~Agathe~
“That bellend! Napakatigas ng puso, parang wala nang damdamin! Ang tanga-tanga talaga! Sobrang galit na galit ako sa kanya! Argh!”
Dapat ay higit pa sa sampal at pagbubuhos ng malamig na tubig ang ginawa ko sa mukha niya!
Paano niya ako napahiya ng ganoon? Pag-aari ba niya ang katawan ko o ano?
Nasa loob ako ng elevator. Umiiyak sa sulok, nakayakap sa aking mga tuhod. Tulad ng isang maliit na bata na nawala na sa katinuan.
Sobrang kinikilabutan ako. Wala na akong ideya kung paano ko makukuha ang pera para sa operasyon ng aking ina.
Nakasisigurado akong makukuha ko ang sponsorship na iyon anuman ang mangyari. Ngunit ang eksaktong sandali na hiniling sa akin ng bastard na iyon na maghubad, tulad ng isang kalapating mababa ang lipad na dinampot niya lamang sa kalye, bumaliktad ang aking tiyan.
Sino ang may pakialam kung siya ay isang tycoon at tiyak na gumugulong sa pera buong buhay niya? Who cares if he was handsome and totally my type?
"Dapat mabulok siya sa impyerno dahil sa pagiging baboy niya!"
Tumunog ang elevator at bumukas, tahimik na ipinaalam sa akin na nakarating na ako sa ground floor. Nanghihina, muntik na akong madapa sa sahig kung hindi ko nagawang balansehin ang sarili ko.
Tama. Wala pa akong kinakain buong araw at alas-siyete na ng gabi. Kung paano pa ako nakakalakad ay hindi ko na rin alam.
Pagkalabas ko pa lang ng elevator, naroon na si Calixto, ang bodyguard ng mokong, kasama ang dalawa pang lalaking nakasuot ng itim na suit. Tahimik silang nakatayo sa harap ng elevator.
Hindi ko sana sila papansinin, pero nakatitig silang lahat sa akin. Napatigil ako, pinag-aaralan ang sitwasyon.
"Pasensya na, miss. Pero kailangan mong sumama sa amin."
Sabi ni Calixto sa isang matigas na tono. Walang emosyon ang kanyang mukha, katulad ng gago niyang amo.
"Ha?"
Hanggang sa unti-unting pumasok sa isip ko ang nakakakilabot na katotohanan. Bakit! Bakit ko nakalimutang siya ang nagmamay-ari at nag-uutos sa buong siyudad?
Kung maisipan niyang burahin ako sa mapa, kaya niyang gawin ‘yon. Walang magtatanong o maglalakas-loob na kwestyunin siya.
Sa siyudad na ‘to, siya ang hari. Mas makapangyarihan pa kaysa sa pinuno ng buong bansa.
Nagsimulang lumabas ang malamig na pawis sa noo ko. Lumapit sa akin ang dalawang lalaking naka-itim at agad inagaw ang mga braso ko na parang isa akong bilanggong tumakas.
"Sandali. Teka lang. Siguro may hindi lang pagkakaintindihan dito.”
Hindi ko na maramdaman ang katawan ko. Puro takot ang naramdaman ko nang mapansin kong may baril silang nakatago sa ilalim ng pantalon nila.
Nanginig ako sa takot habang hinihila ako ng dalawang bodyguard, na para bang isa akong kriminal.
"Sandali lang, please. Huwag niyong gawin 'to. Wala akong ginagawang masama. Ang boss niyo ang nagtangkang mang-harass sa akin!”
Pero kahit ganoon, walang nakinig sa pag-iyak ko. Wala ni isa ang naglakas-loob na pakinggan ang panig ko.
Pumiglas ako. Pilit akong kumakawala sa mahigpit nilang hawak. "Please. Pakawalan n’yo na ako, please."
Lahat ng tao sa waiting lobby at lounge ay nakatingin habang hinihila ako palayo. Ang mga nurse na napagtanungan ko kanina ay nagsimula nang magbulungan.
Nakita ko ang pangunahing entrada ng ospital, at may isang itim na kotse ang huminto sa harap nito. Nang makita kong may tatlong lalaking nakasuot ng itim na suit ang bumaba mula roon, alam kong tapos na ang laban ko.
Habang papalapit kami sa kotse, naalala ko ang mukha ng nanay ko. Kung paanong nagmakaawa siyang huwag na muna akong umalis ng gabing 'yon.
Mas lalo akong napaiyak, ang puso ko’y halos mabiyak sa tindi ng sakit. Paano kung hindi ko na siya muling makita pagkatapos ng gabing 'to?
Dahil sa isiping iyon, pinilit kong gamitin ang huling lakas ko. Sinubukan kong tumakas muli, kinagat ko ang braso ng lalaking nasa kaliwa ko at sinipa ko sa ari ang lalaking nasa kanan ko.
Mga gago!
Nang nabitawan nila ang braso ko, kinuha ko agad ang pagkakataong iyon! Balak kong bumalik sa loob ng ospital at humingi ng saklolo. Dahil halatang binabantayan ng mga lalaking 'yon ang main entrance.
"Sa’n mo balak pumunta, mahal?"
Napahinto ako nang biglang tumambad sa harapan ko ang lalaking may kaakit-akit na amber na mga mata. Iba na ang suot niya, malamang ay nagpalit pa siya ng damit.
Tumitibok nang napakabilis ang puso ko, nanghina ang aking mga paa’t kamay. Halos hindi na ako makahinga, pakiramdam ko ay hihimatayin na ako.
Hindi ako makapaniwala na nahuli na naman ako ng dalawang lalaking naghatak sa akin kanina. Ang matinding pagsisisi na bumalot sa buong pagkatao ko ay hindi na makayanang tiisin ng aking pagod na isipan.
Hindi na ako lumaban. Hinayaan ko na lang silang dalhin ako nang tahimik.
Maya-maya pa, napaupo na lang ako sa likurang upuan ng mamahaling sasakyan ng lalaking may kaakit-akit na kulay amber na mga mata. Nasa tabi ko siya ngayon, nakatingin lang sa unahan.
“Saan niyo ako dadalhin?”
Tanong ko nang mahina habang umaandar ang sasakyan. Kailangan kong itanong, kundi mababaliw ako dito.
“Kidnapping na ito.”
Hininuha kong hindi siya sasagot. Halatang galit siya sa pagkaka-igting ng kanyang panga paminsan-minsan.
“Akala mo ba makakatakas ka pagkatapos ng ginawa mo sa akin?”
Napangisi ako. “Hindi ba’t ako ang dapat magsabi niyan?”
“Palaban. Gusto ko ‘yan.”
Iniwas ko ang tingin ko at tumingin sa bintana.
“Huwag na huwag mong iisiping tumalon mula sa sasakyan, Miss Capucine. Hindi ‘yan ang uri ng kamatayang nais kong ipataw sa’yo.”
P-papatayin. . p-papatayin niya ako?
~~~
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, hanggang sa may nagbuhos ng isang balde ng malamig na tubig na may yelo sa ulo ko. Sa sobrang gulat, napasigaw ako.
"Bloody hell!"
"Chilling, ‘di ba? Baka sakaling matanggal niyan ang basura mong ugali."
What the hell?
Iniangat ko ang pagod kong tingin sa harapan ko, at nakita ko ang isang madilim na anino. Dahil kagigising ko lang mula sa malalim na pagtulog, magulo pa ang isip ko.
At nanginginig pa ako sa sobrang lamig!
"Tulog ka pa rin ba, mahal?"
Yung boses na 'yon. Napatingin ako sa paligid ko. Ang dilim-dilim, halos wala akong makita.
Hanggang sa unti-unti kong naalala ang mga nangyari nitong mga nakaraang oras. Nasa Stonewood City ako!
Sinubukan kong gumalaw, pero hindi ko magawa. Napansin kong nakatali ako ng lubid o kung anuman, mula sa braso pababa sa bewang.
Naka-luhod ako, at may dalawang kamay na humahawak sa akin mula sa magkabilang gilid ko.
Wala na kami nasa loob ng sasakyan. Sigurado ako doon.
Nang muli kong tingnan ang madilim na anino sa harapan ko, bigla kong napansin bumukas ang nakakasilaw na headlights ng sasakyan niya sa likuran niya.
Doon ko na siya nakilala, yung ulupong! Nasa paligid namin ang mga tauhan niyang naka-itim na suit.
"Mukhang gising na gising ka na, mahal ko. Hindi ka ba interesado kung nasaan tayo ngayon?"
Tinitigan ko ang tarantado habang ang aking mga mata ay sumasalamin sa matinding galit na nararamdaman ko sa loob ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang medyo naakit pa ako sa kanya noong una ko siyang makita!
Lumuhod ang tarantado para pumantay ang kanyang mga mata sa akin. Pagkatapos ay hinablot niya ang mahaba kong buhok at halos mapasigaw ako sa sakit.
Tiniis ko ito habang tinitigan ko siya pabalik. Napakabangis at walang awa ang tingin ng kanyang mga mata.
Kung alam ko lang sana na isa siyang demonyong nagkukubli sa kasuotan ng isang tupa. "Bitawan mo ako, hayop ka."
Bahagya niyang ikiniling ang kanyang ulo. "Mukhang may lakas ka pa rin ng loob na sumagot sa akin."
"Hinding-hindi ako yuyuko sa mga tulad mong gago."
Ang pride ko na lang ang natitirang meron ako. Hinding-hindi ko ‘yon isusuko, kahit ano pa ang mangyari.
"Talaga? Mas mabuti pang lumingon ka sa likuran mo."
Marahas niyang inikot ang ulo ko para makita ang nasa likod namin. Napasinghap ako sa gulat at pagtataka sa aking nakita.
"Ang bangin na ‘yan ang magiging tanging saksi sa biglaan mong kamatayan. Dito ka malilibing."
Nanlaki ang mga mata ko. "Papatayin mo ako dahil lang sinampal kita?"
"Sino'ng nagsabing papatayin kita agad? Maglalaro muna tayo, mahal ko."
Putangina. Akala ko makukunsensya siya at palalayain ako kahit ngayon lang.
So, ginagawa niya lang ‘to dahil sa galit? Galit na sigurado akong lilipas din? Talaga nga namang kakaibang klase ang mga mayayaman.
Si Calixto, na nakatayo sa kanyang kanan, ay iniabot sa kanya ang isang baril. Muli, nanlamig ang buong katawan ko.
Kung kanina ay nauuto ko pa ang sarili kong magiging maayos din ang lahat, ngayon ay hindi ko na alam kung ganoon pa rin ang sitwasyon.
Nanginig ang aking mga kamay.
"Maglaro tayo ng Russian roulette. Gusto mo? Pero may plot twist, ikaw lang ang player."
Lunok ako ng lunok. Nababaliw na ba talaga siya?
Walang pag-aalinlangan, naglagay siya ng bala sa isa sa mga chambers ng kanyang revolver. Pinaikot niya ang silindro, saka ako tinitigan habang may nakakatakot na ngiti sa kanyang labi.
Bago ko pa man maunawaan ang nangyayari, itinapat na niya ang dulo ng baril malapit sa ulo ko at pinaputok ito.
Ang pagkabigla na tumama sa buong sistema ko ay hindi matatawaran, wala nang hihigit pa. Ngayon ko lang lubos na naintindihan na kaya niyang pumatay nang walang pag-aalinlangan, lalo na sa isang tulad kong wala namang halaga.
"Ooops, I missed. What are the odds, huh? Subukan ulit natin?"
Muling sumagi sa isipan ko ang nagmamakaawang mukha ng aking ina. Hindi ako pwedeng mamatay nang ganito.
Muling itinapat ng gago ang baril sa akin habang tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha ko.
Bago niya makalabit muli ang gatilyo, halos hindi ko na makilala ang aking tinig sa sakit habang nagsasalita ako. "Huwag mo akong patayin. Gagawin ko ang kahit ano. Kahit ano. Basta. . patawarin mo ako."
~Agathe~“Baby, mapapatawad mo rin ba ako?” Tanong ni Gunther sa aming anak nang medyo kumalma na siya. “Pasensya na kung nabigo akong maging ama sa’yo nitong nakaraang apat na taon. Pasensya na kung ilang ulit kitang tinangkang itaboy at itanggi, na hindi ko na mabilang.”“Naiintindihan ko po, Daddy. Lagi namang sinasabi ni Yennie sa’kin na nasasaktan ka lang dahil sa pagkawala ni Mommy.” Tumahimik kaming dalawa matapos iyon, pero nagpatuloy si Carlyle.“Mahal na mahal ko kayo, Mommy. Mahal na mahal ko rin kayo, Daddy. Pinapatawad ko na po kayong dalawa.” Sabi ni Carlyle, habang pinagdudugtong ang kamay ko at ni Gunther. “Please, Mommy, huwag mo na kaming iwan ulit. Huwag mo na kaming iwan ni Daddy. Kailangan ka namin ni Daddy dito. Kailangan ka namin.” Tumango ako sa kanya ng paulit-ulit sa kanya.Alam kong aabutin pa ng mahabang panahon bago niya ako lubusang mapatawad, pero handa pa rin akong gawin ang lahat para mabawi ang panahong nawala sa amin ni Gunther kasama si Carlyle.“Ma
~Agathe~[Present Time]Binuksan ko agad ang aking mga mata at napakunot ang aking noo nang makarinig ako ng kung anong ingay sa loob ng bahay. Tumigil ang mga alaala na umiikot sa aking isipan, pero wala na akong pakialam dahil bigla akong kinabahan.Parang may kaguluhan, at ang tanging mga taong naiwan sa loob ng bahay ay sina Graziella at Thaddeus.Agad akong tumayo at tumakbo papunta sa bahay, hindi man lang lumingon sa libingan ng aking mga magulang. Binuksan ko ang likurang pinto ng kusina at pumasok sa loob, desperadong hinahanap sina Graziella at Thaddeus.Paano kung sinundan kami ni Gunther at sinaktan sina Grazie at Thad dahil hindi niya ako makita sa loob ng bahay? “Grazie? Thad?”Napasinghap ako at parang hinugot ang kaluluwa ko sa aking katawan nang makita kong nag-aaway sina Gunther at Thaddeus sa sahig. Nanikip ang dibdib ko sa sakit nang mapansin kong puno ng pasa at galos ang gwapong mukha ni Gunther.“Nasaan ang asawa ko, Thaddeus!” Sinuntok ni Gunther si Thaddeus sa
~Agathe~Naalala ko ang aking pagkabata na puno ng galit na nakaukit sa puso ko.Kahit napapalibutan ako ng mabubuting tao, hindi ko kailanman nakalimutan ang pangako ko sa sarili noong ako’y limang taong gulang.[Flashback, five years ago]“Huli ka na naman, Miss Capucine.” Sabi ng aming guro sa Ingles pagkapasok ko sa silid-aralan.“Pasensya na po, Miss Kim.” Paghingi ko ng paumanhin bago umupo sa aking upuan. Binuksan ko ang aking aklat sa panitikan sa pahina singkuwenta’t tatlo gaya ng nakasulat sa pisara.Gaya ng inaasahan, nagsimula na namang magbulungan ang aking mga kaklase tungkol sa akin. “Naku. Hindi ko siya matiis. Nakakaawa siya. Pinapamukha niya na mumurahin ang ating nayon sa suot niyang mumurahing damit.”“Walang saysay ang ganda niya kung patay na rin naman ang tatay niya. Sino ba namang namamatay sa avalanche?” Sabay tawa ng lahat, at wala man lang ginawa si Miss Kim para pigilan sila.“Alam naman ng lahat na may sakit ang nanay mo at nagtatrabaho ka sa isang restawr
~Agathe~“Dapat maligo ka muna, Agathe, at magpalit ng malinis na damit.” Suhestiyon ni Graziella sa akin nang sa wakas ay makapasok kami sa bahay.Napasinghap ako at halos muling mapuno ng luha ang aking mga mata. Napakalinis at maayos ng lahat sa loob ng aking bahay.Tinapik ni Graziella ang aking likod. “Bumabalik ako rito araw-araw para maglinis at diligan ang mga halaman mo, umaasang kahit anong araw ay uuwi ka. Alam kong ilang linggo ka lang nawala, pero ang pag-iisip na baka hindi na kita muling makita ay labis na bumagabag sa akin.”Mabilis na isinuot ni Graziella ang sapatos sa aking mga paa. “Inisip ko na gusto mo munang bisitahin ang iyong ina at ama, kaya isuot mo ito. Diyos ko, ang lamig ng mga paa mo.”Pinunasan niya ang mga luhang bumagsak sa kanyang mga pisngi at muling tumayo. Inakay niya ako papunta sa kusina, kung saan naroon ang pinto patungong likuran ng bahay.Tahimik na sumusunod sa amin si Thaddeus habang binubuksan namin ang pinto papunta sa bakuran, at muling
~Agathe~Siguradong magbabago ang lahat ng dahil dito.Paano ko na haharapin si Carlyle ngayon na napatay ko ang sariling mga lolo’t lola niya?Nanlaki ang mga mata ko nang agawin ni Graziella ang mga papel mula sa kamay ko at ibato pabalik sa kandungan ni Thaddeus.“Hindi na siya babalik sa mansyon na ‘yon. Idiretso mo kami sa Snowflake Village, Silvestri. Itatago ko siya para walang makasakit kay Agathe ulit.”Isang luha ang pumatak mula sa mata ko hanggang sa hindi ko na mapigilan. Bigla na lang akong napaiyak nang todo at tuluyang bumigay.Paano ito nangyari? Paano ko naging anak si Carlyle?Paano nagkaroon ng ganoong ka-cute at kaakit-akit na bata mula sa akin?Paano niya ako mapapatawad ngayon na posibleng nakita niya na ako ang pumatay sa sarili niyang mga lolo’t lola?“Grazie, anak ko si Carlyle.” Sabi ko na may bahid ng kaligayahan sa boses ko. Pero, alam kong ramdam din nila ang matinding pighati sa kaibuturan ko.Humarap si Graziella mula sa passenger’s seat at tumingin sa
~Agathe~Namangha ako nang bigyan ako ni Yesenia ng isang kakaibang tingin. May bahid ng pagkadismaya sa kanyang mga mata.Parang gumuho ang puso ko nang makita ko ang tingin niyang iyon.Inasahan kong siya ang unang makakaunawa na wala akong intensyon na mangyari ang lahat ng ito.Akala ko pa nga, ipagtatanggol niya ako at aakuin niya na magiging maayos din ang lahat.“Arghhh. .” May narinig akong umuungol sa likuran ko at nang lumingon ako, nakita ko si Calixto na dahan-dahang umuupo.Nakapikit pa rin ang mga mata niya habang maingat na hinahawakan ang likod ng kanyang ulo, kahit na bahagya pa rin itong dumudugo. Gustong-gusto kong ipakita ang pasasalamat ko na nagising siya, at gusto ko ring tanungin kung ayos lang ba ang pakiramdam niya.Ngunit nang ibinalik ko ang atensyon ko kay Gunther, napansin kong hindi man lang gumalaw ang tingin niya. Patuloy niya akong tinititigan gamit ang mas malamig pang mga mata.Pakiramdam ko, biglang bumaliktad ang mundo ko. Ayokong nang mabuhay pa