Share

Chapter 15

Ano daw? Nahihibang na ba siya?! Titira ako sa bahay niya? 

"Nasisiraan ka na ba ng bait?!" Sigaw ko at mas lalo niyang hinigpitan 'yong pag hawak niya sa kamay ko.

"Seryoso ako, kaya sumama ka sakin." sabi niya at pa bigla bigla na lang akong hinila patungo sa kung nasaan ang kotse niya.

Sa sobrang lakas niya ay wala akong nagawa kundi ang sumunod na lamang sakanya. No'ng nasa harap na kami ng kotse niya, binuksan niya 'yong pinto ng kotse sa likod at nilagay  'yong mga bag ko saka naman ako pinag buksan ako ng pinto sa driver seat.

Pero hindi ako pumasok, tanging nakatayo lang ako at nakatingin sakanya na tipong nakukulitan na ako sakanya.

Sino ba naman ako para pumayag sa gusto niya hindi ba? 

"Pumasok ka na." utos niya.

"Wesley, sinabi ko na sayong wag mo'kong tulungan hindi ba?" 

"Alam ko." sagot niya.

"Pero bakit mo ginagawa 'to? Dahil ba naaawa ka sakin? 'yon ba ang dahilan?!" Kalmadong sabi ko

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status