MasukHabang naglalakad ako papunta sa direksyon ng terminal kung saan nag-aabang ang mga tricycle ng pasahero, napatingin ako sa kalangitan. Maliwanag at ramdam ko ‘yung pakiramdam ng pagiging malaya sa unang pagkakataon, kahit may lungkot pa rin na naiwan sa kaloob-looban ng puso ko na pilit ko lang binabalewala.
Sa unang pagkakataon, buong-buo kong nararamdaman ang pagiging malaya. Bumuntong-hininga ako dahil hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa bagong lugar na ito. Pero sa puso ko, isa lang ang sigurado… handa na akong magsimulang muli. Lumingon ako sa huling pagkakataon at doon nakita ko si Nathan na nakatingin pa pala sa akin kahit malayo na ako.
Kinapa ko sa blusa ko ang panyo ni Nathan. Mahigpit ko itong hinawakan… isa itong paalala na minsan sa buhay ko, may isang taong handang sumagip at iligtas ako kahit di ako lubos na kilala.
Maingay at buhay na buhay ang siyudad ng Dumaguete… yan ang unang impresyon ko sa lugar na ito. Sa bawat kanto may nakangiting naglalako ng tinapay o isda, o may mga estudyanteng nagmamadaling pumasok sa unibersidad na malapit lang din sa pier, may mga batang naglalaro sa gilid ng daan. Ibang-iba sa Maynila. Mas simple at tahimik dito kompara doon.
Nagsimula na akong maghanap ng matutuluyan at halos tatlong oras akong naglibot at nagtanong sa mga boarding house o maliit na apartment, pero karamihan ay lampas sa budget ko.
Hanggang sa napadpad ako sa isang lumang bahay malapit sa boulevard. May karatulang nakasulat: “ROOM FOR RENT - CHEAP AND CLEAN.” Kumatok ako at ilang sandali lamang ang lumipas ay may nagbukas din ng pinto. Isang matandang babae ang sumilip.
“Oh, hija, may kailangan ka?” Tanong niya sa akin.
“Ah, yes po. Baka po pwede akong magtanong tungkol sa room for rent?”
Ngumiti sya. “Ay oo, pasok ka. Ako si Aling Bising.”
Dinala niya ako sa maliit na kwarto sa ikalawang palapag. Pagbukas niya, nakita kong may kama, lamesa, maliit na electric fan, at bintang tanaw ang dagat. Luma ang kwarto pero maayos pa rin.
“Magkano po?” tanong ko.
“1,500 kada buwan, kasama na ang tubig at kuryente. Pwede ka ring magluto sa kusina kung gusto mo,” sagot niya.
Napangiti ako dahil pasok ito sa budget ko. “Kukunin ko na po.” Agad kong sinabi.
“Ah, mabuti. Gusto mo ngayon ka na rin lumipat?”
Tumango ako at gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sandaling iyon, tuluyan kong naramdaman na may bahay na ako ulit. Hindi man ito kasing ganda ng nakasanayan ko, pero may freedom at peace of mind ako dito at yun ang mahalaga sa akin. Dito wala akong kailangan katakutan, at wala akong kailangan suklian ng ngiti kahit gusto ko nang umiyak.
Kinagabihan, habang nakaupo ako sa maliit na mesa at humihigop ng instant noodles, napatingin ako sa labas ng bintana. Sa kabila ng dilim ng karagatan, tanaw na tanaw ko ang mga ilaw ng mga bangkang naka-angkla sa malayo.
Kinuha ko ang panyo ni Nathan mula sa bulsa at marahang tinupi iyon sa mesa. Parang may bigat akong nararamdaman habang tinitigan ko ‘yon. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon, pero gusto kong maniwala na balang araw magtatagpo rin kami ulit.
Kinabukasan, maaga pa lang ay nagsimula na akong maghanap ng trabaho. Hindi ako sanay magtrabaho pero kailangan kong magsimula ulit at matutong tumayo sa sarili kong mga paa. Wala na akong ibang aasahan ngayon kundi ang sarili ko. Pinigilan ko ang sarili na huwag gamitin ang card na bigay ni Dad kasi baka matrace niya kung nasaan ako. Pati sa online dahil baka mahanap pa nya ako. Mas maganda na rin yung makasigurado.
Habang naglalakad-lakad ako, may nakita akong hiring poster sa harap ng isang fastfood chain: “NOW HIRING SERVICE CREW.” Pumasok ako sa loob kahit kinakabahan.
“Good morning, ma’am. Mag-aapply po sana ako,” sabi ko sa cashier.
Pinaupo niya ako at ilang saglit pa, tinawag niya ang manager. Simple lang ang interview pero ramdam ko ang kabog ng dibdib ko.
“Wala ka bang experience?” tanong ng manager.
“Wala pa po pero willing po akong matuto.” Determinadong sagot ko.
Tiningnan niya ako sandali saka ngumiti. “Mukhang determinado ka. Sige, start ka bukas. 8 AM ha?”
Hindi ko napigilang mapangiti. “Maraming salamat po!”
Paglabas ko ng fast food, ang gaan ng pakiramdam ko. Di ko mawari ang tuwang naramdaman. Ganito pala ang pakiramdam, sa una lang hopeless kapag nag-aapply pero kapag pinaghirapan namang ipasa ang interview, ang sarap pala sa pakiramdam.
Nagpapalipas muna ako ng oras sa paglilibot sa maliit na syudad ng Dumaguete. Magkalapit lang ang mga establisyemento at kung di ka tatamarin maglakad at hindi ka nagmamadali, mas makakatpid ka kung lakarin kasi 10 to 20 minutes lang ang layo ng mga ito.
Kinagabihan, bumalik na ako sa boarding house bitbit ang maliit na plastic na may damit pangtrabaho kinabukasan. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, sinalubong ako ng mahinang hangin mula sa dagat.
Nilapag ko ang panyo sa mesa at ngumiti. “Bukas, magsisimula na talaga ako,” bulong ko.
Naghanda na ako agad para magpahinga. At bago ko ipinikit ang aking mga mata nagpadala ako ng mensahe para kay Nathan sa isip ko.. “Salamat, Nathan. Dahil kung hindi dahil sa tulong mo, baka di ako nakaalis sa lugar na ‘yun sa mga oras na ito.”
Habang unti-unti akong nilamon ng antok, bigla kong naalala ang mga ngiti ni Nathan.
Habang naglalakad ako papunta sa direksyon ng terminal kung saan nag-aabang ang mga tricycle ng pasahero, napatingin ako sa kalangitan. Maliwanag at ramdam ko ‘yung pakiramdam ng pagiging malaya sa unang pagkakataon, kahit may lungkot pa rin na naiwan sa kaloob-looban ng puso ko na pilit ko lang binabalewala.Sa unang pagkakataon, buong-buo kong nararamdaman ang pagiging malaya. Bumuntong-hininga ako dahil hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa bagong lugar na ito. Pero sa puso ko, isa lang ang sigurado… handa na akong magsimulang muli. Lumingon ako sa huling pagkakataon at doon nakita ko si Nathan na nakatingin pa pala sa akin kahit malayo na ako.Kinapa ko sa blusa ko ang panyo ni Nathan. Mahigpit ko itong hinawakan… isa itong paalala na minsan sa buhay ko, may isang taong handang sumagip at iligtas ako kahit di ako lubos na kilala.Maingay at buhay na buhay ang siyudad ng Dumaguete… yan ang unang impresyon ko sa lugar na ito. Sa bawat kanto may nakangiting naglalako ng tin
Hindi pumapalya sa pagdalaw si Nathan para siguraduhin ang kalagayan ko at sa bawat pagdalaw nya, sinisiguro nya palagi na may dala syang tubig at pagkain. Kapag dumarating sya na may dalang pagkain, yun lang yung parte ng araw na nakakaramdam ako na hindi ako nag-iisa. Hindi na sya nagtatanong sa akin ng sobra pero halata sa mga mata nya na may gusto pa syang itanong ngunit mas pinili na lang nyang manahimik.Kanina lang pumasok sya na may dalang supot ng pandesal at isang cup ng mainit na kape.“Breakfast,” sabi nya sabay abot.“Salamat,” mahina kong sagot.Napansin kong basa ang buhok nya, parang kakagaling lang sa labas. “Maulan ba?” tanong ko sa kanya.Tumango sya at sinabing, “Oo. Malakas ang alon pero stable pa naman ang barko kaya don’t worry.”Umupo sya sa tapat ko, sa lumang kahon na ginawa na nyang upuan nya tuwing pumupunta sya dito. Tahimik lang kami habang kumakain pero sa pagitan ng bawat higop ng kape, pakiramdam ko parang may bigat na hindi ko maipaliwanag. Parang nar
Hawak ko ang maliit kong backpack habang punong-puno ng kaba ang dibdib ko. Ang suot ko lang ay faded na hoodie at maong na pantalon. Walang makeup, walang alahas kaya pakiramdam ko parang ibang tao na ako.Tiningnan ko ang cellphone. Walang mensahe galing kay Mama na para bang wala siyang pakialam kung saan ako pumunta o kung okay lang ba ako. Pero ayos lang, sabi ko sa sarili. Wala na akong babalikan at hindi magiging mabigat sa damdamin ang pag-alis ko kasi walang nag-aalala.Tahimik lang akong nagmasid malapit sa ticket counter. Narinig kong sagot ng staff doon na papuntang Dumaguete City ang susunod na barko na aalis. Huminga ako ng malalim. “Kaya ko ‘to.” Kailangan kong makapasok sa barko ng palihim.Sa gilid ng port, may nakita akong daanan papunta sa cargo area. Doon dinadaan ang mga supplies papasok ng barko. Naglalakad ako at nagkukunwaring nagte-text. Sa bawat hakbang ko papalapit sa cargo area, naririnig ko na palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Hindi ko mawari ang ka
Tahimik ang buong mansyon. Pagpasok pa mo pa lang sa bahay, nakakabingi na ang katahimikan. Akala ng lahat masaya ang pamilyang may marangyang buhay kasi nagagawa lahat ng gusto. Oo, tama sila. Nagagawa namin lahat ng gusto maliban sa maging masaya.Lumaki akong may “silver spoon in my mouth” kung tawagin. Amoy mamahaling pabango palagi ang bahay namin at gawa sa imported na kahoy mula pa sa Italy. Mamahalin ang kisame at may chandelier ang bawat kwarto. Bawat mesa naman ay may centerpiece na hindi pwedeng galawin. Kung titingnan mula sa labas ng bahay, mukha itong perpekto ngunit sa loob nito ay tila isang kulungan na ang pader at rehas ay gawa sag into.“Nasa kwarto si Dad mo, Isha,” sabi ni Mama habang inaayos ang mga bulaklak sa flower vase. Hindi man lang sya tumitingin sa akin habang nagsasalita na tila ba parang ayaw nya akong makita. Ganyan sya palagi, abala sa gawaing bahay kahit may mga katulong naman kami na nakaassign sa ganyang gawain. Guston lang Talaga siguro ni mama na







