Hindi ko alam ang gagawin ko ng makitang nakahandusay si inay sa kanilang kwarto. Sinubukan kong gisingin siya ngunit ayaw kaya nagmamadali akong lumabas ng bahay upang humingi ng tulong ng makasalubong ang kapatid kong si Easton.
“Ate, anong nangyayari? Bakit ka tumatakbo?”“S-si i-inay bunso…..t-tulong humingi ka ng tulong,” nauutal na sambit ko sa kapatid. Tumango naman ito at nagmamadaling tumakbo upang humingi ng tulong kaya pumasok ulit ako sa aming bahay upang tignan si inay.
“N-nay….s-sandali lang po ha, h-humihingi na po ng tulong si bunso.”Kahit alam kong hindi naman ako kakausapin ni inay kaya hinawakan ko na lang ng mahigpit ang kamay nito. Kahit nung may ambulansya na galing sa baranggay ay hindi ko binitawan ang kamay ni inay.“Anong nangyari Fily?” tanong ng isang baranggay tanod ngunit isang iling lamang ang aking naisagot sapagkat hindi ko rin alam kung anong nangyari kay inay.
“A-ate samahan mo si inay sa hospital. Susunduin ko po si itay sa palayan,” pagpapaalam ni bunso at kumaripas na naman ng takbo paalis ng bahay. Kabadong kabado ako habang naghihintay sa labas ng emergency room kung saan hindi na ako nakapasok dahil hindi raw pwede. Hindi ako mapakali hanggat hindi ko nalalaman ang kalagayan ni inay, kaya naman naglakad lakad muna ako ng makita ko sina itay at si bunso sa malayuan. “Tay!” sigaw ko at tatakbo na sana ng may mabunggo akong lalaki. Napapikit na lang ako dahil akala ko mababagok na ako or something sapagkat sobrang lakas ng pagkakabunggo ko. “Be careful miss. Gusto mo bang mahospital?” walang emosyong wika ng lalaki kaya naman umayos ako ng tayo dahil hawak hawak ako nito sa bewang. Masyado lang naman akong nadala ng emosyon ng makita ko si itay dahil parang nagkaroon ako ng kakampi at lakas ng makita ko ito. “Pasensya na sir. Kanina ko pa kase hinihintay sina itay kaya-”“Filoteemo?” tanong ng lalaki kaya naman tinuro ko ang sarili ko.
“Ako ba sir? Fily na lang po. Wait bakit niyo po alam ang pangalan ko?” nagtatakang tanong ko sa lalaki at sinilip ang mukha nito sa ilalim ng mask at cap ngunit hindi ko makita ang mukha nito. “And now you can’t recognize me? Or you are playing dumb?” “Ha? Sorry po pero kilala mo po ba ako?” nagtatakang tanong ko sa lalaki ngunit hindi ito sumagot imbes,“Your not just a cheater now Filoteemo. Ang galing mo na rin mag-acting, nagbago na ba ang pangarap mo? Gusto mo na maging actress?” may himig ng pang-iinsulto ang tono ng boses ng lalaki kaya naman reresbak na sana ako ng tinawag ako nila tatay at Easton. “Fily, nasaan ang inay mo? Sino yun?” tanong ni tatay ngunit nagkibit-balikat lang ako at inakay si itay papunta sa emergency room. Nakita ko pa ang tingin ni tatay kay kuyang naka all black na parang artista. Artista? Shux baka artista nga siya kase may pa-mask pa siya e.Habang naglalakad papunta sa emergency room ay ramdam ko ang panginginig ng kamay ni itay. Kaya naman hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Alam ko kung gaano kamahal ni itay si inay, kaya kahit may kaunting nararamadaman si inay ay gusto na agad ipa-check up ni itay.
“Doc, ano pong kalagayan ng aking inay? Okay lang naman po siya diba?” kinakabahang tanong ko sa doctor ng lumabas ito galing sa emergency room. “She’s stable now hija. But, she need to be operated as soon as possible to make her life longer,” saad ng doctor kaya naman napahagulgol na ako. “M-magkano po k-kaya ang aabutin ng operasyon para kay inay doc?” “Around 1-2 million hija. We are talking about heart surgery kase ang pinag-uusapan hija.”Pagkatapos sabihin ng doktor iyon ay umalis na rin ito kaya kinausap ko si itay. Wala kaming ipon dahil nag-aaral pa si bunso, may maintenance din si inay at itay, kapiranggot lang din ang sahod ko sa page-extra.
“S-saan tayo kukuha ng ganun kalaking pera ‘tay?”“Gagawa ako ng paraan anak, para kay Mariel, sa iyong ina kakayanin natin lahat para lang makasama natin siya ng mas matagal,” wika ni itay habang nakatingin sa pinto ng emergency room na akala mo ay makikita niya si inay sa pamamagitan niyan.KABANATA 191”MOM!” sigaw ko ng makapasok ako sa opisina niya. Pero wala akong nakita kahit anino man lang ng nanay ko. ”S-sir, u-umalis po si mam,” utal na saad ng sekretarya ni Mom ng makita ang mukha kong namumula dahil sa galit. Maging ang ibang empleyado na nasanay sa presensya ko ay nagsihawian ng makita ang malalaking lakad ko papunta sa itaas na bahagi ng kumpanya. ”Where is my mom right now?” diretsong tanong ko sa kanya na ngayon ay abala na sa pag-check kung nasaan ang hinahanap kong boss niya. ”S-sir,” ”Oh! Son, why are you here? Did you finally leave that faulty girl?” pangungutya niya kay Fily kaya naman umismid ako sa sinabi niya. ”Faulty girl? Ma, that girl you are calling is none other than the girl I was so willing to marry!” nakapikit na sigaw ko kay Mom kaya naman napapitlag ito. Ito ang unang beses na sumigaw ako sa harapan niya, sanay siyang sinusunod ko ang gusto niya kahit ang kapalit pa nun ay ang kasiyahan ko. ”And you dare to shout in front of your m
KABANATA 190”Kailangan niya ng ilabas ang bata sa lalong madaling panahon o mas magiging delikado para sa kanya at sa mga bata ang sitwasyon,” ani ng Doktor na sumalubong sa amin sa hospital. Hawak hawak ko ang kamay ni Fily na walang malay, papunta kami ngayon sa emergency room para operahan siya. ”J-just let them live, doc. P-please, parang awa niyo na. Iligtas niyo ang mag-ina ko, s-sila na lang ang buhay ko,” umiiyak na ani ko ng hindi na ako pinayagang pumasok sa emergency room. ”We will do our best Mr. Villagonzalo but please know the risk of this operation,” saad ng doktor pero umiling lang ako sa kaniya sa kanila. ”I-I know k-kaya ni Fily ‘yan dok. Matapang ‘yan e, kinaya niya ngang wala a-ako ngayon pa ba? Lalo na at a-anak namin ang nakasalalay?” I said while trying to smile habang inaalala kung gaano ko hinangaan si Fily
KABANATA 189”Send me the location bro,” seryosong ani ni Jeo sa kabilang linya. ”Check your inbox man, my kids and wife’s life is in danger, fuck! I shouldn’t have left her,” inis na ani ko at hinampas ang manibela. Wala na akong pakialam kung nasisingitan ko man ang ibang sasakyan, ang nasa isip ko lang ay mapuntahan at siguraduhing ligtas sina Fily. ”Stay calm bro, walang madudulot na maganda kung magmamadali ka ngayon,” wika ng kaibigan ko kaya kahit gusto ko ng paharurutin ang sasakyan ay baka ako naman ang maaksidente. ”T-thanks in advance man, I’ll drop our call. I need help from police also,” sabi ko na mabilis niya namang sinang-ayunan. Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay hinanap ko ang gc namin ng mga boys. I started calling them and not a minute later they all answered. Mukhang nasa duty si Vernon dahil sa suot su
KABANATA 188: RingCOLTON’S POVKanina pa ay kinakabahan ako although I have done a much complicated and hard deals in the fast. I don’t know why am I so nervous right now. Naalala ko agad si Fily na hindi ko masasamahan dahil sa importanteng meeting na kailangan ng presensya ko. I called her while still focusing on driving. Medyo matagal at malayo ang kailangan kong byahiin ngunit nawawala yung pagod ko tuwing nakikita kong masaya si Fily. Palagi niya akong sinasabihan na tuwing weekends na lang pumunta para hindi lalong nakakapagod pero pano ko gagawin yun kung sila nga ang nagwawala ng pagod ko. ”Hey love, should I just cancel the meeting?” seryosong tanong ko sa kanya ngunit narinig ko na lang ang nakakabighani niyang halakhak. ”My god! Stop, Col, tsaka kasama ko naman si bunso,” aniya kaya naman napabuntong hininga na lang ako. Hindi naman dahil wala akong tiwala sa kapatid niya pero gusto kong palagi akong kasama sa bawat check up. At sa lahat ng mga ganap namin kasama ang
KABANATA 187”Ano? Bakit ngayon mo lang sinabi?” gulat na tanong ko kay bunso at napatitig sa sasakyang kanina pa raw sumusunod sa amin. Kahit mag U-turn na kami ni bunso ay nakasunod pa rin ang kulay itim na sasakyan. Napahawak na ako sa handle na nasa itaas ko dahil sa kaba. Kita ko rin ang takot kay bunso dahil sa panginginig ng kamay niya pero naka-focus siya sa daan. Hinalungkat ko naman ang bag ko para kuhanin ang cellphone at humingi ng tulog kay Colton. ”Shit! A-answer my calls please,” mahinang bulong ko dahil cannot be reached ang phone ni Colton. I tried a lot of times calling him but walang sumasagot ng phone niya. Kaya naman nagbaka sakali ako kay Craise. Marami siyang work pero baka ma-reach niya si Colton, or maka-help siya samin dahil nga may sumusunod. ”Tawag ka na ng pulis ate, baka mamaya banggain na tayo,” madiing wika ni Easton na tinanguan ko. Napapatapik na rin ako sa binti ko dahil ang tagal sumagot ni Craise. ”Craise!” sigaw ko ng tuluyan niyang sag
KABANATA 186”K-kailangan kong I-check pa ulit, Fily. Calm down please, I need a second opinion on this one,” medyo garalgal na saad ni Dok Lara. Pero kahit anong sabihin niya ay natatakot na ako para sa mga anak ko. Simula ng ipagbuntis ko sila ay iniiwasan ko na talaga ang mga pagkain na pwedeng ikasama nila. Pero ngayon napapaisip na ako kung saan ba ako nagkulang. Maayos na diet naman ang sinusunod ko. Hindi ko rin kinakalimutan na uminom ng gamot na prescribe ng doktor. Maging ang mga pagkain ko ay healthy and good for pregrant women. Kaya hindi ko na alam kung saan ko isisisi ang nangyayari sa pagbubuntis. ”P-please, I need a thorough explanation for what you are talking about, Dok,” ani ko at hinawakan ang kamay ni Lara. Malungkot naman itong ngumiti pero nandun pa rin ang pagtango niya. She was actually the best Obgyne that I could get. Lahat ng ginagawa niya ay walang pag-aalinlangan niyang pinapaliwanag sa ‘kin. Minsan nga ay pakiramdam ko nakakahiya ng magtanong