Share

Ikalimang Kabanata

Author: Clovervanessa
last update Last Updated: 2025-08-15 19:31:42

~Gunther~

"Sa kasamaang palad, hindi ako nagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga taong nanakit sa akin, mahal ko."

Wala akong pakialam kung siya pa ang susi ko para makuha ang mana ko. Sinampal niya ako, karapat-dapat niyang lisanin ang mundong ito.

Wala pang babaeng kailanman ang nagpahiya sa akin ng ganoon. At 'yon ay hindi kayang palampasin ng nasaktan kong ego.

Ikinasa ko ang espesyal kong revolver, at ang tunog ng umiikot na silindro ay musika sa aking pandinig. Tinitigan ko ang babaeng nakaluhod sa harapan ko.

"May huli ka bang kahilingan?"

Pumikit siya, may mga luhang dumadaloy sa kanyang mga mata, tila ba nagdarasal sa kanyang Diyos. Pinigilan ko ang sarili ko, naghintay ako.

Hanggang sa mainip ako. "Wala? Sige."

Inilapit ko ang revolver sa gilid ng kanyang ulo, at halos iputok ko na ang gatilyo, halos. Pero, may ibinulong siya na ikinagulat ko.

"Puwede ba akong humingi ng halik?"

Nagulantang ako. "Ano?"

Idinilat niya ang kanyang mga mata at tumitig ng direkta sa akin. "Halik, Mr. Silvestri. 'Yan ang huli kong kahilingan."

Ano ba ito? Anong kalokohan 'tong ginagawa niya? Ibinaba ko ang baril ko at nag-isip sandali. Napansin kong nakangisi siya sa akin.

"Natatakot ka ba, Mr. Silvestri? Akala ko ba pagbibigyan mo ako sa huli kong kahilingan?"

Seryoso. Mula pa nung una naming pagkikita, nakakainis na talaga ang babaeng 'to.

"Baka naman hindi mo alam kung paano humalik sa pisngi ng babae? Bakla ka ba?"

Alam ko naman na pinapatagal niya lang ang oras. Dinadaya niya ako para hindi ko siya mapatay agad.

At, nakakainis aminin pero epektibo ang kalokohan niya. Ngayon, tinatamaan ako ng matinding kuryosidad kung ano nga ba ang lasa ng kanyang labi.

Bakit siya humihingi ng halik, gayong kanina lang ay nagalit siya nang biruin ko siyang maghubad ng kanyang mga damit?

Pinaglalaruan niya ako.

"Isang halik lang naman. Anong kinatatakutan mo?"

Nanghahamon ang kanyang mga mata. Biglang lumapit si Calixto sa likuran ko at mahina siyang bumulong.

"Boss, hindi siguro magandang ideya na patayin ang babaeng ‘yan. Isipin mo lahat ng ari-arian at mana na iniwan sa'yo ni Abuela. Gusto mo ba talagang isuko lahat ng iyon? Pinaghirapan mo ang lahat ng iyon."

Napakagat ako sa labi ko habang pinagninilayan ang mga sinabi niya. Nakikipagbuno ako sa sarili kong isip. Sayang naman kung mawawala lahat ng mana ko dahil lang sa katigasan ng ulo ko.

Lumuhod ako, mahigpit kong hinawakan ang kwelyo nung babae. Narinig ko ang impit niyang pagdaing sa sakit pero hindi ko iyon pinansin.

Inilapit ko ang labi ko sa nanginginig niyang mga labi, pero huminto ako para titigan ang malamig niyang mga mata.

“Talaga bang naniniwala kang hahalikan kita, mahal ko? Matapos mo akong iwan sa restaurant na iyon at magwala na parang batang paslit sa loob ng opisina ko?"

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla siyang nagmukhang nakahinga nang maluwag imbes na madismaya. Totoo nga! Pinaglalaruan niya lamang ako.

Galit na galit ako kaya marahas ko siyang itinulak sa lupa. "Aray! Gago!"

"Tumahimik ka o baka magbago pa ang isip ko sa pagpapatawad sa'yo. Tandaan mo, akin ka na ngayon."

Sisiguraduhin kong mula ngayon ay magiging alipin ko siya. Kahit magmakaawa siya ay hindi siya makakatakas sa mga kamay ko, kahit ano pa ang mangyari.

"Kalagan siya. Uuwi na tayo.”

~~~

~Agathe~

Ang biyahe sa likod ng kotse ay tila nakakasakal. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ng mokong na nakaupo sa tabi ko.

"Isaisip mo, akin ka na ngayon, mahal."

Siguro, kasalanan ko rin ito. Kung hindi ako nagpadaig sa aking pride, hindi sana ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Dapat ay hinubad ko na lamang ang mga damit ko sa opisina niya, na parang isang sunud-sunurang kuting. Kung ganoon ang ginawa ko, baka pumayag na siyang sagutin ang lahat ng gastusin para sa operasyon ng aking ina noon din mismo.

Ngayon, bihag niya na ako. Habang ang nanay ko ay patuloy na nagdurusa, walang nag-aalaga sa kanyang karamdaman.

Kung ito na ang huling gabi niya sa malupit na mundong ito, gusto ko siyang makita, gusto ko siyang maihatid sa kanyang pamamaalam.

Isa na namang luha ang pumatak mula sa aking mata. Hindi ko maisip na iniimagine ko na ang kamatayan ng aking ina sa mga sandaling ito.

Nanginginig ako sa sobrang lamig, tahimik na pinupunasan ang aking mukha na puno ng luha. Suot ko pa rin ang uniporme ko bilang waitress, basang-basa pa rin ako ng malamig na tubig na ibinuhos ng mokong ilang minuto na ang nakalipas.

Sana, mamatay na lang ako dahil sa sobrang lamig. Siguro, sabay kaming papanaw ng mahal kong ina.

"Huwag kang gagalaw."

Biglang umalingawngaw ang baritonong boses ng gagong iyon sa loob ng tahimik na sasakyan.

Isang mainit at mabangong coat mula sa gagong iyon ang agad niyang ibinalot sa pagod kong katawan. Gusto ko sanang iwaksi ang coat palayo sa akin.

Pero sino ba ang niloloko ko? I desperately needed it.

Dahan-dahang lumipat ang pagod kong mga mata sa direksyon ng gago habang ibinabaon ko ang sarili ko sa malaking coat. Siya pa rin ang parehong lalaking may kaakit-akit na amber mga mata na unang bumihag sa akin.

Ang kaibahan nga lang, hindi nagtagal ang unang magandang impresyon ko sa kanya. Sabi nga nila, nakakapanloko ang panlabas na anyo.

"Bilisan mo ang pagmamaneho, Calixto. Ayokong may patay na katawan sa loob ng kotse ko."

Napasimangot ako. Kita mo 'yang ugaling ‘yan? Akala ko pa naman nag-aalala siya sa akin kahit kaunti.

Nagkamali ako!

"Bwisit." Bulong ko.

Sino kaya ang magpapakasal sa isang katulad niya? Kailangan ko sigurong kaawaan ang babaeng iyon.

"Sabi ko sayo tumahimik ka, 'di ba?"

Pinagkagat ko na lang ang aking mga labi. Walang modo talaga.

Dapat magpasalamat siya at hindi na ako makasagot dahil nanginginig na ang mga labi ko sa sobrang lamig.

Sa natitirang biyahe, nanatili akong tahimik. Pinipigilan ko ang aking emosyon, isiniksik ko ang sarili ko sa bintana para maging malinaw sa kanya kung gaano ko siya kinamumuhian.

~~~

~Gunther~

"Maligayang pagbabalik, young master."

Pagkababa ko ng kotse ay agad yumuko sa akin si Belvedere, ang punong mayordomo ng aking villa, at binati ako.

Sumunod sa akin ang babaeng iyon na basang basa ang katawan, at agad akong tiningnan ni Belvedere nang may pagtataka sa kanyang mga mata.

"Wow." Sambit ng babaeng iyon sa paghanga nang makita niya ang napakalaki at makulay na batong fountain sa harap ng aking villa.

Isang estatwang cupid iyon na gawa sa marmol na may hawak na umiilaw na pana at mga palaso.

Napangisi ako. Wala na ang matinding galit sa kanyang mga mata. Ganito ba siya kadaling pasayahin?

"This is Agathe Clementine Capucine, ang aking mapapangasawa. Paliguan ninyo siya, bihisan, at dalhin sa tabi ng pool sa loob ng tatlumpung minuto."

Mas lalong naguluhan ang ekspresyon ni Belvedere, kasabay ng paglapad ng kulay bughaw na mga mata ng babaeng iyon.

“Mapapangasawa? Pakiulit nga?”

Tanong niya, habang may mga kunot na lumitaw sa kanyang noo. Binalewala ko ang tanong niya at tinitigan nang masama si Belvedere para simulan na agad ang kanyang trabaho.

Agad yumuko si Belvedere, halatang natakot sa titig ko. "Right away, young master." Sabi niya.

Pagkatapos, kinawayan niya ang dalawa o tatlong kasambahay para hilahin ang babae palayo sa akin.

"Dalhin ninyo ang young lady sa pangunahing silid-pangbisita. Bilisan ninyo." Utos ni Belvedere.

"Teka lang! Ano bang nangyayari dito!"

Napabuntong-hininga ako. Ang sakit sa ulo.

Ayaw kong maghinala ang aking mga tauhan sa kanya at sa maliit naming palabas, kaya hinila ko siya palapit sa aking katawan. Hindi ko maitatanggi ngunit medyo nagulat ako nang unang beses na magdikit ang aming mga balat.

Itinaas ko ang kanyang baba at bumulong malapit sa kanyang tainga, ngunit sapat para marinig ng lahat ng nakapaligid sa amin.

"Ikakasal tayo ngayong gabi, mahal ko. Hindi ba't ito ang matagal mo nang pinapangarap?"

~~~

~Agathe~

Magaspang ang kalyo sa kanyang mga daliri habang dumadampi sa baba ko. Pero, sa totoo lang, hindi naman ito masakit.

Hindi ko na maalala kung ano iyong sinabi niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya parang nahilo ako at nanghina ang tuhod ko.

Ang gwapo niya, grabe. Nakakainis.

"Ano... uh..."

"Kaya tigilan mo na ang pagrereklamo mo, mahal ko." Nakaharap na siya sa akin at hinaplos niya ang basa kong buhok nang marahan, kumikislap ang madilim niyang amber na mga mata sa akin.

Ang galing niyang umarte, parang nahuhulog na siya sa akin.

"Hayaan mo na sina Belvedere at ang mga kasambahay ang magpaligo at magbihis sa iyo. Sigurado akong hindi ka nila kakagatin."

Pakakawalan na sana niya ako pero parang may bigla siyang naalala. Hindi pa rin niya inalis ang matitipuno niyang braso sa bewang ko, pinipigilan akong makagalaw.

"Ahh, oo nga pala. Huwag kang matakot kay Belvedere. He bats for the other team. Hindi siya magkakainteres sa’yo, mahal ko."

Yung huling salita niya ay ibinulong niya malapit sa tenga ko, at grabe, parang may dumaloy na kiliti sa buong katawan ko! Hayop talaga!

Ang galing niya yata pagdating sa mga babae! Pero, bakit bigla akong nakakaramdam ng inis at sama ng loob sa simpleng isipin na ‘yon?

Kakakilala ko lang sa kanya, susmaryosep!

"Mukhang nakabawi na sa pagkabigla ang magiging misis ko, sa wakas. Ihatid na ninyo siya. Dahan-dahan lang. Mahal ko ang babaeng ‘to higit pa sa buhay ko."

Gusto kong masuka bigla sa kasinungalingan na sinasabi niya. Ang salitang ‘magiging misis’ ang mas lalong nagpainis sa akin.

Totoo ba talagang nangyayari ito? Ayokong maniwala.

Nanlaki ang mga mata ko habang hinila ako ng mga tauhan niya palayo. Ang bilis ng mga sumunod na nangyari, parang lahat nag-blur na lang para sa akin.

Pagpasok namin sa isang magarang banyo, dalawang o tatlong kasambahay agad ang naghubad ng mga suot ko at sinimulang linisin ang katawan ko sa ilalim ng mainit na shower.

Pagkatapos, pinunasan nila ako at maayos na pinasuot ng isang puting bestida, mahaba ang manggas pero medyo mababa ang neckline!

At, ang pinakamasaklap? Nawala silang lahat sa isang iglap nang hindi man lang ako binibigyan ng bagong panloob!

Wala akong choice kundi isuot ang puting bestida at lumabas ng kwarto. Napansin kong wala na ring ibang tao sa pasilyo.

Biglang may pumasok na ideya sa isip ko, eto na ang chance ko para tumakas! Ngunit. . 

"Saan mo balak pumunta, mahal ko?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)    Ika-animnapu't walong Kabanata

    ~Agathe~“Baby, mapapatawad mo rin ba ako?” Tanong ni Gunther sa aming anak nang medyo kumalma na siya. “Pasensya na kung nabigo akong maging ama sa’yo nitong nakaraang apat na taon. Pasensya na kung ilang ulit kitang tinangkang itaboy at itanggi, na hindi ko na mabilang.”“Naiintindihan ko po, Daddy. Lagi namang sinasabi ni Yennie sa’kin na nasasaktan ka lang dahil sa pagkawala ni Mommy.” Tumahimik kaming dalawa matapos iyon, pero nagpatuloy si Carlyle.“Mahal na mahal ko kayo, Mommy. Mahal na mahal ko rin kayo, Daddy. Pinapatawad ko na po kayong dalawa.” Sabi ni Carlyle, habang pinagdudugtong ang kamay ko at ni Gunther. “Please, Mommy, huwag mo na kaming iwan ulit. Huwag mo na kaming iwan ni Daddy. Kailangan ka namin ni Daddy dito. Kailangan ka namin.” Tumango ako sa kanya ng paulit-ulit sa kanya.Alam kong aabutin pa ng mahabang panahon bago niya ako lubusang mapatawad, pero handa pa rin akong gawin ang lahat para mabawi ang panahong nawala sa amin ni Gunther kasama si Carlyle.“Ma

  • Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)    Ika-animnapu't pitong Kabanata

    ~Agathe~[Present Time]Binuksan ko agad ang aking mga mata at napakunot ang aking noo nang makarinig ako ng kung anong ingay sa loob ng bahay. Tumigil ang mga alaala na umiikot sa aking isipan, pero wala na akong pakialam dahil bigla akong kinabahan.Parang may kaguluhan, at ang tanging mga taong naiwan sa loob ng bahay ay sina Graziella at Thaddeus.Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa bahay, hindi man lang lumingon sa libingan ng aking mga magulang. Binuksan ko ang likurang pinto ng kusina at pumasok sa loob, desperadong hinahanap sina Graziella at Thaddeus.Paano kung sinundan kami ni Gunther at sinaktan sina Grazie at Thad dahil hindi niya ako makita sa loob ng bahay? “Grazie? Thad?”Napasinghap ako at parang hinugot ang kaluluwa ko sa aking katawan nang makita kong nag-aaway sina Gunther at Thaddeus sa sahig. Nanikip ang dibdib ko sa sakit nang mapansin kong puno ng pasa at galos ang gwapong mukha ni Gunther.“Nasaan ang asawa ko, Thaddeus!” Sinuntok ni Gunther si Thaddeus sa

  • Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)    Ika-animnapu't anim na Kabanata

    ~Agathe~Naalala ko ang aking pagkabata na puno ng galit na nakaukit sa puso ko.Kahit napapalibutan ako ng mabubuting tao, hindi ko kailanman nakalimutan ang pangako ko sa sarili noong ako’y limang taong gulang.[Flashback, five years ago]“Huli ka na naman, Miss Capucine.” Sabi ng aming guro sa Ingles pagkapasok ko sa silid-aralan.“Pasensya na po, Miss Kim.” Paghingi ko ng paumanhin bago umupo sa aking upuan. Binuksan ko ang aking aklat sa panitikan sa pahina singkuwenta’t tatlo gaya ng nakasulat sa pisara.Gaya ng inaasahan, nagsimula na namang magbulungan ang aking mga kaklase tungkol sa akin. “Naku. Hindi ko siya matiis. Nakakaawa siya. Pinapamukha niya na mumurahin ang ating nayon sa suot niyang mumurahing damit.”“Walang saysay ang ganda niya kung patay na rin naman ang tatay niya. Sino ba namang namamatay sa avalanche?” Sabay tawa ng lahat, at wala man lang ginawa si Miss Kim para pigilan sila.“Alam naman ng lahat na may sakit ang nanay mo at nagtatrabaho ka sa isang restawr

  • Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)    Ika-animnapu't limang Kabanata

    ~Agathe~“Dapat maligo ka muna, Agathe, at magpalit ng malinis na damit.” Suhestiyon ni Graziella sa akin nang sa wakas ay makapasok kami sa bahay.Napasinghap ako at halos muling mapuno ng luha ang aking mga mata. Napakalinis at maayos ng lahat sa loob ng aking bahay.Tinapik ni Graziella ang aking likod. “Bumabalik ako rito araw-araw para maglinis at diligan ang mga halaman mo, umaasang kahit anong araw ay uuwi ka. Alam kong ilang linggo ka lang nawala, pero ang pag-iisip na baka hindi na kita muling makita ay labis na bumagabag sa akin.”Mabilis na isinuot ni Graziella ang sapatos sa aking mga paa. “Inisip ko na gusto mo munang bisitahin ang iyong ina at ama, kaya isuot mo ito. Diyos ko, ang lamig ng mga paa mo.”Pinunasan niya ang mga luhang bumagsak sa kanyang mga pisngi at muling tumayo. Inakay niya ako papunta sa kusina, kung saan naroon ang pinto patungong likuran ng bahay.Tahimik na sumusunod sa amin si Thaddeus habang binubuksan namin ang pinto papunta sa bakuran, at muling

  • Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)    Ika-animnapu't apat na Kabanata

    ~Agathe~Siguradong magbabago ang lahat ng dahil dito.Paano ko na haharapin si Carlyle ngayon na napatay ko ang sariling mga lolo’t lola niya?Nanlaki ang mga mata ko nang agawin ni Graziella ang mga papel mula sa kamay ko at ibato pabalik sa kandungan ni Thaddeus.“Hindi na siya babalik sa mansyon na ‘yon. Idiretso mo kami sa Snowflake Village, Silvestri. Itatago ko siya para walang makasakit kay Agathe ulit.”Isang luha ang pumatak mula sa mata ko hanggang sa hindi ko na mapigilan. Bigla na lang akong napaiyak nang todo at tuluyang bumigay.Paano ito nangyari? Paano ko naging anak si Carlyle?Paano nagkaroon ng ganoong ka-cute at kaakit-akit na bata mula sa akin?Paano niya ako mapapatawad ngayon na posibleng nakita niya na ako ang pumatay sa sarili niyang mga lolo’t lola?“Grazie, anak ko si Carlyle.” Sabi ko na may bahid ng kaligayahan sa boses ko. Pero, alam kong ramdam din nila ang matinding pighati sa kaibuturan ko.Humarap si Graziella mula sa passenger’s seat at tumingin sa

  • Captivating The Brutish Billionaire (Tagalog)    Ika-animnapu't tatlong Kabanata

    ~Agathe~Namangha ako nang bigyan ako ni Yesenia ng isang kakaibang tingin. May bahid ng pagkadismaya sa kanyang mga mata.Parang gumuho ang puso ko nang makita ko ang tingin niyang iyon.Inasahan kong siya ang unang makakaunawa na wala akong intensyon na mangyari ang lahat ng ito.Akala ko pa nga, ipagtatanggol niya ako at aakuin niya na magiging maayos din ang lahat.“Arghhh. .” May narinig akong umuungol sa likuran ko at nang lumingon ako, nakita ko si Calixto na dahan-dahang umuupo.Nakapikit pa rin ang mga mata niya habang maingat na hinahawakan ang likod ng kanyang ulo, kahit na bahagya pa rin itong dumudugo. Gustong-gusto kong ipakita ang pasasalamat ko na nagising siya, at gusto ko ring tanungin kung ayos lang ba ang pakiramdam niya.Ngunit nang ibinalik ko ang atensyon ko kay Gunther, napansin kong hindi man lang gumalaw ang tingin niya. Patuloy niya akong tinititigan gamit ang mas malamig pang mga mata.Pakiramdam ko, biglang bumaliktad ang mundo ko. Ayokong nang mabuhay pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status