FAZER LOGINHindi ko na nahabol si Shianna nang tumakbo siya palabas ng bahay. Nakakainis, hindi niya raw binasa ang text pero alam niya ang laman. Kung hindi ko lang talaga siya kapatid!
Hinayaan ko na lang muna ang inis ko sa kanya, pumasok ako sa kwarto namin at kunuha ang cellphone na nasa maliit na lamesa namin dito. Nandito na rin ang bag ko, binalik na rin yata ni Shiama or notebook ko lang na may assignment ang kinuha niya. Bumuntonghininga ako at saka binuksan ang cellphone. Gusto kong mainis lalo at ibato ang phone na ito pero hindi pwede dahil ibabalik ko pa ito sa unggoy na iyon. iPhone pa talaga ang binili niya, hindi ko naman alam paano gamitin ito at ang alam ko lang sobrang mahal nito. Grabe naman siya maghanap ng paraan, ganito talaga?
Pinilig ko ang ulo ko at binuksan ang message niya na alam kong binuksan na ng kapatid ko. Nakita ko ngang makikipagkita siya sa akin bukas sa cafe na pinagtrabuhan ko. Sunday naman bukas kaya walang pasok pero ang akin lang, bukas na ba ang simula ng pagpapanggap ko? Bakit ba kasi ako pumayag? Pero naisip ko lang din kung ano ang sagot sa tanong ko. Ayaw ko lang mapahamak kami ng mga kapatid ko, balita ko ay malupit si Liam at ang mga kasamahan niya sa mga estudyanteng hindi susunod sa kanila. Parang mga tanga.
Kinagabihan ay maaga kaming natapos kumain at natapos na rin si Shianna sa assignment niya kaya ngayon ay hawak niya ang phone para mag-selfie. May mga social media accounts naman kami pero siya ang active, siya ang palaging gumagamit din sa cellphone ni Tatay para roon. She's famous, though. Si Shiama naman ay kahit alam kong tapos na siya sa assignment niya, nagbabasa pa rin. At ako, naghahanap ako ng pwedeng maisuot para bukas. Ang sabi ni Liam sa text ay mag-suot ako ng dress, wala naman akong ibang dress kundi ang mga mumurahin na dress ko lang, katulad sa dalawa kong kapatid.
"Oh My God!"
Natigil ako sa ginagawa ko at kunot noong bumaling kay Shianna nang sumigaw siya, pinakita niya sa akin screen ng phone na siyang nagpalaki ng mata ko. Shit!
"Answer the call, Ate! Tumatawag iyong Liam? I know him!" Hindi ko na siya pinasalita pa, binawi ko na lang ang phone ko mula sa kanya, kahit si Shiama ay napatigil sa ginagawa niya at ngayon kasabay niya si Shianna na nakatingin sa akin. Inaantay yata kung ano ang sasabihin ko kay Liam.
Tumikhim ako bago magsalita. "Hello?" Mahina ngunit mahinahon kong sabi.
"Great! I thought you won't answer my calls again, hindi ka nag-reply ulit sa message ko!" Ngumiwi ako dahil sa sigaw niya. Ang highblood naman nito.
"May ginagawa ako kanina---"
"Ano? Don't tell me may trabaho kang iba after ng trabaho mo sa cafe?" tanong niya na mas lalong ikinairap ko.
"Marami akong ginagawa sa bahay pero nabasa ko naman ang message mo. Ngayon nga ay naghahanda ako kaya pwede mo na ibaba, ayos na."
"Good, bye."
Ilang minuto akong tumahimik dahil sa pagbaba niya ng tawag agad. Iyon lang? At kung magalit siya parang tinakbuhan ko na agad. Huminga ako nang malalim at ibinato ang phone sa kama, ang akala ko ay may magsasalita pagkatapos ng tawag ngunit wala. Tumingin ako sa dalawa kong kapatid na nakatulalang nakatingin sa akin.
"B-bakit?" Nauutal kong tanong. Kahit na si Shianna na alam kong magsasalita agad ay hindi yata alam kung ano sasabihin sa akin.
"Is that...Liam Agosti?" Shianna asked nang hindi na yata matiis. "Totoo ba ang hula ko? Ang katawagan mo ay si Liam Agosti at siya rin ba ang nagbigay ng phone? Paano at bakit?" sunod-sunod niya pang tanong.
Ano bang isasagot ko sa tanong niya? Na oo, at para maging ligtas sila sa skwelahan? Sasabihin kong magpapanggap akong maging girlfriend ng kumag na iyon? "May napag-usapan lang kami, bayad ko raw dahil ininis ko siya noong first day of class," simpleng sagot ko para hindi nila mahalata na isa rin ito sa malaki kong problema.
"Anong usapan iyan?" si Shiama na kanina pa rin tahimik.
"Wala, ako na ang bahala roon. Huwag kayong mag-alala, ibabalik ko rin ang cellphone sa kanya para hindi niya maisip na may utang na loob ako sa kanya." Kinuha ko ang phone at pinasok sa bag na dadalhin ko bukas sa pagkikita namin. "Matulog na tayo," sabi ko sa kanila at iniligpit na ang kalat sa kama.
Hindi na rin naman sila nagtanong pa, suguro dahil sa gulat at pagtataka. Syempre, kilala na namin agad kung sino si Liam Agosti sa loob lang ng isang linggo. Sino ba naman ang hindi makakilala sa kanya na sa tuwing break time ay siya ang bukambibig ng mga kaklase ko, mukhang alam yata ng karamihan ang buong pagkatao ni Liam kaya alam kong kilala na rin ng dalawa kong kapatid at nalaman din nila na isa si Liam sa nakabangga ko.
Kinabukasan maaga kong tinapos ang gawain ko sa bahay, sinabi ko rin sa dalawa na huwag sabihin kina Nanay at Tatay kung saan ako pupunta mamayang gabi. Ang ipapaalam ko lang ay welcome party sa trabaho. Pumayag din naman ang dalawa, gusto pa ngang sumama ni Shianna pero pinagbawalan ko dahil mahahalata ng magulang namin kung ano ang gagawin ko dahil hindi naman talaga tungkol ito sa trabaho.
Kinahapunan nakapaghanda na ako, kaya sakto dumating ang gabi ay nakaalis na ako. Mabuti nga ay pinayagan ako nina Nanay. Nakarating naman agad ako sa cafe at nakita kong bukas ito, ibang empleyado ang schedule ngayon kaya hindi na ako pumasok. Kinuha ko lang phone para i-text si Liam na nakarating na ako.
"You're here." Bumaling ako sa nagsalita, napatigil dahil sa nakitang nilalang. Schoolmate ko ba talaga siya? Bakit ganito ang pormahan niya? Tiningnan ko tuloy ang suot ko, mas lalo akong nanliit sa sarili dahil simpleng dress lang ang suot ko habang siya ay mukhang mamahalin na damit.
"S-saan tayo pupunta?" Iyon lang ang lumabas sa bibig ko at saka umiwas ng tingin sa kanya.
"Nandoon ang kotse ko, tara na dahil nag-aantay na sila." Hindi niya sinagot ang tanong ko, mukhang masasanay na lang ako sa tuwing nagtatanong ako ay hindi niya sasagutin.
Sumunod na lamang ako sa kanya, sumakay sa kotse at inantay siyang makapasok din. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, gusto kong umatras na lang dahil pakiramdam ko hindi magiging maganda ang gabi na ito kung saan o ano man ang gagawin namin para sa lintek na pagpapanggap na ito.
Hindi rin naman siya nagsalita, hinayaan ko na lang kung saan niya ako dadalhin. Wala rin naman akong magagawa dahil pumayag ako. Nang huminto ang kotse niya, tiningnan ko ang labas. Kunot noo ko siyang binalingan, nandito kami sa labas ng isang club!
"Anong gagawin natin dito? Sagutin mo ako Liam dahil ito ang unang beses na pupunta ako sa ganitong lugar. Delikado dito." Diin kong sabi sa kanya.
He smirked as he looked at me, tiningnan niya ang kabuoan ko kaya napatakip ako sa aking katawan. "Chill, I won't eat you. Not here in my car---"
"Gago!" sigaw ko, akmang hahampasin ko siya pero hinawakan niya ang kamay ko at tinulak.
"Listen, Shiara. Sa harap ng kaibigan ko, umakto kang totoo kitang girlfriend. Don't worry, I'll pay for your hard work tonight---"
"Ano?" Pinatigila ko siya sa pagsasalita. Anong hard work? " Pumayag ako hindi para bayaran mo ng pera kundi para hindi niyo galawin ang kahit sino sa dalawa kong kapatid sa skwelahan na iyon. Don't show me your money dahil hindi ako bayaran para sa walang kwentang gawain na ito!" Naiinis ako sa kanya, ang kapal ng mukha niya para sabihin iyon sa akin.
Umiwas siya ng tingin na hindi pa rin ako nilulubayan ng inis ko. "Okay fine, basta umakto ka. Let's go." Nauna siyang bumaba ng mabilis. Huminahon muna ako, pinakalma ang sarili dahil baka ano pang magawa ko sa kanya.
I was about to open the door when I stopped. Nagulat ako sa ginawa niya, pinagbuksan niya ako ng pintuan at mas lalong nagulat dahil hinawakan niya ang kamay ko. "I can walk---"
"Act like real, Shiara. Remember? Kaya huwag kang mag-inarte na aayaw ka, let's go." Lumapit siya sa akin upang bumulong, umatras pa ako nang bahagya dahil naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko.
Nakaramdam ako ng init sa mukha at init ng ulo sa ginawa niya.
Maingay ang buong paligid pagpasok pa lang naming dalawa ni Liam, hawak niya pa rin ang baywang ko gamit ang mainit na palad, naramdaman ko kahit ang suot kong dress ay hindi katulad ng mga nakikita ko rito iba na walang takip sa gilid ng tiyan.Lumunok ako ng dalawang beses at yumuko, nahihiya ako. "Liam!" sigaw ng kung sino at lumapit sa amin ni Liam. "Woah, who's this chic?" Mahina ngunit alam kong nanunuyang tanong ng lalaki."She's my date for tonigh, Jade.""Ang ganda ng date mo ngayon ah. Well, you are Liam Agosti, hindi pwedeng hindi maganda ang dala mo. By the way, hi! I am Jade, Liam's bestfriend." Naglahad ng kamay ang lalaki sa harap ko, hindi ko nga alam kung tatanggapin ko ba iyon o lumayo sa kanya.Tiningnan ko pa ang mukha ni Jade, he's handsome at halata rin naman na college guy rin siya. Mukha namang mabait ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa dimple niya na kung ngumiti ay mas lalong nabubutas ang pisngi. I was about to touch his hand when someone pulled me."Sh
Hindi ko na nahabol si Shianna nang tumakbo siya palabas ng bahay. Nakakainis, hindi niya raw binasa ang text pero alam niya ang laman. Kung hindi ko lang talaga siya kapatid!Hinayaan ko na lang muna ang inis ko sa kanya, pumasok ako sa kwarto namin at kunuha ang cellphone na nasa maliit na lamesa namin dito. Nandito na rin ang bag ko, binalik na rin yata ni Shiama or notebook ko lang na may assignment ang kinuha niya. Bumuntonghininga ako at saka binuksan ang cellphone. Gusto kong mainis lalo at ibato ang phone na ito pero hindi pwede dahil ibabalik ko pa ito sa unggoy na iyon. iPhone pa talaga ang binili niya, hindi ko naman alam paano gamitin ito at ang alam ko lang sobrang mahal nito. Grabe naman siya maghanap ng paraan, ganito talaga?Pinilig ko ang ulo ko at binuksan ang message niya na alam kong binuksan na ng kapatid ko. Nakita ko ngang makikipagkita siya sa akin bukas sa cafe na pinagtrabuhan ko. Sunday naman bukas kaya walang pasok pero ang akin lang, bukas na ba ang simula
"Dapat hindi ka rin late sa schedule mo rito sa cafe, ayaw ng may ari na laging late." Tumango ako sa manager namin.Noong isang araw lang din ako natanggap sa trabaho, malapit lang din naman ang cafe sa university kaya hindi na rin ako mahihirapan."Opo, Ma'am." Yumuko ako kasama ang dalawa pang kasamahan ko na natanggap din.Iniwan na rin naman kami ni Ma'am Susan at pinasimula na kami sa trabaho."Sino kaya ang may ari?" tanong ni Jade."Lalaki kaya? Gwapo?" segunda naman ni Lomi. Sila ang dalawa kong kasamahan na kanina ko lang din nakilala."Baka suplado o suplada rin gaya ni Ma'am Susan," saad ko habang nagliligpit ng mga nasa counter.Wala naman din akong pakealam kung babae, lalaki, suplado o suplada ang may ari nito. Ang mahalaga sa akin ang magtrabaho nang maayos at matapos kaagad nang makapag-aral na ako. Buti nga naayos ang schedule ko sa klase, hindi ko man kasabay ang dalawa tuwing pagpasok, minsan nama'y may mga parehong araw na makakasabay ko sila sa uwian. Tuwing Lune
Pagkatapos namin mag-dramahan kagabi, inasikaso ko na kaagad ang requirements ko para maghanap na mamaya pagkatapos ng klase ko. Sakto naman kasi, nagtanong ako sa anak ng kapitbahay namin kung ano-ano ang mga requirements kapag maghahanap ng trabaho. More on experience daw pero wala pa naman akong experience at hindi pa nakapagtapos sa college, high school lang. Kaya iyong resume na lang ang hinanda ko at ibang documents pa na kailangan, tulad ng PSA birth certificate at iyong schedule at load ko sa school ko."Mauna na lang kayong umuwi mamaya ah, maghahanap pa ako ng trabaho," saad ko sa kanilang dalawa nang makarating kami sa university."Bawal ba kaming sumama?" tanong naman ni Shianna. Ano naman ang gagawin niya kung sasama siya sa akin."Hindi ako sasama, marami na agad akong pag-aralan pag-uwi ko sa bahay." Tumango ako kay Shiama at saka bumaling ulit kay Shianna na nakanguso na."Samahan mo na lang si Shiama mag-aral, magpapaturo ka pa sa kanya 'di ba? Hindi mo yata naintindi
"Grabe, unang araw pa lang nang makita ang mga subjects ko, nahihirapan na ako. Shiama, baka naman alam mo ang iba sa kanila.""Titignan natin sa bahay, ilang units ba sa 'yo?"Ano ba talagang trip ng lalaking iyon? Ang lakas ng tama!"22 units sa akin, same lang naman yata tayo. Pero may subject akong patungkol sa bansa. Bakit ba kasi nag-PolSci pa ako."Paano kung may balak siya sa akin? At saka, bakit ba ako biglang tumango kanina sa kaniya?"Mahirap din yata sa kanya, kanina pa 'yan nakatulala.""Shiara!""Ay pota!" Sinamaan ko ng tingin ang dalawang nagtataka ang mga mukha. "Bakit kayo naninigaw?" tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa na para bang isa akong alien na walang alam sa mundong ito."Okay ka lang ba? Kanina pa kami nag-uusap dito at tinatanong ka rin namin, pero hindi ka sumasagot. May masakit ba sa 'yo? Napaaway ka na naman ba?" sunod-sunod na tanong ni Shiama.Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at nauna nang maglakad. Wala naman akong isasagot sa kanila.
"Bakit ka ba napapaaway?" tanong sa akin ni Shiama nang makalayo na kami."Nainis ako sa bunganga eh, sinabihan ba naman akong hampaslupa.""Ay yawa, tara balik tayo. Ihampas ko siya sa lupa!" Pinigilan namin si Shianna nang patakbo na sana siya ulit pabalik."Isa ka pa, hindi niyo na sana pinatula pa." Sabay kaming napatingin kay Shiama."Seryoso ka ba d'yan, Shiam? Kahit iniinsulto ka na, hindi ka pa rin papatol? Alam mo naman kung ano ang ugali namin, kaya ka binubully kasi hinahayaan mo ang mga taong apakan ka." Umirap ako sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon."Nandyan naman kayo para ipagtanggol ako pero hindi ko rin naman hahayaan na dahil sa akin o dahil sa iba ay magkaroon kayo ng kaaway. Tignan n'yo ang nangyari ngayon, may mga galos kayo. At ikaw na nga nagsabi sa akin na kapag may nambully sa akin at tatahimik na lang ako pero kayo itong hindi nagpapigil. Paano natin maipaliwanag iyan kina Nanay?"She's right, pinapatahimik ko lang siya dahil ang ibig kong sabihin no'n, ka







