FAZER LOGIN“Hindi mo ako mapipilit!” sigaw ko, halos pumutok na ang dibdib ko sa galit at takot.
Ngunit naramdaman ko agad ang malamig na kamay ni Martin na sumaklob sa aking leeg, pinipilit akong yumuko sa kanyang presensya. Ang init ng kanyang katawan, halo ng amoy ng cologne at matinding kontrol, ay nagpaalab sa aking damdamin—hindi ng pag-ibig, kundi ng puro pang-aalipusta.“Savanna…” bulong niya, punong-puno ng pang-aapi at obsesyon. “Hindi mo naiintindihan. Ang bawat galaw mo ay akin. Ang“Lumuhod ka.” Hindi ako gumalaw. Nakatayo lang ako sa gitna ng silid, nakaharap sa kanya. Malamig ang sahig sa ilalim ng paa ko pero hindi ko iyon pinansin. Dati, bago pa niya matapos ang utos, nakaluhod na ako. Ngayon, nanatili akong nakatayo. “Hindi mo ba narinig?” tanong niya, mababa ang boses. “Narinig ko,” sagot ko. “Ulitin ko ba?” “Hindi na kailangan.” Tahimik. Pero hindi tahimik na walang laman. Tahimik na may bigat. Lumapit siya. Isang hakbang. Dalawa. Huminto siya sa harap ko. Hindi ako umatras. Hindi rin ako yumuko. “Anong problema?” tanong niya. “Wala.” “Wala?” ulit niya. “Oo.” Mas tumindi ang titig niya. “Dati, hindi ka ganyan.” “Tama.” “Ngayon, hindi ka sumusunod.” “Pumipili na ako.” Parang may tumama sa hangin. Hindi pisikal. Pero ramdam. Hinawakan niya ang baba ko, pinataas ang mukha ko. “Tumingin ka sa akin,” utos niya. “Tumingin na ako.” Hindi ko inalis ang tingin ko. Hindi ako umiwas. At doon nagsimula ang pagbabago sa mukha niya.
“Bakit ka umiiyak?”Hindi ko agad sinagot.Nakatayo ako sa gitna ng West Wing, hawak ko pa ang tray na dapat kong dalhin sa mesa niya. Nanginginig ang kamay ko pero hindi dahil sa bigat. Dahil sa init ng luha na hindi ko napigilan.Narinig ko ang mga hakbang niya papalapit.Hindi nagmamadali.Hindi kailanman nagmamadali si Martin kapag alam niyang hawak niya ang sitwasyon.“Sinabi ko na ba na pwede ka umiyak?” tanong niya ulit, mas mababa ang boses.Pinilit kong lunukin ang bukol sa lalamunan ko.“Hindi,” sagot ko.“Pero ginawa mo pa rin.”Hindi iyon tanong.Hatol iyon.Dahan dahan kong ibinaba ang tray sa mesa. Ayokong makita niya ang kamay kong nanginginig pero wala akong choice.Lumapit siya sa likod ko.Ramdam ko ang presensya niya bago ko pa maramdaman ang kamay niya sa balikat ko.Mahigpit.Kontrolado.“Humarap ka.”Sumunod ako.Hindi dahil gusto ko.Kundi dahil alam ko ang mangyayari kapag hindi.Pagharap ko, diretso akong tumingin sa kanya.Hindi ako yumuko.Hindi na.Tinitiga
“Hindi ka pa rin nawawala, ‘di ba?” Nakatingin ako sa salamin pero hindi ko na kilala ang taong nasa harap ko. Ako iyon. Pero hindi ako iyon. May mga anino sa likod ng repleksyon ko na hindi naman talaga nandiyan. Wala sa silid. Wala sa realidad. Pero nakatitig sila sa akin na parang may karapatan silang manatili. At siya ang pinakamalinaw. Si Diana. Hindi ko siya nakikita nang buo. Hindi kailanman. Laging pira piraso lang. Minsan buhok niya lang. Minsan likod niya habang naglalakad palayo. Minsan boses niya na parang dumadaan sa tenga ko kahit wala namang nagsasalita. Pero sapat na iyon para hindi ako makahinga nang maayos. “Bakit siya pa rin?” tanong ko sa sarili ko, pero mas tunog galit iyon kaysa tanong. Hindi sumagot ang salamin. Hindi rin sumagot ang anino. Pero ramdam ko na parang may nakatitig sa akin mula sa likod. Mabagal akong lumingon. Wala. Walang tao. Pero may narinig akong mahina. Halos pabulong. Halos wala. “Martin…” Napapikit ako nang mariin. Hindi t
“Kailan mo ba ako titigilan, Diyos? O baka naman ikaw na rin ang sumuko sa’kin?”Nakaupo ako sa sulok ng maliit na kwarto—hindi na hawla, pero parang hawla pa rin dahil walang bintana, walang liwanag maliban sa ilaw mula sa ilalim ng pintuan. Chain sa paa ko ay naka-lock pa rin, pero ngayong gabi, hindi iyon ang pinakamabigat. Ang dibdib ko ang parang may bato na nakadikit.Nakahawak ako sa maliit na krus na gawa sa papel na ginupit ko mula sa gilid ng lumang libro na itinago ko sa ilalim ng kutson. Hindi ko alam kung bakit pinayagan niya akong magdala ng libro—baka para lang makita niya kung paano ko ito ginagamit para magdasal, para mas lalong masaktan ako kapag sinabi niyang walang Diyos na makikinig sa isang tulad ko.Huminga ako nang malalim. Nagsimula akong magdasal, pero hindi sa salita. Sa isip lang muna. Kasi kapag binigkas ko nang malakas, baka marinig niya kahit nasa itaas pa siya.Pero biglang bumukas ang pintuan. Maliit na butas lang ng liwanag mula sa hallway, tapos ang
“Ilagay mo na sa tray ang kape ko. Black. Walang asukal. At huwag mong kalimutan ang baso ng tubig sa tabi.”Nakaupo si Martin sa dining chair na katapat ng pintuan ng basement stairs, legs crossed, phone sa kamay pero tingin niya diretso sa akin. Hindi niya binaba ang cellphone kahit nagsalita na siya. Parang normal lang na ako ang naghahanda ng almusal niya habang naka-leash pa ang isa kong paa sa maliit na chain na nakakabit sa iron ring sa sahig—mga dalawang metro lang ang radius ko, sapat para makarating sa maliit na kitchenette na ginawa niya rito sa ilalim.Tumingin ako sa tray na nasa counter. Porcelain cup, silver spoon, folded napkin na may embroidered initial na M.D.R. Lahat ay perpekto, lahat ay para sa kanya. Ako? Naka-simple white blouse at skirt na hanggang tuhod—uniform na binigay niya last week. Walang bra. Walang underwear. Rule niya: “Mas madali kitang suriin kapag walang takip.”“Hindi ko pa natatapos ang paglilinis ng counter,” sabi ko, boses ko kalmado pero alam
“Sabihin mo ulit kung ano ang unang rule pagkatapos magising.”Nakaupo si Martin sa gilid ng kama, elbows sa tuhod, daliri magkadikit sa ilalim ng baba. Parang professor na nag-e-exam pero ang exam na ‘to ay hindi sa papel. Sa katawan ko. Sa boses ko. Sa bawat galaw na hindi niya sinang-ayunan.Tumingin ako sa sahig. Hindi dahil takot—kahit totoo ‘yon—kundi dahil kapag tumingin ako sa mata niya nang matagal, nakakalimutan ko kung bakit ako galit. Nakakalimutan ko kung bakit dapat akong lumaban.“Limang umaga… dapat nakaupo na ako sa breakfast table,” sagot ko, boses flat pero malinaw. “Walang phone. Walang libro. Walang usapan kung hindi ikaw ang nagsimula.”Tumango siya. Mabagal. Parang nasiyahan pero hindi pa tapos.“At kapag nagsimula ako ng usapan?”“Sasagot ako nang maikli. Diretso. Walang tanong pabalik kung hindi mo hinintay.”“Tapos?”“Kung may utos ka, uulit ko muna bago gawin. Para siguradong naiintindihan ko.”Tumayo siya. Lumapit sa akin hanggang magkadikit na tuhod namin.
Hindi ako sinaktan.Hindi rin ako sinigawan.Mas masahol pa roon ang ginawa niya.Pagdating namin sa mansyon, hindi niya ako kinausap. Hindi niya ako kinaladkad. Hindi niya ako tinignan. Dumiretso lang siya sa West Wing...at sinundan ko siya dahil iyon ang ginagawa ko palagi.Ang pagsunod ay mas li
May mga bahay na maganda lang kapag tinitingnan mula sa labas.Sa loob, tahimik silang pumapatay.Nagising ako sa tunog ng katahimikan.Hindi iyon poetic. Hindi iyon metaphor. Ang katahimikan sa mansyon ay may bigat, parang may nakadagan sa dibdib ko. Parang may mata ang bawat pader, at lahat sila
Ngumiti siya.At sa ngiting iyon ko lalong napatunayan na hindi lahat ng halimaw ay may pangil. Ang iba, may ngiti lang, malinis, kontrolado, at kayang lokohin ang buong mundo.“Good,” sabi ni Martin Del Rivas, marahan, parang papuri. “At least marunong ka pa ring magsabi ng totoo… kapag kailangan.
Naririnig ko ang palakpakan kahit nasa ilalim ako ng lupa.Hindi literal na ilalim—pero ganito ang pakiramdam. Parang bawat tunog mula sa itaas ay dumadaan sa makapal na semento bago makarating sa tenga ko. Palakpakan. Hiyawan. Mga boses na puno ng paghanga. Mga sigaw na paulit-ulit binibigkas ang







