Home / Romance / CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires / Chapter 8 THE BATANGAS CLIFF (Savanna's POV)

Share

Chapter 8 THE BATANGAS CLIFF (Savanna's POV)

last update Last Updated: 2025-12-22 17:04:33

“Sav, buksan mo na ‘yung bintana...amoy dagat na,” tawa ni Diana habang sinisipa niya ng marahan ang dashboard.

Napangiti ako. “Hindi pa nga tayo nasa Batangas,” sagot ko, iniikot ang manibela. “Advanced ka mag-imagine.”

“Hindi imagination ‘to,” balik niya, sabay yuko sa bintana. “Instinct. Alam ko kapag malapit na tayo sa dagat.”

“Instinct mo rin ba ‘yung nagdala sa’tin sa maling exit kanina?” tukso ko.

“Uy,” protesta niya. “Adventure ‘yun. Hindi mali.”

Tumawa kami. Malakas. Walang bakas ng bigat. Walang kahit anong senyales na ang araw na ito ay magiging huling normal naming araw bilang magkapatid na magkasama sa kalsada.

Bukas ang radyo. Luma ang kanta...isa sa mga paborito niya. Kumakanta siya nang sintunado, walang pakialam kung may makarinig. Nakataas ang paa niya sa dashboard, may hawak na iced coffee na kalahati pa lang ang nababawasan.

“After nito,” sabi niya bigla, “maghahanap tayo ng lugaw sa tabing-dagat. ‘Yung sobrang init. Tapos kakain tayo habang nanginginig.”

“Nagda-dr
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 10 BROKEN BRAKES (Savanna's POV)

    “Ate… sumagot ka.”Walang sagot.Hindi ko alam kung ilang beses kong inulit ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakalubog sa tubig, pilit hinihila ang sarili ko palabas ng wasak na kotse habang ang utak ko ay ayaw tanggapin ang katahimikan sa kabilang upuan.“Ate,” ulit ko, paos na, nanginginig ang labi. “Diana… please.”Ang tubig ay malamig...hindi lang sa balat, kundi sa loob ng dibdib ko. Parang hinihigop nito ang hininga ko, ang lakas ko, ang pag-asa ko. Ang kotse ay nakatagilid, kalahating nakalubog, kalahating nakasabit sa kung anong bato sa ilalim. Ang ilaw sa dashboard ay patay na. Ang radyo...wala na. Ang mundo...parang huminto.Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. May kirot sa balikat ko. May mainit na dumaloy sa sentido ko. Hindi ko inintindi. Gumapang ako papunta sa kabilang upuan, hinahaplos ang espasyo na dapat ay may tao.Wala.“Ate, lumabas ka na,” bulong ko, parang bata. “Hindi na ‘to funny.”Hinawakan ko ang seatbelt sa side niya...nak

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 8 Sorry ( Savanna's POV)

    Sav… huwag kang titigil.”Parang kutsilyo ang boses ni Diana...hindi dahil masakit, kundi dahil malinaw na malinaw na natatakot siya kahit pilit niyang pinipigilan.“Hindi ako titigil,” sagot ko agad, kahit ang totoo, wala na akong kontrol sa kahit ano. “Okay lang ‘to. Kaya pa.”Hindi ko alam kung sino ang pinapakalma ko,..siya ba, o ang sarili ko.Tinapakan ko ulit ang preno. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Wala. Ang pedal ay parang wala nang koneksyon sa kotse, parang alaala na lang ng isang bagay na minsang gumana.“Sav,” sabi niya ulit, mas mababa na ang boses. “Bumibilis tayo.”Kita ko. Ramdam ko. Ang mga puno sa gilid ng kalsada ay mas mabilis nang dumaraan, parang mga aninong ayaw magpahuli sa paningin. Ang kurba sa unahan...masyadong matalim. At sa labas ng kalsada, sa kanang bahagi....ang bangin.“Makinig ka,” sabi ko, pilit na matatag. “Huwag kang titingin sa gilid. Tingnan mo ako.”Tumingin siya. Sa wakas. At doon ko nakita ang takot na hindi niya masabi kanina...malinis, wala

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 8 THE BATANGAS CLIFF (Savanna's POV)

    “Sav, buksan mo na ‘yung bintana...amoy dagat na,” tawa ni Diana habang sinisipa niya ng marahan ang dashboard.Napangiti ako. “Hindi pa nga tayo nasa Batangas,” sagot ko, iniikot ang manibela. “Advanced ka mag-imagine.”“Hindi imagination ‘to,” balik niya, sabay yuko sa bintana. “Instinct. Alam ko kapag malapit na tayo sa dagat.”“Instinct mo rin ba ‘yung nagdala sa’tin sa maling exit kanina?” tukso ko.“Uy,” protesta niya. “Adventure ‘yun. Hindi mali.”Tumawa kami. Malakas. Walang bakas ng bigat. Walang kahit anong senyales na ang araw na ito ay magiging huling normal naming araw bilang magkapatid na magkasama sa kalsada.Bukas ang radyo. Luma ang kanta...isa sa mga paborito niya. Kumakanta siya nang sintunado, walang pakialam kung may makarinig. Nakataas ang paa niya sa dashboard, may hawak na iced coffee na kalahati pa lang ang nababawasan.“After nito,” sabi niya bigla, “maghahanap tayo ng lugaw sa tabing-dagat. ‘Yung sobrang init. Tapos kakain tayo habang nanginginig.”“Nagda-dr

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 6 Part 2 DIANA’S NAME (Savanna's POV)

    “From now on, you answer only when I say her name.”Akala ko mali ang dinig ko.“Ano?” tanong ko, paos.Hindi siya tumingin sa akin agad. Inaayos niya ang mga gamit sa mesa...ang larawan ni Diana, ang relo, ang panyo...parang banal na ritwal. Parang misa na ako ang handog.“Kapag tinawag kita sa pangalan mo,” sabi niya, kalmado, “wala kang obligasyong tumugon.”Humarap siya sa akin. Mabagal. Sigurado.“Pero kapag sinabi ko ang Diana...sasagot ka.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa loob ng bungo ko.“Hindi ako...” nagsimula ako.“Diana,” bigkas niya.Napaatras ang katawan ko bago pa man ako nakapag-isip. “A-Ano?” sagot ko, kusa, awtomatiko.Ngumiti siya. Hindi masaya. Hindi rin matagumpay. Parang siyentipikong nakakita ng eksaktong resulta na inaasahan.“See?” sabi niya. “Mas madali kapag tinatanggal natin ang kalituhan.”“Hindi mo puwedeng...”“Savanna,” bigkas niya.Nanahimik ako.Lumipas ang ilang segundo. Walang tunog. Walang galaw. Pinanood niya ako...hinihintay kung sisi

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 6 DIANA’S NAME (Savanna POV)

    “Sabihin mo ang pangalan niya.”Parang may kutsilyong ipinasok sa pagitan ng mga tadyang ko...hindi para patayin ako, kundi para siguraduhing mararamdaman ko ang bawat segundo ng paghinga ko.“Alin?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.Hindi ako tanga. Hindi rin ako inosente. Alam ko kung anong klaseng gabi ito sa sandaling binanggit niya ang salitang pangalan. Sa West Wing, ang mga pangalan ay hindi tawag...sila ay mga sandata.“Don’t insult me,” malamig na sabi ni Martin Del Rivas. “There is only one name you flinch from.”Tahimik ang paligid. Wala ang mga camera. Wala ang mga tauhan. Wala ang mundong hinahangaan siya. Narito lang kami...ako, siya, at ang multong matagal nang nakatira sa bawat sulok ng mansyon.Lumapit siya. Hindi nagmamadali. Parang alam niyang wala akong pupuntahan.“Say it,” ulit niya, mas mababa ang boses. “Say the name of the woman you replaced.”Napapikit ako. Hindi dahil duwag ako...kundi dahil sa sandaling bigkasin ko ang pangalang iyon, alam kong hindi n

  • CONFIDENTIAL FOND: Senator's Forbidden Desires    Chapter 4 SAVANNA BEHIND LOCKED DOORS (Savanna's POV)

    Hindi ako sinaktan.Hindi rin ako sinigawan.Mas masahol pa roon ang ginawa niya.Pagdating namin sa mansyon, hindi niya ako kinausap. Hindi niya ako kinaladkad. Hindi niya ako tinignan. Dumiretso lang siya sa West Wing...at sinundan ko siya dahil iyon ang ginagawa ko palagi.Ang pagsunod ay mas ligtas kaysa sa pagtatanong.Isinara niya ang pinto sa likod namin. Mabagal. Maingat. Parang sinisigurong walang ingay na lalabas sa mundo kung saan siya ay santo at ako ay anino.“Tumayo ka riyan,” sabi niya, tinuturo ang gitna ng silid.Sumunod ako.Hindi dahil gusto ko...kundi dahil alam ng katawan ko ang presyo ng pagtanggi.Tahimik siya habang nagtatanggal ng coat. Maingat ang galaw. Kontrolado. Walang galit sa mukha...pero ramdam ko ang bigat nito sa hangin.“Do you know what you did wrong?” tanong niya.Hindi ako sumagot agad.Mali iyon.Lumapit siya. Hindi mabilis. Hindi marahas. Tumigil siya sa harap ko....masyadong malapit.“Answer,” sabi niya.“Tumingin ako sa’yo,” sagot ko, mahina.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status