LOGINHindi ako sinaktan.
Hindi rin ako sinigawan. Mas masahol pa roon ang ginawa niya. Pagdating namin sa mansyon, hindi niya ako kinausap. Hindi niya ako kinaladkad. Hindi niya ako tinignan. Dumiretso lang siya sa West Wing...at sinundan ko siya dahil iyon ang ginagawa ko palagi. Ang pagsunod ay mas ligtas kaysa sa pagtatanong. Isinara niya ang pinto sa likod namin. Mabagal. Maingat. Parang sinisigurong walang ingay na lalabas sa mundo kung saan siya ay santo at ako ay anino. “Tumayo ka riyan,” sabi niya, tinuturo ang gitna ng silid. Sumunod ako. Hindi dahil gusto ko...kundi dahil alam ng katawan ko ang presyo ng pagtanggi. Tahimik siya habang nagtatanggal ng coat. Maingat ang galaw. Kontrolado. Walang galit sa mukha...pero ramdam ko ang bigat nito sa hangin. “Do you know what you did wrong?” tanong niya. Hindi ako sumagot agad. Mali iyon. Lumapit siya. Hindi mabilis. Hindi marahas. Tumigil siya sa harap ko....masyadong malapit. “Answer,” sabi niya. “Tumingin ako sa’yo,” sagot ko, mahina. Ngumiti siya. Hindi iyon ang ngiting nakikita ng publiko. “That’s not it,” sabi niya. “You felt something.” Nanlamig ang batok ko. “Ang naramdaman mo ay hindi ko pinahintulutan,” dagdag niya. “And that’s worse.” Lumayo siya. Kinuha niya ang isang upuan at inilagay sa tapat ko. Umupo siya. Nakapamewang. Parang hukom. “Umupo ka,” utos niya. Umupo ako sa sahig. Hindi niya sinabi iyon. Pero alam ko. Tumango siya, kuntento. “Good.” Tumahimik kami. Minuto. Dalawa. Tatlo. Ang katahimikan ang parusa. Ramdam ko ang bawat segundo na parang may hinihila palabas sa dibdib ko...hininga, lakas, pag-asa. “Look at me,” sabi niya bigla. Tumingin ako. At doon ko nakita. Hindi galit. Hindi poot. Pagmamay-ari. “You smiled,” sabi niya. “Not for me.” “Ngumiti ako dahil sinabi mo,” sagot ko. “Lie,” sagot niya agad. “Your smile changed.” Napasinghap ako. “Wala kang karapatang magbago ng anyo nang hindi ko alam kung bakit,” dagdag niya. “Especially in public.” Tumayo siya. Lumapit. Yumuko para magpantay ang mga mata namin. “Do you know what scares me?” tanong niya, mahina. Umiling ako. “You realizing you don’t need me.” Parang may kumurot sa dibdib ko. “Pero huwag kang mag-alala,” sabi niya. “Sisiguraduhin kong hindi mo iyon makakalimutan.” Tumalikod siya. Lumakad papunta sa isang panel sa pader...isang bahagi ng West Wing na akala ko ay dekorasyon lang. Pinindot niya. May umilaw. May nag-click. At biglang. .isang pinto ang lumitaw. Hindi ko pa iyon nakikita dati. Nanlaki ang mga mata ko bago ko pa napigilan ang sarili ko. At doon niya ako tinignan ulit. “Ah,” sabi niya, halos amused. “So you do notice things.” Mali iyon. Alam kong mali iyon. “Wala ‘yan,” mabilis kong sabi. “Hindi ko...” “Too late,” sagot niya. “Curiosity is disobedience.” Binuksan niya ang pinto. Hindi madilim sa loob. Mas maliwanag pa kaysa sa silid. Isang maliit na kwarto. Walang bintana. Walang dekorasyon. Isang mesa. Isang salamin. Isang ilaw sa kisame. At isang kamera. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit...ang kawalan ng kadiliman, o ang katotohanang may nanonood. “Diyan ka,” sabi niya. “For tonight.” “Wala akong ginawa,” pabulong kong sabi. Lumapit siya ulit. Hinawakan ang baba ko...marahan, pero sapat para mapilit akong tumingin sa kanya. “Exactly,” sagot niya. “And yet you thought you could.” Binitawan niya ako. “At Savanna?” dagdag niya habang isinara ang pinto. “This isn’t punishment.” Nag-click ang lock. “This is correction.” Naiwan akong mag-isa. Pero hindi talaga. Dahil alam kong may mata sa likod ng salamin. At sa unang pagkakataon...hindi ako umiyak. Umupo ako. At sa katahimikan ng kwarto, may isang malinaw na bagay na pumasok sa isip ko: Kung kaya niyang magtago ng pinto sa pader... kaya ko ring magtago ng sarili ko sa loob. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo. Sa silid na iyon, walang orasan. Walang marinig. Walang makita. Ang ilaw na nagbibigay liwanag sa silid ay mula sa mga ilaw na nakapalibot sa malaking salamin sa harapan ng kamang aking inuupuan. Sa salamin sa harap ko, hindi ko gaanong makita ang sarili ko. Alam kong two-way iyon. Alam kong may nanonood. Ang mas masakit: hindi ko alam kung kailan ako makakalaya mula rito. Tumayo ako. Umupo ulit. Naglakad ng tatlong hakbang. Bumalik sa gitna. Bawat galaw ko ay may kasamang tanong sa loob ng ulo ko...pinapanood ba niya ako ngayon? At sa tuwing naiisip ko iyon, may bahagi ng dibdib ko na naninikip. Hindi dahil sa takot lang...kundi dahil sa galit na walang katumbas na paliwanag. “Hindi ka natutulog?” marahang boses sa speaker. Napaatras ako. Hindi siya sumisigaw. Hindi siya nagbabanta. Para siyang nagtatanong ng oras. “Hindi,” sagot ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil alam kong kapag nagsinungaling ako, alam niya. “Good,” sabi niya. “I don’t want you dreaming.” Napapikit ako. “Bakit?” tanong ko bago ko pa napigilan ang sarili ko. May sandaling katahimikan. Ramdam ko ang pag-iisip niya...ang pagtimbang kung paparusahan ba niya ang tanong, o sasagutin. “Because dreams give people exits,” sagot niya sa wakas. “And you don’t have one.” Tumango ako. Hindi dahil sang-ayon ako...kundi dahil ayokong ipakita ang pag-alma ng loob ko. “Stand straight,” utos niya. Ginawa ko. “Hands behind your back.” Sumunod ako. “Breathe slower.” Sinubukan ko. Bawat utos ay parang maliit na tali...hindi masakit isa-isa, pero kapag pinagsama, hindi ka na makagalaw. “Do you remember the girl at the hospital?” tanong niya. Nanikip ang dibdib ko. “Oo.” “She smiled at you.” “Bata siya,” sagot ko. “She smiled because she thought you were mine,” sabi niya. “You didn’t correct her.” “Hindi mo rin ako kinorek,” sagot ko....mahina, pero malinaw. Tahimik siya. Sa katahimikang iyon, akala ko nagkamali na naman ako. Akala ko may susunod na utos. May susunod na oras ng pagkakait. Sa halip, narinig ko ang buntong-hininga niya. “You’re learning,” sabi niya. “That’s dangerous.” Hindi ko alam kung papuri iyon o babala. “Sit,” utos niya. Umupo ako sa sahig. Sa harap ng salamin. Sa harap ng mata niyang hindi ko makita. “Do you know why I don’t touch you when you disobey?” tanong niya. Umiling ako. “Because pain teaches people to hate,” sagot niya. “I don’t want you hating me.” Napangiti ako. Hindi ko napigilan. “Ano’ng nakakatawa?” tanong niya, biglang malamig. “Late na,” sagot ko. “Matagal na kitang kinamumuhian.” May tunog na parang may tinamaan sa kabilang panig. Hindi sigurado. Baka guniguni ko lang. Pero naramdaman ko ang pagbabago ng hangin. “Careful,” sabi niya. “You’re confusing hatred with attachment.” “Hindi,” sagot ko. “Ikaw ang naguguluhan.” Mahabang katahimikan. Sa katahimikang iyon, may kakaibang bagay na nangyari. Hindi siya agad sumagot. At doon ko unang naramdaman...may epekto ang mga salita ko. “Look at the mirror,” utos niya sa wakas. Tumingin ako. Wala pa rin akong makita...pero alam kong tinitingnan niya ang bawat kurba ng balikat ko, ang panginginig ng kamay ko, ang pilit na tuwid ng likod ko. “Say my name,” sabi niya. Nanlamig ang dila ko. “Martin Del Rivas,” bulong ko. “Louder.” “Martin Del Rivas.” “Again.” Hindi ko alam kung bakit, pero sa ikatlong ulit, may kakaibang bigat ang pangalan niya sa bibig ko. Parang isinisingit niya ang sarili niya sa pagitan ng mga hininga ko. “Good,” sabi niya. “You remember who owns the silence here.” May kumalabog sa loob ng dibdib ko ..hindi takot lang. Paghamon. “Hindi mo ako pag-aari,” sabi ko. Tumahimik siya. Akala ko sisigaw siya. Akala ko paparusahan niya ako. Sa halip— “You noticed the door,” sabi niya. Napatigil ang hininga ko. “Which one?” tanong ko, nagkukunwari. “The one I didn’t show you,” sagot niya. “The one you weren’t supposed to see.” Hindi ako sumagot. “Curiosity,” sabi niya, mabagal, “is how people get free.” May click. Bumukas ang ilaw sa gilid ng silid...isang manipis na guhit sa pader na hindi ko napansin kanina. Isang frame. Isang outline ng isa pang pinto. “Don’t think about it,” sabi niya. “Because the moment you do...” Napatingin ako roon. Hindi ko na napigilan. “...you’ll regret it,” pagtatapos niya. Tahimik siyang tumawa. Hindi malakas. Hindi masaya. Parang may lihim siyang alam...o akala niya alam niya. Pinatay ang speaker. Naiwan akong mag-isa. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na ako basta nakaupo. Nakatayo ako. Tuwid ang likod. Nakatitig sa pader. Hindi dahil gusto kong tumakas agadn.... kundi dahil ngayon, alam ko na may pintong tinatago. At kung kaya niyang itago iyon... kaya ko ring itago ang galit ko. Ang ngiti ko. Ang pagsunod ko. Mula sa gabing iyon, natuto akong umarte. At sa bawat sandaling pinapanood niya ako... mas lalo kong natutunang panoorin din siya.“Ate… sumagot ka.”Walang sagot.Hindi ko alam kung ilang beses kong inulit ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakalubog sa tubig, pilit hinihila ang sarili ko palabas ng wasak na kotse habang ang utak ko ay ayaw tanggapin ang katahimikan sa kabilang upuan.“Ate,” ulit ko, paos na, nanginginig ang labi. “Diana… please.”Ang tubig ay malamig...hindi lang sa balat, kundi sa loob ng dibdib ko. Parang hinihigop nito ang hininga ko, ang lakas ko, ang pag-asa ko. Ang kotse ay nakatagilid, kalahating nakalubog, kalahating nakasabit sa kung anong bato sa ilalim. Ang ilaw sa dashboard ay patay na. Ang radyo...wala na. Ang mundo...parang huminto.Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. May kirot sa balikat ko. May mainit na dumaloy sa sentido ko. Hindi ko inintindi. Gumapang ako papunta sa kabilang upuan, hinahaplos ang espasyo na dapat ay may tao.Wala.“Ate, lumabas ka na,” bulong ko, parang bata. “Hindi na ‘to funny.”Hinawakan ko ang seatbelt sa side niya...nak
Sav… huwag kang titigil.”Parang kutsilyo ang boses ni Diana...hindi dahil masakit, kundi dahil malinaw na malinaw na natatakot siya kahit pilit niyang pinipigilan.“Hindi ako titigil,” sagot ko agad, kahit ang totoo, wala na akong kontrol sa kahit ano. “Okay lang ‘to. Kaya pa.”Hindi ko alam kung sino ang pinapakalma ko,..siya ba, o ang sarili ko.Tinapakan ko ulit ang preno. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Wala. Ang pedal ay parang wala nang koneksyon sa kotse, parang alaala na lang ng isang bagay na minsang gumana.“Sav,” sabi niya ulit, mas mababa na ang boses. “Bumibilis tayo.”Kita ko. Ramdam ko. Ang mga puno sa gilid ng kalsada ay mas mabilis nang dumaraan, parang mga aninong ayaw magpahuli sa paningin. Ang kurba sa unahan...masyadong matalim. At sa labas ng kalsada, sa kanang bahagi....ang bangin.“Makinig ka,” sabi ko, pilit na matatag. “Huwag kang titingin sa gilid. Tingnan mo ako.”Tumingin siya. Sa wakas. At doon ko nakita ang takot na hindi niya masabi kanina...malinis, wala
“Sav, buksan mo na ‘yung bintana...amoy dagat na,” tawa ni Diana habang sinisipa niya ng marahan ang dashboard.Napangiti ako. “Hindi pa nga tayo nasa Batangas,” sagot ko, iniikot ang manibela. “Advanced ka mag-imagine.”“Hindi imagination ‘to,” balik niya, sabay yuko sa bintana. “Instinct. Alam ko kapag malapit na tayo sa dagat.”“Instinct mo rin ba ‘yung nagdala sa’tin sa maling exit kanina?” tukso ko.“Uy,” protesta niya. “Adventure ‘yun. Hindi mali.”Tumawa kami. Malakas. Walang bakas ng bigat. Walang kahit anong senyales na ang araw na ito ay magiging huling normal naming araw bilang magkapatid na magkasama sa kalsada.Bukas ang radyo. Luma ang kanta...isa sa mga paborito niya. Kumakanta siya nang sintunado, walang pakialam kung may makarinig. Nakataas ang paa niya sa dashboard, may hawak na iced coffee na kalahati pa lang ang nababawasan.“After nito,” sabi niya bigla, “maghahanap tayo ng lugaw sa tabing-dagat. ‘Yung sobrang init. Tapos kakain tayo habang nanginginig.”“Nagda-dr
“From now on, you answer only when I say her name.”Akala ko mali ang dinig ko.“Ano?” tanong ko, paos.Hindi siya tumingin sa akin agad. Inaayos niya ang mga gamit sa mesa...ang larawan ni Diana, ang relo, ang panyo...parang banal na ritwal. Parang misa na ako ang handog.“Kapag tinawag kita sa pangalan mo,” sabi niya, kalmado, “wala kang obligasyong tumugon.”Humarap siya sa akin. Mabagal. Sigurado.“Pero kapag sinabi ko ang Diana...sasagot ka.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa loob ng bungo ko.“Hindi ako...” nagsimula ako.“Diana,” bigkas niya.Napaatras ang katawan ko bago pa man ako nakapag-isip. “A-Ano?” sagot ko, kusa, awtomatiko.Ngumiti siya. Hindi masaya. Hindi rin matagumpay. Parang siyentipikong nakakita ng eksaktong resulta na inaasahan.“See?” sabi niya. “Mas madali kapag tinatanggal natin ang kalituhan.”“Hindi mo puwedeng...”“Savanna,” bigkas niya.Nanahimik ako.Lumipas ang ilang segundo. Walang tunog. Walang galaw. Pinanood niya ako...hinihintay kung sisi
“Sabihin mo ang pangalan niya.”Parang may kutsilyong ipinasok sa pagitan ng mga tadyang ko...hindi para patayin ako, kundi para siguraduhing mararamdaman ko ang bawat segundo ng paghinga ko.“Alin?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.Hindi ako tanga. Hindi rin ako inosente. Alam ko kung anong klaseng gabi ito sa sandaling binanggit niya ang salitang pangalan. Sa West Wing, ang mga pangalan ay hindi tawag...sila ay mga sandata.“Don’t insult me,” malamig na sabi ni Martin Del Rivas. “There is only one name you flinch from.”Tahimik ang paligid. Wala ang mga camera. Wala ang mga tauhan. Wala ang mundong hinahangaan siya. Narito lang kami...ako, siya, at ang multong matagal nang nakatira sa bawat sulok ng mansyon.Lumapit siya. Hindi nagmamadali. Parang alam niyang wala akong pupuntahan.“Say it,” ulit niya, mas mababa ang boses. “Say the name of the woman you replaced.”Napapikit ako. Hindi dahil duwag ako...kundi dahil sa sandaling bigkasin ko ang pangalang iyon, alam kong hindi n
Hindi ako sinaktan.Hindi rin ako sinigawan.Mas masahol pa roon ang ginawa niya.Pagdating namin sa mansyon, hindi niya ako kinausap. Hindi niya ako kinaladkad. Hindi niya ako tinignan. Dumiretso lang siya sa West Wing...at sinundan ko siya dahil iyon ang ginagawa ko palagi.Ang pagsunod ay mas ligtas kaysa sa pagtatanong.Isinara niya ang pinto sa likod namin. Mabagal. Maingat. Parang sinisigurong walang ingay na lalabas sa mundo kung saan siya ay santo at ako ay anino.“Tumayo ka riyan,” sabi niya, tinuturo ang gitna ng silid.Sumunod ako.Hindi dahil gusto ko...kundi dahil alam ng katawan ko ang presyo ng pagtanggi.Tahimik siya habang nagtatanggal ng coat. Maingat ang galaw. Kontrolado. Walang galit sa mukha...pero ramdam ko ang bigat nito sa hangin.“Do you know what you did wrong?” tanong niya.Hindi ako sumagot agad.Mali iyon.Lumapit siya. Hindi mabilis. Hindi marahas. Tumigil siya sa harap ko....masyadong malapit.“Answer,” sabi niya.“Tumingin ako sa’yo,” sagot ko, mahina.







