LOGIN
“Congratulations, Mrs. Aldama, you are two weeks pregnant.”
Two weeks pregnant…
Iyon ang paulit-ulit na sumisigaw sa isipan ni Scarlett. Buntis siya. May bata sa sinapupunan niya, pero hindi ang asawa niya ang ama ng bata na dinadala niya.
Paglabas niya mula sa consultation room ay nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang pregnancy test results. Parang nanlalambot ang tuhod niya, at hindi pa rin makasabay ang utak niya sa biglang pagkagulat na tinanggap niya.
Isang buwan pa lang mula nang ikasal si Scarlett sa boyfriend ng apat na taon. Pero sa mismong wedding night nila, nalaman niyang niloloko pala siya nito. Nakita niya na punong-puno ng intimate pictures ang phone ng asawa niya, kasama ang ibang babae.
Hindi iyon matanggap ni Scarlett. Napakasakit sobra dahil ipinangako ng asawa niy na mamahalin siya nito, siya lang ang magiging babae sa buhay nito. Pero hindi nito iyon tinupad.
Hindi namalayan ni Scarlette na dinala na siya ng mga paa niya sa isang exclusive bar. Doon siya nagpakalunod sa alak. Sa sobrang kalasingan ay mali ang napasukan niyang hotel room, at paggising kinabukasan, nasa tabi niya na ang isang lalaking hindi niya kilala.
That night, hindi masyadong nakita ni Scarlett ang mukha ng estrangherong lalaki. Only the memory of its overpowering presence, nearly suffocating, and the vast room that seemed to swallow her whole.
Nang magising siya kinabukasan ay hindi na siya nag-atubiling umalis nang tahimik. Hindi na siya lumingon pa dahil sa takot at pagsisisi. Ni sa panaginip niya ay hindi siya nag-akala na isang mapangahas na gabi lang ang magiging dahilan para magbuntis siya ng anak ng ibang lalaki.
Wala ideya si Scarlett kung ano ang gagawin. Restless, anxious, and overwhelmed. Desperado siya na makahanap ng paraan para makaalis sa sitwasyon. Sigurado siyang malaking gulo ang mangyayari kapag may nakaalam na buntis siya, at hindi nag asawa niya ang ama.
Biglang nag-vibrate ang phone niya. Doon lang siya napabalik sa realidad. Nakita niya ang mensahe mula sa asawa niyang si Tobias.
"Honey, I'm outside the hospital, waiting for you. Tapos ka na ba?"
Tinitigan ni Scarlett sandali ang screen bago ibalik ang phone sa bulsa. Tahimik siyang naglakad papuntang elevator.
Ilang araw na rin siyang nilalagnat at nahihiilo, pero lagi niya lang binabalewala. Nang hindi na niya kayanin ay pumunta na siya rito sa ospital kanina, at doon siya tinamaan ng balitang buntis siya.
Paglabas ni Scarlett, unang nakita niya ay ang itim na kotse ni Tobias, nakaparada sa tabi ng kalsada. Huminga siya nang malalim at nagmadaling lumapit.
Bumaba si Tobias at binuksan ang pinto para sa kanya. Mas lalo itong gwapo at maayos tingnan sa suot nitong crisp black suit.
"What did the doctor say?" tanong nito. Kung hindi lang siguro alam ni Scarlett ginagawa nito behind her back ay baka kiligin pa siya sa ipinapakita nitong concern.
"Wala naman. Just a stomach upset," sagot niya, diretso ang boses.
"Ayaw mo kasi magpapigil. You've always had a thing for spicy food. Kailangan mong bawasan iyon. It's bad for your stomach. You have to listen to me. Ayaw ko na nagkakasakit ka."
Tumango lang si Scarlett. Pagpasok niya sa kotse ay naamoy niya agad ang faint scent ng flowery perfume... pambabae iyon. Alam niyang hindi gumagamit ng air freshener si Tobias, kaya isang bagay lang ang ibig sabihin noon. May ibang babae sa kotse kanina.
Inabot ni Tobias ang kamay para ayusin ang buhok niya. "I'll take you home so you can rest. I need to return to the office after."
"Sige," mahina lang sagot niya.
While the car waited at a red light, Tobias answered an incoming call.
Gumagalaw si Scarlett nang bahagya at naramdaman niyang sumagi ang kamay niya sa isang malambot na bagay. Inabot niya ito at hinila ang isang kulay-rosas na silk scarf.
Naningkit ang mga mata niya, nakatuon sa scarf. Kinuha niya ito at pinakatitigan. It looked far too familiar to be a coincidence. Parang nakita niya na ito dati sa isa sa mga pictures sa phone ni Tobias.
Pagkababa ni Tobias ng tawag ay mabilis itong humarap at ngumiti. "Honey, I'll drop you off first, then I—"
"Wala akong scarf na ganito, Tobias. Kanino ito?" putol niya sa sasabihin ng asawa, at itinaas ang scarf sa ere.
Sandaling nag-panic ang mata ni Tobias, pero agad nitong tinakpan ng pilit na tawa. "M-Must be… from a client earlier? Hon, baka nahulog niya lang sa sobrang pagmamadali. I'll return it tomorrow. Baka importante iyan sa kanya at hinahanap na niya ngayon."
Aabutin sana ni Tobias ang scarf, pero iniwasan niya iyon. Lumunok si Scarlett ng tatlong beses para pakalmahin ang sarili niya na huwag gumawa ng eksena, bago mariin niyang tinitigan ang asawa sa mga mata.
"Tobias... I want an annulment. Maghiwalay na tayong dalawa.”
Napatawa si Tobias na parang hindi makapaniwala. "Scarlett, it's just a scarf! Ano ka ba naman! Why are you overreacting? You can't just throw the word 'annulment’ around like nothing. Ilang taon na tayo magkarelasyon. Naaayos naman natin ang problema natin kapag dumadating."
Umismid si Scarlett, hindi makapaniwala na hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang asawa sa panloloko. "Gaano ka pa katagal magsisinungaling? Akala mo ba ay hindi ko alam na iniwan mo ako ng gabi ng kasal natin para sa kanya?"
Napatitig si Tobias, halatang naguguluhan. "Honey, it was... a last-minute meeting. Mali ang iniisip mo. Hindi kita iniwan ng gabing yun para sa kanya."
Pero wala nang pakialam si Scarlett. Niloko na siya nito, at ngayon dala-dala niya ang anak ng ibang lalaki. Wala nang pag-asa ang kasal nila. Tuluyan na iyong nasira na kahit ipilit nilang ayusin ay hindi na maaayos pa.
"Out of respect sa mga taong pinagsamahan natin, let's end this peacefully, Tobias," malamig na sabi niya.
Hindi na naghintay ng sagot si Scarlett, binuksan niya ang pinto at bumaba na. Nanatili si Tobias na nakaupo roon sa loob ng sasakyan, ang mga kamao sobrang higpit hanggang pumuti ang balat. Kasunod noon ay narinig ni Scarlett ang malakas na pagsuntok ni Tobias sa manibela.
Pumara siya ng taxi at doon sumakay pauwi. Pagpasok niya sa sala ay agad niyang nakita ang wedding photo nila, nakalagay sa gitna ng pader... pareho silang nakangiti nang masaya. Pero ngayon, parang nakakatawa na lang iyon tingnan.
On the night of their wedding, nakita ni Scarlett ang explicit images ni Tobias kasama si Vivoree Tagle. That single blow had shattered everything. Four years of loyalty had meant nothing.
Bumagsak si Scarlett sa sahig, hawak-hawak ang kaniyang dibdib habang bumubulwak palabas ang lahat ng sakit na matagal niyang tiniis. Tumulo nang tuloy-tuloy ang luha niya na para bang ayaw magpaawat.
Hindi niya alam kung gaano katagal bago siyanhuminto mula sa pag-iyak habang nasa sahig. All she knew was the emptiness that followed. Wala na siyang maramdaman na kahit ano.
Gabi na nang umuwi si Tobias. Nakatagilid si Scarlett sa kama, nakatalikod dito. Naramdaman niyang yumakap ito mula sa likod niya. Dahan-dahan nitong hinaplos ang balikat niya at bumababa iyon sa suot niyang nighties.
"Honey, let's stop fighting. Ayaw ko na nag-aaway tayong dalawa. Ayaw ko ng galit ka sa akin. I'm sorry for earlier. Hindi na iyon mauulit. I love you," bulong nito sa tainga niya at hinalikan ang pisngi niya.
Umusog si Scarlett palayo rito at tinabig ang katawan nito.
Tobias let out a low chuckle, his voice smooth, almost teasing. Mabilis itong naghubad ng pang-itaas na damit at gumapang palapit kay Scarlett.
"Scarlett, mabuti pa ay gumawa na lang tayo ng baby. Para hindi ka na nagseselos kung kanino-kanino lang. Sa tingin ko rin ay ito na rin ang tamang oras para magkaanak tayo.”
Hinagis ni Scarlett ang paper bag na hawak niya diretso sa mga braso ni Vernice. “Sino bang nagsabing galing ako sa obstetrics department?" pagtataray niya rito. Pero sa loob-loob niya ay muntik na siya roon. Mabuti na lamang at lagi siyang handa kapag pupunta sa ospital. May backup plan siya parati kung sakaling may makasalubong na kakilala. "Marami pang ibang clinic sa tabi nun, Vernice. May sipon lang ako. Hindi ba ako pwedeng magpatingin sa doktor?"Agad namang sinalo ni Vernice ang paper bag, halatang naiirita. Binuksan nito iyon nang walang pag-aalinlangan at tinapon sa lamesa ang laman.Ilang kahon lang ng gamot sa sipon ang nakita nito. Wala kahit anong may kinalaman sa pagbubuntis.Napangiwi pa si Vernice, halatang hindi makapaniwala. Kita sa mukha nito ang inis at pagkadismaya, pero wala itong magawa. Marami nang mga taong nakatingin sa kanila.Scarlett stepped closer, her heels clicking softly against the tile floor. She tilted Vernice's chin up with her fingers. “Galit ka
Agad na lumingon si Scarlett at nakita si Darius sa tabi niya. Bahagya pa siyang napalunok bago dahan-dahang umiling. “Hindi na. Maaabala ka pa. Magta-taxi na lang ako.”Hindi sumagot si Darius. Basta na lamang ito tumalikod at umalis. Akala ni Scarlett ay aalis na ito, pero ilang sandali lamang ay huminto ang sasakyan sa harapan niya, bumaba ang bintana ng passenger seat, kasabay ng pintuan doon. Mula roon sa loob ay sumenyas lang si Darius na pumasok siya sa loob.Natigilan si Scarlett. Halos sampung minuto na rin siyang nakatayo roon at wala man lang humihintong taxi sa kanya. Nilalamig na rin siya at inaantok. Refusing him again would look rude, maybe even ungrateful. She drew a quiet breath and got in.Pagpasok niya sa loob, biglang naging tahimik ang pagitan nila ni Darius. Binuhay ni Darius ang musika pero instrumental lamang iyon, parang sa mga classic na sayawan.Darius sat still, one arm resting casually on the door, eyes forward. He wasn’t resting, and he wasn’t tense eithe
Hindi pa rin nakakabalik si Scarlett sa private lounge, nandoon pa rin siya, nakatayo kasama sina Nadia at ang isa pang babae sa bakanteng table. Nakatingin ang dalawa sa pintuan, inaabangan ang pagbalik ni Devine.Nagbubulungan ang dalawa, pero dinig na dinig naman ni Scarlett ang mga boses nila.“Talaga bang dadalhin niya si Darius dito para patunayan sa atin na may relasyon sila? Si Darius Aldama? Or maybe she’s bluffing?” tanong ng isang babae, hindi maalis ang tingin sa bukana.Umiling naman si Nadia at mahinang natawa. “Hindi ko rin alam. Hintayin na lang natin. Malalaman din natin mamaya kapag bumalik siya na kasama niya si Darius.”Humakbang si Scarlett para umalis na doon at iwan ang dalawang kaibigan ni Devine. Pero bago pa siya makalabas ng pintuan ay hinarang siya ng isang babae.Tinaasan ni Scarlett ang babae. Umabante siya para ipakita sa babae na hindi siya ang tipo na pwedeng ma-bully. Napaatras naman ang babae, pero si Nadia naman ang humarang sa kanya. Ngumisi ito sa
“Mr. Aldama... hindi ko alam na kasama mo siya! Pasensya na, wala akong masamang intensyon!” takot na sabi ng lalaki habang iniinda ang sakit. Doon lang siguro nito naproseso kung sino ang kaharap.Ni hindi siya tiningnan ni Darius matapos bitawan. Isang simpleng kumpas lang ng kamay, at agad na sinunggaban ng mga bodyguard ang lalaki, parang basura lang na kailangang alisin sa daan.Dawn strode over to Scarlett, worry clear in his eyes. “Scarlett, ayos ka lang ba?”Bahagyang tumango si Scarlett, pilit pinapakalma ang sarili. “A-Ayos lang ako...”Napabuntong-hininga na lang si Dawn. “Kasalanan ko ito. Dapat ay sinabi ko sa kanila na kaibigan kita para wala ni isang nagtangka na mangharass sa’yo. Hindi ko ito papalagpasin. Ako ang bahala doon sa gago na ’yon. Hindi niya alam kung sino ang kinalaban niya.”Hindi sumagot si Scarlett. Nakatingin lang siya kay Darius habang pinapagpag nito ang damit at saka naupo sa upuan nito kanina, na parang walang nangyari.She lowered her voice, almos
Ibinuka ni Scarlett ang bibig para kontrahin ang sinabi ni Darius, pero parang biglang nakagat niya ang dila sa mga sandaling iyon.Nasa ganoong sitwasyon sila nang ilang segundo. Nanginginig ang tuhod ni Scarlett habang dinig na dinig ang mabilis niyang paghinga. Humugot siya ng lakas at pilit na nilabanan ang nakakatunaw na tingin ni Darius."A-Ano... ano bang sinasabi mo? Nawalan lang ako ng balanse," bulong ni Scarlett at umiwas ng tingin. "Pwede mo na akong bitawan."Alam ni Darius na hindi magandang biro ang tanong at pang-aasar niya rito, pero habang hawak niya si Scarlett ay parang may kung anong pumipigil sa kanya para huwag pakawalan ito. Ramdam niya ang init ng balat ni Scarlett, at may kakaibang pamilyar sa pakiramdam na iyon.Sa tuwing nadidikit siya sa asawa ng pamangkin niya, bumabalik ang matagal niyang pilit kinakalimutang alaala. Ang nangyari sa kanila ng babae sa hotel. Pero imposible iyon dahil si Devine ang babae na lumalabas sa imbestigasyon niya. Hanggang ngayon
Dumating si Scarlett sa Eden Garden Restaurant pagpitik ng eksaktong alas-siyete ng gabi. Hindi siya nagpahuli dahil kilala niyang ayaw na ayaw ni Darius na dadating ng late sa sinabing oras.The restaurant was eerily still. Not a single diner lingered, only a handful of staff gliding through the empty space, their quiet footsteps echoing faintly against the marble floor. The faint scent of jasmine from the vases by the entrance drifted through the air, blending with the aroma of freshly baked bread.Lumapit ang isang waiter sa kanya, at saka ngumiti. "Good evening, ma'am, kayo po ba si Mrs. Aldama?"Tumango si Scarlett. "Oo, ako nga.""Please, this way. Naghihintay po si Mr. Aldama sa itaas." At siya ay dinala ng waiter sa terrace sa ikalawang palapag.Kumikinang ang mahabang mesa sa ilalim ng mga delicately plated na pagkain. Ang malambot na liwanag mula sa hanging lanterns ay sumasalamin sa mga baso at tableware, na nagbigay ng konting shimmer sa puting linen.Sa tabi ng rail, naki







