FAZER LOGINHabang naglalakad ako sa hallway, napapalingon din ako sa paligid para kabisaduhin ang iba pang pwedeng daanan. Buti na lang pala malapit ang canteen sa building na ito para kapag nagutom ako ay mabilis na lang at mabilis lang din makabalik sa classroom. Nang makarating ako sa first floor kung saan naroroon ang classroom ko at nang makita ang banyo, kaagad akong pumasok at inayos ang sarili.
Pang mayaman ang university na ito, si Shiama lang ang nakapasa sa scholarship pero may voucher naman din kaming dalawa ni Shianna dahil magkapatid kami, iyon nga lang malaki pa rin ang gagastusin sa iba pa.
Habang nasa cubicle pa ako, narinig ko ang usapan ng mga babaeng kasama ko rito.
"Did you hear the news? Dito rin papasok si Liam, sumunod yata sa pinsan niya at ng bestfriend nito," saad ng isa.
"Oh my gosh! As in Liam Agosti! Girl, true ba?" Halos umirap na ako dahil sa maarteng boses ng isa.
"Yes, after class tambay tayo malapit sa Engineering Department. Gosh! I can't believe this na dito rin sila nag-aaral."
Lumabas na ako ng cubicle at bigla naman silang napatigil, tinasaan ko sila ng kilay nang pinagmasdan nila ako mula ulo hanggang paa. Anong problema ng mga 'to?
"A commoner?" saad ng maarteng boses.
"Scholar? Tss, bakit ba maraming hampaslupa rito sa school natin? Tara na nga, baka mahawa pa tayo sa mga malalansang."
Napantig yata ang tainga ko sa sinabi ng babaeng halos takpan na ng make-up ang buong mukha. Akmang aalis na sila nang hawakan ko ang braso ng nagsabi no'n. Sinamaan ko siya ng tingin na halos baliin ko na yata ang braso nito.
"Bitch, nasasaktan ako. Bitawan mo nga!"
"Anong ginagawa mo sa kanya?" Tinulak ko ang kasamahan nito na akmang lalapitan kami.
"Anong sabi mo kanina? Ako? Malansa? Eh kung itapon kaya kita sa dagat, tutal doon ka nababagay. Shukoy." I pushed her na agad naman siyang nasalo ng kasama niya.
Ngumiwi ako sa kanya nang makitang nasasaktan nga ito dahil sa paghawak ko. Deserve niya naman, wala siyang karapatan pagsabihan ako ng mga panget na salita. Hindi hamak na mas maganda at mukhang tao pa ako sa dalawang 'to.
"Who are you to ruined my day?" Napahawak ako sa balikat ko nang tinulak niya ito.
Aba talaga, papatol pa eh.
"Hoy! Hindi porket mayaman ka, may karapatan ka nang manlait. Ang panget mo naman kahit anong make-up mo, ulol sa'yo!" I shouted and I was about to get away from them when the other girl grabbed my hair na halos ikinatumba ko sa sahig.
Tangina, ang sakit!
"How dare you to tell me I am panget! No one dared to do that, stupid bitch!" Nanggigiliti niyang sigaw.
Hinila ko rin ang buhok nilang dalawa, yawa! Dalawa sila, isa lang ako.
Umabot na kami sa sahig kakasabunot naming tatlo. Hindi ko namalayan na hinila na nila ako palabas ng banyo, wala akong pakealam sa mga nakakita sa amin. Gusto kong gumanti sa dalawang panget na ito. Ang sakit ng anit sa ulo ko, tangina!Patuloy kami sa pagsasabunot when someone grabbed me hand away from them. "Yawa kang babae ka! Ang kapal ng mukha mong hilahin ang buhok ko!" Wala na akong pakealam kung sumisigaw na ako rito, gusto ko silang gantihan.
"Ikaw ang makapal ang mukha, you're just a commoner and you had a guts na awayin kami?" Potangina, anong pakealam ko sa kanila.
"Hoy, kahit anak ka pa ng Presidente, wala akong pakealam. Ikaw ang nanguna!" I backfired.
"Shut up! Ang ingay niyong dalawa!" Natahimik ang paligid nang may sumigaw na lalaki. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang tatlong ang gara maglakad.
Nagsimula na ring magtilian ang kababaihan dito na magiging sanhi yata kapag nabingi ako.
Pinagmasdan ko ang tatlong lalaking naglalakad, ang nasa gitna ay halatang maraming nagagawang masama sa buhay. Judger na kung judger pero mukha siyang manloloko, not like the other two na cold ang isa kung tumingin at ang nasa kaliwa naman ay nakangiti lang.
"Kababae ninyong tao dito pa sa university nag-aaway. Ano sa tingin niyo, palengke 'to?" the guy in the center said.
"L-liam, siya ang nanguna." Napangiwi ako nang umiyak ang isa sa sabunot sa akin. Untog ko kaya 'to?
I faced the guy, "Sino ka naman? Officer ka ba rito at kung makapag bida-bida ka?" I said, nakarinig naman ako ng mga pagsinghap at bulungan na para bang nagulat sa ginawa ko. Sino ba ang mga lalaking 'to?
Halos manlaki ang mga mata ko at napaatras nang maglakad palapit sa akin ang lalaking nasa gitna.
"You don't know me?" the way he asked ay para bang kasalanan na hindi siya kilala? I remained myself fierce.
"Sorry mister, kahit anak ka rin ng Prisedente o kung sino ka mang unggoy ka. Wala akong pakealam."
Nakarinig ako ng tawanan mula sa kalalakihan at galit naman mula sa kababaihan, narinig ko rin ang mahina ng pagtawa ng isang lalaking katabi nito at munting pagngiti naman ng isa. Napatayo ng tuwid ang lalaki at sinamaan ako ng tingin.
"What did you just called me? Unggoy? As in monkey?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Magsasalita na sana ako nang may tumawag sa pangalan ko at nakita ko ang dalawang kapatid kong tumatakbo papunta sa akin. Mas lalong tumahimik ang paligid nang nakalapit na sila.
"Triplets?" tanong ng kung sino.
"Hala? Napaaway ka? Para kang baliw sa buhok mo gage, Ate."
Kung hindi ko lang kapatid 'tong si Shianna sinakal ko na ito sa harap ng mga tao.
"Ayos ka lang ba Shiara? May masakit ba sa'yo, ha? Tara na sa clinic?" puno naman ng pag-alalang tanong ni Shiama. I shrugged my head as a respond.
"Ayos lang ako, papasok na ako sa classroom. Bumalik na rin kayo sa department n'yo." Hinila ko na ang dalawa palayo sa mga tao.
Pero hindi pa kami nakalayo nang biglang humiwalay si Shianna sa amin at sinugod ang babaeng nakaaway ko kanina, gulat naman ang lahat. Nagsisigaw na ang babae dahil sa paghila ni Shianna sa buhok nito.
"Tama na Shianna!" I shouted pero ayaw makinig.
Iyong mga tao naman nagsisigaw pa ng pula at puti na parang sabong ang pinapanuod nila. Nakakaloka!
Kaya ayaw kong nakikita ni Shianna na may kaaway ako, umaariba siya bigla."Shiara, pigilan mo!" sigaw na ni Shiama. Nawala yata ang pagiging mahinhin niya tuwing may nakakaaway kami ni Shianna.
Buong lakas kong hinila si Shianna palayo at ako na mismo ang bumatok sa kanya. Napasigaw naman ang mga tao ng "Woah" sa ginawa ko.
"Aray! Bakit ako?" she asked, confused. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit hindi? Sabing tara na eh!" balik ko ring sigaw sa kanya at hinila na silang dalawa.
Hindi pa kami nakalayo ulit nang sumigaw pa ang isang asungot na ikinatigil ko
"I'll make you suffer for calling me unggoy!"
Lumingon ulit ako sa kanya at sinamaan pa siya lalo ng tingin.
"Hindi ako nakikipaglaro sa mga panget, bahala ka d'yan!"
Grabe, just wow! Ang saya ng first day ko at mukhang alam ko na ang mangyayari buong taon na pag-aaral ko rito. Just wow!
Maingay ang buong paligid pagpasok pa lang naming dalawa ni Liam, hawak niya pa rin ang baywang ko gamit ang mainit na palad, naramdaman ko kahit ang suot kong dress ay hindi katulad ng mga nakikita ko rito iba na walang takip sa gilid ng tiyan.Lumunok ako ng dalawang beses at yumuko, nahihiya ako. "Liam!" sigaw ng kung sino at lumapit sa amin ni Liam. "Woah, who's this chic?" Mahina ngunit alam kong nanunuyang tanong ng lalaki."She's my date for tonigh, Jade.""Ang ganda ng date mo ngayon ah. Well, you are Liam Agosti, hindi pwedeng hindi maganda ang dala mo. By the way, hi! I am Jade, Liam's bestfriend." Naglahad ng kamay ang lalaki sa harap ko, hindi ko nga alam kung tatanggapin ko ba iyon o lumayo sa kanya.Tiningnan ko pa ang mukha ni Jade, he's handsome at halata rin naman na college guy rin siya. Mukha namang mabait ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa dimple niya na kung ngumiti ay mas lalong nabubutas ang pisngi. I was about to touch his hand when someone pulled me."Sh
Hindi ko na nahabol si Shianna nang tumakbo siya palabas ng bahay. Nakakainis, hindi niya raw binasa ang text pero alam niya ang laman. Kung hindi ko lang talaga siya kapatid!Hinayaan ko na lang muna ang inis ko sa kanya, pumasok ako sa kwarto namin at kunuha ang cellphone na nasa maliit na lamesa namin dito. Nandito na rin ang bag ko, binalik na rin yata ni Shiama or notebook ko lang na may assignment ang kinuha niya. Bumuntonghininga ako at saka binuksan ang cellphone. Gusto kong mainis lalo at ibato ang phone na ito pero hindi pwede dahil ibabalik ko pa ito sa unggoy na iyon. iPhone pa talaga ang binili niya, hindi ko naman alam paano gamitin ito at ang alam ko lang sobrang mahal nito. Grabe naman siya maghanap ng paraan, ganito talaga?Pinilig ko ang ulo ko at binuksan ang message niya na alam kong binuksan na ng kapatid ko. Nakita ko ngang makikipagkita siya sa akin bukas sa cafe na pinagtrabuhan ko. Sunday naman bukas kaya walang pasok pero ang akin lang, bukas na ba ang simula
"Dapat hindi ka rin late sa schedule mo rito sa cafe, ayaw ng may ari na laging late." Tumango ako sa manager namin.Noong isang araw lang din ako natanggap sa trabaho, malapit lang din naman ang cafe sa university kaya hindi na rin ako mahihirapan."Opo, Ma'am." Yumuko ako kasama ang dalawa pang kasamahan ko na natanggap din.Iniwan na rin naman kami ni Ma'am Susan at pinasimula na kami sa trabaho."Sino kaya ang may ari?" tanong ni Jade."Lalaki kaya? Gwapo?" segunda naman ni Lomi. Sila ang dalawa kong kasamahan na kanina ko lang din nakilala."Baka suplado o suplada rin gaya ni Ma'am Susan," saad ko habang nagliligpit ng mga nasa counter.Wala naman din akong pakealam kung babae, lalaki, suplado o suplada ang may ari nito. Ang mahalaga sa akin ang magtrabaho nang maayos at matapos kaagad nang makapag-aral na ako. Buti nga naayos ang schedule ko sa klase, hindi ko man kasabay ang dalawa tuwing pagpasok, minsan nama'y may mga parehong araw na makakasabay ko sila sa uwian. Tuwing Lune
Pagkatapos namin mag-dramahan kagabi, inasikaso ko na kaagad ang requirements ko para maghanap na mamaya pagkatapos ng klase ko. Sakto naman kasi, nagtanong ako sa anak ng kapitbahay namin kung ano-ano ang mga requirements kapag maghahanap ng trabaho. More on experience daw pero wala pa naman akong experience at hindi pa nakapagtapos sa college, high school lang. Kaya iyong resume na lang ang hinanda ko at ibang documents pa na kailangan, tulad ng PSA birth certificate at iyong schedule at load ko sa school ko."Mauna na lang kayong umuwi mamaya ah, maghahanap pa ako ng trabaho," saad ko sa kanilang dalawa nang makarating kami sa university."Bawal ba kaming sumama?" tanong naman ni Shianna. Ano naman ang gagawin niya kung sasama siya sa akin."Hindi ako sasama, marami na agad akong pag-aralan pag-uwi ko sa bahay." Tumango ako kay Shiama at saka bumaling ulit kay Shianna na nakanguso na."Samahan mo na lang si Shiama mag-aral, magpapaturo ka pa sa kanya 'di ba? Hindi mo yata naintindi
"Grabe, unang araw pa lang nang makita ang mga subjects ko, nahihirapan na ako. Shiama, baka naman alam mo ang iba sa kanila.""Titignan natin sa bahay, ilang units ba sa 'yo?"Ano ba talagang trip ng lalaking iyon? Ang lakas ng tama!"22 units sa akin, same lang naman yata tayo. Pero may subject akong patungkol sa bansa. Bakit ba kasi nag-PolSci pa ako."Paano kung may balak siya sa akin? At saka, bakit ba ako biglang tumango kanina sa kaniya?"Mahirap din yata sa kanya, kanina pa 'yan nakatulala.""Shiara!""Ay pota!" Sinamaan ko ng tingin ang dalawang nagtataka ang mga mukha. "Bakit kayo naninigaw?" tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa na para bang isa akong alien na walang alam sa mundong ito."Okay ka lang ba? Kanina pa kami nag-uusap dito at tinatanong ka rin namin, pero hindi ka sumasagot. May masakit ba sa 'yo? Napaaway ka na naman ba?" sunod-sunod na tanong ni Shiama.Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at nauna nang maglakad. Wala naman akong isasagot sa kanila.
"Bakit ka ba napapaaway?" tanong sa akin ni Shiama nang makalayo na kami."Nainis ako sa bunganga eh, sinabihan ba naman akong hampaslupa.""Ay yawa, tara balik tayo. Ihampas ko siya sa lupa!" Pinigilan namin si Shianna nang patakbo na sana siya ulit pabalik."Isa ka pa, hindi niyo na sana pinatula pa." Sabay kaming napatingin kay Shiama."Seryoso ka ba d'yan, Shiam? Kahit iniinsulto ka na, hindi ka pa rin papatol? Alam mo naman kung ano ang ugali namin, kaya ka binubully kasi hinahayaan mo ang mga taong apakan ka." Umirap ako sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon."Nandyan naman kayo para ipagtanggol ako pero hindi ko rin naman hahayaan na dahil sa akin o dahil sa iba ay magkaroon kayo ng kaaway. Tignan n'yo ang nangyari ngayon, may mga galos kayo. At ikaw na nga nagsabi sa akin na kapag may nambully sa akin at tatahimik na lang ako pero kayo itong hindi nagpapigil. Paano natin maipaliwanag iyan kina Nanay?"She's right, pinapatahimik ko lang siya dahil ang ibig kong sabihin no'n, ka







