Compartilhar

6

Autor: Anoushka
last update Data de publicação: 2026-06-11 17:31:20

"Dapat hindi ka rin late sa schedule mo rito sa cafe, ayaw ng may ari na laging late." Tumango ako sa manager namin.

Noong isang araw lang din ako natanggap sa trabaho, malapit lang din naman ang cafe sa university kaya hindi na rin ako mahihirapan.

"Opo, Ma'am." Yumuko ako kasama ang dalawa pang kasamahan ko na natanggap din.

Iniwan na rin naman kami ni Ma'am Susan at pinasimula na kami sa trabaho.

"Sino kaya ang may ari?" tanong ni Jade.

"Lalaki kaya? Gwapo?" segunda naman ni Lomi. Sila ang dalawa kong kasamahan na kanina ko lang din nakilala.

"Baka suplado o suplada rin gaya ni Ma'am Susan," saad ko habang nagliligpit ng mga nasa counter.

Wala naman din akong pakealam kung babae, lalaki, suplado o suplada ang may ari nito. Ang mahalaga sa akin ang magtrabaho nang maayos at matapos kaagad nang makapag-aral na ako. Buti nga naayos ang schedule ko sa klase, hindi ko man kasabay ang dalawa tuwing pagpasok, minsan nama'y may mga parehong araw na makakasabay ko sila sa uwian. Tuwing Lunes hanggang Biyernes ang araw ko sa cafe, tuwing 7AM hanggang 11AM, at tuwing Sabado, mula umaga hanggang alas tres ng hapon. Sunday lang ang pahinga ko sa lahat.

Naisip ko lang lagi kung ano kaya ang mangyayari kapag kinabukasan ay bigla kaming yumaman? Hindi na siguro maghihirap si Nanay at Tatay kakakayod at mabibili na ni Shianna ang mga gusto niya. Pinilig ko ang ulo ko upang alisin muna ang mga naiisip na iyon, masyado pang imposible at malayo.

"Shiara, ikaw muna maghatid ng order nito sa table four." Kinuha ko kaagad ang tray na ibinigay sa akin ng isa kong kasamahan at sinunod na siya.

Nang marating ko ang table four, ngumiti ako sa lalaking nakaupo na nakatalikod. "Good day, Sir. Here's your order." Inilapag ko ang order niya nang hindi siya tinitingnan pero dahil sa pabango niya ay napabaling ako. Pamilyar ang pabango niya!

Hindi nga ako nagkamali, napaawang ang labi ko nang makita ang taong ayaw kong makita simula noong isang araw pagkatapos namin sa mall. After we eat our lunch, hindi niya na ako kinausap ang sabi niya lang ay i-text niya ako kapag oras na para maging girlfriend niya, hinayaan ko siya at kahit sa school ay hindi ko siya tinitingnan, iyong cellphone na binigay niya ay iniwan ko lang sa bahay, hindi ko pa nga nabuksan iyon kahit sinabi niyang may simcard na iyon at number niya.

"What are you doing here?" diin ngunit bulong kong tanong. Kumunot naman ang noo niyang nakatingin sa akin, umiwas ako ng tingin at umayos ng tayo.

"Bawal ba akong pumunta rito?" tanong niya kaya mabilis akong umiling. Nakita kong nakatngin ang manager namin sa akin kaya ngumiti ako ng plastik kay Liam.

"I'm sorry Sir, naihatid ko na po ang order ninyo. Maiwan ko na po kayo," sabi ko at tumalikod pero natigil din sa paglalakad na sana nang hawakan niya ang kamay ko. I was about to pull my hand away from him pero baka iyon pa ang magiging dahilan na magka-problema rito, unang araw ko pa naman sa trabaho. "Bakit?" tanong ko.

"Hindi ka nag-reply sa text ko kagabi at hindi ka sumagot sa tawag ko," sabi niya na ikinagulat ko. Oras na ba?

"Hindi ko pa nabubuksan ang cellphone, mamaya pagka-uwi ko. Excuse me, nagtatrabaho pa ako." Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa kanya at binilisan ang lakad pabalik sa kusina.

Diyos ko! Bakit ang lakas ng pintig ng dibdib ko, naramdaman ko pa rin ang kanyang hawak sa balat ko. Umiling ako ng ilang beses at naghugas ng kamay para mawala ang pagkaramdam ko sa kamay niya sa akin. Para akong nandidiri na ewan!

Dumami na ang customer at nang tingnan ko ang lamesa ni Liam kanina, iba na ang tao roon. Mabuti naman ay umalis na siya, dahil kanina ko pa hiniling kina Lomi na ako muna ang maghuhugas para lang hindi siya makita. Hindi ako komportable sa kanya, sa gusto niya at ang buong siya. Parang panganib. Pinagsisihan ko na tuloy na kinalaban ko siya noong unang araw.

Sabado naman ngayon, dalawang oras na lang para matapos na ang shift ko at pupunta muna ng palengke para mamili ng ibang gamit. Binigyan kami ni Miss. Susan ng bayad sa unang araw namin, iyon daw ang rules ng cafe na kapag may bagong employee ay mabibigyan. Laking pasalamat ko dahil 10,000 ang binigay. Makakabili rin ako ng isang sakong bigas para sa bahay at dagdag ipon para sa pangangailangan ko.

"Bye Shai!" sigaw ng dalawa kong kasamahan nang makalabas na kami sa cafe, same schedule lang din ang uwian namin dahil pareho kaming nag-aaral, pero sila nag-aaral sa ibang school. Mabuti na lang ay may mga kaibigan ako sa trabaho, kahit huwag na sa school.

"Bye! Ingat kayo!" sigaw ko rin pabalik.

Agad na akong sumakay ng tricyle at sinabi na sa palengke. Hindi alam ng pamilya ko na makakabili ako ngayon ng bigas namin at ulam, isusurpresa ko sila!

Ilang oras akong nasa palengke at marami na rin akong nabili, nagsisi agad ako kung bakit hindi ko sinasabi sa dalawa kong kapatid, nahihirapan tuloy akong dalhin lahat. "Manong, sa Kamuning po." Inabot ko ang bayad. Malapit lang dito ang sa amin pero dahil nga marami ang dala ko, sumakay na lang ako ng tricyle. halos mapuno ang loob ng tricycle dahil sa mga namili ko. Ang saya! Kahit marami rin akong nabayaran, okay na rin itong napamili ko para sa bahay. Ganito ang pakiramdam na nakatulong sa pamilya, baka talaga gugustuhin ko pa lalo magtrabaho.

"Si Ate!"

Narinig ko ang sigaw ni Shianna, lumingon ako sa kanya na mukhang kakatayo lang nang makita ako. Kasama niya si Shiama na hawak ang libro. Sabay silang lumapit sa akin na may pagtataka, nakita ko rin lumabas si Nanay sa bahay. Wala si tatay at hula ko ay namamasahero na ito.

"Shaira!" sigaw ni Nanay at mabilis na lumapit sa akin habang ako ay binaba ang mga napamili. Umalis na rin ang tricycle pagkababa niya ng isang sakong bigas. "Diyos ko kang bata ka! Namili ka?"

"Opo, Nanay." Ngumiti ako sa kanya. Dinala na namin lahat sa loob, pinagtulongan pa naming tatlo ang isang sakong bigas papasok sa loob ng bahay habang talak nang talak si Nanay.

"Unang araw mo pa lang, may sahod ka na agad? Tama ba iyang napasukan mo, Shaira?" sigaw ni Nanay habang nagliligpit ng mga napamili ko. Natawa ako sa naiisip niya.

"Opo naman po, Inay! Binigay iyan ng pinatrabuhan ko kapag unang araw ng mga bagong empleyado. Malapit lang naman po rito kaya huwag po kayong mag-alala!" masaya kong sabi.

"Ate, pwedeng magtrabaho na rin ako riyan? Gusto ko rin ng pera---"

"Manahimik ka, Shainna!" sigaw ni Nanay sa kanya. Sumimangot naman ang kapatid ko at inilingan ko na lang siya.

Bumaling ako kay Shaima nang mapansin na tumingin siya sa akin. "Bakit?" tanong ko. Napatingin ako sa notebook niyang hawak at napakunot ang noo ko nang mapagtantong akin ang notebook na hawak niya.

"Pasensya na, tiningnan ko ang mga gamit mo sa bag para sana tingnan ano ang maitulong ko. Kinuha ko itong assignment mo sa Math at Filipino, sinagutan ko na rin para makapagpahinga ka na galing sa trabaho." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Baliw ka, wala namang pasok bukas kaya ako ang sasagot at magpapaturo lang ako sa'yo!" Mabilis pa nga sa alas kwatro nang tumayo ako at hinarap si Shiama.

"Hayaan mo na teh, ako nga hindi niya sinagutan e. Hinayaan niya lang ako sagutan ang assignment ko."

"Nakaupo ka lang naman kanina at hindi ginagawa ang assignment mo, si Shaira kailangan niyang magpahinga. Iyon lang ang kaya kong maitulong sa kanya sa ngayon." Gusto kong umiyak, naiinis ako sa kanya. Bakit siya ganito?

Niyakap ko siya nang mahigpit, narinig ko pa ang pang-aasar ni Shianna sa amin. "Nakita kong may cellphone ka sa loob." Nanlaki pa lalo ang mata ko dahil sa bulong niya. Oonga pala!

Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa cellphone na iyon. "Hindi akin iyon, ibabalik ko lang din sa Lunes pag nakita ko ang may-ari." Nahihiya kong sabi kay Shiama. Hindi naman siya nag-react, tumango lang siya at nagpaalam na tapusin ang ginagawa niya.

Bumaling ako kay Shianna na nakatingin sa akin, sa tingin niya pa lang ay kinabahan na ako. "Nakita ko rin ang cellphone at ako mismo ang nagbukas." Nakangisi niyang sabi.

Kung si Shiama gusto kong yakapin, siya ay gusto kong sakalin!

"Shiana!"

"Curious lang ako, Ate! Malay ko ba? Hindi ko binuksan ang text at hindi ko nabasa na may makikipagkita sa'yo bukas."

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Capturing Billionaire's Heart   8

    Maingay ang buong paligid pagpasok pa lang naming dalawa ni Liam, hawak niya pa rin ang baywang ko gamit ang mainit na palad, naramdaman ko kahit ang suot kong dress ay hindi katulad ng mga nakikita ko rito iba na walang takip sa gilid ng tiyan.Lumunok ako ng dalawang beses at yumuko, nahihiya ako. "Liam!" sigaw ng kung sino at lumapit sa amin ni Liam. "Woah, who's this chic?" Mahina ngunit alam kong nanunuyang tanong ng lalaki."She's my date for tonigh, Jade.""Ang ganda ng date mo ngayon ah. Well, you are Liam Agosti, hindi pwedeng hindi maganda ang dala mo. By the way, hi! I am Jade, Liam's bestfriend." Naglahad ng kamay ang lalaki sa harap ko, hindi ko nga alam kung tatanggapin ko ba iyon o lumayo sa kanya.Tiningnan ko pa ang mukha ni Jade, he's handsome at halata rin naman na college guy rin siya. Mukha namang mabait ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa dimple niya na kung ngumiti ay mas lalong nabubutas ang pisngi. I was about to touch his hand when someone pulled me."Sh

  • Capturing Billionaire's Heart   7

    Hindi ko na nahabol si Shianna nang tumakbo siya palabas ng bahay. Nakakainis, hindi niya raw binasa ang text pero alam niya ang laman. Kung hindi ko lang talaga siya kapatid!Hinayaan ko na lang muna ang inis ko sa kanya, pumasok ako sa kwarto namin at kunuha ang cellphone na nasa maliit na lamesa namin dito. Nandito na rin ang bag ko, binalik na rin yata ni Shiama or notebook ko lang na may assignment ang kinuha niya. Bumuntonghininga ako at saka binuksan ang cellphone. Gusto kong mainis lalo at ibato ang phone na ito pero hindi pwede dahil ibabalik ko pa ito sa unggoy na iyon. iPhone pa talaga ang binili niya, hindi ko naman alam paano gamitin ito at ang alam ko lang sobrang mahal nito. Grabe naman siya maghanap ng paraan, ganito talaga?Pinilig ko ang ulo ko at binuksan ang message niya na alam kong binuksan na ng kapatid ko. Nakita ko ngang makikipagkita siya sa akin bukas sa cafe na pinagtrabuhan ko. Sunday naman bukas kaya walang pasok pero ang akin lang, bukas na ba ang simula

  • Capturing Billionaire's Heart   6

    "Dapat hindi ka rin late sa schedule mo rito sa cafe, ayaw ng may ari na laging late." Tumango ako sa manager namin.Noong isang araw lang din ako natanggap sa trabaho, malapit lang din naman ang cafe sa university kaya hindi na rin ako mahihirapan."Opo, Ma'am." Yumuko ako kasama ang dalawa pang kasamahan ko na natanggap din.Iniwan na rin naman kami ni Ma'am Susan at pinasimula na kami sa trabaho."Sino kaya ang may ari?" tanong ni Jade."Lalaki kaya? Gwapo?" segunda naman ni Lomi. Sila ang dalawa kong kasamahan na kanina ko lang din nakilala."Baka suplado o suplada rin gaya ni Ma'am Susan," saad ko habang nagliligpit ng mga nasa counter.Wala naman din akong pakealam kung babae, lalaki, suplado o suplada ang may ari nito. Ang mahalaga sa akin ang magtrabaho nang maayos at matapos kaagad nang makapag-aral na ako. Buti nga naayos ang schedule ko sa klase, hindi ko man kasabay ang dalawa tuwing pagpasok, minsan nama'y may mga parehong araw na makakasabay ko sila sa uwian. Tuwing Lune

  • Capturing Billionaire's Heart   5

    Pagkatapos namin mag-dramahan kagabi, inasikaso ko na kaagad ang requirements ko para maghanap na mamaya pagkatapos ng klase ko. Sakto naman kasi, nagtanong ako sa anak ng kapitbahay namin kung ano-ano ang mga requirements kapag maghahanap ng trabaho. More on experience daw pero wala pa naman akong experience at hindi pa nakapagtapos sa college, high school lang. Kaya iyong resume na lang ang hinanda ko at ibang documents pa na kailangan, tulad ng PSA birth certificate at iyong schedule at load ko sa school ko."Mauna na lang kayong umuwi mamaya ah, maghahanap pa ako ng trabaho," saad ko sa kanilang dalawa nang makarating kami sa university."Bawal ba kaming sumama?" tanong naman ni Shianna. Ano naman ang gagawin niya kung sasama siya sa akin."Hindi ako sasama, marami na agad akong pag-aralan pag-uwi ko sa bahay." Tumango ako kay Shiama at saka bumaling ulit kay Shianna na nakanguso na."Samahan mo na lang si Shiama mag-aral, magpapaturo ka pa sa kanya 'di ba? Hindi mo yata naintindi

  • Capturing Billionaire's Heart   4

    "Grabe, unang araw pa lang nang makita ang mga subjects ko, nahihirapan na ako. Shiama, baka naman alam mo ang iba sa kanila.""Titignan natin sa bahay, ilang units ba sa 'yo?"Ano ba talagang trip ng lalaking iyon? Ang lakas ng tama!"22 units sa akin, same lang naman yata tayo. Pero may subject akong patungkol sa bansa. Bakit ba kasi nag-PolSci pa ako."Paano kung may balak siya sa akin? At saka, bakit ba ako biglang tumango kanina sa kaniya?"Mahirap din yata sa kanya, kanina pa 'yan nakatulala.""Shiara!""Ay pota!" Sinamaan ko ng tingin ang dalawang nagtataka ang mga mukha. "Bakit kayo naninigaw?" tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa na para bang isa akong alien na walang alam sa mundong ito."Okay ka lang ba? Kanina pa kami nag-uusap dito at tinatanong ka rin namin, pero hindi ka sumasagot. May masakit ba sa 'yo? Napaaway ka na naman ba?" sunod-sunod na tanong ni Shiama.Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at nauna nang maglakad. Wala naman akong isasagot sa kanila.

  • Capturing Billionaire's Heart   3

    "Bakit ka ba napapaaway?" tanong sa akin ni Shiama nang makalayo na kami."Nainis ako sa bunganga eh, sinabihan ba naman akong hampaslupa.""Ay yawa, tara balik tayo. Ihampas ko siya sa lupa!" Pinigilan namin si Shianna nang patakbo na sana siya ulit pabalik."Isa ka pa, hindi niyo na sana pinatula pa." Sabay kaming napatingin kay Shiama."Seryoso ka ba d'yan, Shiam? Kahit iniinsulto ka na, hindi ka pa rin papatol? Alam mo naman kung ano ang ugali namin, kaya ka binubully kasi hinahayaan mo ang mga taong apakan ka." Umirap ako sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon."Nandyan naman kayo para ipagtanggol ako pero hindi ko rin naman hahayaan na dahil sa akin o dahil sa iba ay magkaroon kayo ng kaaway. Tignan n'yo ang nangyari ngayon, may mga galos kayo. At ikaw na nga nagsabi sa akin na kapag may nambully sa akin at tatahimik na lang ako pero kayo itong hindi nagpapigil. Paano natin maipaliwanag iyan kina Nanay?"She's right, pinapatahimik ko lang siya dahil ang ibig kong sabihin no'n, ka

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status