LOGINPagkatapos ng mabigat na pag-uusap namin sa dining area, lumipat kaming lahat sa sala. Tahimik ang bawat hakbang ko papunta roon, pero sa utak ko ay parang libong sigawan ng mga alaala ang gumugulo.Nakaupo si Tita Sylvia sa malaking sofa, si Tito Rafael ay pumwesto sa single seat malapit sa coffee table, habang si Eli ay nag-iikot sa bar counter—tila nag-iisip kung alak ba o tubig ang una niyang kakailanganin para sa mga susunod naming pag-uusapan.Ako naman, dahan-dahang umupo sa sofa. Ramdam ko ang lambot ng cushion sa likod ko pero hindi nito kayang palambutin ang tigas ng kaba sa loob ng dibdib ko. Ang hangin ay malamig pero ang batok ko ay pinagpapawisan. Naroon pa rin sa isip ko ang imahe ni Javier sa restaurant—nakangiti, masaya, may kasamang babae. Ang sakit ay hindi na kasing talim ng dati, pero nanunuot pa rin. Limang taon, at isang sulyap lang ay parang bumalik lahat.Nakatingin ako sa sahig nang biglang magsalita si Tito Rafael, mababa ang boses pero diretso. “Kung nakita
Papalubog na ang araw nang nang makarating kami ni Janine sa malawak na bakuran ng mansyon nina Sylvia at Rafael. Sa tuwing napapatingala ako sa mga matatayog na pader at sa mismong istruktura ng mansyon, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang tahimik na respeto.Hindi ito simpleng mansyon lang— para itong maliit na palasyo na itinayo sa gitna ng katahimikan. Malalawak ang hardin, puno ng pine trees, at malamig ang hangin na tila yumayakap sa akin habang bumababa ako ng kotse. Hindi ko alam kung bakit, pero sa mga ganitong sandali ko ramdam ang limang taong lumipas — limang taon kong pilit binuo ang pagkataong gumuho. Sa mansyon na ito ako nabuo muli, kasama ang mga taong hindi ko kaano-ano pero minahal ako ng totoo.Hinawakan ko nang mas mahigpit ang kamay ni Janine. Suot niya ang kaniyang lavender dress na may maliit na ribbon sa likod, at sa bawat paglakad niya’y tumatalbog ang mahabang buhok niya. Napangiti ako. Siya ang araw ko. Ang dahilan kung bakit humihinga pa ako kahit g
Limang taon.Limang taon mula noong gabing akala ko ay katapusan na ng buhay ko—ng buhay naming mag-ina.Limang taon mula nang ang katawan ko’y nadurog sa bakal at salamin, at ang kinabukasan ko’y naipit sa pagitan ng panalangin at punyal ng kamatayan.At heto ako ngayon, hawak ang maliit na kamay ng batang siyang dahilan kung bakit ako kumapit."Mommy, ang bagal naman nila," reklamo ni Janine habang nakatayo kami sa harap ng gate ng kanyang school. Bitbit niya ang pink na bag na may makapal na mga sticker ng unicorn, may pal dangling na maliit na bell na tumutunog sa bawat hakbang niya. "Late na tayo kay grandma."Napangiti ako. “Traffic kasi anak, rush hour na. May meeting pa si Tita Sylvia, baka tayo ang mauna sa bahay nila.”Luminga-linga ako sa paligid, sinisipat ang mga batang isa-isang sinusundo ng magulang.Canada—malamig, maayos, tahimik. Ang mga ilaw ay puti at hindi madilim ang gabi. Walang amoy ng usok ng nasusunog na kahapon. Walang nagmamasid na mata ng mga El Zamora.Di
Pabalik na sana ako sa siyudad.Tahimik ang kalsada habang naghihintay ako sa waiting shed. Ang uri ng katahimikang mapanlinlang—yung akala mo ay ligtas ka na, pero sa bawat segundo ay may nakaambang panganib.Nakaupo lang ako habang nagmamasid sa maaliwalas na kalangitan, nakasandal ako sa malamig na poste, pinagmamasdan din ang mga dumadaan na sasakyan, ang mga ibon na malayang lumilipad.Ang dibdib ko ay mabigat, pero may kakaibang kapanatagan. Para bang matapos ang pagdalaw sa puntod ng pamilya ko, may isang bahagi ng sarili ko ang naiwan doon—ang takot na matagal kong pasan.Hindi ko alam na iyon pala ang huling sandaling payapa. Napansin ko ang unang itim na kotse na huminto sa unahan—isang sedan na masyadong malinis, masyadong bago para sa ganitong kahabang kalsada.Hindi ko pinansin. Maraming dumaraan. Wala akong dahilan para magduda.Hanggang sa dumagdag ang isa pa.At isa pa.Tatlo.Apat.Parang mga aninong sabay-sabay gumalaw.Bumilis ang tibok ng puso ko. Umupo ako nang ma
Ilang araw pa ang kailangan naming hintayin. Ilang araw na parang mas mahaba kaysa sa mga linggong lumipas mula nang masira ang buong buhay ko.Inaayos pa nina Eli at Sylvia ang passport at visa ko—bagong pangalan, bagong pagkakakilanlan, bagong papel na magpapatunay na ang babaeng aalis ng bansang ito ay hindi na ang Sol na kilala ng mundo. Hindi na ang babaeng naging 'fiance' ni Javier El Zamora. Hindi na ang babaeng tinapakan ng mga balita, nilapastangan ng mga salitang walang awa, at sinisi pa sa sariling trahedya.Habang inaasikaso nila iyon, ako naman ay naiwan sa pagitan ng paghihintay at pag-alala.At doon ko napagtanto—hindi ako pwedeng umalis nang hindi nagpapaalam.Hindi sa mga buhay.Kundi sa mga patay.Kaya isang umaga, bago pa uminit ang araw, nagpasya akong dalawin sa huling pagkakataon ang mga puntod ng buong pamilya ko.Hindi ko sinabi agad kina Sylvia at Eli kung saan ako pupunta. Hindi dahil may itinatago ako, hindi dahil tatakas ako o kung ano pa man, kundi dahil k
Tahimik ang umaga sa condo.Hindi iyong katahimikang payapa—kundi iyong katahimikang mabigat, parang may nakadagan sa dibdib ko mula nang magmulat ako ng mga mata. Hindi pa rin nawawala ang bigat ng mga salitang sinabi ni Sylvia kagabi.Nakaupo ako ngayon sa harap ng bintana, yakap ang tuhod ko, nakatingin sa malayong gusali. Ang lungsod ay abala na naman—mga sasakyang nagmamadali, mga taong tila may direksyon ang buhay. Samantalang ako, pakiramdam ko’y nasa pagitan pa rin ng kahapon at bukas.Sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari, pinilit kong balikan ang mga alaala ko tungkol kay Javier—hindi bilang dati kong boss, hindi bilang 'fiance', hindi bilang ama ng dinadala ko, kundi bilang isang tao.At doon ko napagtanto ang katotohanang matagal ko nang iniiwasan.Hindi ko pala talaga siya kilala.Akala ko noon, kilala ko na siya sa paraan ng paghawak niya sa kamay ko kapag natatakot ako. Sa paraan ng pagyakap niya sa akin tuwing gabi kapag ginugulo ako ng bangungot. Sa mga







