LOGINMay mga bahay na maganda lang kapag tinitingnan mula sa labas.
Sa loob, tahimik silang pumapatay. Nagising ako sa tunog ng katahimikan. Hindi iyon poetic. Hindi iyon metaphor. Ang katahimikan sa mansyon ay may bigat, parang may nakadagan sa dibdib ko. Parang may mata ang bawat pader, at lahat sila gising na bago pa ako. Hindi ako bumangon agad. Natuto na ako. Sa bahay na ito, ang paggalaw nang wala sa oras ay parang paghinga nang walang pahintulot. Huminga ako nang mabagal, nakatingin sa kisame. Walang dekorasyon. Walang frame. Walang kahit anong magsasabing may nakatira rito na may sariling pagkakakilanlan. Lahat ng kwarto sa mansyon ay may iisang tema, walang bakas. Parang sinadya. Parang gusto niyang matanggal sa akin ang pakiramdam na may lugar ako sa mundo. Tumunog ang speaker. Isang mahinang beep lang, pero sapat para kumabog ang puso ko. “Gising ka na,” boses ni Martin. Hindi tanong. Pahayag. Hindi ako sumagot. “Alam kong gising ka na,” dagdag niya. “Maghanda ka.” Napapikit ako. Kahit sa pagtulog, binabantayan. “May thirty minutes ka,” sabi niya. “Breakfast. After that, aalis tayo.” Aalis. Hindi niya sinabi kung saan. Hindi niya kailanman sinasabi. Ang kaalaman ay isang pribilehiyong matagal nang inalis sa akin. Tumayo ako, dahan-dahan. Ang sahig ay malamig. Hindi ko alam kung sinasadya nilang panatilihing ganoon o kung ako lang ang palaging nilalamig sa bahay na ito. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, naroon na ang isa sa mga staff. Babae. Maayos. Tahimik. Hindi tumitingin nang diretso sa akin. “Good morning, Miss Rodriguez,” sabi niya, parang script. Tumango lang ako. Walang salamin sa hallway. Wala ring bintana sa bahaging iyon. Ang liwanag ay artipisyal—pare-pareho, walang anino. Para kang nasa loob ng isang set na walang labasan. Sa dining area, nakaupo na si Martin. Naka-white shirt. Nakaayos. Hawak ang tablet. Ang Perfect President sa oras na hindi pa alam ng mundo na gising na siya. “Sit,” sabi niya, hindi tumitingin. Umupo ako sa tapat niya. May pagkain sa mesa. Mainit. Maayos. Mukhang masarap. Hindi ako agad kumain. Napatingin siya. “May problema?” tanong niya. “Wala,” sagot ko. “Then eat.” Kumuha ako ng kutsara. Sa bawat subo, pakiramdam ko may utang akong binabayaran. Hindi ko alam kung kanino—kay Diana, sa sarili ko, o sa lalaking nakaupo sa tapat ko na parang walang ginawang masama sa buong buhay niya. “May charity event mamaya,” sabi niya. “Children’s hospital.” Nanigas ang kamay ko. Mga bata. “Ngumiti ka,” dagdag niya. “Hawak-kamay. Picture. You know the drill.” Tumingin ako sa kanya. “Bakit kailangan n’yo pa akong isama?” tanong ko, mahina pero diretso. Ngumiti siya. Hindi iyon magandang ngiti. “Dahil bagay ka sa narrative,” sagot niya. “Tahimik. Maputla. Mukhang nagsisisi.Inosente.” Bumaba ang tingin ko sa plato ko. “Perfect contrast,” dagdag niya. “Ako ang liwanag. Ikaw ang anino.” Parang may humila sa dibdib ko. “Hindi ako props,” sabi ko bago ko napigilan ang sarili ko. Tahimik siya. Napakabagal niyang inilapag ang tablet. Tumingin siya sa akin—hindi galit, hindi gulat. Mas malinaw pa roon. “Savanna,” sabi niya, marahan, “huwag mo akong pilitin ipaalala sa’yo kung bakit ka nandito.” Napayuko ako agad. Awtomatiko. Instinct. “Sorry,” bulong ko. Tumayo siya. Lumapit. Huminto sa tabi ko. Hindi niya ako hinawakan. Mas masakit iyon. “Good,” sabi niya. “At least marunong ka pang umatras at kumilala kung sino ang Master mo...Tandaan mo I am your master and you are my slave...I call the shots here and you don't have any damn right reason to say a word.” Naglakad siya papunta sa pinto. “Get dressed,” utos niya. “Black. Simple. Walang alahas.” Huminto siya sandali. “At Savanna?” dagdag niya nang hindi lumilingon. “Kapag may nagtanong kung sino ka...ngumiti ka lang.” Nagsara ang pinto. At doon ko naramdaman ang mas masahol na parusa ng mansyon na it. Hindi ako ikinukulong sa isang silid. Ikinukulong nila ako sa bersyon ng sarili ko na ayaw ko nang kilalanin. Habang nagbibihis ako, naisip ko si Diana. Kung anong sasabihin niya kung nakita niya ako ngayon. Kung sasabihin ba niyang lumaban ako. O kung sasabihin ba niyang sumuko ka na. Huminga ako nang malalim. Hindi ako puwedeng umiyak. Hindi dito. Hindi sa bahay na ito. Dahil sa mansyon na may sagradong West Wing, ang bawat luha ay may halaga... at si Martin Del Rivas ang laging naniningil. Ang mga camera ay parang mga mata. Hindi sila kumukurap. Hindi sila naaawa. At kapag nagkamali ka, kahit bahagyang pagkakami, ibinabalik nila iyon sa’yo nang paulit-ulit hanggang makalimutan mo kung sino ka bago ka nagkamali. Pagbukas pa lang ng pinto ng sasakyan, sinalubong na kami ng palakpakan. Mga ngiti. Mga sigaw ng pangalan niya. President Del Rivas! Sir! We love you! Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi mahigpit. Hindi rin malambot. Eksakto lang na parang paalala. “Smile,” bulong niya sa akin nang hindi gumagalaw ang labi. “Relax your shoulders. You look tense.” Kung alam lang nila kung gaano kabigat ang salitang relax kapag galing sa kanya. Ngumiti ako. Hindi dahil masaya ako, kundi dahil sanay na ang mga kalamnan ko na magsinungaling. Sa loob ng children’s hospital, puro kulay ang paligid. Dilaw. Asul. May mga mural sa pader. May mga batang tumatawa, may hawak na lobo. May mga magulang na umiiyak pero umiiyak sa pasasalamat. “Mr. President,” sabi ng isang doktor, “thank you for coming.” Tumango si Martin. Humawak siya sa balikat ng lalaki. Yung hawak na parang I see you. Hindi niya ako tinitingnan. Pero alam kong alam niyang nandoon ako. May lumapit na batang babae. Siguro sing-edad ko noong una niya akong dinala sa mansyon. “Hello,” sabi niya sa akin. “Ikaw po ba ‘yung ate niya?” Napatingin ako kay Martin. Isang segundo lang. Pero sapat. “Fiancée,” sagot niya agad. Masyadong mabilis. Masyadong sigurado. Parang may pumutok sa loob ng ulo ko. Fiancée. Hindi niya iyon sinabi sa akin. Ngumiti ang bata. “Ang ganda mo po.” “Thank you,” sabi ko, at sa unang pagkakataon sa araw na iyon ay totoo ang boses ko. Humawak si Martin sa likod ko. Bahagya lang. Pero ramdam ng buong katawan ko. Parang marka. Parang akin ka. Nagpatuloy ang event. Mga litrato. Mga handshake. Mga speech. Habang nagsasalita siya sa entablado, nakatayo ako sa gilid. Tamang distansya. Tamang anggulo. “and this is why we must protect our most vulnerable,” sabi niya sa mikropono. “Not punish them for surviving.” Parang may humigpit sa lalamunan ko. Surviving. Kung alam lang nila kung gaano kabaliktad ang mundo kapag walang camera. Palakpakan. Ngumiti ako ulit. Pagkatapos ng programa, dinala kami sa isang private room. Walang tao. Walang camera. Isinara niya ang pinto. At doon, parang pinatay ang ilaw. “Why did you look at me like that?” tanong niya. Hindi siya sumigaw. Mas masahol iyon. “Anong tingin?” tanong ko, maingat. “Don’t,” sabi niya. “Don’t play stupid with me.” Huminga ako nang malalim. “Hindi mo sinabi na magdadrama at magpapanggap ako na fiancée mo ako,” sagot ko. Lumapit siya. Isang hakbang. Dalawa. “Because you don’t need to know everything,” sagot niya. “Your job is to fit.” “Hindi ako bagay,” sabi ko bago ko napigilan ang sarili ko. Tumahimik siya. Ramdam ko ang pagkakamali bago ko pa marinig ang epekto nito. “Excuse me?” tanong niya, mahina. “Hindi ako bagay sa kasinungalingan mo,” dagdag ko. Nanginginig ang boses ko, pero hindi ako umatras. “Hindi ako props. Hindi ako... Bigla niyang hinawakan ang pulso ko. Hindi masakit. Pero sapat para ipaalala kung sino ang may hawak. “Careful,” bulong niya. “You’re still in public property.” Napatingin ako sa kamay niya sa braso ko. At doon..sa gitna ng takot...may pumutok na kakaibang bagay sa dibdib ko. Galit. “Bitawan mo ako,” sabi ko. Nanigas siya. Isang segundo lang. Pero nakita ko. Ang slip. Ang takot na may nakakita. Agad niya akong binitawan. Umatras siya. Ngumiti. Yung ngiting pang-camera ,kahit walang camera. “Sorry,” sabi niya. “Stressful day.” Lumapit ang isang staff sa labas. Kumatok. “Sir, may press waiting.” Tumango siya. Bumaling sa akin. “Fix your face,” utos niya. “We’re not done.” Lumabas kami. Ngumiti ulit ako. Pero sa loob ko, may nabasag. Sa kotse pauwi, tahimik siya. Ako rin. Hanggang sa bigla siyang nagsalita. “Huwag mo na akong subukan ulit,” sabi niya. “Hindi ka mananalo.” Tumingin ako sa bintana. “Hindi ako nakikipagkumpitensya,” sagot ko. “Good,” sabi niya. “Because you belong to me.” Hindi ko alam kung bakit pero sa pagkakataong iyon, hindi ako umiyak. Ngumiti ako. Isang maliit. Mapanganib. At doon ko unang naisip baka hindi ako ang unang mababasag.“Ate… sumagot ka.”Walang sagot.Hindi ko alam kung ilang beses kong inulit ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakalubog sa tubig, pilit hinihila ang sarili ko palabas ng wasak na kotse habang ang utak ko ay ayaw tanggapin ang katahimikan sa kabilang upuan.“Ate,” ulit ko, paos na, nanginginig ang labi. “Diana… please.”Ang tubig ay malamig...hindi lang sa balat, kundi sa loob ng dibdib ko. Parang hinihigop nito ang hininga ko, ang lakas ko, ang pag-asa ko. Ang kotse ay nakatagilid, kalahating nakalubog, kalahating nakasabit sa kung anong bato sa ilalim. Ang ilaw sa dashboard ay patay na. Ang radyo...wala na. Ang mundo...parang huminto.Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. May kirot sa balikat ko. May mainit na dumaloy sa sentido ko. Hindi ko inintindi. Gumapang ako papunta sa kabilang upuan, hinahaplos ang espasyo na dapat ay may tao.Wala.“Ate, lumabas ka na,” bulong ko, parang bata. “Hindi na ‘to funny.”Hinawakan ko ang seatbelt sa side niya...nak
Sav… huwag kang titigil.”Parang kutsilyo ang boses ni Diana...hindi dahil masakit, kundi dahil malinaw na malinaw na natatakot siya kahit pilit niyang pinipigilan.“Hindi ako titigil,” sagot ko agad, kahit ang totoo, wala na akong kontrol sa kahit ano. “Okay lang ‘to. Kaya pa.”Hindi ko alam kung sino ang pinapakalma ko,..siya ba, o ang sarili ko.Tinapakan ko ulit ang preno. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Wala. Ang pedal ay parang wala nang koneksyon sa kotse, parang alaala na lang ng isang bagay na minsang gumana.“Sav,” sabi niya ulit, mas mababa na ang boses. “Bumibilis tayo.”Kita ko. Ramdam ko. Ang mga puno sa gilid ng kalsada ay mas mabilis nang dumaraan, parang mga aninong ayaw magpahuli sa paningin. Ang kurba sa unahan...masyadong matalim. At sa labas ng kalsada, sa kanang bahagi....ang bangin.“Makinig ka,” sabi ko, pilit na matatag. “Huwag kang titingin sa gilid. Tingnan mo ako.”Tumingin siya. Sa wakas. At doon ko nakita ang takot na hindi niya masabi kanina...malinis, wala
“Sav, buksan mo na ‘yung bintana...amoy dagat na,” tawa ni Diana habang sinisipa niya ng marahan ang dashboard.Napangiti ako. “Hindi pa nga tayo nasa Batangas,” sagot ko, iniikot ang manibela. “Advanced ka mag-imagine.”“Hindi imagination ‘to,” balik niya, sabay yuko sa bintana. “Instinct. Alam ko kapag malapit na tayo sa dagat.”“Instinct mo rin ba ‘yung nagdala sa’tin sa maling exit kanina?” tukso ko.“Uy,” protesta niya. “Adventure ‘yun. Hindi mali.”Tumawa kami. Malakas. Walang bakas ng bigat. Walang kahit anong senyales na ang araw na ito ay magiging huling normal naming araw bilang magkapatid na magkasama sa kalsada.Bukas ang radyo. Luma ang kanta...isa sa mga paborito niya. Kumakanta siya nang sintunado, walang pakialam kung may makarinig. Nakataas ang paa niya sa dashboard, may hawak na iced coffee na kalahati pa lang ang nababawasan.“After nito,” sabi niya bigla, “maghahanap tayo ng lugaw sa tabing-dagat. ‘Yung sobrang init. Tapos kakain tayo habang nanginginig.”“Nagda-dr
“From now on, you answer only when I say her name.”Akala ko mali ang dinig ko.“Ano?” tanong ko, paos.Hindi siya tumingin sa akin agad. Inaayos niya ang mga gamit sa mesa...ang larawan ni Diana, ang relo, ang panyo...parang banal na ritwal. Parang misa na ako ang handog.“Kapag tinawag kita sa pangalan mo,” sabi niya, kalmado, “wala kang obligasyong tumugon.”Humarap siya sa akin. Mabagal. Sigurado.“Pero kapag sinabi ko ang Diana...sasagot ka.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa loob ng bungo ko.“Hindi ako...” nagsimula ako.“Diana,” bigkas niya.Napaatras ang katawan ko bago pa man ako nakapag-isip. “A-Ano?” sagot ko, kusa, awtomatiko.Ngumiti siya. Hindi masaya. Hindi rin matagumpay. Parang siyentipikong nakakita ng eksaktong resulta na inaasahan.“See?” sabi niya. “Mas madali kapag tinatanggal natin ang kalituhan.”“Hindi mo puwedeng...”“Savanna,” bigkas niya.Nanahimik ako.Lumipas ang ilang segundo. Walang tunog. Walang galaw. Pinanood niya ako...hinihintay kung sisi
“Sabihin mo ang pangalan niya.”Parang may kutsilyong ipinasok sa pagitan ng mga tadyang ko...hindi para patayin ako, kundi para siguraduhing mararamdaman ko ang bawat segundo ng paghinga ko.“Alin?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.Hindi ako tanga. Hindi rin ako inosente. Alam ko kung anong klaseng gabi ito sa sandaling binanggit niya ang salitang pangalan. Sa West Wing, ang mga pangalan ay hindi tawag...sila ay mga sandata.“Don’t insult me,” malamig na sabi ni Martin Del Rivas. “There is only one name you flinch from.”Tahimik ang paligid. Wala ang mga camera. Wala ang mga tauhan. Wala ang mundong hinahangaan siya. Narito lang kami...ako, siya, at ang multong matagal nang nakatira sa bawat sulok ng mansyon.Lumapit siya. Hindi nagmamadali. Parang alam niyang wala akong pupuntahan.“Say it,” ulit niya, mas mababa ang boses. “Say the name of the woman you replaced.”Napapikit ako. Hindi dahil duwag ako...kundi dahil sa sandaling bigkasin ko ang pangalang iyon, alam kong hindi n
Hindi ako sinaktan.Hindi rin ako sinigawan.Mas masahol pa roon ang ginawa niya.Pagdating namin sa mansyon, hindi niya ako kinausap. Hindi niya ako kinaladkad. Hindi niya ako tinignan. Dumiretso lang siya sa West Wing...at sinundan ko siya dahil iyon ang ginagawa ko palagi.Ang pagsunod ay mas ligtas kaysa sa pagtatanong.Isinara niya ang pinto sa likod namin. Mabagal. Maingat. Parang sinisigurong walang ingay na lalabas sa mundo kung saan siya ay santo at ako ay anino.“Tumayo ka riyan,” sabi niya, tinuturo ang gitna ng silid.Sumunod ako.Hindi dahil gusto ko...kundi dahil alam ng katawan ko ang presyo ng pagtanggi.Tahimik siya habang nagtatanggal ng coat. Maingat ang galaw. Kontrolado. Walang galit sa mukha...pero ramdam ko ang bigat nito sa hangin.“Do you know what you did wrong?” tanong niya.Hindi ako sumagot agad.Mali iyon.Lumapit siya. Hindi mabilis. Hindi marahas. Tumigil siya sa harap ko....masyadong malapit.“Answer,” sabi niya.“Tumingin ako sa’yo,” sagot ko, mahina.







