LOGINNgumiti siya.
At sa ngiting iyon ko lalong napatunayan na hindi lahat ng halimaw ay may pangil. Ang iba, may ngiti lang, malinis, kontrolado, at kayang lokohin ang buong mundo. “Good,” sabi ni Martin Del Rivas, marahan, parang papuri. “At least marunong ka pa ring magsabi ng totoo… kapag kailangan.” Binitawan niya ang baba ko na parang wala lang. Parang hindi niya hawak ang buong pagkatao ko ilang segundo lang ang nakalipas. Napaatras ako ng isang hakbang, hindi sinasadya. Agad kong kinagat ang loob ng labi ko. Mali. Hindi ko dapat ipinakita iyon. Napansin niya. Palagi niyang napapansin. “Relax,” sabi niya, kasabay ng pag-alis ng coat niya at pagsabit nito sa likod ng upuan. “Hindi kita sasaktan ngayon.” Ngayon. Iyon ang salitang mas masakit kaysa sa banta. Huminga ako nang dahan-dahan. Hindi dahil sa ginhawa, kundi dahil sa paghahanda. Ang hindi sasaktan ni Martin ay hindi kailanman nangangahulugang ligtas. Ibig sabihin lang noon, may ibang uri ng parusa. Umupo siya sa upuan sa gitna ng silid, parang hari sa trono. Ang West Wing ay hindi malaki, pero sa paraan ng pag-upo niya, parang kanya ang bawat pulgada. Parang ako ang bisita. Parang ako ang intruder sa sarili kong kulungan. “Lumapit ka,” utos niya. Lumapit ako. Tatlong hakbang. Mabagal. Pantay. Huwag kang magmamadali. Huwag kang magpapa-halata na natatakot ka. “Mas malapit.” Isa pang hakbang. Tumigil ako sa harap niya, nakatayo. Hindi ako umupo. Hindi niya sinabi. Hindi ko ipagpapalagay. Ang pag-aakalang may pahintulot ay isa sa mga unang kasalanang tinuro sa akin ng West Wing. “Tumingin ka sa akin.” Ginawa ko. At doon ko nakita ang lalaking minamahal ng bansa. Maayos ang buhok. Relax ang postura. Ang mga mata niya—kalma. Matalino. Mapagkumbaba kung titignan ng iba. Ito ang parehong matang nakita ko sa mga poster. Sa mga balita. Sa mga babaeng sumisigaw ng pangalan niya na parang panaginip. Kung hindi mo alam ang totoo, maiinlove ka. At kung alam mo ang totoo mas malala. “Alam mo ba kung ano ang paborito kong parte ng araw ko?” tanong niya. Umiling ako. “Kapag tapos na ang lahat,” sabi niya. “Kapag wala nang kamera. Walang tanong. Walang palakpakan.” Tumayo siya. Bigla. Napaatras ako ulit, kusang-loob. Hindi niya ako hinabol. Hindi niya kailangan. Ang takot ang gumalaw para sa kanya. “Kapag nandito na lang ako,” dagdag niya, naglalakad sa paligid ko. “At ikaw.” Huminto siya sa likod ko. “Dito lang ako nagiging totoo.” Sa isang iglap ay nakakabingi at nakakapasong sampal ang dumapo sa aking pisngi. Halos matumba ako sa lakas at sakit ngunit wala akong karapatang dumaing o lumuha sa harapan ni Martin. Pinunasan niya ang kamay niyang dumapo sa balat ko na tila tinatanggal ang duming nanikit mula sa aking balat. Nanlamig ang likod ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magsalita o manatiling bato. Kaya ginawa ko ang natutunan kong pinakamabuting depensa ,ang katahimikan. “Kanina,” patuloy niya, “may babaeng lumapit sa akin. Umiiyak. Sabi niya, inspirasyon daw niya ako. Na kapag nakikita niya ako, naniniwala siyang may mabubuting lalaki pa sa mundo.” Napapikit ako. “Gusto mo bang malaman kung anong sinabi ko?” tanong niya. Hindi ako sumagot. “Sabi ko, thank you. Ngumiti ako. Hinawakan ko ang kamay niya ng ganito.” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi mahigpit. Mas masahol iyon. Parang paalala. Parang demonstrasyon. “Hindi siya nanginig,” bulong niya. “Hindi siya umatras.” Binitawan niya ako. “Pero ikaw?” sabi niya, humarap sa akin. “Ikaw, nanginginig ka pa rin. Hindi sapat ang panginginig dapat ay mamangid ka sa sakit hanggang wala ka ng maramdaman na patang bamgkay na sumusunod at yumuyuko sa hustisya ko. Kahit na hilingin mong mailibing at maglaho ay hindi maaari dahil wala kamg karapatang takasan ang kaoarudahan sa nagawa mo. Ako lang ang mahsasabi kung kailan ang hangganan...ano namginginig ka pa rin eh.” Gusto kong sabihin na hindi. Gusto kong magsinungaling. Pero alam kong nakikita niya ang katotohanan sa paraan ng paghinga ko. “Bakit?” tanong niya, kunwari nagtataka. “Hindi ba dapat ako ang kinatatakutan ng mga taong may kasalanan?” Doon ako nagsalita. Hindi dahil matapang ako. Kundi dahil may bahagi sa akin na pagod na. “Wala po akong kasalanan,” sabi ko, mahina pero malinaw. Tahimik ang silid. At sa bawat segundo, ramdam ko ang pagbigat ng hangin. Lumapit siya sa akin. Hindi galit ang mukha niya. Mas nakakatakot iyon. “Savanna,” sabi niya, marahan, parang nagtuturo sa bata. “Alam mo ba kung bakit ayokong sinasagot mo ang tanong na iyan?” Umiling ako. “Dahil kapag sinabi kong may kasalanan ka,” paliwanag niya, “kailangan kong patunayan.” Huminga siya nang malalim. “Pero kapag sinabi kong wala kang kasalanan?” tumingin siya diretso sa mata ko. “Masisira ang lahat.” Napakagat ako ng labi. “Hindi kita pinarurusahan dahil sa ginawa mo,” dagdag niya. “Pinaparusahan kita dahil kailangan kong maniwala na may dahilan.” At doon ko naintindihan. Hindi niya ako ikinulong dahil sa nangyari kay Diana. Ikinulong niya ako dahil kung hindi niya gagawin ay siya ang babagsak. “Alam mo ba,” sabi niya, muling umupo, “kung gaano kahirap maging mabuti sa paningin ng lahat?” Tahimik lang ako. “Lahat sila,” patuloy niya, “may inaasahan. Lahat sila gusto ng bersyon ko na kaya nilang sambahin.” Tumingin siya sa akin. “Pero ikaw?” tanong niya. “Ikaw ang saksi sa kung sino talaga ako.” Parang may pumutok sa dibdib ko. “Hindi kita papakawalan,” sabi niya, diretso. Walang galit. Walang drama. Katotohanan lang. “Hindi dahil galit ako.” Tumayo siya ulit. “Kundi dahil kapag nawala ka,” dagdag niya, “wala nang sasalo sa bigat ng kasalanan ko.” Lumapit siya sa pinto ng West Wing. Hindi pa siya lumalabas. “Magpahinga ka,” sabi niya. “Bukas, may speech ulit ako.” Huminto siya sandali, hindi lumilingon. “At kailangan kong siguruhing buo pa rin ang mundo ko.” Nagsara ang pinto. Marahan. Tahimik. At naiwan akong nakatayo sa gitna ng silid...humihinga, buhay, pero unti-unting nauubos. Sa labas, sigurado akong may nagpo-post na naman ng litrato niya. May nagti-tweet. May nagmamahal. The Perfect President. At ako? Ako ang lihim na hindi niya kailanman hahayaang makita ng mundo. Pero sa kauna-unahang pagkakataon, may malinaw akong naisip... Kung ako ang kasalanan niya, baka isang araw, ako rin ang katotohanang sisira sa kanya.“Ate… sumagot ka.”Walang sagot.Hindi ko alam kung ilang beses kong inulit ang pangalan niya. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakalubog sa tubig, pilit hinihila ang sarili ko palabas ng wasak na kotse habang ang utak ko ay ayaw tanggapin ang katahimikan sa kabilang upuan.“Ate,” ulit ko, paos na, nanginginig ang labi. “Diana… please.”Ang tubig ay malamig...hindi lang sa balat, kundi sa loob ng dibdib ko. Parang hinihigop nito ang hininga ko, ang lakas ko, ang pag-asa ko. Ang kotse ay nakatagilid, kalahating nakalubog, kalahating nakasabit sa kung anong bato sa ilalim. Ang ilaw sa dashboard ay patay na. Ang radyo...wala na. Ang mundo...parang huminto.Sinubukan kong igalaw ang katawan ko. May kirot sa balikat ko. May mainit na dumaloy sa sentido ko. Hindi ko inintindi. Gumapang ako papunta sa kabilang upuan, hinahaplos ang espasyo na dapat ay may tao.Wala.“Ate, lumabas ka na,” bulong ko, parang bata. “Hindi na ‘to funny.”Hinawakan ko ang seatbelt sa side niya...nak
Sav… huwag kang titigil.”Parang kutsilyo ang boses ni Diana...hindi dahil masakit, kundi dahil malinaw na malinaw na natatakot siya kahit pilit niyang pinipigilan.“Hindi ako titigil,” sagot ko agad, kahit ang totoo, wala na akong kontrol sa kahit ano. “Okay lang ‘to. Kaya pa.”Hindi ko alam kung sino ang pinapakalma ko,..siya ba, o ang sarili ko.Tinapakan ko ulit ang preno. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Wala. Ang pedal ay parang wala nang koneksyon sa kotse, parang alaala na lang ng isang bagay na minsang gumana.“Sav,” sabi niya ulit, mas mababa na ang boses. “Bumibilis tayo.”Kita ko. Ramdam ko. Ang mga puno sa gilid ng kalsada ay mas mabilis nang dumaraan, parang mga aninong ayaw magpahuli sa paningin. Ang kurba sa unahan...masyadong matalim. At sa labas ng kalsada, sa kanang bahagi....ang bangin.“Makinig ka,” sabi ko, pilit na matatag. “Huwag kang titingin sa gilid. Tingnan mo ako.”Tumingin siya. Sa wakas. At doon ko nakita ang takot na hindi niya masabi kanina...malinis, wala
“Sav, buksan mo na ‘yung bintana...amoy dagat na,” tawa ni Diana habang sinisipa niya ng marahan ang dashboard.Napangiti ako. “Hindi pa nga tayo nasa Batangas,” sagot ko, iniikot ang manibela. “Advanced ka mag-imagine.”“Hindi imagination ‘to,” balik niya, sabay yuko sa bintana. “Instinct. Alam ko kapag malapit na tayo sa dagat.”“Instinct mo rin ba ‘yung nagdala sa’tin sa maling exit kanina?” tukso ko.“Uy,” protesta niya. “Adventure ‘yun. Hindi mali.”Tumawa kami. Malakas. Walang bakas ng bigat. Walang kahit anong senyales na ang araw na ito ay magiging huling normal naming araw bilang magkapatid na magkasama sa kalsada.Bukas ang radyo. Luma ang kanta...isa sa mga paborito niya. Kumakanta siya nang sintunado, walang pakialam kung may makarinig. Nakataas ang paa niya sa dashboard, may hawak na iced coffee na kalahati pa lang ang nababawasan.“After nito,” sabi niya bigla, “maghahanap tayo ng lugaw sa tabing-dagat. ‘Yung sobrang init. Tapos kakain tayo habang nanginginig.”“Nagda-dr
“From now on, you answer only when I say her name.”Akala ko mali ang dinig ko.“Ano?” tanong ko, paos.Hindi siya tumingin sa akin agad. Inaayos niya ang mga gamit sa mesa...ang larawan ni Diana, ang relo, ang panyo...parang banal na ritwal. Parang misa na ako ang handog.“Kapag tinawag kita sa pangalan mo,” sabi niya, kalmado, “wala kang obligasyong tumugon.”Humarap siya sa akin. Mabagal. Sigurado.“Pero kapag sinabi ko ang Diana...sasagot ka.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa loob ng bungo ko.“Hindi ako...” nagsimula ako.“Diana,” bigkas niya.Napaatras ang katawan ko bago pa man ako nakapag-isip. “A-Ano?” sagot ko, kusa, awtomatiko.Ngumiti siya. Hindi masaya. Hindi rin matagumpay. Parang siyentipikong nakakita ng eksaktong resulta na inaasahan.“See?” sabi niya. “Mas madali kapag tinatanggal natin ang kalituhan.”“Hindi mo puwedeng...”“Savanna,” bigkas niya.Nanahimik ako.Lumipas ang ilang segundo. Walang tunog. Walang galaw. Pinanood niya ako...hinihintay kung sisi
“Sabihin mo ang pangalan niya.”Parang may kutsilyong ipinasok sa pagitan ng mga tadyang ko...hindi para patayin ako, kundi para siguraduhing mararamdaman ko ang bawat segundo ng paghinga ko.“Alin?” tanong ko, kahit alam ko na ang sagot.Hindi ako tanga. Hindi rin ako inosente. Alam ko kung anong klaseng gabi ito sa sandaling binanggit niya ang salitang pangalan. Sa West Wing, ang mga pangalan ay hindi tawag...sila ay mga sandata.“Don’t insult me,” malamig na sabi ni Martin Del Rivas. “There is only one name you flinch from.”Tahimik ang paligid. Wala ang mga camera. Wala ang mga tauhan. Wala ang mundong hinahangaan siya. Narito lang kami...ako, siya, at ang multong matagal nang nakatira sa bawat sulok ng mansyon.Lumapit siya. Hindi nagmamadali. Parang alam niyang wala akong pupuntahan.“Say it,” ulit niya, mas mababa ang boses. “Say the name of the woman you replaced.”Napapikit ako. Hindi dahil duwag ako...kundi dahil sa sandaling bigkasin ko ang pangalang iyon, alam kong hindi n
Hindi ako sinaktan.Hindi rin ako sinigawan.Mas masahol pa roon ang ginawa niya.Pagdating namin sa mansyon, hindi niya ako kinausap. Hindi niya ako kinaladkad. Hindi niya ako tinignan. Dumiretso lang siya sa West Wing...at sinundan ko siya dahil iyon ang ginagawa ko palagi.Ang pagsunod ay mas ligtas kaysa sa pagtatanong.Isinara niya ang pinto sa likod namin. Mabagal. Maingat. Parang sinisigurong walang ingay na lalabas sa mundo kung saan siya ay santo at ako ay anino.“Tumayo ka riyan,” sabi niya, tinuturo ang gitna ng silid.Sumunod ako.Hindi dahil gusto ko...kundi dahil alam ng katawan ko ang presyo ng pagtanggi.Tahimik siya habang nagtatanggal ng coat. Maingat ang galaw. Kontrolado. Walang galit sa mukha...pero ramdam ko ang bigat nito sa hangin.“Do you know what you did wrong?” tanong niya.Hindi ako sumagot agad.Mali iyon.Lumapit siya. Hindi mabilis. Hindi marahas. Tumigil siya sa harap ko....masyadong malapit.“Answer,” sabi niya.“Tumingin ako sa’yo,” sagot ko, mahina.







