“The hottest rumored couple Mr. Colton Noah Villagonzalo and Ms. Devia San Agustin”
Naglilinis ako rito sa aming sala ng biglang umugong ang pangalan na Colton Villagonzalo at Devia San Agustin kaya napatingin ako sa aming munting telebisyon na may kulay red at green na linya dahil sa kalumaan. Kitang kita ang masayang mukha sa babaeng nasa telebisyon habang seryoso lang ang lalaki naglalakad habang iniinterview. “Ang sungit naman ng lalaki yun,” wala sa sariling bulalas ko habang napako ang tingin sa lalaking walang emosyon at nakakatakot ang postura. Mas lalo pa akong naintriga ng si Devia San Agustin lang ang halos sumasagot sa mga interview questions at mukhang bored na bored na ang katabi niyang boyfriend. “Pinagkakaguluhan ng sambayanan kung ano ba talaga ang totoong score sa pagitan ninyo ni Mr. Villagonzalo, ano pong masasabi niyo miss San Agustin?”Tanong ng interviewer at itinapat ang microphone kay miss San Agustin ngunit napasinghap ang mga inteviewer ng kuhanin ni Mr. Villagonzalo ang microphone at ito na ang sumagot sa tanong. “Miss San Agustin and I are definitely more than getting to know each other.”Ayun lang ang sinabi ng lalaki bago umalis sa lugar kung saan madami pang mga tanong ang gustong itanong ng mga interviewer. Ngunit humarang na ang mga bodyguard upang makaalis na ang dalawa, kitang kita ang ngiti sa labi ni miss San Agustin.Napabalikwas ako mula sa panonood ng telebisyon ng marinig ang sigaw ni itay. “Patayin mo ‘yang telebisyon Fily, ngayon din.” nagtatakang napalingon ako kay itay dahil sa sigaw nito at kumilos naman ang aking katawang lupa upang sundin ang utos nitong patayin ang telebisyon.
“Tay, bakit naman po kayo sumisigaw? Nakakagulat po kayo,” ani ko sa kanya at lumapit upang magmano. Mukhang galing na naman sa sakahan si itay dahil sa ayos nitong may sira-sirang sumbrero na gawa sa tuyong dahon. At kapansin- pansin ang mga putik na natuyo na sa kanyang damit at nangingitim na dulo ng pants na suot-suot.
“Nawiwili ka na naman kasi sa panonood anak. Alam mo namang kay bilis tumaas ng ating kuryente dahil diyan sa telebisyon na iyan,” saad ni itay at tinuro pa ang aming telebisyon. Kaya naman hinawakan ko ang kamay nito at niyakag na kumain sa aming munting lamesa. “Kakabuhay ko lang din naman ng tv ‘tay. Ari at kumain na lang muna kayo, alam kong nagugutom na ang mga bulate diyan sa inyong tiyan.”“Ramdam ko na nga ang mga bulateng nagalaw,” natatawang wika ni itay habang inaalis ang sumbrero at naupo na sa harap ng lamesa. Dahil sa hirap ng buhay ay tuyo at upo lang aming ulam ngayon ngunit sobrang sarap na nito para sa amin. Walang rekla-reklamo namang kumain si itay kaya kumuha na lang ako ng tubig sa kusina upang may mainom siya pagkatapos kumain.“Nasaan ang inay mo Fily? Parang hindi ko pa nakikita? Napapasarap ata ang tulog.”
“Hayaan na lang ho natin si inay at palaging madaling araw na yun natutulog tay,” sabi ko kay itay at tumingin sa kwarto nila kung saan natutulog pa ang aking inay. “Ayun naman ang gusto Fily anak, ang makapagpahinga ang inay mo lalo na at may dinaramdam siya ngayon. Basta tignan-tignan mo na lang ha?” paalala ni itay dahil mahina ang resistensya ni inay kaya hindi pupwede ang mabibigat na gawain sa kanya. Maporselana rin si inay kaya maiisip mo talagang anak mayaman siya. Namana nga namin ni Easton ang kulay ng aming ina kaya naman kapag magkakasama kami ay napapalingon ang ibang tao dahil sa kulay ng aming kutis. “Opo ‘tay, wala naman po akong lakad kaya magkasama po kami ni inay buong araw,” natatawang wika ko sa aking itay at hinatid na ito sa pintuan ng matapos na itong kumain dahil kailangan na ulit niyang magpunta sa palayan.Kumaway pa ako kay itay bago tuluyang sinara ang pintuan at pinagpatuloy ang paglilinis. Pakanta-kanta pa ako ng biglang may kumalabog sa kwarto nila inay. Nabitawan ko ang tambo na hawak at kumaripas ng takbo papasok sa kwarto nila inay ng makitang nakahandusay ito sa sahig.
“Nay! Nay! Gising po….”KABANATA 166Kanina pa ako dito sa veranda at nag-iisip ng mga pupwede kong gawin upang iatras na mismo ni Colton ang kasong iyon. Naiisip kong mag-appeal sa pulisya o kung pwede bang ako na mismo ang pumunta roon at magtanong ng mga pupwedeng gawin. Ngunit isa sa mga sinabi rin ni Craise ay dahil dati ngang nanunungkulan si Colton sa pulisya, mas madali kung siya na ang kukumbinsihin kong iatras iyon.”Hindi ka pa ba magbe-breakfast, Love?” halos pabulong niyang saad dahil masamang tingin kaagad ang bumungad sa kanya pagkabukas pa lang ng glass door sa veranda. Tumayo na lang ako at pumasok na sa hotel room namin. Andami niya pa talagang niluto mukhang nagpapalakas dahil alam niyang galit talaga ako. Pero mahihirapan siya hanggat hindi niya inaatras ang kasong iyon. Wala na akong pakialam kung humingi siya ng tulong sa may kapangyarihan pero wag lang siyang makuk
KABANATA 165Namumugto ang mga mata ko pagkagising dahil sa napag-usapan namin ni Colton. Magdamag niya akong inaalo habang umiiiyak ako sa dibdib niya. ”N-no! Walang makukulong, Colton.” May pinalidad na wika ko at nag-iisip na ng paraan para hindi matuloy ang kaso na sinampa niya sa sarili niya. Hindi ko lubos maisip na gagawin niya yun, kaya pala hindi siya nagparamdam ng ilang buwan dahil sa kasong iyon. Iniisip niya na kaagad na makukulong siya ng ilang taon kaya ayaw niyang mas lalong maattach sa mga anak niya. Kaya mas pinili niya na lang na lumayo kesa mahirapan kaming lahat na tanggapin ang mangyayari sa kanya. ”Hindi ka nga makukulong! Wala ka namang ginagawang masama, kaya bakit mo paparusahan ang sarili mo?” sigaw ko habang nakasubsob sa dibdib niya. Buong gabi akong humahagulgol dahil sa mga desisyon niya sa buhay. Dating puli
KABANATA 164”Did you really throw it?” natatawang tanong ko kay Colton habang pabalik siya sa sasakyan. Sumimangot lang ito at nagpatuloy na sa pagdadrive papunta sa entrance ng hotel na aming tinutuluyan. Sobrang ganda rin pala talaga ng hotel na ito, mas na-appreciate ko yung ganda dahil sa mga ilaw na nagbibigay buhay sa gusali. ”I told you, love. Itatapon ko na yun, madami pa akong pwedeng isuot sa buong stay natin dito,” ngiti nito sabay hawak ulit sa kamay ko. ”Bitaw na, paano ako makakalabas niyan?” tanong ko sa kanya dahil ayaw nitong bitawan ang kamay ko. Naghihintay na rin ang valet sa harap ng sasakyan pero ayaw pakawalan ng lalaking ito ang kamay ko. ”Saglit lang ha. Holding hands ulit tayo pag-ikot ko,” aniya sabay wink kaya naman natawa na lang ako habang tumatango. ”Bahala ka sa buhay mo,&rdquo
KABANATA 163And before fully walking out, she really said something that really triggers my senses. As in parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. ”Bye girl, I think he likes my kiss also,” she said unbothered na parang wala doon ang fiancee na pinakilala niya. Bigla ay parang kumalam ang sikmura ko dahil buong akala ko totoo siya sa akin. Yung pakiramdam na merong something off sa kanya, it happened to be true. Hindi naman ganito ang batang nakalaro at nakapagpalagayan ko ng loob sa isla Balabac. Kahit malamig at parang nauupos ako dahil sa sobrang galit ay pinilit kong maglakad at pumunta sa parking lot ng mag-isa. I think he knew that I know something also, he’s quiet habang nasa likod ko siya. Tahimik na nakasunod pero nandun pa rin ang pag-aalalay sa tuwing kailangan ko. ”I-I can explain, Love. She just suddenly barged into me-” hindi na na
KABANATA 162Gulat ang unang namutawi sa sarili ko dahil hindi ko naman matandaan na nagkakilala na kami ni Mikael. Ngayon ko nga lang siya nakita tapos sasabihin niyang pinangakuan ko siya ng kasal? ”You are funny pala no?” natatawang tanong ko sa fiancee ng aking kaibigan na si Devon. I tried looking for her pero wala ng tao sa lamesa namin kanina. Tanging mga pinagkainan at mga gamit na lamang ang nanduon. ”Can’t you remember me? We also met sa Balabac just like Devon,” nakangiting saad nito na nagbigay kilabot sa buong pagkatao ko. Eversince we step foot here in Shibuya Sky hindi ko pa nakikitang ngumiti ang lalaki. He never tried initiating a friendly talk nung apat kami sa lamesa. So how come he can start a talk pala? And bakit ngayon lang kung kailan dalawa lang kami. Sana naman bilisan ni Colton na buma
KABANATA 161Tinignan ko siya ng masama para sana umayos pero mukhang hindi makaramdam ang lalaking ito at mas pinili pang bigyan ng pansin ang mga hipon na nasa plato niya. ”His brother kase ang nagbigay ng ticket and kikitain na lang daw sa airplane. Turned out ganun din ang palusot niya sa akin, na kunyare nasa taxi na siya going to airport but it was all planned,” naiirita pa ring kuwento ko habang naaalala ko kung paano kami niloko ni Craise. May makakalbo talaga akong lalaki pag-uwi ko ng Pinas!”W-wait, wait does it mean you’re not in good terms before going here?!” gulat na tanong ni Devon na sabay naming tinanguan ni Colton. Pareho pa kaming napatingin sa isa’t isa at sabay na tumawa dahil hindi rin namin akalain na magiging maayos kami dito sa Japan. Knowing kung gaano kataas yung dugo ko sa tuwing nababanggit ang pangal