Share

Chapter 1: She Witnessed

Nathalia’s POV

Pinatay ko ang makina ng aking sasakyan, nang itigil ko ito sa tapat ng isang mataas na building. Nang masigurong wala na akong naiwan ay bumaba na ako at tiningala ang matayog na building sa ‘king harapan.

Napailing na lang ako, bago nagsimulang maglakad at makisabay sa agos ng mga tao na papasok din sa loob.

Nang makapasok ay agad na bumungad sa ‘kin ang lounge area, kung saan ay marami ang mga nakatambay at nagbabasa ng magazines. Nasisiguro ko na karamihan sa kanila ay guests nitong hotel.

Mayroon ding mga naglalakihang chandelier na nakasabit sa kisame. Malamig ‘tong tingnan sa mga mata dahil gawa ito sa crystal. Carpeted naman ang hallway at sa bawat pillar na madaanan ko ay mayroong mga indoor plant na nakasabit dito.

Napangiti na lang ako, bago tuluyang dumiretso sa reception area.

“Good afternoon, Ma’am. How may I help you?” magalang na bati ng receptionist na mayroong ngiti sa kanyang mga labi.

Inilibot ko ang paningin. It’s not my first time here. Pero kahit gano’n ay hindi naman puwedeng basta-basta ko na lang puntahan ang mga kaibigan ko.

Ilang oras ko kasi silang hinintay kanina sa school para sabay-sabay sana kaming makapagpapirma ng clearance. Pero inabot na lang ako roon ng hapon ay wala man lang dumating ni isa sa kanila. Ni hindi man lang sila nagre-reply sa mga text at sumasagot sa mga tawag ko. Offline rin sila kaya hindi nila nakikita ang mga chat ko.

“I’m looking for someone. Actually, apat sila. They’re working—”

Napahinto ako sa pagsasalita nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na bulto ni Mads. Nakasuot pa siya ng housekeeping uniform at mukhang nagmamadali.

Magsasalita pa sana ang babaeng kaharap ko, pero agad akong nagpasalamat at nagpaalam upang sundan ang magaling kong kaibigan.

Dumiretso siya sa isang mahabang pasilyo at binuksan ang pinto sa dulo nito. Ilang minuto muna ang pinalipas ko bago ako sumunod. Panigurado kasing magugulat siya sa oras na makita niya ako rito. Ilang liko pa ang kanyang ginawa at pinto pa ang kanyang pinasukan na halos hindi ko na matandaan ang daan pabalik.

Bilang lang sa daliri sa kamay ang mga pagkakataon na pinupuntahan ko sila rito. Well, the mere fact that they’re not returning any of my texts and calls made me do so today. Sa pagkakaalam ko kasi ay off naman nila ngayon. Kaya naman ay talagang hindi ako mapalagay. Siguro ay kinulang sa staff ang hotel at emergency silang pinatawag.

Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ko siya palihim na sinusundan. I just had this weird feeling inside of me, urging me that I should follow her. When in fact, I can just call her attention.

Napakunot ang noo ko nang mapansin na papunta sa basement ang daan na tinatahak niya pababa.

Ano naman kayang gagawin niya roon?

Sa pagkakaalam ko ay nagpa-part-time silang apat dito bilang mga housekeeper at bellboy. Kung kaya naman ay nagawa nilang makapasok sa prestihiyosong unibersidad na pinapasukan namin ngayon.

Hindi dahil sa kinikita nila rito. Kung hindi dahil sa pagpapa-aral mismo sa kanila ng may-ari ng hotel na ‘to.

They’re all orphans. Sa bahay ampunan na sila pare-parehong lumaki at nagkakilala.

Though I don’t have any idea about the whole story. Ni hindi ko nga alam kung ano ang dahilan kung bakit sila naulila. I didn’t bother to ask, because I know how sensitive the topic is.

Isa pa ay may sarili rin akong lihim na ayoko rin nilang malaman.

Basta isang araw ay may isang tao na lamang daw na nagmagandang loob na kupkupin sila mula sa bahay-ampunan.

Ang taong ‘to ay walang iba kung hindi ang ama ng nagmamay-ari ng hotel na ‘to. Marami na akong narinig tungkol kay Don Isaac Anderson. Pero hindi ko pa siya nakikita sa personal o kahit sa picture man lang.

Samantalang ang anak naman niya na si Stephen Anderson ay nakita ko na kahit papaano sa picture. Paano ba namang hindi? Eh, madalas siyang laman ng iba’t ibang pahayagan, maging ng mga social media sites dahil sa kung anu-anong kontrobersiya na nakakabit sa pangalan niya.

Naalala ko tuloy noong araw na tinanong ko sina Mads tungkol sa bagay na ‘yon. Agad naman nilang itinanggi ang mga paratang. Mabait daw si Stephen at sinisiraan lamang siya ng mga kalaban sa negosyo. Siguro dahil sa batang edad ay nagawa na niyang gumawa ng sariling pangalan, makapagpatayo at makapagpatakbo ng sarili niyang kumpanya.

He owns this hotel. Iba pa ang negosyo ng kanyang ama. He’s indeed one of the youngest sought after bachelor in town.

Pero isa rin siya sa itinuturing kong kakumpetensya sa negosyo namin.

Nang makarating sa basement ay nagpalinga-linga ako sa paligid nang mapansin na wala na pala si Mads. Masyado ata akong nalunod sa pag-iisip.

“Saan naman kaya nagsuot ang babaeng ‘yon? Saka ano ba’ng gagawin niya rito?”

Napasimangot ako nang tuluyan ko na nga siyang hindi nakita. Sa paglilibot ko ng tingin ay roon ko lang napansin na tila isa itong pribado at tagong parking lot. Ni wala man lang guwardiya o kaya CCTV camera sa paligid. Which is very unusual para sa isang kilalang hotel.

Mas maliit pati ang espasyo nito at kakaunti lamang ang mga sasakyan na nakaparada rito. Isa pa ay masyadong komplikado ang daan papunta rito na para bang sinadya.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang mga bagay na napansin. I was about to retreat and just decided to text them again when suddenly, I heard a loud thud. Muli akong napalinga sa paligid at sinundan ang pinanggagalingan ng sunod-sunod na ingay.

Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang tinambol ng kaba ang dibdib ko. Sinisigaw ng isang bahagi ng isip ko na umalis na lang at bumalik sa loob para maisagawa ang talagang pakay ko rito.

Pero may isang bahagi rin ng isip ko ang nagsasabi na magpatuloy ako.

Hanggang sa marating ko ang pinakasulok na parte ng basement. Ngunit gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa nakita kasabay ng pagtakip ng aking kanang kamay sa bibig upang pigilan ang anumang ingay na maaaring kumawala roon.

Mabilis akong nagtago sa isa sa mga nakaparadang sasakyan at bahagyang sinilip ang isang hindi kaaya-ayang eksena na nangyayari sa harap ko ngayon. Malayo naman ang kinapupuwestuhan ko at paniguradong hindi ako madaling makikita. Pero sapat na upang makita ko ang kanilang ginagawa.

I never thought that I would witness such kind of scene in real life.

Because right there I saw a man, hopelessly lying on the ground, groaning in pain as he held his stomach and begging for forgiveness to...

Napaangat ako ng tingin at halos malaglag ang panga ko nang makita kung sino ang may kagagawan no’n sa kanya.

Stephen Anderson!

Hindi ako maaaring magkamali! Kahit sa picture ko palang siya nakikita ay nasisiguro kong siya ‘yon!

He has a pointed nose, round and blue eyes, clean cut hair and red lips. Halata rin ang namumutok nitong muscles sa suot na polo. Moreno ang kulay ng balat niya na bagay naman sa kanya.

In fairness, papasang model ang isang ‘to.

Agad ko namang ipinilig ang ulo nang dahil sa naisip.

Oh, shit! Ano nga ba kasing ginagawa ng boss nina Mads sa lalaking ‘yon?

Tiningnan niya ang cellphone na hawak at tila may binasa, bago muling binalingan ang lalaking nakasalampak sa sahig at halos wala ng buhay. Walang kahit na anong emosyon ang kanyang mukha.

“Take him. I need to teach him a lesson and made him remember that he messed with a wrong person.”

Ngayon ko lang napansin ang nagkalat na mga lalaking pawang mga nakaitim at may mga suot na shades. Pinagtulungan nilang itayo ang bugbog sarado na lalaki, bago ipinasok sa isa sa mga nakahintong sasakyan. Tinted ang salamin nito kaya hindi mo magagawang makita kung ano ang nasa loob.

Hanggang sa lahat sila ay sumakay na sa kani-kanilang mga sasakyan. Nang mawala na sila sa paningin ko ay hindi ko alam kung anong masamang espiritu ang sumapi sa ‘kin at namalayan ko na lang ang sarili na tumatakbo, kahit nanginginig ang aking mga binti dala ng pinaghalong takot at kaba pabalik sa main lobby.

Hindi naman sa nagpapakabayani ako. But my parents and friends told me to fight when I know that it’s the right thing to do.

Bahala na nga si Batman! Malilintikan na naman ako nito kina Mama at Mads kapag nagkataon.

But who would have thought that the ever famous Stephen Anderson can actually hurt people just like that?

Natauhan lang ako nang mabangga sa kung sino. Hindi ko na sana siya papansinin kung hindi lang niya tinawag ang pangalan ko.

“Nathalia! What are you doing here?”

Saglit akong napahinto at agad na lumingon nang marinig ang pamilyar niyang boses.

Si Harold!

I was about to go near him when I remembered the guy. Kailangan siyang mailigtas!

“I’ll explain it to you guys later. I need to go!”

Narinig ko pa ang malakas na pagtawag niya sa ‘kin, pero hindi ko na ‘to pinansin.

Pagkalabas ko ng building ay saktong namataan ko naman ang sunod-sunod na pagsulpot ng mga pamilyar na sasakyan mula sa kung saan. Walang pagdadalawang-isip akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito paalis.

Naglagay ako ng sapat na distansya sa pagitan ng mga sasakyan namin para hindi nila mahalata na may sumusunod sa kanila. Isa ito sa mga bagay na naituro ni Damon sa ‘kin noon.

I don’t really know why I’m doing this. I just should have let it pass and go back to my friends like what I originally planned. I shouldn’t involve myself in the case like this!

Pero hindi maatim ng konsensya ko na balewalain na lang ang nangyari. Lalo pa at involve ang boss ng mga kaibigan ko. I need to know his reason behind his actions.

Para bago pa may mangyaring masama sa mga kaibigan ko ay sisiguraduhin kong mapapaalis ko na sila sa hotel na ‘yon!

Hindi ko na namalayan kung gaano katagal ang naging biyahe, nang biglang tumigil ang sinasakyan nilang mga kotse sa tapat ng isang abandonadong gusali.

Itinigil ko naman ang sasakyan ko sa may kalayuan at sa likod ng isang malaking puno na may kumpol ng mga basurahan at malalaking drum upang hindi ito mahalata.

Napapikit ako nang mariin. Nagtatalo ang kalooban ko kung tutuloy pa ba ako o hindi.

Malalim akong humugot ng hininga nang humantong ako sa isang desisyon.

“You can do this, Nath! For justice’s sake!”

Ilang beses pa akong nagdasal, bago nanginginig ang aking mga kamay na lumabas. Pinunasan ko rin ang namumuong pawis sa ‘king noo. Pero bago ako tuluyang bumaba ay siniguro kong dala ko ang tanging bagay na maaari kong magamit sa ganito kadelikadong sitwasyon. Kahit na ba alam kong ako ang dehado kahit saang anggulo mo pa tingnan.

Swiss knife.

Dala-dala ko rin ang phone ko na naka-silent sa loob ng aking bulsa. Mahirap na at baka ito pa ang maging mitsa ng buhay ko. Hindi ko muna pinansin ang sandamakmak na missed calls at texts galing sa mga kaibigan ko.

Napaismid ako. Samantalang kanina ni isa ay wala man lang sumasagot sa kanila.

Nagsimula na akong humakbang palapit sa abandonadong gusali. Ngunit mabilis akong nagtago sa likod ng isang malaking drum nang bigla na lang akong may namataan na dalawang armadong lalaki na nag-uusap.

Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng ulirat pagkakita pa lamang sa mga naglalakihang baril na hawak nila. Pigil ko rin ang aking hininga sa takot na mapansin nilang may ibang tao rito bukod sa kanila.

Doon lang tila pumasok sa isip ko ang gulong kinasangkutan ko. Napalunok ako ng wala sa oras.

Dios mio, Nath! Ano ba naman to’ng pinasok mo?

Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader dahil sa padalos-dalos kong desisyon. Pero alam ko naman  na kahit ilang beses ko pang gawin ‘yon ay wala na rin namang magbabago.

Napahinga ako nang malalim. Bahala na. Nandito na rin lang ako.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa lumang gusali nang mapansin na wala ng pagala-galang bantay sa paligid. Siniguro ko na hindi ako makakalikha ng kahit anong klase ng ingay. Harold taught me how.

Sa ganitong sitwasyon ko lubos na ipinagpapasalamat ang mga natutunan ko sa mga kaibigan ko.

Nang mapansin kong maraming nakabantay sa harap ay umikot ako at dumaan sa kanang bahagi ng gusali. Mabuti na lang at may lagusan roon at walang nakabantay.

Habang papalapit ako ay mas lalong lumilinaw ang naririnig kong mga boses na nag-uusap sa loob.

“Kanino ka nagtatrabaho?”

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita si Stephen na nakatutok ang baril sa kaawa-awang lalaki, habang nakatapak ang isang paa niya sa sugatang braso nito. Pero bago pa man may makapansin sa ‘kin ay mabilis na nakapagtago ako sa likod ng isa sa mga drum dito na natatabunan ng maraming kahon. Padapa akong lumapit patungo sa puwesto nila, habang mahigpit na nakahawak sa swiss knife ko.

Nang makahanap ng komportableng posisyon ay nanginginig ang kanang kamay na binuksan ko ang phone ko at hinanap ang camera app, bago ko ito inilipat sa video mode. Nagpalinga-linga muna ulit ako sa paligid at nakumpirma kong hindi na nila ako makikita sa kinalalagyan ko ngayon.

“Mas mabuti pang patayin mo na lang ako! Dahil wala kang mapapala sa ‘kin!”

Ano raw? P-Patayin? Can Stephen really do that?

Halos mabitiwan ko ang hawak na phone nang dahil sa narinig. Mabuti na lang at agad akong nakabawi sa pagkabigla.

May isang tauhan si Stephen na biglang lumapit sa kanya at may inabot. Pinaningkit ko ng husto ang aking mga mata para maaninag kung ano ‘yon.

Teka, flashdrive?

Biglang tumawa nang malakas ang lalaki na tila ba nababaliw. Nagawa pa talaga niyang tumawa sa sitwasyon niya ngayon?

“Akala n’yo ba porke’t nakuha n’yo ‘yan ay tapos na? Tandaan mo, hindi lang ang boss ko ang gumagalaw para makuha ang bagay na ‘yon.”

An evil smile formed on Stephen’s lips. “I know. But sad to say, a few days from now, I’ll finally get a hold of that thing. Too bad they won’t make it. Because from the very start, I already won.”

“Hah! Tingnan lang natin—”

“Hawak ko ang pamilya mo.” Pagputol ni Stephen sa anumang sasabihin ng lalaki.

Bigla itong natigilan. Mas lalong kumuyom ang kamao ko nang dahil sa narinig.

Natatakot ako. Pero mas nangingibabaw ang galit ko ngayon.

How dare he involve an innocent life with this?

“P-Pakiusap! W-Wag ang pamilya ko. M-Magsasalita na ako,” nagmamakaawang turan ng lalaki. Sa isang iglap ay biglang nawala ang tapang niya kanina lang.

Pinaikot-ikot ni Stephen ang hawak na baril sa kanyang kamay. “Good. Now, I’ll repeat my question. Kanino ka nagtatrabaho? At anong impormasyon na ang naibigay mo sa kanya?”

“Sa mga F-Ferrer. At wala pa akong nasasabi sa kanila dahil i-sinave ko pa lang ang lahat ng nakuha kong impormasyon diyan sa f-flashdrive—”

Ang sunod kong narinig ay ang pag-alingawngaw ng putok ng baril sa lugar na ‘yon.

Napahigpit ang hawak ko sa phone ko na nagawang i-record ang buong pangyayari. Pero bago ko pa man itigil ‘yon ay kitang-kita ng dalawang mata ko ang pag-angat ni Stephen ng tingin sa direksyon ko.

Oh, my God! Did he see me?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status