FAZER LOGIN"Grabe, unang araw pa lang nang makita ang mga subjects ko, nahihirapan na ako. Shiama, baka naman alam mo ang iba sa kanila."
"Titignan natin sa bahay, ilang units ba sa 'yo?"
Ano ba talagang trip ng lalaking iyon? Ang lakas ng tama!
"22 units sa akin, same lang naman yata tayo. Pero may subject akong patungkol sa bansa. Bakit ba kasi nag-PolSci pa ako."
Paano kung may balak siya sa akin? At saka, bakit ba ako biglang tumango kanina sa kaniya?
"Mahirap din yata sa kanya, kanina pa 'yan nakatulala."
"Shiara!"
"Ay pota!" Sinamaan ko ng tingin ang dalawang nagtataka ang mga mukha. "Bakit kayo naninigaw?" tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa na para bang isa akong alien na walang alam sa mundong ito.
"Okay ka lang ba? Kanina pa kami nag-uusap dito at tinatanong ka rin namin, pero hindi ka sumasagot. May masakit ba sa 'yo? Napaaway ka na naman ba?" sunod-sunod na tanong ni Shiama.
Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at nauna nang maglakad. Wala naman akong isasagot sa kanila. Anong sasabihin ko? Hindi ako nakinig sa lesson kanina dahil sa kakaisip kay Liam. Yes, naalala ko na rin ang pangalan niya dahil iyon ang huling sinabi niya sa akin bago siya umalis sa harapan ko kanina.
"Hoy Shiara!" rinig ko ang pagsigaw ni Shianna kaya napatigil ako at inantay silang dalawa.
"Ang bagal ninyo maglakad, baka nag-aantay na iyon si Nanay." Tumuloy ako sa paglalakad pagkatapos kong sabihin iyon dahil bakas na naman sa mukha nila ang pagtataka.
Hindi ko na sila pinansin sa mga tanong nila sa akin hanggang sa nakauwi kami ng bahay at nadatnan namin si Tatay na kakarating lang din.
"Kumusta ang unang araw ng skwela?" tanong niya pagkatapos naming magmano.
"Okay naman po, Tay. May kaibigan na po kaagad ako," pabidang saad ni Shianna. Lagi naman.
"Mabuti iyan anak, sana'y hindi ka na magtiwala pa para hindi ka mapahamak." Tumango si Shiana sa sinabi ni Tatay at nagpaalam na mauuna nang pumasok. "Kayong dalawa? Kumusta? Nakahanap ba kayo ng kaibigan?" Sabay kaming umiling ni Shiama.
"Hindi naman po mahalaga sa akin kung may kaibigan man ako o wala, sapat na itong dalawa sa akin, Tay." Yumakap ako kay Tatay nang sabihin ko iyon.
Totoo naman, hindi ko kailangan ang maraming kaibigan. May dalawa akong kasama sa buhay, ang dalawa kong kapatid. Mas sila ang pagkakatiwalaan ko kaysa sa ibang tao, hindi naman sa ayaw kong matulad kay Shianna dati na nagtiwala sa mga tao kaya lubusang nasaktan. Hindi naman ako takot magtiwala, ayaw ko lang talaga madagdagan ang problema ko pagdating ng panahon.
"Osiya, magbihis na kayo at maglinis ng bahay, baka magalit na naman ang maganda ninyong Nanay kapag nakikita niyang makalat dito." Nagkatinginan kami ni Shiama sabay tumango at ngumiti.
Pagkatapos naming maglinis, sakto naman ay dumating si Nanay galling sa palengke. "Oh, kumusta ang unang araw? Hindi naman ba napapaaway si Shianna?" tanong niya sa amin kaya agad kaming nagkatinginang tatlo, nanlaki naman ang mata ni Shianna nang siya naman ang napagbintangan ni Nanay.
"Ma, grabe ka naman. Hindi ako---"
"Nay, anong lulutuin mo?" pinutol ko agad ang sasabihin sana ni Shianna at sinamaan siya ng tingin, ngumisi lang naman ito.
"Sinigang na baboy. Sige na, tulungan niyo na ako," she said na agad naman naming ginawa. Alas kwatro pa pero maaga na nagluluto si Nanay, ganito siya lagi para raw makapag-aral pa kami kung may re-review-hin pa eh si Shiama lang naman talaga minsan nagpupuyat kaka-aral.
Habang kumakain kami, nag-uusap si Shianna at si Tatay. Tahimik lang namang kumakain si Shiama at si Nanay naman nakikinig lang sa kanila. Iniisip ko ang dapat kong sabihin kina Nanay na magtatrabaho ako kasabay ang pag-aaral. I heaved a sigh bago magsalita.
"Magtatrabaho ako," saad ko at sa puntong iyon natahimik silang lahat, dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at tumingin sa kanila.
Si Tatay na nagtataka at si Nanay naman na walang emosyon sa mukha nito, habang ang dalawa kong kapatid ay tahimik lang. Lumunok ako ng dalawang beses at tumingin sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung papayagan ba nila ako pero pipilitin ko.
"Isasabay ko sa pag-aaral ko, magtatrabaho po ako para makatulong sa inyo." Ngumiti ako sa kanila kahit na kinakabahan pa rin.
"Bakit? Naghihirap na ba tayo?" Umiwas ako ng tingin kay Nanay nang magtanong siya, ganoon din ang dalawa kong kakambal. "Hindi ba namin kayo napapakain at magtatrabaho ka? Paano kung magka-problema ang pag-aaral mo? Hindi na kayo magkaklase ni Shiama para salbahin kayong dalawa ni Shianna, Shiara."
Tumingin ako kay Nanay ng diretso, "Nay, si Shiama lang ang nakapasa ng scholarship. Dahil sa kanya nababawasan ang gastusin natin, pero kaming dalawa ni Shianna ay kaunti lang ang discount. May mga libro rin po kaming kailangan, kahit iyong su-swelduhin ko galing sa trabaho ko, iyon po ang ipambibili ko sa gamit naming tatlo." Natahimik silang lahat, tumingin ako kay Tatay na nakaiwas na ng tingin sa amin.
Nawala ba ang gana nila sa pagkain dahil sa akin? Dapat pala mamaya ko na lang sinabi.
"Nay, payagan niyo na po ako," pagmamakaawa ko. Tumingin sa amin si Nanay isa-isa, bakas sa mukha nito ang lungkot na hindi ko alam kung saan nagmula.
"Nahihirapan na ba kayo sa buhay natin?" Sabay kaming umiling.
"Nay, hindi po. May rason po si Shiara kung bakit siya magtatrabaho—"
"Kinonsente niyo ang kapatid n'yo?" hindi natuloy si Shiama sa pagsasalita nang magsalita ulit si Nanay. "Kinakaawaan niyo ba kami ng Tatay niyo? Sa tingin niyo ba hindi namin kayang pag-aralin kayo gamit lang ang pagtitinda at pamamasahero ng jeep? Pinag-aral namin kayo sa magarang skwelahan para hindi niyo maisip na iba kayo sa ibang bata dito sa atin. Shiara, kaya pa naman namin. Magsabi lang kayo kung anong kailangan ninyo sa skwela, gagawan naman namin ng paraan."
I bit my lower lip at tumingin sa itaas, nahihirapan akong makita si Nanay na umiiyak dahil sa amin. Tatlo kaming anak nila, kahit hindi nila sabihin sa amin. Alam ko, nahihirapan sila. Kolehiyo na kaming tatlo, hindi na nila kaya na pagsabayin kami.
Hinawakan ko ang kamay ni Nanay para pakalmahin siya, "Nay, pinapangako ko po na hindi mapapabayaan ang pag-aaral ko. Ako lang naman po ang magtatrabaho eh, patuloy pa rin silang dalawa sa pag-aaral." Tumingin ako kay Tatay na seryoso na ang tingin sa akin. "Tay?"
Lumingon si Tatay kay Nanay, "kung iyan ang gusto niya, Shantal. Pagbigyan na natin siya." Napangiti ako kay Tatay, bumuntong-hininga naman si Nanay at bumaling sa akin.
"Sigurado ka bang kaya mong pagsabayin? Kasi, okay lang naman kaming dalawa ng Tatay niyo na kami na lang ang magtatrabaho." Tumango ako sa kaniya.
"Opo, at saka Nay. Sisiguraduhin ko pa rin naman po na nag-aaral ng mabuti si Shianna."
"Luh, ako na naman ang nakita mo," react agad ng bruha.
Tumingin si Nanay sa dalawa, "Shiama, huwag mong sayangin ang scholarship mo. At ikaw, Shianna huwag kang makulit habang nag-aaral ka, tandaan ninyo. Kahit anong mangyari, ang pagtatapos sa pag-aaral ang dapat una ninyong makamit. Magiging masaya na kami ng Tatay ninyo." Ngumiti ako kay Nanay.
"Oo naman Nay, masunurin pa rin naman kami kahit binubungaan mo kami araw-araw eh," saad ko at niyakap siya ng mahigpit.
"Mga anak." Natahimik kami nang magsalita si Tatay. Umayos ako ng upo at lahat kami nakatingin sa kanya. Ngumiti siya sa amin.
"Kung may problema man kayo huwag kayong mahiyang magsabi sa amin at kung nahihirapan na kayo sa buhay, nandito lang kami. Kami ang papawi ng sakit na nararamdaman niyo. Mga mahal kong prinsesa.
"Tatay!" sabay naming sigaw at lumapit sa kanilang dalawa para yakapin sila.
"Malalaki na talaga kayo."
Maingay ang buong paligid pagpasok pa lang naming dalawa ni Liam, hawak niya pa rin ang baywang ko gamit ang mainit na palad, naramdaman ko kahit ang suot kong dress ay hindi katulad ng mga nakikita ko rito iba na walang takip sa gilid ng tiyan.Lumunok ako ng dalawang beses at yumuko, nahihiya ako. "Liam!" sigaw ng kung sino at lumapit sa amin ni Liam. "Woah, who's this chic?" Mahina ngunit alam kong nanunuyang tanong ng lalaki."She's my date for tonigh, Jade.""Ang ganda ng date mo ngayon ah. Well, you are Liam Agosti, hindi pwedeng hindi maganda ang dala mo. By the way, hi! I am Jade, Liam's bestfriend." Naglahad ng kamay ang lalaki sa harap ko, hindi ko nga alam kung tatanggapin ko ba iyon o lumayo sa kanya.Tiningnan ko pa ang mukha ni Jade, he's handsome at halata rin naman na college guy rin siya. Mukha namang mabait ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa dimple niya na kung ngumiti ay mas lalong nabubutas ang pisngi. I was about to touch his hand when someone pulled me."Sh
Hindi ko na nahabol si Shianna nang tumakbo siya palabas ng bahay. Nakakainis, hindi niya raw binasa ang text pero alam niya ang laman. Kung hindi ko lang talaga siya kapatid!Hinayaan ko na lang muna ang inis ko sa kanya, pumasok ako sa kwarto namin at kunuha ang cellphone na nasa maliit na lamesa namin dito. Nandito na rin ang bag ko, binalik na rin yata ni Shiama or notebook ko lang na may assignment ang kinuha niya. Bumuntonghininga ako at saka binuksan ang cellphone. Gusto kong mainis lalo at ibato ang phone na ito pero hindi pwede dahil ibabalik ko pa ito sa unggoy na iyon. iPhone pa talaga ang binili niya, hindi ko naman alam paano gamitin ito at ang alam ko lang sobrang mahal nito. Grabe naman siya maghanap ng paraan, ganito talaga?Pinilig ko ang ulo ko at binuksan ang message niya na alam kong binuksan na ng kapatid ko. Nakita ko ngang makikipagkita siya sa akin bukas sa cafe na pinagtrabuhan ko. Sunday naman bukas kaya walang pasok pero ang akin lang, bukas na ba ang simula
"Dapat hindi ka rin late sa schedule mo rito sa cafe, ayaw ng may ari na laging late." Tumango ako sa manager namin.Noong isang araw lang din ako natanggap sa trabaho, malapit lang din naman ang cafe sa university kaya hindi na rin ako mahihirapan."Opo, Ma'am." Yumuko ako kasama ang dalawa pang kasamahan ko na natanggap din.Iniwan na rin naman kami ni Ma'am Susan at pinasimula na kami sa trabaho."Sino kaya ang may ari?" tanong ni Jade."Lalaki kaya? Gwapo?" segunda naman ni Lomi. Sila ang dalawa kong kasamahan na kanina ko lang din nakilala."Baka suplado o suplada rin gaya ni Ma'am Susan," saad ko habang nagliligpit ng mga nasa counter.Wala naman din akong pakealam kung babae, lalaki, suplado o suplada ang may ari nito. Ang mahalaga sa akin ang magtrabaho nang maayos at matapos kaagad nang makapag-aral na ako. Buti nga naayos ang schedule ko sa klase, hindi ko man kasabay ang dalawa tuwing pagpasok, minsan nama'y may mga parehong araw na makakasabay ko sila sa uwian. Tuwing Lune
Pagkatapos namin mag-dramahan kagabi, inasikaso ko na kaagad ang requirements ko para maghanap na mamaya pagkatapos ng klase ko. Sakto naman kasi, nagtanong ako sa anak ng kapitbahay namin kung ano-ano ang mga requirements kapag maghahanap ng trabaho. More on experience daw pero wala pa naman akong experience at hindi pa nakapagtapos sa college, high school lang. Kaya iyong resume na lang ang hinanda ko at ibang documents pa na kailangan, tulad ng PSA birth certificate at iyong schedule at load ko sa school ko."Mauna na lang kayong umuwi mamaya ah, maghahanap pa ako ng trabaho," saad ko sa kanilang dalawa nang makarating kami sa university."Bawal ba kaming sumama?" tanong naman ni Shianna. Ano naman ang gagawin niya kung sasama siya sa akin."Hindi ako sasama, marami na agad akong pag-aralan pag-uwi ko sa bahay." Tumango ako kay Shiama at saka bumaling ulit kay Shianna na nakanguso na."Samahan mo na lang si Shiama mag-aral, magpapaturo ka pa sa kanya 'di ba? Hindi mo yata naintindi
"Grabe, unang araw pa lang nang makita ang mga subjects ko, nahihirapan na ako. Shiama, baka naman alam mo ang iba sa kanila.""Titignan natin sa bahay, ilang units ba sa 'yo?"Ano ba talagang trip ng lalaking iyon? Ang lakas ng tama!"22 units sa akin, same lang naman yata tayo. Pero may subject akong patungkol sa bansa. Bakit ba kasi nag-PolSci pa ako."Paano kung may balak siya sa akin? At saka, bakit ba ako biglang tumango kanina sa kaniya?"Mahirap din yata sa kanya, kanina pa 'yan nakatulala.""Shiara!""Ay pota!" Sinamaan ko ng tingin ang dalawang nagtataka ang mga mukha. "Bakit kayo naninigaw?" tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa na para bang isa akong alien na walang alam sa mundong ito."Okay ka lang ba? Kanina pa kami nag-uusap dito at tinatanong ka rin namin, pero hindi ka sumasagot. May masakit ba sa 'yo? Napaaway ka na naman ba?" sunod-sunod na tanong ni Shiama.Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at nauna nang maglakad. Wala naman akong isasagot sa kanila.
"Bakit ka ba napapaaway?" tanong sa akin ni Shiama nang makalayo na kami."Nainis ako sa bunganga eh, sinabihan ba naman akong hampaslupa.""Ay yawa, tara balik tayo. Ihampas ko siya sa lupa!" Pinigilan namin si Shianna nang patakbo na sana siya ulit pabalik."Isa ka pa, hindi niyo na sana pinatula pa." Sabay kaming napatingin kay Shiama."Seryoso ka ba d'yan, Shiam? Kahit iniinsulto ka na, hindi ka pa rin papatol? Alam mo naman kung ano ang ugali namin, kaya ka binubully kasi hinahayaan mo ang mga taong apakan ka." Umirap ako sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon."Nandyan naman kayo para ipagtanggol ako pero hindi ko rin naman hahayaan na dahil sa akin o dahil sa iba ay magkaroon kayo ng kaaway. Tignan n'yo ang nangyari ngayon, may mga galos kayo. At ikaw na nga nagsabi sa akin na kapag may nambully sa akin at tatahimik na lang ako pero kayo itong hindi nagpapigil. Paano natin maipaliwanag iyan kina Nanay?"She's right, pinapatahimik ko lang siya dahil ang ibig kong sabihin no'n, ka







