa. Sa nakikita ni Sav, ang gate ay malaki at mataas, pati ang pader sa paligid ng bahay ay ang tataas din.

"Goods pala 'to, higit pa sa ini-expect ko," kanyang mahinang bulong pero narinig iyon ni Shane.

"Yup, matataas ang pader , 'di ba? Talagang mahihirapan ang mga kalaban na akyatin ang pader natin kung sakali. Tapos, distansya din ang bahay na 'to sa ibang bahay. Iba talaga magplano si Sir," wika ni Shane na may pagkamangha. Kamangha-mangha rin naman dahil labas pa lamang ng bahay ay iba na ang hatid nito.

Ang garahe ay nasa right side ng bahay. Nang nasa tapat na sila ng garahe ay bumukas ito kahit walang taong nagbubukas. Nang maipasok ni Shane ang kotse at maiparada ay lumabas na sila ng sasakyan. 

Tiningnan ni Savannah ang ibang apat na kotse na nakaparada rin sa loob ng garahe. Napatango-tango siya sa pagkamangha dahil nagkasya ang apat na sasakyan na may natitira pa ring space para makalabas.

 

"Talagang pinaghandaan ni Sir," bulong niya sa isip. Binaling niya ang tingin kay Shane,  ngayo'y nilalabas na nito ang mga maleta sa compartment.

 

"Nasa loob ba silang Vera?" tanong niya.

Sinirado muna ni Shane ang trunk bago sumagot, "Actually, naglilinis sila ngayon." 

"Nakabitan nyo na ba ng cctvs ang paligid?" dagdag na tanong niya habang naglalakad sila palabas ng garahe. 

"Iwan ko lang kina Xavier, baka," di-siguradong sagot nito sabay kibit-balikat.

Ilang saglit, nang makarating sila sa tapat ng front door ay may scanner sa gilid. Unang inilapat ni Shane ang sariling thumb sa scanner bago si Savannah, at ilang segundo lang ay nag-green na ang scanner, at bumukas na ang pinto.

Pagpasok ay automatic na sumirado ang pinto at na-double lock. Pagpasok din ay unang bumungad sa kanila ang sala.

"Savannah is in the house!" sigaw ng isa pang kasamahan nila sa team. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa floor polisher, hatalang nililinis ang puting sahig na tiles.

"Hindi kailangang sumigaw, Aron," malamig na awat ni Savannah. Ngumisi lang si Aron sabay bitaw sa floor polisher.

Habang papalapit si Aron kay Savannah ay tuloy-tuloy naman ang lakad ni Shane patungong hagdan para dalhin ang mga bagahe sa taas.

Nag-fistbump si Aron, at Savannah. "Kumusta ang byahe?" Hinalikan siya ni Aron sa gilid ng noo.

"Ayos naman," simpleng sagot niya.

 

"Oh nasaan ang pasalubong ko?" panunudyo nitong usal. 

Napairap sya kay Aron. "Nasa maleta, huwag kang mag-aalala." Tumawa naman ito. 

"Naksss bumait ka ngayon hah." Sinamaan nya ito ng tingin.

 "Nagkabit na ba kayo ng cctvs sa paligid?" balik seryoso nyang tanong sa binata.

Tumango si Aron. "Nagkabit kami maliban lang sa bedrooms, meeting room, at training room."

 

Napatango sya ,at ginulo ang buhok nito. "Good." 

Nilagpasan niya si Aron. Wala na syang alalahanin pa, talagang maasahan ang mga ito kahit hindi na pagsasabihan. Patungkol naman sa paghalik ni Aron sa kanyang noo ay sanay na sya. Mas matanda si Aron kaya't umaakto itong nakakakita ng nakakabatang kapatid, kahit si Shane ay hinahalikan din sya minsan sa ulo. Normal lang ito sa kanila kapag nasa labas ng trabaho.

 

Sinuklay ni Aron ang sariling buhok gamit ang kamay, at nagsalita, "Kung gusto mo makita silang Xavier, at Vera, nasa taas lang sila. Magpasama ka na lang kay Shane patungo 'don sa secret room." 

Hindi na nag-atubiling lumingon si Savannah sa likuran at tumango na agad. Tinahak ang daan patungong hagdanan. Ang hagdanan ay yari sa kahoy at napakakintab.

 

 Nang makaakyat ay napalingon sya sa kaliwa't-kanan ng hallway. Tama lang ang laki ng pasilyo at may flooring din na wood tiles, pagdating sa railings ay gawa ito sa glasses. Mula sa pangalawang palapag, pwede lang dungawin ang sala na nasa baba.

Sa tapat ng hagdan ay may isang pinto agad ang bubungad, kumunot ang noo nyang makitang nandirito lang sa labas ang mga bagahe. Sya'y napaisip na baka boy's room ito at nasa loob si Shane. 

"Shane?" tawag niya sa binata.

Napatingin siya muli sa kaliwa't kanan. Sa dulo ng right side ng hallway ay may master's bedroom, samantalang sa kaliwang bahagi ay may nakalagay na 'office'. Malapit naman sa hagdanan ay may dalawang silid. 

Biglang bumukas ang pintong nasa kanyang harapan kaya't napabaling sya ng tingin rito; lumabas si Shane.

"Diyan ang kwarto niyo?"

 

Tumango si Shane sabay sagot, "Oo."

Dulot ng kuryosidad , lumapit sya at pumasok. Pagkapasok, iginala nya ang paningin. Kusa namang napatango-tango ang sariling ulo dahil sa simplisidad ng silid; simple pero maganda at napakalinis.

May tatlong kama nakaharap sa direksyon ng pintuan. May dalawang bintana rin pero nakasirado dahil kasalukuyang nakabukas ang aircon. May sariling sofa rin ang silid, mesa, dalawang single couch, walk-in closet, at sariling banyo.  

 

Simple lang ang desinyo ng buong kwarto, may iisang painting na nakakabit sa pader para lang siguro hindi sobrang boring. Walang kahit anong appliances tulad ng TV o computer. 

"Yong kwarto sa kabila, 'yon ang kay Vera. Ang sa'yo naman ay 'don sa master's bedroom," wika ni Shane na nasa kanyang likuran. Tumango siya kay Shane. 

Hindi na rin sya nagtagal sa pagtitingin-tingin at lumabas na. Pagkasirado ni Shane sa pinto ay bahagyang nagsalubong kaunti ang kilay ni Sav.

"Lahat ng pinto ay may double locks; kapag isisirado ay automatic na mado-double lock ang pinto." Naaalala ni Sav ang sinabi ni Sir sa kanila.

Sinundan niya si Shane papuntang master's bedroom, dala pa rin nito ang kaniyang mga bagahe. Nang makalapit sila sa harap ng pintuan ay tumabi si Shane para bigyan sya ng daan. Kagaya ng main door, may scanner din sa gilid ng pinto. Ini-scan niya ang sariling fingerprint. Nang mag-green ang scanner ay ang pagbukas din ng pinto.

"Kung sino ang matutulog sa master's bedroom, siya lang ang makakabukas sa pintong iyon. Kung wala siya pero kailangan na kailangan niyong pumasok, ang sagot lang diyan ay computer," babala ni Sir Mike 'nong nagmeeting sila.

Pagpasok ni Savannah, iginala niya ang paningin sa buong silid. Napatango-tango siya; simple lang din ang silid. Medyo malaki nga lang pero sige na lang. Ayaw nya sanang sobrang laki na kwarto dahil nabobother sya sa malaking space pero wala syang magagawa; hindi na sya magrereklamo dahil baka may plano si Sir sa bahay na ito pagkatapos ng misyon.

Umupo sya sa kama. Kung ngayon ay nakaupo sya sa kama, ang sofa ay nasa left side ng pinto habang ang nasa kanang bahagi ay walk-in closet. Sa gilid ng kama ay may bedside table, at isang pinto na parang banyo.

 

Bukod sa sofa ay may Kawachi compact laptop desk din kung saan ay sa mesa na ito ay may apat na shelves storage at tatlong drawers, at may magandang kulay pa na beige. May aircon din ang silid, at pagdating sa kulay ng pader ay may kulay puti at may kulay blue na parte. 

Sa kanya namang likuran ay may pinto ng balkonahe, malapit lang din sa kama. Ang balkonahe na ito ay nakaharap sa gate.

Naglakad si Savannah papuntang walk-in closet. Pagkapasok ay napataas siya ng kilay. Sa liit ng mga damit na kanyang nadala,  mabuti't hindi rin sobrang laki ng closet.

Ilang minutong pagtitingin,   nagsalita si Savannah, "Tara, punta tayo sa meeting room. Kailangan nating magplano para bukas."

Iniwang nakabukas ang pinto ng master's bedroom, at tinahak na ang daan papuntang kabilang dulo ng pasilyo. Ang pintong may 'office' na nakalagay ay isang meeting room; bago pumasok ay nagsagawa muna sila ng fingerprint scan. 

Pagkabukas ng pinto, kita ni Sav na maraming furnitures sa silid na ito. May mahabang mesa, malaking bookshelf, iilang cabinets, may malaking glass screen pa kung saan magpre-present gamit ang projector. Wala ring bintana ang silid pero may aircon.

 

Nabaling ang tingin ni Savannah sa pader na kumalahati, parang lang itong sliding door kung bumukas; kapag nakasirado naman ay hindi halata na may pintuan. Pero hindi na sya magugulat pa dahil ganito rin ang secret room ni Sir Michael sa sariling opisina nito.

Habang naglalakad palapit sa pader ay una nyang nasisinagan sa loob ay si Vera. Nang makapasok silang dalawa ni Shane ay tumugma rin ang pagbukas ng puting ilaw sa buong silid. Nandito rin pala si Xavier, nakaupo sa katamtamang laki na swivel chair. 

"Musta ang byahe, Sav?" tanong ni Vera.

"Ayos naman," simpleng sagot niya. Wala rin naman syang maikwe-kwento dahil ayos lang naman talaga ang buong byahe.

Nakikita nya ngayon ang anim na monitors. Ang mesa ay nakapormang malaking semi-circle; ang sa baba nito ay ang napakaraming drawers. Sa bandang likuran ng monitors ay ang malaking glass screen, sa magkabilang gilid nito ay may dalawang maliliit na screens na nakapwesto. 

Sa ilalim ng mesa ay may blue lights na umiilaw, pati ang kisame ay may cove lights. Ang ilaw ng secret room ay may tatlong klase, yung puti lahat, blue na cove lights , at warm white na cove light.

"Parehas lang pala 'don sa site, mas maliit lang ang space dito," komento niya. Tumango naman silang Vera bilang sang-ayon.

"By the way, 'yong sinabi ni Sir na IT na mag-eemail sa inyo, nag-email na ba?" paalala niya, as usual, serious tone.

Tumango si Vera. "Yes Sav. Ang inimail ng IT ay marami. New cyber shortcuts, passwords, other hacking keywords, at marami pang iba. Sinend na rin kung pano buksan ang double locks ng bahay." Napatango siya kay Vera.

"Tungkol sa basement, gusto kong makita." 

Dahil sa hiling ni Savannah ay humarap si Xavier sa button control panel na nasa gilid ng computer at itinaas ang button ng basement. Nanlaki kaunti ang mata ni Sav sa pagkamangha. Hindi nya inasahang sa sahig ang magiging pinto ng basement; rectangle ang porma, at dahan-dahan itong bumubukas pataas.

Nang tuloyang bumukas ang basement ay bumaba siya gamit ang hagdan. Sobrang dilim pero buti na lang binuksan ni Shane ang switch para sa kaniya.

Pagbukas ng ilaw ay bumungad sa kanila ang maraming armas. May gun wall kung saan nakalagay ang iba't-ibang klase ng baril. May nakikita rin siyang daggers, mga bomba, knives, at iba pa.

May isang mesa rin kung saan ay dito i-aassemble ang baril. Sa sulok ay may mahaba na payat na closet, buod rito ay may isang malaking drawer din sa isang pang sulok.

 

"Kompleto na lahat, Sav. May devices na rin tayo nandiyan sa drawers," anunsyo ni Xavier. Tumango si Savannah at nilapitan ang closet.

Pagbukas sa closet ay bumungad sa kaniya ang gears, overall-black outfits, black bags, bulletproof vests, at marami pang iba. Sunod namang nilapitan ay ang drawers; ang nasa unang drawer ay iba't-ibang klase ng cctvs. Sa pangalawa ay tracking devices, tracers, atbp. Nandito na nga lahat kaya sunod nyang binalingan ng atensyon ay ang gun wall.

Kahit sniper ay nandirito na sa gun wall, iba't-ibang uri ng handgun, at iba pang armas. Talagang pinagkalooban sila ni Sir ng sapat na kagamitan. Ang unang nakaagaw ng kanyang atensyon ay ang isang dagger.

 

"Hindi namin akalain na may ganito pala si Sir. May secret room na nga, may basement pa. Tapos may training room pa tayo 'don sa baba," basag ni Shane sa katahimikan.

 

"Alam ko na kung pano mag-isip si Sir," isip ni Sav, "pero hindi ko na lang sasabihin dahil baka magiging unfair sa kanila kung sasabihin kong maraming beses nakong nakapasok sa bahay, at secret room ni Sir."

 

Tumingin siya muli sa gun wall, at binalik ang dagger. 

"Tara, akyat na tayo para mag-meeting," wika niya sa tatlo. Nagsiakyatan sila sa hagdan, siya ang huli kaya siya na ang nagpatay sa ilaw. Tiningnan niya ang sariling relo, malapit na pala tanghalian. 

 

Nang makalabas sila ay binaba na ni Vera ang button ng basement para maisirado ito. Si Shane naman ay pinindot ang open button na nasa gilid ng pinto ng secret room, kaya sabay na silang apat na lumabas.

 

"Tawagin nyo si Aron, papuntahin niyo dito," utos ni Sav. Lumabas naman agad ng silid si Shane para sundin ang utos.

FAYEMEB

I regret to inform you that I will be removing this story from GN for personal reasons. However, I have some good news for you! The story is already available with 99 chapters on Dreame and Yugto apps. You can continue reading it there. Thank you for your understanding and continued support! Lovelots!

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status