Share

CHAPTER 47 "ONE MORE TRY"

"ALAM mo ba kung gaano ako kasaya dahil nagkita ulit tayo?" si Jason iyon nang manatili siyang namumula ang mukha pero nakatitig rito.

Nahihiyang nagyuko ng kaniyang ulo si Jenny para iiwas ang paningin niya kay Jason na nang mga sandaling iyon ay tila ba hinihigop ang lahat ng lakas na mayroon siya sa kaniyang katawan.

"Hindi mo ako kailangan na palaging iwasan Jen," ang narinig niyang muling sinambit ni Jason nang manatili siyang tahimik.

Hindi niya alam kung dahil iyon sa ginawa niyang pag-iwas ng tingin rito pero parang iyon ang nakita niya sa hindi lang sa mga mata kundi maging sa aura ng mukha nito at sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya.

"Hindi pa kasi ako ready sa ngayon," iyon ang totoo kaya iyon ang minabuti niyang sabihin na kay Jason.

Nakakaunawa ang ngiti na pumunit sa mga labi ng binata bago nito ginagap ang palad niya saka iyong itinaas at hinalikan. 

"Subukan mo ulit, this time sa akin, at pangako hindi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status