Share

Chapter 4

Author: Bluish Blue
last update Last Updated: 2025-11-24 13:48:33

"Congratulations!"

Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig. Tama naman siguro ang narinig ko?

"A-Ano po ulit iyon, dok?" paninigurado kong tanong.

"Finally, buntis ka na Miss Rivera!" tuwang-tuwang sagot ni Dok Marquez.

At doon ko lang napagtanto ang sinabi niya.

Para akong nakalutang habang pabalik sa opisina. Hindi pa rin makapaniwala sa balitang narinig ko.

Magiging nanay na ako!

Pero...

"You’re fired!"

Iyon ang unang bumungad sa akin pagtapak ko pa lang sa executive floor. Hindi pa nga ako nakakalapit sa mesa ko pero nag-echo na kaagad sa buong floor ang sigaw ni Sir Javier. Para akong tinamaan ng malamig na hangin na may kasamang sampal.

Napako ako sa kinatatayuan ko at halos hindi makatapak sa sahig. Si Sir Javier ay nakatayo sa harap ng mesa ko habang nakapamulsa at nakakunot ang noo. Tila isang segundo na lang ay sasabog na talaga siya. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot— iyong diretso niyang tingin o iyong sobrang tahimik ng buong office habang pinapanuod ako ng lahat.

"Sir... I...”

"Don't ‘sir’ me." Hindi niya kailangan taasan ang boses— pero ginawa pa rin niya. "You abandoned your shift awhile ago. You left your table. You didn't even send a proper excuse."

"I—" Pero walang lumabas na malinaw na salita sa akin. Para akong may bola ng hangin sa lalamunan na hindi maalis. Kung pwede ko lang sabihin na galing ako sa ospital. Kung pakikinggan niya lang sana ang paliwanag ko.

"I'm not running a daycare," patuloy niya. "I'm running a company. And your job is simple— be here, do your work. If you can't do that, then you don't belong here."

Ramdam ko na ang nag-iinit na likido sa mga mata ko pero hindi ako iiyak.

Hindi rito.

Hindi sa harap niya.

"Pack your things," dagdag niya pang muli. "You're done here."

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatayo sa harap niya. Parang lahat ng lakas ko ay natapon sa sahig. Pero sa huli ay tumango lang ako at pilit na diretso ang likod kahit nanginginig ang tuhod.

"Understood, sir," sagot ko kahit halos bumulong lang ako.

Lumakad siya paalis at hindi man lang lumingon. Parang wala lang. Parang hindi ako mahalagang parte ng opisina niya sa loob ng limang taon. Parang isa lang akong papel na pwede niyang punitin at itapon.

Nag-impake ako nang tahimik. Wala si Mariz. Naririnig ko ang bulungan ng mga officemate ko, pero hindi ko sila tiningnan. Hindi ko kaya. Hindi ko rin alam kung anong mas masakit— iyong mawalan ng trabaho o iyong mawalan ng respeto mula sa isang taong ginugol ko ang maraming oras para lang pagsilibihan siya at tanggapin lahat ng sigaw niya.

Kahit gaano siya ka-demanding, kahit gaano siya kalamig, kahit gaano ko pa siya hindi maintindihan, palagi ko namang ginagawa ang kaya ko. Pero heto ako. Sinesante. Pinaalis.

Tinanggal na parang wala lang.

Sinuksok ko ang maliit na succulent plant na alaga ko sa bag, pati ang notebook kong puno ng scribbles at reminders niya. Pati iyong ballpen na bigay ni Mariz noong birthday ko. Pati iyong ID ko.

Nang lumabas ako ng building, doon pa lang ako nakahinga. Maluwag pero may halong sakit. Parang may mabigat na bato sa loob ng dibdib ko. Pag-uwi ko sa boarding house sy para akong multo.

Hindi ko maalala kung paano ako nakasakay sa jeep o kung paano ako nakababa. Parang robot na paulit-ulit lang ang kilos. Nang makarating ako sa kwarto ko, dumiretso ako sa kama at napaupo. Ilang minuto akong nakatunganga sa pader.

Gusto kong umiyak pero walang lumalabas.

Gusto kong sumigaw pero walang boses.

Ang utak ko ay umiikot-ikot sa mga salitang sinabi ng doktor kaninang umaga— pero bakit hindi ko kayang magsaya gayong hinintay ko ito? Plano ko naman talaga ito pero bakit may mabigat sa dibdib ko?

At ngayon ay wala na akong trabaho. Mabuti nga iyon at hindi na ako gagawa ng resignation letter.

Tatawagan ko na lang sina mama na uuwi ako.

Magdamag akong gising. Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas, pero hindi ako nakatulog kahit saglit. Pagpatak ng alas-sais ng umaga ay nasa kama pa rin ako, nakayakap sa unan, nakababad sa kawalan.

Hindi ako lumabas.

Hindi ako kumain.

Hindi ko sinagot ang kahit anong message.

Pero naalala kong may munting tibok ng puso sa loob ng sinapupunan ko. Tang ina ko talaga. Naging ganito ba ako dahil tinanggalan ako ng trabaho? Parte iyon sa plano ko at dapat magsaya ako!

Kaya naman ay nag-ayos ako ng sarili ko. Pupunta ako ng supermarket. May gusto akong kainin pero hindi ko alam.

Paglabas ko ng boarding house ko.

May nakasandal sa pader.

Naka-black suit.

May pulidong sapatos.

Nakakunot ang noo sa paraang alam kong hindi na bago sa akin.

Si Sir Javier.

Nasa harap mismo ng boarding house ko.

"What are you—"

Hindi ko natapos. Tumayo siya nang diretso, matikas, parang isang sundalong galit na galit pero pinipigilan pa rin ang sarili.

"We need to talk," he said.

Iyon lang. Walang kasunod. Walang paliwanag. Pero ramdam ko kaagad na mabigat.

"Ano pa bang kailangan niyong sabihin?" tanong ko, pilit na kinakalma ang sarili. "I'm fired already. Kulang pa ba ang mga masasakit mong salita?"

Hindi siya gumalaw. Hindi kumurap. At kahit masakit aminin— kahit galit ako ay kinabahan ako sa bigat ng tingin niya.

Hindi iyon tingin ng boss sa empleyado niya. Iyon ay tingin ng isang taong parang may ibubunyag na sikreto.

"Rivera," he said sa mababa ang tono. "I didn't come here to talk about that, but because I got a call."

Kumunot ang noo ko. "Ano naman ang pakialam ko sa bagay na iyon?"

Pwede ko na siyang sagut-sagutin ngayon.

"Galing ang tawag na iyon sa hospital kung saan tayo minsan nagkita."

Napataas ang kilay ko pero hindi ko alam kung saan nanggagaling itong kabang nararamdaman ko.

"Rivera,” he said again. "The sample intended for the surrogate mother— the one I paid for, the one I chose..."

"What about it?" nanginginig ang boses ko at hindi ko alam kung bakit.

He looked straight into my eyes— hindi nag-aalinlangan, hindi umiwas. "It was injected into you."

Parang bumagsak ang buong mundo ko. Parang may kumalas na turnilyo sa loob ng utak ko at kahit anong pilit kong unawain ang narinig ko ay hindi kaya ng utak ko.

Hindi ko masabi ang kahit anong salita. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw.

"At hindi lang iyon," dagdag niya, marahan pero mabigat. "You're having my baby."

“Sabihin mong nagbibiro ka lang…”

“You know me,” sabiy niya pa. “Hindi ko ugaling magbiro.”

Tang ina lang talaga!

Iyong boss kong laging galit sa akin? Iyong sinisante ako kahapon ay siyang ama ng dinadala ko?

Oh fuck!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 81

    Lumipas ang ilang araw.At sa panlabas, parang naging normal ang lahat.Gigising ako sa umaga, ihahanda ang baon ni Janine, ihahatid siya sa paaralan, babalik sa bahay, maglilinis, magluluto, mag-iisip ng mga dapat gawin. Parang ordinaryong buhay. Parang wala akong dinadalang sikreto. Parang walang lalaking akala kong patay na na ngayon ay nakatira ilang bahay lang ang layo.Pero sa loob ko ay araw-araw may bagyong dumadaan. Napapadaan pa rin kami ni Janine sa bahay nila Liza. Hindi na ako kinakabahan tulad ng unang beses. Hindi na ako napapahinto. Hindi na ako napapalingon nang biglaan. Panatag na ako sa isang bagay—naipaliwanag ko na kay Janine na hindi niya ama si Solomon. Na kamukha lang. Na nagkamali siya.At tinanggap niya.Hindi niya na tinatawag si Javier na “Daddy.”Hindi na niya tinatanong kung bakit magkamukha.Hindi na niya inuulit.Pero araw-araw naman siyang tumitingin.Araw-araw, sa tuwing dadaan kami sa harap ng bahay nila, mapapansin ko ang pagbagal ng hakbang niya. A

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 80

    “Daddy?”Parang may kumalabog sa loob ng ulo ko. Isang salita lang iyon. Isang tawag lang. Pero sapat para gumuho ang mundo ko sa harap ng gate ng maliit naming bahay.Narinig ko ang sarili kong paghinga—mabilis, mabigat, parang may humahabol. Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ko sa kamay ni Janine. Halos mapisil ko ang maliliit niyang daliri sa kaba.“Daddy?” ulit niya, mas malinaw, mas sigurado.At doon ko nakita.Ang gulat sa mga mata nilang dalawa.Si Janine ay nakatingin kay Javier. Diretso. Walang alinlangan. Walang takot. Parang sigurado siya sa nakita niya.At ako? Parang tinamaan ng kidlat.“Janine...” bulong ko, nanginginig ang boses ko. Lumuhod ako sa harap niya, hinawakan ang magkabilang balikat niya, pilit na ngumiti kahit ramdam kong nanginginig ang labi ko. “Nagkakamali ka, anak.”Tumingin siya sa akin, kunot ang noo. “Pero mommy... kamukha niya si daddy...”Parang may sumaksak sa dibdib ko.Oo. Kamukha.Dahil siya nga iyon.Pero hindi ko puwedeng sabihin.“H

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 79

    Sakto ang oras nang dumating ako sa tapat ng maliit na paaralan. Alas-kuwatro ng hapon, at unti-unti nang nagsisilabasan ang mga bata, may mga bitbit na bag na halos mas malaki pa sa kanila, may mga magulang na nakatayo sa gilid, may mga batang tumatakbo diretso sa bisig ng ina.Hinahanap ng mga mata ko si Janine.Hindi ako nagtagal. Kita ko agad ang maliit niyang ulo, ang buhok niyang naka-ponytail, at ang dilaw niyang bag na halos kasing laki ng likod niya. Nakikipag-usap siya sa isang batang babae, mukhang animated, parang may kinukuwento.“Janine,” tawag ko.Lumingon siya, at sa sandaling nakita niya ako, lumiwanag ang buong mukha niya. Parang may sinindihang ilaw.“Mommy!” sigaw niya, sabay takbo papunta sa akin.Lumuhod ako at sinalubong siya ng yakap. Mahigpit. Parang ayokong bitawan. Parang kailangan kong ipaalala sa sarili ko na ito ang dahilan kung bakit ako matatag.“Kamusta ang first day mo?” tanong ko habang inaayos ang buhok niya.“Masaya po!” sagot niya agad. “May frien

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 78

    Sakto pa lang na tuluyan akong nakapasok sa bahay at naisara ang pinto sa likuran ko ay doon bumigay ang tuhod ko. Hindi ako umiyak. Hindi ako sumigaw. Basta na lang akong napaupo sa sahig, nakasandal sa pinto, at nakatitig sa kawalan.Tahimik ang loob ng bahay.Masyadong tahimik.At sa katahimikang iyon, mas lalo kong naririnig ang tibok ng puso ko—mabilis, magulo, parang may hinahabol na sagot na ayaw magpakita.Si Javier.Buhay na buhay. Paulit-ulit iyong umiikot sa utak ko.May amnesia.May bagong pangalan.May “asawa.”At may kwentong hindi tugma sa katotohanan.Hindi ko puwedeng sarilinin ito. Hindi ko kayang sarilinin ito.Huminga ako nang malalim at tumayo. Parang may apoy sa dibdib ko na hindi mapakali. Kinuha ko ang cellphone sa mesa, nanginginig ang kamay ko habang hinahanap ang pangalan ni Eli sa contacts.Isang tawag lang.Isang tawag para sabihin ang katotohanan.Isang tawag para hindi ako mabaliw.Pinindot ko ang call.Isang ring.Dalawa.Tatlo.“Sol?” sagot niya, halat

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 77

    Naupo ako sa upuang kahoy na inialok ni Liza habang inilapag ko sa maliit na mesa ang dala kong lalagyan ng tinola. Maingat ang kilos ko, parang bawat galaw ay pinag-iisipan. Hindi dahil sa kaba—kundi dahil sa katotohanang ang bawat segundo sa loob ng bahay na ito ay may dalang panganib.Sa gilid ng paningin ko, naroon siya. Tahimik. Nakaupo sa wheelchair. Nakatingin sa bintana na parang wala siyang pakialam sa mundo. Pero alam ko. Ramdam ko. Kahit pa nakatalikod siya, siya iyon. Si Javier.At oo nga pala, dalawang beses kaming nagkita. Noong nasa mall at noong nasa sementeryo. Kaya kahit hindi niya alam na ako si Soleign, pero dapat maalala niya pa rin ako. Ibig sabihin ay nawalan siya ng alaala.Hindi ko alam kung paano ko nagagawang huminga nang normal. Parang may nakapatong na mabigat sa dibdib ko, pero kailangan kong magmukhang kalmado. Kailangan kong magmukhang normal. Kailangan kong magmukhang kapitbahay lang na naghatid ng ulam.“Salamat talaga,” sabi ni Liza habang kinukuha a

  • Carrying My Ex-Boss Child   Chapter 76

    Hindi pa man tuluyang nagsasara ang pinto sa likuran ko ay ramdam ko na ang pangangalay ng buong katawan ko. Parang may humigop ng lahat ng lakas ko sa iisang iglap. Napasandal ako sa pinto, ipinikit ang mga mata, at pilit hinabol ang paghinga.Si Javier.Buhay na buhay!At ang mas nakakagulat ay hindi niya ako kilala.Pero ngayon ko lang din napagtanto na iba na pala ang mukha ko kaya hindi niya talaga ako makikilala.Jusko ka Sol! Kinabahan lang pala ako sa wala! Tang ina ko talaga!Pero ang malamang buhay pa siya ay parang may gumapang na malamig sa gulugod ko. Hindi ako makagalaw agad. Hindi dahil sa takot—kundi dahil sa pagkabigla. Sa loob ng ilang segundo, pakiramdam ko ay nanaginip lang ako. Na kapag iminulat ko ang mga mata ko, babalik ang lahat sa dati. Tahimik. Normal. Walang multong galing sa nakaraan.Pero pagmulat ko, naroon pa rin ang katahimikan ng bahay. At naroon pa rin ang bigat sa dibdib ko.Lumakad ako papasok nang mabagal, parang bawat hakbang ay may kasamang alan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status