MasukHawak ko ang maliit kong backpack habang punong-puno ng kaba ang dibdib ko. Ang suot ko lang ay faded na hoodie at maong na pantalon. Walang makeup, walang alahas kaya pakiramdam ko parang ibang tao na ako.
Tiningnan ko ang cellphone. Walang mensahe galing kay Mama na para bang wala siyang pakialam kung saan ako pumunta o kung okay lang ba ako. Pero ayos lang, sabi ko sa sarili. Wala na akong babalikan at hindi magiging mabigat sa damdamin ang pag-alis ko kasi walang nag-aalala.
Tahimik lang akong nagmasid malapit sa ticket counter. Narinig kong sagot ng staff doon na papuntang Dumaguete City ang susunod na barko na aalis. Huminga ako ng malalim. “Kaya ko ‘to.” Kailangan kong makapasok sa barko ng palihim.
Sa gilid ng port, may nakita akong daanan papunta sa cargo area. Doon dinadaan ang mga supplies papasok ng barko. Naglalakad ako at nagkukunwaring nagte-text. Sa bawat hakbang ko papalapit sa cargo area, naririnig ko na palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko mawari ang kaba at first time kong gumawa ng ganitong kalokohan.
“Miss, saan ka pupunta?” tanong ng guard.
“Ah…” ngumiti ako nang pilit. “May hinahanap lang po akong kakilala ko sa loob. Crew po sya dito. Sabi niya hintayin ko sya rito.”
“Anong pangalan?” Panigurado ng guard.
“Nathan,” bigla kong sabi kahit ang totoo wala akong kilalang Nathan na crew ng barko. Yun lang talaga ang unang pumasok sa isip ko.
At mas lalong kinagulat ko yun dahil tumango ang guard. “Sige, bilisan mo. Next batch of cargo na ‘to.” Hindi ako nagpahalata pero ikinatuwa ko na hindi na nagtanong ulit pa ang guard.
Mabilis akong naglakad na halos tumakbo na at baka kasi magbago pa ang isip ng guard at usisahin nya pa akong mabuti. Pagdating ko sa dulo, nakita ko ang malaking barko: MV Santa Lucia. Pangalan pa lang ng barko parang nararamdaman ko na ang panibagong simula.
Pagpasok ko sa cargo hold, sumalubong sa akin ang amoy ng gasolina, bakal, at alat ng dagat. Ang hangin naman ay malagkit sa balat. May mga kahon, drum, at lumang gulong. Sa likod ng mga yun, may dalawang malaking crate na pwedeng pagtaguan ang pagitan ng mga ito. Huminga ako ng dahan-dahan.
“Okay, Isha. Kaya mo ‘to,” bulong ko sa sarili. “Just survive this night.”
Ilang oras na akong nananatili doon at tanging ugong lang ng makina ang naririnig ko. At di nagtagal, unti-unti nang umusad ang barko. Nakahinga ako ng maluwag dahil malaki na ang chance ng pagtakas ko. Panigurado sa mga oras na ito, hinahanap na ako ni Dad.
Habang lumalayo na ang barko sa pier, nararamdaman ko ang pagtunog ng tiyan ko. Nagkasabay ang gutom at takot na nararamdaman. Kinuha ko ang maliit na crackers ko sa bag at ngumuya ako ng mga tatlong piraso. Kailangan ko itong tipirin dahil hindi ako pwedeng lumabas at baka mahuli ako. Habang ngumunguya, bigla kong narinig ang mga yabag ng sapatos.
“Hoy! Sino ‘yan?” sigaw ng lalake.
Napahinto ako sa pagnguya. Dumeretso ang ilaw ng flashlight sa mukha ko kaya napatakip ako ng mukha. “Hoy! Anong ginagawa mo rito?!”
Tumayo ako at nanginginig sa takot. “Please, wag nyo po akong ibalik sa pier! Kailangan ko lang makasakay…”
“Illegal passenger ka, miss!”
Tinawag niya ang kasama niya. “Sir, may babae rito sa cargo!”
Nagmakaawa ako. “Please po, sir! Wag nyo po akong ibalik. Kailangan ko lang makatakas, please!” Di ko na napigilan yung luha ko. Sa puntong ito, desperada na ako at nawawalan na ng pag-asa sa pag-aakalang ibalik nila talaga ako sa pier.
Ilang minuto ang lumipas, may lumapit na isang lalake. Matangkad ito, maayos ang damit at mukhang educated. May kalmadong aura at puno ng awtoridad ang boses.
“Anong nangyari rito?” tanong niya.
“Sir Nathan, may nahuli kaming babae mukhang ilegal na pasahero.”
Nathan.
Parang itinakda ng langit ‘yung pangalan dahil yun ang unang pumasok sa isip ko kanina.
Tumigil sya sa harap ko at itinutok ang flashlight sa mukha ko. Nasilaw ako pero naaninag ko pa rin ang expression niya sa mukha niya. Hindi ito galit. Kalmado ngunit may pagkabahala sa mata niya.
“Tumingin ka sa akin,” sabi niya.
Dahan-dahan kong tumingin sa kanya habang ibinaba nya kunti ang flashlight para hindi ako masilaw. Maganda ang boses nya, mababa, magalang, hindi bastos at hindi mayabang.
“Anong pangalan mo?”
“Isabela,” sagot ko na halos pabulong. “Isha.”
“Bakit ka nandito?”
Hindi ako sumagot agad dahil paano ko sasabihin o ipaliwanag na tinakasan ko ang impyernong buhay ko? Na ipinangbayad ako ng sarili kong ama sa sandamakmak nyang utang?
“Please,” sabi ko. Nagmakaawa ako ulit habang nanginginig ang boses. “Wala akong masamang intensyon. Kailangan ko lang makaalis.”
Napatingin sya sa crew. “Leave us for a minute.”
“Sir, protocol…”
“Leave us,” utos niya sa matatag na boses.
Agad naman umalis ang mga tauhan at naiwan kaming dalawa. Saglit na naging tahimik ang paligid at tanging tunog lang ng alon ang maririnig.
Pagkaraan ng ilang segundo, nagsalita sya ulit. “Okay,” sabi nya at huminga ng malalim. “You don’t look like a criminal pero illegal pa rin ‘to. May problema ka ba sa inyo?”
Tumitig ako sa kanya. May kung anong kabaitan akong nakikita sa kanya na hindi ko kailanman nakikita sa mga lalake sa paligid ko. Hindi sya gaya ni Dad o ni Tito Kervin. Hindi sya nakatingin sa katawan ko, kundi nakatingin sya sa mga mata ko.
Kaya sinubukan kong magtiwala, kasi yun ang kailangan ko sa mga oras na yun, na may makakaintindi sa sitwasyon ko. “May utang ang pamilya ko,” bulong ko. “At ako ‘yung naisip ni Dad na gawing pambayad.”
Napakunot-noo ito na tila naguguluhan. “Anong ibig mong sabihin?”
“Basta… kailangan ko lang makalayo. Kahit saan.”
Tumahimik sya at hindi na nagtanong pa. Sa halip, tumalikod sya at binuksan ang pinto. “May maliit na kwarto sa ilalim ng deck. Storage yun dati ng maintenance tools. Pwede kang magtago doon.”
Nabigla ako sa sinabi nya. “Totoo ba?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
“Oo, pero sa isang kondisyon. Mangako kang hindi ka lalabas at hindi ka gagawa ng gulo. Naiintindihan mo ba kung gaano kalaking risk ito para sa akin?”
Tumango ako at luhaang ngumiti. “Opo. Maraming salamat.”
“Don’t thank me yet,” sabi niya. “Pag nahuli ka, pareho tayong mamomroblema.”
Dinala nya ako sa isang makitid na corridor sa loob ng barko. Amoy langis ito at may kalawang sa pader. Binuksan nya ang isang maliit na pintuan at lumantad ang maliit na kwarto, may lumang kama na maliit na pang isang tao lang at toolbox.
“Dito ka muna,” sabi niya. “Walang makakapansin dito. Bibigyan kita ng tubig at pagkain mamaya.”
Paalis na sana ito nang hindi nya napigilan ang sarili na tawagin ito.
“Sir Nathan…”
Tumigil sya. “Hmm?”
“Bakit mo po ako tinulungan?”
Ngumiti lamang ito at sabay sabing, “May kapatid akong babae. Nasa edad mo. Kung sya ‘yung nasa sitwasyon mo ngayon, gusto kong may tutulong din sa kanya.”
Hindi ako nakasagot. Ang lalim ng sinabi nya at di ko napigilan ang sarili na maluha. Ang swerte naman ng kapatid nito, nakaramdam ng pagmamahal na kahit kailan hindi ko naramdaman sa pamilya ko.
Bago umalis si Nathan, tinakpan muna nito ang pintuan at sinabing, “Magpahinga ka na muna jan. Babalikan kita mamaya.”
Pagkaalis nya halos sumabog ang dibdib ko at bumabaha ang luha ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong uri ng kabaitan. Yung walang kapalit at walang kondisyon.
Pero sa kabila ng lahat, di ko pa rin mapigilan na hindi mag-overthink. Habang nakahiga ako sa lumang kama, hindi ko pa rin mapigilan ang kaba at pagkabahala. Paano kung mahanap ako ni Daddy? Paano kung kasabwat pala si Nathan? Paano kung ang lahat ng ito, setup lang?
Ayokong matulog at pinigilan ko ang sarili na matulog. Naiimagine ko na baka biglang bumukas ang pinto at mga tauhan ni Dad ang bubungad.
Pero kahit ganun ang mga nasa isip ko, hindi ko namalayan ang sarili na nakatulog na pala ako. Na tila ba sinasabi ng panahon at oras na safe akong magpahinga muna at babawi ng lakas.
Kinabukasan, nagising ako sa mahinang katok. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Nathan may dalang tinapay at bottled water.
“Good morning,” sabi nya.
“Good morning,” mahina kong sagot.
May bagyo sa Visayas kaya sigurado na delayed ang dating natin doon. Pero don’t worry, safe ka pa rin.”
“Thank you…” Tumingin ako sa kanya at sa unang pagkakataon, totoo ang mga ngiti ko.
Ngumiti rin sya. “You’re stronger than you think, Isha.”
Hindi ko alam kung bakit pero parang may tinamaan sa puso ko. Ang sarap pakinggan na para bang matagal ko nang gustong marinig ‘yun. Paglabas ni Nathan, napasandal ako sa dingding. Hindi ko maipagkaila na nakaramdam ako na I feel seen and heard sa unang pagkakataon.
Habang naglalakad ako papunta sa direksyon ng terminal kung saan nag-aabang ang mga tricycle ng pasahero, napatingin ako sa kalangitan. Maliwanag at ramdam ko ‘yung pakiramdam ng pagiging malaya sa unang pagkakataon, kahit may lungkot pa rin na naiwan sa kaloob-looban ng puso ko na pilit ko lang binabalewala.Sa unang pagkakataon, buong-buo kong nararamdaman ang pagiging malaya. Bumuntong-hininga ako dahil hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa bagong lugar na ito. Pero sa puso ko, isa lang ang sigurado… handa na akong magsimulang muli. Lumingon ako sa huling pagkakataon at doon nakita ko si Nathan na nakatingin pa pala sa akin kahit malayo na ako.Kinapa ko sa blusa ko ang panyo ni Nathan. Mahigpit ko itong hinawakan… isa itong paalala na minsan sa buhay ko, may isang taong handang sumagip at iligtas ako kahit di ako lubos na kilala.Maingay at buhay na buhay ang siyudad ng Dumaguete… yan ang unang impresyon ko sa lugar na ito. Sa bawat kanto may nakangiting naglalako ng tin
Hindi pumapalya sa pagdalaw si Nathan para siguraduhin ang kalagayan ko at sa bawat pagdalaw nya, sinisiguro nya palagi na may dala syang tubig at pagkain. Kapag dumarating sya na may dalang pagkain, yun lang yung parte ng araw na nakakaramdam ako na hindi ako nag-iisa. Hindi na sya nagtatanong sa akin ng sobra pero halata sa mga mata nya na may gusto pa syang itanong ngunit mas pinili na lang nyang manahimik.Kanina lang pumasok sya na may dalang supot ng pandesal at isang cup ng mainit na kape.“Breakfast,” sabi nya sabay abot.“Salamat,” mahina kong sagot.Napansin kong basa ang buhok nya, parang kakagaling lang sa labas. “Maulan ba?” tanong ko sa kanya.Tumango sya at sinabing, “Oo. Malakas ang alon pero stable pa naman ang barko kaya don’t worry.”Umupo sya sa tapat ko, sa lumang kahon na ginawa na nyang upuan nya tuwing pumupunta sya dito. Tahimik lang kami habang kumakain pero sa pagitan ng bawat higop ng kape, pakiramdam ko parang may bigat na hindi ko maipaliwanag. Parang nar
Hawak ko ang maliit kong backpack habang punong-puno ng kaba ang dibdib ko. Ang suot ko lang ay faded na hoodie at maong na pantalon. Walang makeup, walang alahas kaya pakiramdam ko parang ibang tao na ako.Tiningnan ko ang cellphone. Walang mensahe galing kay Mama na para bang wala siyang pakialam kung saan ako pumunta o kung okay lang ba ako. Pero ayos lang, sabi ko sa sarili. Wala na akong babalikan at hindi magiging mabigat sa damdamin ang pag-alis ko kasi walang nag-aalala.Tahimik lang akong nagmasid malapit sa ticket counter. Narinig kong sagot ng staff doon na papuntang Dumaguete City ang susunod na barko na aalis. Huminga ako ng malalim. “Kaya ko ‘to.” Kailangan kong makapasok sa barko ng palihim.Sa gilid ng port, may nakita akong daanan papunta sa cargo area. Doon dinadaan ang mga supplies papasok ng barko. Naglalakad ako at nagkukunwaring nagte-text. Sa bawat hakbang ko papalapit sa cargo area, naririnig ko na palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko mawari ang ka
Tahimik ang buong mansyon. Pagpasok pa mo pa lang sa bahay, nakakabingi na ang katahimikan. Akala ng lahat masaya ang pamilyang may marangyang buhay kasi nagagawa lahat ng gusto. Oo, tama sila. Nagagawa namin lahat ng gusto maliban sa maging masaya.Lumaki akong may “silver spoon in my mouth” kung tawagin. Amoy mamahaling pabango palagi ang bahay namin at gawa sa imported na kahoy mula pa sa Italy. Mamahalin ang kisame at may chandelier ang bawat kwarto. Bawat mesa naman ay may centerpiece na hindi pwedeng galawin. Kung titingnan mula sa labas ng bahay, mukha itong perpekto ngunit sa loob nito ay tila isang kulungan na ang pader at rehas ay gawa sag into.“Nasa kwarto si Dad mo, Isha,” sabi ni Mama habang inaayos ang mga bulaklak sa flower vase. Hindi man lang sya tumitingin sa akin habang nagsasalita na tila ba parang ayaw nya akong makita. Ganyan sya palagi, abala sa gawaing bahay kahit may mga katulong naman kami na nakaassign sa ganyang gawain. Guston lang Talaga siguro ni mama na







