LOGIN“Get out of my room!” malakas na sigaw niya rito. Tumayo siya sa kama at itinuro ang pintuan. "Lumabas ka, Tobias!"
Biglang nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Ang kaninang parang tupa na sinusuyo siya ay napalitan ng pagkainis. “Pwede ba tigilan mo na ‘yang pagiging overreacting mo, Scarlett? Alam kong galit ka, pero hindi parati ay iintindihin ko yang pagta-tantrums mo sa akin. May hangganan din ang pasensya ko.”
Tandang-tanda pa ni Scarlett ang mga pangarap nilang dalawa ni Tobias noong bago pa sila ikasal. Nakaplano na ang lahat. Dalawang anak, araw ng linggo ang family day, at dalawang beses sa isang taon magbabakasyon sa abroad. Pero ngayon lahat iyon ay nawala at naglaho na lang. Pangako na nakapako.
“Wala akong pakialam kung ubos na ang pasensya mo! Bingi ka ba? Get out!” Hindi bumaba ang init ng boses niya, mas lalo pa itong lumakas. "Ano, hindi ka ba lalabas?"
Nagbuntong hininga si Tobias at napahilamos sa mukha. "Scarlett, kasal na tayo. Kung ano man ang nakita mo o nalaman, wala na yun. Hindi ko na yun uulitin. Magbabago na ako. Magfofocus na ako sa pamilya natin."
Pero para kay Scarlett, ang mga manlolokong lalaki ay maihahalintulad sa mga basura na nagkalat sa kalsada. Kung nagawa nitong magloko nang paulit-ulit ay gagawin pa rin nito iyon kahit ilang pangako ang ibigay.
Dinampot niya ang unan. Hindi niya kayang makatabi ito matulog. Siya ang may kasalanan ng lahat at hindi niya ito mapapatawad.
“Kung hindi ka lalabas ay ako ang lalabas dito. Matutulog ako sa guestroom.”
Kaikuyom ni Tobias ang kanyang palad. Galit na galit. Kung noon ay isang sorry niya para mapatawad siya at maging maayos sila, ngayon ay hindi na. Natuto na si Scarlett sa mga pagkakamali niya.
“Go ahead. Sleep wherever you want.”
Hindi na siya sumagot at tinalikuran na ito. Naglakad siya papunta sa table at kinuha roon ang phone at laptop niya, pagkatapos ay mabilis na naglakad palabas ng kwarto nila.
Narinig niya ang pagtapon nito ng sarili sa kama. At bago siya tuluyang makalabas ng kwarto ay nagsalita pa ulit si Tobias.
“Don’t forget tomorrow’s family banquet. Inaasahan nilang lahat na kasama ka dahil parte ka na rin ng pamilya namin. Huwag mong hintayin na hilahin pa kita papunta roon. Huwag mo ubusin ang pasensya ko."
Hindi pa rin siya sumagot, pero ang ekspresyon niya ay malinaw na nagsasabi ng nararamdaman niya. Hindi siya pupunta roon dahil sinabi nito. Pupunta siya roon dahil alam niyang magbabanta na naman si Tobias na ibebenta ang kompanya na ipinamana sa kanya ni Mommy kung hindi siya susunod sa gusto nito. Ang kompanya na pinaghirapan ni Mommy palaguin para sa kanya.
Parati namang ganon si Tobias. Parati siyang tinatakot gamit ang huling bagay at alaala na naiiwan sa kanya ni Mommy. Alam na alam kasi nito na iyon ang kahinaan niya.
At katulad ng gusto mangyari ni Tobias, pagdating ng kinabukasan ay naghanda si Scarlett para samahan ito sa kanilang family banquet. Kilala ang pamilya nila sa buong Pilipinas. Isa sila sa tinitingala, lalong-lalo na kapag usapang business.
"Ngumiti ka. Huwag ka magpakita ng kawalan ng interest kapag nasa harapan ng pamilya ko," bulalas ni Tobias nang matanaw na niya ang malaking gate.
"Kahit nga ikaw ay hindi matagalan na ngumiti sa harapan nila," pasiring na sagot ni Scarlett.
Inis siyang binalingan ni Tobias, pero bago pa ito makasagot ay huminto na ang sinasakyan nila sa tapat ng gate. Bigla silang hinarang ng isang guard at hindi pinapasok sa loob.
"For family lang entrance ang gate na ito. Lahat ng outsiders ay sa kabila dumaan," walang galang na sabi ng guard kahit kilala naman nito si Tobias.
Pero hindi naman nagulat si Scarlett doon. Hindi rin ito ang unang beses na may nagsalita ng ganito kay Tobias. Kahit kasi isang Aldama ito, anino lang ang turing ng pamilya rito.
Ang ina ni Tobias na si Magdalene ay anak lang ni Don Anton Aldma sa kabit nito.
And years ago, Tobias's mother had married a poor man, despite Don Anton’s furious objections. As punishment, he severed ties with her. Narealize lang ni Magdalene na hindi niya kayang bigyan ng magandang buhay si Tobias nang lumalaki na ito. Kaya naman nagmakaawa siya kay Don Anton na tanggapin silang mag-ina, umaasa na may magbabago. Pero wala pa rin.
Tuwing pupunta sila ni Tobias dito sa mansyon ng mga Aldama ay puro sarkastikong tingin lang ang natatanggap nito. Pero si Tobias, naniniwala pa rin na balang araw ay mapapatunayan niya na mahalaga siya sa pamilya niya. Na may silbi rin siya at pwedeng ipagmalaki.
Ang kompanya na meron si Tobias ngayon ay mula iyon sa pera ni Scarlett. Gamit ang limang milyon mula sa trust fund niya, at iba pang support mula sa kompanya na iniwan ng Mommy niya sa kanya ay napalago ni Tobias ang kompanya na meron ito.
Pero ngayon, nagsisisi na si Scarlett kung bakit niya iyon ginawa. Masyado siyang nabulag sa pagmamahal kaya ibinigay niya rito ang lahat. Hindi niya aakalain na hindi pala siya magiging sapat para rito.
Sabay nilang sinilip ang daan sa kabila at nakitang napakaraming nakapila roon. Mukhang hindi lang ang pamilya Aldama ang narito ngayon.
"Sinasabi mo bang kailangan ko pa maghintay at pumila para makapasok sa bahay ng Lolo ko?" Hindi na napigilan ni Tobias ang sarili at pabalanb na sinagot ang guard.
Pero hindi man lang natakot sa kanya ang guard. "Pasensya na, Sir Tobias. Sumusunod lang ako sa utos ni Doña Elene. Ipinagbilin niya na walang ibang dadaan dito sa gate, maliban sa legal na pamilya. Doon din naman dumaan ang Mommy mo."
Nangitim ang mukha ni Tobias. Mas lalo pang nainis. Halatang nagpipigil na lang ito na huwag suntukin ang guard.
Napangiti si Scarlett ng konti sa tuwa habang nakikita itong napahiya.
"Pumila ka na lang sa kabila para matapos na ito," komento niya, tunog nanunuya.
Just then, a series of sleek black sedans began pulling into the driveway. The butler's entire posture changed. Panic flickered across his face as he waved his arms. "Sir Tobias, pakiusap, itabi mo na ang sasakyan mo! Nariyan na ang sasakyan ni Sir Darius, paparating na siya!"
Si Darius Aldama ay ang bunsong anak ni Don Anton Aldama, ang kapatid ng ina ni Tobias. Ito rin ang tagapagmana ng lahat ng mga ari-arian ng mga Aldama. Hindi pa siya nakikita ni Scarlett dahil mailap daw ang lalaking iyon sa mga tao. Pero marami siyang naririnig na mga hindi magagandang bagay tungkol sa tiyuhin ni Tobias. Kaya naman ganito na lang ang takot ng guard nang makita na paparating na ang sasakyan ni Darius.
"Itabi mo na ang sasakyan, Tobias. Gusto mo ba talagang pag-initan ka lalo ng pamilya mo?" Pinanlakihan ni Scarlett ng mata si Tobias nang hindi pa rin nito inaalis ang sasakyan sa harapan ng malaking gate. "Ikaw na rin ang nagsabi na masama magalit ang Uncle Darius mo."
Doon lang kumilos si Tobias. Mabilis nitong itinabi ang sasakyan. Huminto naman ang sasakyan ni Darius sa tapat ng gate at bumaba ang bintana.
Bahagya dumungaw si Scarlett dahil sa pagka-curious kung anong itsura ng binatang Aldama. Pero hindi niya iyon makita. Tanging ang kamay lang nito na nakalaylay sa bintana ang sasakyan ang nakita niya.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pintuan ng sasakyan. Darius stepped out slowly. His crisp suit and polished shoes shone under the lights. Everything about him radiated dominance. The sheer presence he carried was enough to make anyone feel unsettled.
Napatingin si Scarlett sa polo nito na nakataas ang isang sleeve kaya kitang-kita ang matikas nitong braso. Pero ganon na lamang ang gulat niya nang makita ang rose tattoo nito.
Her breath caught. She had seen that tattoo before... in the hotel room that night. Noong gabi na pumasok siya sa maling kwarto at hindi inaasahang makipag-one night stand sa lalaking hindi niya kilala.
H-How... could it be him?
Nanginig ang katawan ni Scarlett sa takot. She looked up, heart pounding, and met his eyes, those deep-set, unreadable eyes.
"May problema ba? Para kang nakakita ng multo?" puna ni Tobias sa tabi niya at tinapik ang balikat.
Oh my god... The man she had slept with... was her husband's uncle?
Malayo pa si Darius ay natatanaw na niya si Devine sa labas ng bahay. She was wearing a short skirt and a pink camisole top, clearly wearing no brà under it. Talang-tala ang mga utòng nito. Nakangiti rin nang malaki habang nakatanaw sa kanya.Pumarada siya sa garahe. Walang gana siyang nagbuntong-hininga bago bumaba ng sasakyan."Darius!" excited na tawag ni Devine, tumakbo pa ito papalapit sa kanya at akmang yayakap nang umatras siya.Natigilan si Devine, napahiya sa ginawa niya. Ngumiti ito nang pilit para hindi ipahalata ang pagkainis."How's your health?" tanong ni Darius."Medyo... mahina pa rin ako," tugon ni Devine at mabagal na huminga. "Hindi ko alam kung kailan.... babalik ang sigla ng kalusugan ko. Mabilis din akong mapagod... nitong mga nagdaang araw."That was clearly a lie. Tumatalon pa ito kanina nang makita siyang paparating. Nagawa pang tumakbo. Alam ni Darius na pinipeke lang ni Devine ang kalusugan nito para kaawaan niya ito at makuha ang atensyon niya."Then wear a
"Sir!"Napabalik sa wisyo si Darius nang tapikin siya ni Greg sa balikat. Doon lang niya napansin na kanina pa pala kumukulo ang niluluto niyang sopas. Mabilis niyang dinampot ang takip para buksan iyon, pero nakalimutan niyang mainit nga pala ang caserola kaya napaso ang kamay niya.Nabitawan ni Darius ang takip at bumagsak iyon sa sahig. Agad namang umalalay si Greg para kunin ang potholder at damputin ang takip ng caserola."Kanina ka pa wala sa sarili mo, Sir Darius," puna ni Greg, halatang nag-aalala. "May problema ba?"Buong gabing gising si Darius, nakatingin lang siya sa mukha ni Scarlett. Hindi siya sigurado kung tama ba ang memoryang pumasok sa isip niya kagabi, na si Scarlett ang babaeng naka one-night stand niya roon sa hotel. And if that's really Scarlett, why do two investigations say it was Devine? It doesn't make sense. Something is not right."How did you get the hotel guest list check-in?" seryosong tanong ni Darius."Ang alin, sir?" hindi maintindihang tanong ni Gre
Isang malakas na kulog ang kumalabog sa buong siyudad ng gabing iyon. Bumuhos ang malakas na ulan, tila ba galit na galit ito. Sumabay pa ang malakas na hangin.Mahigpit na napakapit si Scarlett sa kumot habang nakapikit. Hindi niya alam kung saan niya ibabaling ang ulo. Nasa loob siya ng isang matinding bangungot at hindi makawala roon. Punong-puno ng dugo ang mga kamay niya at may hawak siyang kutsilyo."S-Scarlett..." umiiyak na boses ang tumawag sa kanya.Luminga siya sa buong paligid pero wala siyang makita."Tulungan mo ako, Scarlett..."Napasinghap si Scarlett nang mapagtanto niya kung kaninong boses iyon. "Angeline?" Tumulo ang luha niya nang unti-unting may aninong tumapat sa kunting liwanag.Naglakad si Angeline papalapit sa kanya. Katulad ng una niya itong mapanaginipan, ganoon pa rin ang itsura nito. Gulo-gulo ang buhok, wasak na wasak ang suot na damit, may mga pasa, at puro saksak ang katawan.Tumakbo si Scarlett para yumakap kay Angeline, pero malakas siya nitong itinula
Hidden away in a lavish hotel suite, nakatayo si Vernice sa banyo, gigil na gigil habang hawak ang cellphone niya at may kausap sa kabilang linya."Hindi ba't ang sabi ko ay ibaon niyo sa lupa ang bàngkay? Bakit nakuha sa ilog?" mahina pero pagalit niyang bulalas.Vernice jaw clenched, and her eyes flashed cold. She gripped the counter as if it could anchor her against the rising panic. Hindi pwedeng malaman na siya ang salarin sa pagpatay kay Angeline. Hindi siya pwedeng makulong.Kung hindi lang naman kasi tatanga-tanga ang mga tauhan niya, hindi sana napahamak si Angeline. Ang plano ay para kay Scarlett, pero ang dumating doon ay si Angeline. Ang mga tanga naman niyang tauhan ay hindi muna kinompirma sa kanya ang itsura ng babaeng dumating bago ginawa ang plano niya. Huli na nang nalaman ni Vernice na hindi si Scarlett ang babae."Ma'am, wala kang dapat ikabahala. Linis na linis namin lahat, walang CCTV. Wala silang ebidensya para itali sa iyo ang krimen," sagot ng lalaki sa kabila
Malalaki ang hakbang ni Darius habang naglalakad sa hallway ng mansyon ng mga Aldama. Nasa likuran niya si Greg, nakasunod sa kanya habang hila-hila ang golf club."Good afternoon, Sir Darius."Napahinto ang kasambahay na nagbukas ng pintuan nang malamig itong balingan ng tingin ni Darius."Nasaan si Tobias?" tanong niya.Napakurap ang kasambahay sa kaba at itinuro ang itaas ng hagdan."Call him," utos niya sa kasambahay at naglakad papunta sa living room.Dali-daling umalis ang kasambahay, halos tumakbo na paakyat ng hagdan.Hindi papalagpasin ni Darius ang ginawa ni Tobias kay Scarlett. Lahat ng magtatangkang manakit kay Scarlett ay dadaan sa kanya. He will punish all of them. Kahit pa ang sarili niyang ama.Maya-maya pa ay nakasunod na si Tobias sa kasambahay. Mukhang bagong gising lamang ito dahil nakahubad pa, nakaboxer lang, at humihikab pa.Inilahad ni Darius ang palad kay Greg. Iniabot naman ni Greg ang golf club kay Darius. Mahigpit iyong hinawakan ni Darius."Uncle Darius,"
Night had already settled in.Balisa si Scarlett habang nakahiga sa kabilang bahagi ng kama, paulit-ulit na inaayos ang unan pero ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Napakaraming tumatakbo sa isip niya, pakiramdam niya ay sasabog na ang utak niya.Dahan-dahan siyang umupo at napatingin sa kabilang dulo ng kama. Mahimbing na natutulog si Darius. He rested with an air of refined composure, hands folded neatly over his chest. Hindi man lang gumalaw, ni hindi nagbago ang ritmo ng paghinga. Nakagaan ang aura nito habang nakapikit, malayo sa cold businessman na kilala ng lahat.Maingat na bumaba si Scarlett sa kama at naglakad papunta sa balcony. Nakapatay naman ang ilaw doon kaya kahit makita siya sa labas ni Tobias o ng kung sino man, hindi malalaman na siya ang naroon.Paglabas niya, sinalubong siya ng malamig na hangin ng gabi. Malawak ang langit, puno ng mga bituin. Ramdam niya ang preskong simoy sa balat niya, may dalang bahagyang amoy ng siyudad. Tinangay ng hangin ang ilang hibla n







