Share

CHAPTER 3

Penulis: Lizzy Writes
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-08 13:07:59

Hindi pumapalya sa pagdalaw si Nathan para siguraduhin ang kalagayan ko at sa bawat pagdalaw nya, sinisiguro nya palagi na may dala syang tubig at pagkain. Kapag dumarating sya na may dalang pagkain, yun lang yung parte ng araw na nakakaramdam ako na hindi ako nag-iisa. Hindi na sya nagtatanong sa akin ng sobra pero halata sa mga mata nya na may gusto pa syang itanong ngunit mas pinili na lang nyang manahimik.

Kanina lang pumasok sya na may dalang supot ng pandesal at isang cup ng mainit na kape.

“Breakfast,” sabi nya sabay abot.

“Salamat,” mahina kong sagot.

Napansin kong basa ang buhok nya, parang kakagaling lang sa labas. “Maulan ba?” tanong ko sa kanya.

Tumango sya at sinabing, “Oo. Malakas ang alon pero stable pa naman ang barko kaya don’t worry.”

Umupo sya sa tapat ko, sa lumang kahon na ginawa na nyang upuan nya tuwing pumupunta sya dito. Tahimik lang kami habang kumakain pero sa pagitan ng bawat higop ng kape, pakiramdam ko parang may bigat na hindi ko maipaliwanag. Parang nararamdaman ko na pareho kaming may dinadalang problema na hindi pwedeng sabihin.

“Hindi ka ba natatakot?” tanong ko bigla.

Napatingin sya sa akin. “Sa ano?”

“Sa… tinulungan mo ako. Paano kung mahuli ka? Paano kung malaman ng may-ari ng barko na nagpapasakay ka ng illegal passenger?”

Ngumiti sya at sabay sabi, “Sanay na ako sa risk. Besides, hindi ako natatakot sa mga bagay na alam kong tama.”

Tumahimik ako saglit. 

“Ang tapang mo,” sabi ko matapos ang ilang sandali.

“Hindi naman,” sagot nya. Maraming beses rin akong duwag pero ngayon hindi ko kayang hindi tumulong sayo.”

Hindi ko alam kung bakit pero may kung anong kirot sa dibdib ko. Matagal ko nang hindi naririnig ang mga ganitong salita, yung totoo at walang halong panlilinlang.

“Pwede ba kitang tanungin ng personal?” tanong nya pagkatapos ng ilang sandali.

Tumango ako. “Depende kung gaano ka personal.”

Ngumiti sya. “Saan ka patungo pagkatapos nito? May pupuntahan ka ba sa Dumaguete?”

“Wala. Makipagsapalaran lang ako.” Sagot ko saka ako tumahimik. Narealize ko na wala pala akong kakilala sa lugar na pupuntahan ko. 

“Wala ka bang balak bumalik sa Manila?”

Napangiti ako ng mapait. “Wala na akong babalikan doon.”

Tumango sya. Parang naintindihan nya ang ibig kong sabihin kahit hindi ko pa sinabi sa kanya lahat.

“Alam mo minsan kailangan din talagang tumakbo, pero sana pagdating ng panahon matutunan din nating huminto at harapin ang lahat kasi hindi ka pwedeng tumakbo habang-buhay.”

Tumingin ako sa kanya. “Ikaw ba, naranasan mo na rin bang tumakbo?”

Ngumiti sya ng malungkot. “Oo. Pero iba ang habol ko… sarili ko.”

Isang saglit na nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa at tanging mga tunog lang ng alon at kaluskos ng bakal ang naririnig. Tapos bigla syang nagsalita, halos pabulong. “Isha, hindi ko alam kung gaano kalalim ang tinatakasan mo ngayon pero gusto ko lang malaman mo na hangga’t kaya ko, tutulungan kitang maging safe sa pupuntahan mo.”

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Tahimik na tumulo ang aking mga luha. Tumayo sya, kinuha ang panyo sa bulsa at inabot sa akin. “Heto, bago ‘to.”

Napatawa ako kahit umiiyak. “Sino pa bang gumagamit ng panyo ngayon?”

“Old school ako,” sabi niya. Saka mas maganda ‘tong ibalik pag nagkita tayo ulit.”

“Paano kung hindi na tayo magkita?” tanong ko.

“Eh ‘di mas lalo mong ingatan ‘yan,” sagot nya.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ay umalis na si Nathan, at ako naman ay naiwang nakatingin sa maliit na bintanang bilog. Kahit hindi malinaw sa labas ay kitang-kita ko pa rin ang malalaking patak ng ulan. Bawat bagsak nito sa bakal ay tila parang musika na sinasabayan ng mga alon.

Hindi ko alam pero sa pagkakataong ito, ngayon ko lang napansin na unti-unting gumagaan ang bigat na dinadala ko. Siguro dahil alam kong kahit sandali lang, may taong hindi ako tinatrato bilang pambayad ng utang, kundi tinrato ako bilang ako… bilang tao.

Kinagabihan, may kakaiba akong narinig mula sa itaas na tila nagkakagulo… mga boses, sigawan, mga kumakalabog. Tumayo ako agad at tumingin sa maliit na bintana. May mga crew na nagmamadali, at may sumisigaw ng “May inspection! Coast Guard!”

Kinabahan ako. Inspection? Ibig sabihin, pwedeng buksan lahat ng kwarto including this one. Nang marinig kong may papalapit na mga yabag, bumibilis ang tibok ng puso ko. Biglang bumukas ang pinto at tumambad si Nathan.

“Isha, halika!” mabilis niyang sabi. “May inspection. Baka buksan nila ‘tong kwarto!”

“Anong gagawin natin?” Kinakabahan kong tanong.

“Sumunod ka lang.”

Hinila nya ako palabas, at dinala sa isang makitid pang daan sa likod ng maintenance area. Doon may lumang compartment na parang panel ng makina. Binuksan nya iyon, may maliit na espasyo sa loob.

“Diyan ka muna. Huwag kang kikilos kahit anong mangyari.”

Tumango lang ako at agad na sinunod ang instructions nya. Narinig ko ang lakas ng hangin sa labas at ang mga yabag ng mga tauhan. May sumisigaw, “Sir Nathan! May report na may missing cargo!”

“Check ninyo lahat ng section,” utos nito sa ma-awtoridad na boses.

Naramdaman kong bumalik si Nathan sa labas. “Walang problema dito, sir. Ako na mismo ang nag-inspect kanina.”

“Sigurado ka?”

“Opo. Kung may irregularity, ako ang unang magsasabi.”

Pagkatapos ay biglang tumahimik. Makalipas ang ilang sandali, umalis din ‘yung inspector. Narinig kong huminga ng malalim si Nathan bago muling binuksan ang compartment.

“Safe na,” sabi niya. “You can come out.”

Lumabas ako at nanginginig pa rin. “Salamat,” bulong ko. “Kung hindi dahil sayo…”

Ngumiti siya. “Wala ‘yun. Pero kailangan nating maging mas maingat kasi kapag nahuli ka, tayong dalawa ang mananagot.”

“Alam ko,” sabi ko habang nakaramdam ng pagka-guilty. “Sorry, Nathan.”

“Wag kang mag-sorry. You’re just trying to survive.”

Pagkasabi niya no’n, biglang lumakas ang ulan. Sa labas maririnig ang lakas ng kulog, at sa pagitan ng liwanag ng kidlat, saglit kong nakita ang mukha nya na seryoso. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

Kinabukasan, habang nag-aayos siya ng mga dokumento sa storage, lumapit ako.

“Nathan,” tawag ko.

“Hm?”

“May gusto lang akong itanong sana.” Sabi ko na nagdadalawang isip ang tono.

“Tungkol saan?” Tumingin siya sa akin.

“Tungkol sa mga taong gaya mo,” sabi ko. “Bakit mo pinipiling tulungan ang mga gaya ko, kahit wala kang makukuhang kapalit?”

Sandali siyang hindi umimik, tapos makaraan ang ilang saglit ay bigla siyang ngumiti nang malungkot. “Siguro kasi minsan, kailangan mo ring may iligtas para kahit papaano maramdaman mo sa sarili mo na buo ka.”

“Nasaktan ka rin ba dati?”

Ngumiti siya ng pilit. “Lahat ng tao nasasaktan pero hindi lang lahat umaamin.”

Tumango lang ako. “Tama ka.” Sabi ko saka ako tumahimik na.

Habang papalapit ang barko sa port ng Dumaguete, napansin kong umaaliwalas na ang kalangitan. Hindi ko alam kung bakit pero ngayon lang ako nakaramdam ng pag-asa na sa wakas magkakaroon na ng direksyon ang buhay ko, kahit hindi ko pa alam kung saan at paano ako magsisimula.

“Nathan,” sabi ko habang nakatingin sa dagat. “Salamat ha. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa’yo.”

“Basta mabuhay ka lang ng ligtas at maayos,” sagot niya. “‘Yon na ‘yung kabayaran.”

“Hindi mo ba ako isusumbong pag bumaba na tayo?”

“Hindi. At bakit ko naman gagawin ‘yun?” Tumingin siya sa akin ng deretso. “Pero kailangan mong mag-ingat. May mga taong hindi titigil hanggang sa makuha ka nila. Hindi ko alam ang pinagdaanan mo, pero naramdaman ko ‘yun.” Sabi niya na may babala sa tono ng boses.

Kinikilabutan ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya. “Paano mo nalaman?”

“Hindi mo kailangang sabihin ang totoo pero nararamdaman ko na delikado ang nakaraan mo.”

Tumango ako ng bahagya. “Tama ka. At ayokong madamay ka pa.”

Nang dumating kami sa Dumaguete port kinabukasan, gusto kong sabihin kay Nathan ang lahat tungkol sa pangalan ko, ang totoong pinanggalingan ko, ang sakit na pinagdaanan ko sa sarili kong pamamahay, pero mas pinili ko na lang manahimik. Hindi ko pa kayang magtiwala ng lubos lalo na at hindi ko alam kung magtatagpo pa ba kami ulit.

“Babalik ka pa ba sa barko?” tanong ko.

“Oo,” sagot niya. “Pero siguro… sana makita kita ulit. Kahit saan.”

Ngumiti ako ng pilit. “Kung papayag ang tadhana na magkikita tayo ulit, mangyayari ‘yun.”

Ngumiti rin siya. “Tadhana… Hmm..” Sabi niya na parang nag-iisip ngunit ayaw niyang sabihin ang laman ng iniisip niya.

Bago ako bumaba, hinawakan ko ang panyo na pinahiram niya sa akin dati. “Ibabalik ko ‘to kapag nagkita ulit tayo,” sabi ko.

Ngumiti lang siya at sinabing, “Mag-ingat ka palagi.”

At habang bumaba ako ng pier, nakaramdam ako ng lungkot kasi mag-isa na naman ulit ako. Hindi ko alam saan ako dadalhin ng tadhana, pero alam kong tama ang desisyong ito. Tama na umalis ako sa amin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   CHAPTER 4

    Habang naglalakad ako papunta sa direksyon ng terminal kung saan nag-aabang ang mga tricycle ng pasahero, napatingin ako sa kalangitan. Maliwanag at ramdam ko ‘yung pakiramdam ng pagiging malaya sa unang pagkakataon, kahit may lungkot pa rin na naiwan sa kaloob-looban ng puso ko na pilit ko lang binabalewala.Sa unang pagkakataon, buong-buo kong nararamdaman ang pagiging malaya. Bumuntong-hininga ako dahil hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa bagong lugar na ito. Pero sa puso ko, isa lang ang sigurado… handa na akong magsimulang muli. Lumingon ako sa huling pagkakataon at doon nakita ko si Nathan na nakatingin pa pala sa akin kahit malayo na ako.Kinapa ko sa blusa ko ang panyo ni Nathan. Mahigpit ko itong hinawakan… isa itong paalala na minsan sa buhay ko, may isang taong handang sumagip at iligtas ako kahit di ako lubos na kilala.Maingay at buhay na buhay ang siyudad ng Dumaguete… yan ang unang impresyon ko sa lugar na ito. Sa bawat kanto may nakangiting naglalako ng tin

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   CHAPTER 3

    Hindi pumapalya sa pagdalaw si Nathan para siguraduhin ang kalagayan ko at sa bawat pagdalaw nya, sinisiguro nya palagi na may dala syang tubig at pagkain. Kapag dumarating sya na may dalang pagkain, yun lang yung parte ng araw na nakakaramdam ako na hindi ako nag-iisa. Hindi na sya nagtatanong sa akin ng sobra pero halata sa mga mata nya na may gusto pa syang itanong ngunit mas pinili na lang nyang manahimik.Kanina lang pumasok sya na may dalang supot ng pandesal at isang cup ng mainit na kape.“Breakfast,” sabi nya sabay abot.“Salamat,” mahina kong sagot.Napansin kong basa ang buhok nya, parang kakagaling lang sa labas. “Maulan ba?” tanong ko sa kanya.Tumango sya at sinabing, “Oo. Malakas ang alon pero stable pa naman ang barko kaya don’t worry.”Umupo sya sa tapat ko, sa lumang kahon na ginawa na nyang upuan nya tuwing pumupunta sya dito. Tahimik lang kami habang kumakain pero sa pagitan ng bawat higop ng kape, pakiramdam ko parang may bigat na hindi ko maipaliwanag. Parang nar

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   CHAPTER 2

    Hawak ko ang maliit kong backpack habang punong-puno ng kaba ang dibdib ko. Ang suot ko lang ay faded na hoodie at maong na pantalon. Walang makeup, walang alahas kaya pakiramdam ko parang ibang tao na ako.Tiningnan ko ang cellphone. Walang mensahe galing kay Mama na para bang wala siyang pakialam kung saan ako pumunta o kung okay lang ba ako. Pero ayos lang, sabi ko sa sarili. Wala na akong babalikan at hindi magiging mabigat sa damdamin ang pag-alis ko kasi walang nag-aalala.Tahimik lang akong nagmasid malapit sa ticket counter. Narinig kong sagot ng staff doon na papuntang Dumaguete City ang susunod na barko na aalis. Huminga ako ng malalim. “Kaya ko ‘to.” Kailangan kong makapasok sa barko ng palihim.Sa gilid ng port, may nakita akong daanan papunta sa cargo area. Doon dinadaan ang mga supplies papasok ng barko. Naglalakad ako at nagkukunwaring nagte-text. Sa bawat hakbang ko papalapit sa cargo area, naririnig ko na palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko mawari ang ka

  • COLLATERAL DAMAGE: My Father's Unpaid Sins   CHAPTER 1

    Tahimik ang buong mansyon. Pagpasok pa mo pa lang sa bahay, nakakabingi na ang katahimikan. Akala ng lahat masaya ang pamilyang may marangyang buhay kasi nagagawa lahat ng gusto. Oo, tama sila. Nagagawa namin lahat ng gusto maliban sa maging masaya.Lumaki akong may “silver spoon in my mouth” kung tawagin. Amoy mamahaling pabango palagi ang bahay namin at gawa sa imported na kahoy mula pa sa Italy. Mamahalin ang kisame at may chandelier ang bawat kwarto. Bawat mesa naman ay may centerpiece na hindi pwedeng galawin. Kung titingnan mula sa labas ng bahay, mukha itong perpekto ngunit sa loob nito ay tila isang kulungan na ang pader at rehas ay gawa sag into.“Nasa kwarto si Dad mo, Isha,” sabi ni Mama habang inaayos ang mga bulaklak sa flower vase. Hindi man lang sya tumitingin sa akin habang nagsasalita na tila ba parang ayaw nya akong makita. Ganyan sya palagi, abala sa gawaing bahay kahit may mga katulong naman kami na nakaassign sa ganyang gawain. Guston lang Talaga siguro ni mama na

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status