Share

Chapter 18

Hindi ko alam kung papano nila nalaman ang tungkol sakin. At kung bakit meron silang litrato ko na nasa trabaho ako at pati na rin samin ni Wesley na nasa sa tapat ng bahay niya at gano'n din ang litrato namin ni Zaiden na magkasama kami.

Alam ng mga kaibigan ko ang tungkol samin ni Zaiden. At ang tungkol sa bahay na tinutuluyan ko ay si Zaiden at Prince lang ang nakakaalam no'n. Pero kung isasama ko ang tungkol sa trabaho ko, si Wesley lang ang nakakaalam no'n. Sa madaling salita, iisang tao lang ang nakakaalam ng lahat ng mga naging sekreto ko. 

Si Wesley lang.

Pero impossible naman na ipagkalat niya ang lahat ng 'yon. Hindi naman kasi siya gano'ng tao.

Ano 'yon, gumising siya ng maaga para ipagkalat ang tungkol dito? 

Malabo. 

Pero kung hindi si Wesley, ibig sabihin may isa pang taong nakakaalam ng lahat.

Napatingin ako kay Zaiden. Nakatitig lang siya sakin at kita ko sa mukha nito na parang nagdadalawang isip siyang

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status