FAZER LOGIN"Bakit ka ba napapaaway?" tanong sa akin ni Shiama nang makalayo na kami.
"Nainis ako sa bunganga eh, sinabihan ba naman akong hampaslupa."
"Ay yawa, tara balik tayo. Ihampas ko siya sa lupa!" Pinigilan namin si Shianna nang patakbo na sana siya ulit pabalik.
"Isa ka pa, hindi niyo na sana pinatula pa." Sabay kaming napatingin kay Shiama.
"Seryoso ka ba d'yan, Shiam? Kahit iniinsulto ka na, hindi ka pa rin papatol? Alam mo naman kung ano ang ugali namin, kaya ka binubully kasi hinahayaan mo ang mga taong apakan ka." Umirap ako sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon.
"Nandyan naman kayo para ipagtanggol ako pero hindi ko rin naman hahayaan na dahil sa akin o dahil sa iba ay magkaroon kayo ng kaaway. Tignan n'yo ang nangyari ngayon, may mga galos kayo. At ikaw na nga nagsabi sa akin na kapag may nambully sa akin at tatahimik na lang ako pero kayo itong hindi nagpapigil. Paano natin maipaliwanag iyan kina Nanay?"
She's right, pinapatahimik ko lang siya dahil ang ibig kong sabihin no'n, kami na ang bahala kapag may makakaaway siya. Nag-aaral ng mabuti si Shiama kaya wala silang karapatan na awayin siya.
"Shiam, hayaan mo na si Nanay. Ako na ang bahala. Sige na, bumalik na kayo sa classroom ninyo. Magkita na lang tayo mamaya." Hinawakan ko silang dalawa at tinulak paalis.
"Sigurado ka ba? Kapag inaway ka ulit sumigaw ka lang ng Shianna ah?" Natawa ako sa sinabi niya, para talagang sira.
"Hatid mo na 'to, Shiam." Tumalikod na ako at mabilis na tumakbo. Hindi puwede mahuli ako sa klase.
Kapag talaga makita ko ang mga panget na iyon at kapag ginalaw na naman nila ako, hindi na talaga ako magdadalawang isip ingudngod sila. Lalo na 'yong unggoy na iyon na akala mo ay kung sino. Suffer his face, bigyan ko siya ng flying kick eh.
Wala namang masdyadong pinapagawa ang mga teachers since first day, nagpapalista lang sila ng mga dapat gagawin in the future. Thank goodness, akala ko'y kaklase ko ang dalawang babae na nakaaway ko kanina. Buti naman tahimik ang klase ko.
At dahil nga wala kaming cellphone tatlo, papunta ako ngayon sa department nilang dalawa para makasabay sa lunch. Alam ko'y same lang din kami ng schedule tuwing lunch time. Mas inuna kong puntahan si Shiama dahil malapit lang sa building namin ang Med. Yes, she's taking Bachelor of Medicine, Bachelor of Surgery or in short, BMBS. Nakaya pa naman dahil full scholarship siya. Buti nga'y nakapasa talaga siya, bawas gastos since sa aming tatlo, kurso niya ang pinakamahal.
Nakita ko naman kaagad siya na palabas at nakayukong naglalakad. Napailing na lamang ako dahil for sure, nahihiya pa ito sa mga kaklase niya. Baka nga for the whole year, ganito na naman siya. Hinila ko kaagad siya na siyang ikinagulat niya.
"Gutom na ako, pupuntahan pa natin si Shianna." Hindi ko na siya pinasalita pa, agad ko na siyang inilayo sa building nila at mabilis na naglakad patungo sa department nila Shianna.
"Pwede naman kasing maglakad nang mabagal," she said.
"Nagugutom na nga ako."
Nakarating na rin naman kami sa building nila Shiana at pinagmasdan lang namin siyang nakikipagdaldalan. Nagkatinginan kaming dalawa ni Shiama, alam na kasi namin na lagi siyang ganito. Sa aming tatlo, siya rin ang naiiba pagdating sa maraming kaibigan. Bukod sa maingay siya, mabilis niya rin makuha ang loob ng ibang tao iyon nga lang minsan ay pinaplastik na lang siya. Napahinto naman siya sa pagsasalita nang bigla siyang napalingon sa banda namin at kumaway, tinaasan ko siya ng kilay at saka sinenyasan na lumapit.
"Bilis makipagplastikan ah," I said. Napatawa naman nang mahina si Shiama at ngumisi lang si Shianna.
"Kakain na ba tayo?" tanong nito. I nodded at hinila na rin namin siya patungo sa canteen.
Shianna taking Bachelor of Political Science for now, alam naming hindi siya mag-abogado o ano pa man. May makurso lang talaga siya. Hindi namin alam kung anong gusto niya dahil hindi niya rin naman sinasabi lahat sa amin.
Nang makarating kami sa canteen, wala kaming mahanap na bakanteng upoan. "Paano 'yan? Sa labas ulit tayo kakain?" mahinang tanong ni Shiama. Sabay kaming umiling ni Shianna at patuloy pumasok sa loob.
"Ayon oh, patapos na yata sila." Tinuro ko ang isang grupo ng estudyante na nakaupo na lang at kaharap ang mga wala ng laman na plato nila. Hinila ko ang dalawa patungo roon. "Hi, tapos na po ba kayo?" tanong ko na dapat pala hindi ko na tinuloy ang pagpunta namin dito. Pinagsisihan ko!
Sabay-sabay silang lumingon sa amin, ang iba sa kanila ay nakangisi at iba naman ay masama ang tingin. Lalo na iyong lalaking kaharap ko ngayon na kakatayo niya lang mula sa kinauupuan niya. Siya iyong lalaking nakasagutan ko kanina sa hallway. Anak ng!
"Kailangan niyo ba 'to?" tanong niya. Obvious ba?
"A-ahh, yes po. Puwede po bang kami na rito?" Napakunot ang noo ko nang si Shiama ang sumagot. Ang galang niya, hindi naman dapat ginagalang ang kaharap namin ngayon.
"Oh, hi miss. Pero ang babae ito ang tinatanong ko." Bumaling siya sa akin na may ngisi pa rin sa nakakapesti niyang mukha. I raised one of my eyebrow.
"Pwede bang magamit namin ang lamesa ninyo? Looks like, tapos na kayo?" Tiningnan ko pa ang mga kasamahan nitong nakatingin na rin sa amin at hindi pa rin umaalis.
"Can't you see? Hindi pa sila tapos, mag-antay na lang kayo." I rolled my eyes. Hindi na rin naman sila kumakain.
"Excuse me mister, wala na rin naman kayong ginagawa. Baka naman?" si Shianna na halata na rin ang inis. May pumunta rin naman na lalaki sa amin na galing sa likod ng unggoy na 'to.
"As you can see, nakaupo pa sila." The guy said in front of Shianna.
Magsasalita pa sana si Shianna pero pinigilan na siya ni Shiama at hinila na kami papalayo."Bakit?" tanong ko na ramdam pa rin ang inis.
"Baka mapaaway na naman kayong dalawa, hanap na lang siguro tayo ng iba?" sabi niya.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Shianna sabay buntong hininga at tumango. Ano pa nga bang magagawa namin? As much as possible, sige aatras kami sa mga gulo at baka madamay pa si Shiama at iyon ang magiging dahilan kung mawalan man siya ng scholarship.
Nang makalabas kami sa canteen, hinila kami ni Shiama patungo sa isang malaking puno dito sa university namin. Obviously, dito kami kakain.
"May dala akong sapin, dito na lang tayo. Hindi pa mainit at saka, maaliwalas ang simoy ng hangin." Nakangiting saad niya sa amin. Napailing na lang ako, mukhang predicted niya na na mangyayari ito kaya siya nagdala ah.
"Ano pa nga bang magagawa namin? Nasaan na?" tanong ni Shianna na agad din namang nilabas ni Shiama ang dala nitong hapin.
Ito ang lagi naming gamit sa tuwing tumatambay kami sa dapit ilog malapit sa amin.
"Hindi ko akalain na ganito agad ang unang araw natin," saad ni Shianna habang ngumunguya.
Naalala ko na naman ang mukha ng lalaking iyon, akala mo'y siya ang may ari ng paaralan na ito at kung siya man. Ang panget niya ka-bonding!
"Hayaan na natin." Napatingin agad ako kay Shiama nang magsalita siya.
Hinawakan ko ang balikat niya dahilan napatigil siya sa pagkain. "Paano kung hindi na ako mag-aaral? At mangyari sa 'yo ang pagbu-bully na naman, hahayaan mo ba sila ulit?" tanong ko.
"Titigil ka? Bakit ka titigil? May problema ba?" Napapikit aki nang mariin sabay buntong hininga. I looked at Shianna na kibitbalikat lang din ang reaction sa kapatid namin.
Matalino nga, kakainis naman minsan kabaitan niya. Pero kahit ganyan, siya rin naman lagi ang nagpapakalma sa amin ni Shianna.
"Oh, looks who's here?" Umangat ang ulo ko nang may magsalitang ipis. Siya iyong babaeng nakaaway ko kanina, ano na namang trip ng babaeng 'to?
"You're eating under the tree? And ew, what is that? Ang baho naman ng ulam niyo."May bundok pa ba kaya 'to?
"Gusto mo bang kumain? Baka naiinggit ka?" Shianna mocked, pinakita pa kung paano kainin ang tuyo. Kita ko kung paano ngumiwi at nandiri ang tatlong babaeng nandito. Mukha naman silang tuyo.
"Gosh, I can't take this. Tara na nga." Sabay silang umalis. Buti naman, nakakawala silang gana panuorin.
"Ang aarte, akala mo'y ang gaganda," Shianna said.
Natapos na rin naman kaming kumain at saka naglakad na paalis sa ilalim ng malaking kahoy ngunit hindi pa kami nakakalayo may mga asungot na namang dumating.
"Anak ng tinapa, malapit na magsimula ang klase ko. Ano na namang gusto ng mga 'yan?" Shianna said. Tumingin ako sa kanilang dalawa at sa relo ko. Kunting oras na nga lang magsisimula na ang klase nila.
"Sige na, mauna na kayo. Magkita na lang tayong mamayang uwian," utos ko sa kanila.
"Paano ka? Baka i-bully ka na naman nila." Bakas ang pag-alala ni Shiama.
"Hindi iyan, sige na. Maghiwalay na tayo this time. Hindi ko naman sila papansinin," I said at tinulak na sila palayo sa akin. Mabilis na rin naman silang tumakbo nang magsimulang mag-bell.
I looked at the guy na ngayo'y nag-iisa na lang din dahil kasabay ng ibang estudyante na tumakbo ang dalawang kasamahan niya. Umirap ako sa kanya at hindi na pinansin pa, pero sinusubukan nga talaga ako. Hinarangan niya ako kaagad.
"Ano na namang trip mo?" Ngumisi lang siya sa akin.
"Type kita?" Gulat akong tumingin sa kanya at hindi ko namalayan na otomatiko ko siyang nasapak sa mukha. "Tangina! What did you do?"
Halos mataranta ako at hahawakan na sana siya nang napahinto ako, may napagtanto lang ako sa sinabiya niya kanina. Deserve niya masapak.
"Ang bastos ng bunganga mo, wala akong panahon makipag trip-an sa 'yo ah." I was about to turned my back at him nang hinawakan niya agad ang kamay ko.
Akma ko siyang sasapakin ulit nang umatras agad siya, he acted he surrendered using his both hands.
"Chill, I just want you to be my girlfriend?" What the fuck?
"Gago ka?"
"Maybe yes. But, just one night, be my girlfriend."
Maingay ang buong paligid pagpasok pa lang naming dalawa ni Liam, hawak niya pa rin ang baywang ko gamit ang mainit na palad, naramdaman ko kahit ang suot kong dress ay hindi katulad ng mga nakikita ko rito iba na walang takip sa gilid ng tiyan.Lumunok ako ng dalawang beses at yumuko, nahihiya ako. "Liam!" sigaw ng kung sino at lumapit sa amin ni Liam. "Woah, who's this chic?" Mahina ngunit alam kong nanunuyang tanong ng lalaki."She's my date for tonigh, Jade.""Ang ganda ng date mo ngayon ah. Well, you are Liam Agosti, hindi pwedeng hindi maganda ang dala mo. By the way, hi! I am Jade, Liam's bestfriend." Naglahad ng kamay ang lalaki sa harap ko, hindi ko nga alam kung tatanggapin ko ba iyon o lumayo sa kanya.Tiningnan ko pa ang mukha ni Jade, he's handsome at halata rin naman na college guy rin siya. Mukha namang mabait ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa dimple niya na kung ngumiti ay mas lalong nabubutas ang pisngi. I was about to touch his hand when someone pulled me."Sh
Hindi ko na nahabol si Shianna nang tumakbo siya palabas ng bahay. Nakakainis, hindi niya raw binasa ang text pero alam niya ang laman. Kung hindi ko lang talaga siya kapatid!Hinayaan ko na lang muna ang inis ko sa kanya, pumasok ako sa kwarto namin at kunuha ang cellphone na nasa maliit na lamesa namin dito. Nandito na rin ang bag ko, binalik na rin yata ni Shiama or notebook ko lang na may assignment ang kinuha niya. Bumuntonghininga ako at saka binuksan ang cellphone. Gusto kong mainis lalo at ibato ang phone na ito pero hindi pwede dahil ibabalik ko pa ito sa unggoy na iyon. iPhone pa talaga ang binili niya, hindi ko naman alam paano gamitin ito at ang alam ko lang sobrang mahal nito. Grabe naman siya maghanap ng paraan, ganito talaga?Pinilig ko ang ulo ko at binuksan ang message niya na alam kong binuksan na ng kapatid ko. Nakita ko ngang makikipagkita siya sa akin bukas sa cafe na pinagtrabuhan ko. Sunday naman bukas kaya walang pasok pero ang akin lang, bukas na ba ang simula
"Dapat hindi ka rin late sa schedule mo rito sa cafe, ayaw ng may ari na laging late." Tumango ako sa manager namin.Noong isang araw lang din ako natanggap sa trabaho, malapit lang din naman ang cafe sa university kaya hindi na rin ako mahihirapan."Opo, Ma'am." Yumuko ako kasama ang dalawa pang kasamahan ko na natanggap din.Iniwan na rin naman kami ni Ma'am Susan at pinasimula na kami sa trabaho."Sino kaya ang may ari?" tanong ni Jade."Lalaki kaya? Gwapo?" segunda naman ni Lomi. Sila ang dalawa kong kasamahan na kanina ko lang din nakilala."Baka suplado o suplada rin gaya ni Ma'am Susan," saad ko habang nagliligpit ng mga nasa counter.Wala naman din akong pakealam kung babae, lalaki, suplado o suplada ang may ari nito. Ang mahalaga sa akin ang magtrabaho nang maayos at matapos kaagad nang makapag-aral na ako. Buti nga naayos ang schedule ko sa klase, hindi ko man kasabay ang dalawa tuwing pagpasok, minsan nama'y may mga parehong araw na makakasabay ko sila sa uwian. Tuwing Lune
Pagkatapos namin mag-dramahan kagabi, inasikaso ko na kaagad ang requirements ko para maghanap na mamaya pagkatapos ng klase ko. Sakto naman kasi, nagtanong ako sa anak ng kapitbahay namin kung ano-ano ang mga requirements kapag maghahanap ng trabaho. More on experience daw pero wala pa naman akong experience at hindi pa nakapagtapos sa college, high school lang. Kaya iyong resume na lang ang hinanda ko at ibang documents pa na kailangan, tulad ng PSA birth certificate at iyong schedule at load ko sa school ko."Mauna na lang kayong umuwi mamaya ah, maghahanap pa ako ng trabaho," saad ko sa kanilang dalawa nang makarating kami sa university."Bawal ba kaming sumama?" tanong naman ni Shianna. Ano naman ang gagawin niya kung sasama siya sa akin."Hindi ako sasama, marami na agad akong pag-aralan pag-uwi ko sa bahay." Tumango ako kay Shiama at saka bumaling ulit kay Shianna na nakanguso na."Samahan mo na lang si Shiama mag-aral, magpapaturo ka pa sa kanya 'di ba? Hindi mo yata naintindi
"Grabe, unang araw pa lang nang makita ang mga subjects ko, nahihirapan na ako. Shiama, baka naman alam mo ang iba sa kanila.""Titignan natin sa bahay, ilang units ba sa 'yo?"Ano ba talagang trip ng lalaking iyon? Ang lakas ng tama!"22 units sa akin, same lang naman yata tayo. Pero may subject akong patungkol sa bansa. Bakit ba kasi nag-PolSci pa ako."Paano kung may balak siya sa akin? At saka, bakit ba ako biglang tumango kanina sa kaniya?"Mahirap din yata sa kanya, kanina pa 'yan nakatulala.""Shiara!""Ay pota!" Sinamaan ko ng tingin ang dalawang nagtataka ang mga mukha. "Bakit kayo naninigaw?" tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa na para bang isa akong alien na walang alam sa mundong ito."Okay ka lang ba? Kanina pa kami nag-uusap dito at tinatanong ka rin namin, pero hindi ka sumasagot. May masakit ba sa 'yo? Napaaway ka na naman ba?" sunod-sunod na tanong ni Shiama.Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at nauna nang maglakad. Wala naman akong isasagot sa kanila.
"Bakit ka ba napapaaway?" tanong sa akin ni Shiama nang makalayo na kami."Nainis ako sa bunganga eh, sinabihan ba naman akong hampaslupa.""Ay yawa, tara balik tayo. Ihampas ko siya sa lupa!" Pinigilan namin si Shianna nang patakbo na sana siya ulit pabalik."Isa ka pa, hindi niyo na sana pinatula pa." Sabay kaming napatingin kay Shiama."Seryoso ka ba d'yan, Shiam? Kahit iniinsulto ka na, hindi ka pa rin papatol? Alam mo naman kung ano ang ugali namin, kaya ka binubully kasi hinahayaan mo ang mga taong apakan ka." Umirap ako sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon."Nandyan naman kayo para ipagtanggol ako pero hindi ko rin naman hahayaan na dahil sa akin o dahil sa iba ay magkaroon kayo ng kaaway. Tignan n'yo ang nangyari ngayon, may mga galos kayo. At ikaw na nga nagsabi sa akin na kapag may nambully sa akin at tatahimik na lang ako pero kayo itong hindi nagpapigil. Paano natin maipaliwanag iyan kina Nanay?"She's right, pinapatahimik ko lang siya dahil ang ibig kong sabihin no'n, ka







