Compartilhar

5

Autor: Anoushka
last update Data de publicação: 2026-06-07 20:28:43

Pagkatapos namin mag-dramahan kagabi, inasikaso ko na kaagad ang requirements ko para maghanap na mamaya pagkatapos ng klase ko. Sakto naman kasi, nagtanong ako sa anak ng kapitbahay namin kung ano-ano ang mga requirements kapag maghahanap ng trabaho. More on experience daw pero wala pa naman akong experience at hindi pa nakapagtapos sa college, high school lang. Kaya iyong resume na lang ang hinanda ko at ibang documents pa na kailangan, tulad ng PSA birth certificate at iyong schedule at load ko sa school ko.

"Mauna na lang kayong umuwi mamaya ah, maghahanap pa ako ng trabaho," saad ko sa kanilang dalawa nang makarating kami sa university.

"Bawal ba kaming sumama?" tanong naman ni Shianna. Ano naman ang gagawin niya kung sasama siya sa akin.

"Hindi ako sasama, marami na agad akong pag-aralan pag-uwi ko sa bahay." Tumango ako kay Shiama at saka bumaling ulit kay Shianna na nakanguso na.

"Samahan mo na lang si Shiama mag-aral, magpapaturo ka pa sa kanya 'di ba? Hindi mo yata naintindihan ang mga sinasabi niya kagabi sa 'yo habang nag-aaral kayo." Ngumisi ako sa kanya at saka sila hinawakan sa magkabilang braso.

"Tara na, baka mahuli pa tayo."

Nang makarating ako sa classroom namin, kaagad ko nang inilibas ang notebook ko para sa unang lesson namin ngayon. Unang subject ay Math na kaagad, hindi ko alam kung bakit may math ang course ko. It was Mathematics of the Modern World. Bobo pa naman ako sa Math, si Shianna lang ang magaling sa numbers at si Shiama. Pakiramdam ko talaga ganda lang ang ambag ko sa mga kapatid ko. But hey, hindi naman yata magagamit ang math sa pagkuha ng litrato eh o sa pag-film, ano naman ang gagawin ko sa kanila? Pangkwenta lang ng pera ang numero. Nakakaloka, bobo talaga ako sa math sis!

At kahit kaunti lang ang naiintindihan ko sa diniscuss ni Miss. Amy sinusulat ko pa rin. Kapag siguro si Shiama ang pinapa-discuss ko, maiintindihan ko ito.

"Okay, for next week assignments. Sagutan niyo ito lahat." Nagsulat siya ng problem sa white board, unang araw pa lang ng subject niya assignment agad.

Pagkatapos niyang magsulat, nagpaalam na kaagad siya at sumunod namang pumasok ang teacher namin sa subject na Art App, may binigay lang siyang kailangan naming gawin at next week na kaaagd ang pasa. Grabe, arts pa nga. Gastos din ito, marunong naman ako sa arts kaso iyong mga bilihin ngayon para riyan, iyon ang kailangan kong hanapan ng paraan.

Natapos ang dalawang subject at break time na namin, dahil hindi kami magkaparehong tatlo sa oras tuwing Tuesday, at nag-iipon din ako ng pera para mamaya hindi ako gagastos ngayon. Naisipan ko na lang na lumabas at pumunta sa garden ng university na ito.

It has a beautiful view, ang ganda siguro kung may dala akong camera at makunan ko sila ng larawan? Si Tatay lang kasi ang may cellphone sa amin na may camera at si Nanay naman de keypad ang cellphone niya, wala pa kaming malaking pera para bilhan nila ng cellphone. Kapag hawak ko minsan ang cellphone ni Tatay, ginagawa kong model si Shianna since magaling siya roon, habang si Shiama naman lagging candid o stolen lang kinukuha ko dahil para siyang takot sa camera.

Pinosisyon ko ang katawan ko at umaktong may hawak na camera gamit ang kamay ko. Sana bukas may camera na akong dala, narinig ko kasi kanina ang usapan ng iba kong kaklase ay kailangan daw sa course namin kahit first year pa lang.

"Oh." Gulat akong lumingon sa nagsalita bigla, inilahad niya ang cellphone sa harap ko. Umayos naman ako ng tayo at umatras palayo sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" I asked, crossing my hands.

"Bawal ba? Dito ako nag-aaral eh," pamimilosopo niya naman. Bumaba ang tingin ko sa cellphone niyang nakalahad pa rin.

"Anong gagawin ko d'yan? Baliw ka ba?"

"Baliw ka ba?" he mocked. "Put your number here, you agreed that you will be my girlfriend." Halos manlaki ang mga mata ko at napaiwas ng tingin sa kanya, bakit nga ba ako umu-o?

Kasi nga, pinilit niya ako! He threatened me na kapag hindi ako pumayag guguluhin niya ako araw-araw hangga't pumayag ako at gagawa rin daw siya ng paraan para ma-bully ang mga kapatid ko, how cruel is he?!

"Wala akong cellphone, bahala ka d'yan mag-hanap ng paraan para makausap ako." Akma akong aalis na sana nang nagulat ako sa sunod niyang ginawa. "Saan mo ako dadalhin? Hoy gago ka!" I shouted when he pulled me away from the garden at nagsimulang maglakad nang mabilis.

Pinagtitinginan na kami ng ibang tao pero hindi pa rin siya huminto, hindi ko naman magawang magpumiglas dahil ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Nakakabanas ang lalaking ito!

Taka ko naman siyang tiningnan nang huminto kami sa isang kotse. "Ano na naman bang trip mo? May klase pa ako!" I said.

"Two hours pa ang next class mo."

Paano niya alam? "Stalker ka ba?" Hinawakan niya bigla ang kamay ko na ikinagulat ko at pinasok sa loob ng kotse na nasa harap namin. Sumunod naman siyang pumasok sa kabila kaya kaagad ko siyang sinapak sa balikat nito.

"Aray!" angil niya. Sinamaan ko pa siya lalo ng tingin.

"Saan mo ba ako dadlahin, ha?" I shouted, napatakip naman siya sa tainga niya.

"Can you please shut up, and please fasten your seatbelt." Taka ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya. O nalulula lang ako dahil sa boses nito at ng amoy ng loob sa kotse. "I said, fasten your seatbelt."

Hindi ako makagalaw nang bigla siyang lumapit sa akin, tanging hininga lang namin ang naririnig ko at dahan-dahan siyang lumalapit habang nakatingin sa akin. Ang mga mata nitong kulay abo at ang makakapal na kilay, matangos ang ilong at ang kinis ng mukha. Iyon lang lahat nakikita ko at ang tanging naririnig ay ang malakas na pintig ng puso ko. Kinakabahan ako na ewan.

"You're spacing out." Mabilis pa sa alas kwatrong tinulak ko siya at umayos ako ng upo, tumingin ako sa kinabit niya sa akin. Gosh Shiara! Iyon pala ang seatbelt.

"S-saan mo ba talaga ako dadalhin?" tanong ko ulit sa kanya ngunit hindi niya ako sinagot.

Sa ilang minutong sakay ako sa kotse niya, tanong lang ako nang tanong kung saan ba talaga kami pero hindi pa rin niya sinasagot hanggang sa huminto kami sa isang mall? "Bakit tayo nandito?" tanong ko, nilingon niya naman ako.

"Ang dami mong tanong, bumaba ka na." Inirapan ko siya at saka lumabas ng kotse pero hindi ako makalabas, "Bakit ayaw?" taka kong tanong sa kanya. "A-anong ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong nang lumapit na naman siya sa akin.

Gulat naman akong umupo nang maayos, tinanggal niya lang pala ang seatbelt ko pero kung makalapit sa akin akala mo'y may gagawin! Potang lalaking 'to. Mabilis na akong bumaba ng kotse, sinundan ko lang naman siya sa loob ng mall. Naka school uniform kaming dalawa pero iyong mga kababaihan at kabataan dito sa mall halos mabali na ang leeg kakasunod ng tingin kay Liam.

Maglakad ba naman na akala mo'y nag-momodelo sa loob ng mall, kupal.

"What are we doing here?" I asked, nilingon niya ako at saka hinila papasok sa shop ng cellphone.

"Since, I need you to respond to me, every day. Kailangan mo ito." Binawi ko ang kamay ko mula sa kanya.

"No way! Wala akong pera pambayad dito," inis kong saad.

"Sinong nagsabing ikaw ang magbabayad?" huh? Ibig niya bang sabihin ay bibilhan niya ako ng cellphone? Gago!

"Bumalik na tayo Liam, tara na." Hinawakan ko ang kamay niya na sana hindi ko na lang ginawa dahil sa nakaramdam ako ng kakaiba na parang nakukuryente, binawi ko rin naman agad ito. "Bumalik na tayo." Umiling siya at tinalikuran ako, napapabuntong hininga na lang ako nang magsimula siyang mamili.

Panay tanong pa siya sa mga tao ng mga specs kono ng cellphone, hindi ko alam ang mga ganoong bagay pa. Nakaupo lang ako rito sa waiting area.

"Oh." Hindi ko tinanggap ang inilahad niyang paper bag, bakit niya ba ako binilhan? "Nangangalay na ako, babae." I rolled my eyes on him.

"Sabi ko naman sa 'yo, hindi ko tatanggapin iyan." Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ang sabi mo rin gagawa ako ng paraan para makausap ka, so this is the way."

Ang talino naman talaga ng lalaking 'to.

At dahil hindi ko pa rin tinanggap ang paper bag siya na mismo naglagay sa kamay ko at saka ako hinila palabas. "What do you want to eat?" huh?

Bobo naman akong tao minsan pero this time mas lalo yata akong na-bobo kapag may sinasabi siya. "Ano?" tanong ko, making sure na inaya niya ba talaga ako kumain.

"Anong gusto mong kainin? Kanina ka pa sa garden pero hindi kita nakitang pumunta sa canteen, so I guess hindi ka pa kumakain." Huh ulit?

"Kanina mo pa ba ako pinagmasdan sa malayo o sinusundan?" I asked. Napalunok naman ako nang lumingon siya at may ngiti sa labi, shit!

"Yes, baka takasan mo ako eh," he said. "You agreed that you will be my girlfriend."

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • Capturing Billionaire's Heart   8

    Maingay ang buong paligid pagpasok pa lang naming dalawa ni Liam, hawak niya pa rin ang baywang ko gamit ang mainit na palad, naramdaman ko kahit ang suot kong dress ay hindi katulad ng mga nakikita ko rito iba na walang takip sa gilid ng tiyan.Lumunok ako ng dalawang beses at yumuko, nahihiya ako. "Liam!" sigaw ng kung sino at lumapit sa amin ni Liam. "Woah, who's this chic?" Mahina ngunit alam kong nanunuyang tanong ng lalaki."She's my date for tonigh, Jade.""Ang ganda ng date mo ngayon ah. Well, you are Liam Agosti, hindi pwedeng hindi maganda ang dala mo. By the way, hi! I am Jade, Liam's bestfriend." Naglahad ng kamay ang lalaki sa harap ko, hindi ko nga alam kung tatanggapin ko ba iyon o lumayo sa kanya.Tiningnan ko pa ang mukha ni Jade, he's handsome at halata rin naman na college guy rin siya. Mukha namang mabait ang kanyang mukha dahil na rin siguro sa dimple niya na kung ngumiti ay mas lalong nabubutas ang pisngi. I was about to touch his hand when someone pulled me."Sh

  • Capturing Billionaire's Heart   7

    Hindi ko na nahabol si Shianna nang tumakbo siya palabas ng bahay. Nakakainis, hindi niya raw binasa ang text pero alam niya ang laman. Kung hindi ko lang talaga siya kapatid!Hinayaan ko na lang muna ang inis ko sa kanya, pumasok ako sa kwarto namin at kunuha ang cellphone na nasa maliit na lamesa namin dito. Nandito na rin ang bag ko, binalik na rin yata ni Shiama or notebook ko lang na may assignment ang kinuha niya. Bumuntonghininga ako at saka binuksan ang cellphone. Gusto kong mainis lalo at ibato ang phone na ito pero hindi pwede dahil ibabalik ko pa ito sa unggoy na iyon. iPhone pa talaga ang binili niya, hindi ko naman alam paano gamitin ito at ang alam ko lang sobrang mahal nito. Grabe naman siya maghanap ng paraan, ganito talaga?Pinilig ko ang ulo ko at binuksan ang message niya na alam kong binuksan na ng kapatid ko. Nakita ko ngang makikipagkita siya sa akin bukas sa cafe na pinagtrabuhan ko. Sunday naman bukas kaya walang pasok pero ang akin lang, bukas na ba ang simula

  • Capturing Billionaire's Heart   6

    "Dapat hindi ka rin late sa schedule mo rito sa cafe, ayaw ng may ari na laging late." Tumango ako sa manager namin.Noong isang araw lang din ako natanggap sa trabaho, malapit lang din naman ang cafe sa university kaya hindi na rin ako mahihirapan."Opo, Ma'am." Yumuko ako kasama ang dalawa pang kasamahan ko na natanggap din.Iniwan na rin naman kami ni Ma'am Susan at pinasimula na kami sa trabaho."Sino kaya ang may ari?" tanong ni Jade."Lalaki kaya? Gwapo?" segunda naman ni Lomi. Sila ang dalawa kong kasamahan na kanina ko lang din nakilala."Baka suplado o suplada rin gaya ni Ma'am Susan," saad ko habang nagliligpit ng mga nasa counter.Wala naman din akong pakealam kung babae, lalaki, suplado o suplada ang may ari nito. Ang mahalaga sa akin ang magtrabaho nang maayos at matapos kaagad nang makapag-aral na ako. Buti nga naayos ang schedule ko sa klase, hindi ko man kasabay ang dalawa tuwing pagpasok, minsan nama'y may mga parehong araw na makakasabay ko sila sa uwian. Tuwing Lune

  • Capturing Billionaire's Heart   5

    Pagkatapos namin mag-dramahan kagabi, inasikaso ko na kaagad ang requirements ko para maghanap na mamaya pagkatapos ng klase ko. Sakto naman kasi, nagtanong ako sa anak ng kapitbahay namin kung ano-ano ang mga requirements kapag maghahanap ng trabaho. More on experience daw pero wala pa naman akong experience at hindi pa nakapagtapos sa college, high school lang. Kaya iyong resume na lang ang hinanda ko at ibang documents pa na kailangan, tulad ng PSA birth certificate at iyong schedule at load ko sa school ko."Mauna na lang kayong umuwi mamaya ah, maghahanap pa ako ng trabaho," saad ko sa kanilang dalawa nang makarating kami sa university."Bawal ba kaming sumama?" tanong naman ni Shianna. Ano naman ang gagawin niya kung sasama siya sa akin."Hindi ako sasama, marami na agad akong pag-aralan pag-uwi ko sa bahay." Tumango ako kay Shiama at saka bumaling ulit kay Shianna na nakanguso na."Samahan mo na lang si Shiama mag-aral, magpapaturo ka pa sa kanya 'di ba? Hindi mo yata naintindi

  • Capturing Billionaire's Heart   4

    "Grabe, unang araw pa lang nang makita ang mga subjects ko, nahihirapan na ako. Shiama, baka naman alam mo ang iba sa kanila.""Titignan natin sa bahay, ilang units ba sa 'yo?"Ano ba talagang trip ng lalaking iyon? Ang lakas ng tama!"22 units sa akin, same lang naman yata tayo. Pero may subject akong patungkol sa bansa. Bakit ba kasi nag-PolSci pa ako."Paano kung may balak siya sa akin? At saka, bakit ba ako biglang tumango kanina sa kaniya?"Mahirap din yata sa kanya, kanina pa 'yan nakatulala.""Shiara!""Ay pota!" Sinamaan ko ng tingin ang dalawang nagtataka ang mga mukha. "Bakit kayo naninigaw?" tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa na para bang isa akong alien na walang alam sa mundong ito."Okay ka lang ba? Kanina pa kami nag-uusap dito at tinatanong ka rin namin, pero hindi ka sumasagot. May masakit ba sa 'yo? Napaaway ka na naman ba?" sunod-sunod na tanong ni Shiama.Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at nauna nang maglakad. Wala naman akong isasagot sa kanila.

  • Capturing Billionaire's Heart   3

    "Bakit ka ba napapaaway?" tanong sa akin ni Shiama nang makalayo na kami."Nainis ako sa bunganga eh, sinabihan ba naman akong hampaslupa.""Ay yawa, tara balik tayo. Ihampas ko siya sa lupa!" Pinigilan namin si Shianna nang patakbo na sana siya ulit pabalik."Isa ka pa, hindi niyo na sana pinatula pa." Sabay kaming napatingin kay Shiama."Seryoso ka ba d'yan, Shiam? Kahit iniinsulto ka na, hindi ka pa rin papatol? Alam mo naman kung ano ang ugali namin, kaya ka binubully kasi hinahayaan mo ang mga taong apakan ka." Umirap ako sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon."Nandyan naman kayo para ipagtanggol ako pero hindi ko rin naman hahayaan na dahil sa akin o dahil sa iba ay magkaroon kayo ng kaaway. Tignan n'yo ang nangyari ngayon, may mga galos kayo. At ikaw na nga nagsabi sa akin na kapag may nambully sa akin at tatahimik na lang ako pero kayo itong hindi nagpapigil. Paano natin maipaliwanag iyan kina Nanay?"She's right, pinapatahimik ko lang siya dahil ang ibig kong sabihin no'n, ka

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status