Share

CTBRH 05:

•Ariya•

Itinatanong ko dati kung bakit palaging laman ng interview nito ay tungkol sa mga babaeng idini-date niya na hindi naman nagtatagal. Akala ko ay tinagurian lang itong cassanova para lang mabenta ang mga magazine na laman nito, ngunit ngayon ay nakikita ko na naaakit niya ang mga babae sa pamamagitan ng mga salitang lumalabas sa kanyang labi.

"I know. Hindi mo na kailangang sabihin sa akin iyon," nakangisi kong saad. Hindi naman ako ganito sa ibang taong nagsasabi sa akin na maganda ako. Magpapasalamat pa ako sa mga taong iyon dahil na-compliment nila ako but then hindi lang ibang tao si Ashton sa akin.

Siya iyong tao na kinaiinisan ko at ayaw kong mahulog sa taong ito dahil sa matatamis niyang mga salita.

"Ang sungit naman ng asawa ko matapos nang nangyari sa atin kanina?" Napaigtad ako nang bigla niyang hinapit ang aking bewang para mapalapit ako sa kanya. Naiinis ako lalo na at mas lalong nagtinginan ang mga tao sa amin.

"Ashton, pwede ba? Naiinis ako sa'yo at sa mga kinikilos mo," mariin kong saad. Hindi ko na talaga mapigilan na ilabas ang pagiging Ariya ko. Hindi ko na kayang maging mahinhin at magpakabait katulad ni Ayana sa harapan ng lalaking ito.

Sumingkit naman ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin ng deretso. Hindi ko rin naman siya inurungan at tiningnan din siya nang matalim.

"Bakit galit na galit ka sa akin? Sa pagkakaalam ko ay malaki ang gusto mo sa akin kaya ka nga ipinakasal ng iyong ama sa akin kaysa sa kakambal mo 'di ba?" Natigilan ako sa sinabi ni Ashton.

So pinagpipilian pala talaga kaming dalawa ni daddy? Akala ko ay si Ayana lang ang pumasok sa isipan nito habang ginagawa ang desisyon na ito. Pagak akong natawa sa isiping iyon, siguro balak nitong ipakasal ako kay Ashton at gagamitin ako para makakuha ng pera sa lalaking ito, ngunit dahil may gusto naman si Ayana rito ay pinahintulutan na ito ni daddy ma maikasal sa kapatid ko.

Mabuti na lang pala at hindi ako ang magiging asawa ng lalaking ito. Ayaw ko rin na gawin ang lahat nang ipag-uutos ni daddy na masama sa akin.

"Hindi porke't may gusto ako sa'yo ay gusto ko na rin ang lahat nang pinanggagawa mo sa akin," mariin kong saad sa kanya. Natigilan naman siya sa sinabi ko hindi yata makapaniwala sa mga lumalabas sa aking bibigi. Alam ko kung bakit kasi magkaiba naman talaga ang katangian ko at ng babaeng binabanggit ni daddy rito.

Hindi ko tuloy akam kung tutuloy ko ba ang ang pagpangganap na si Ayana o kung ipapakita ko rito ang tunay kong katangian sa kanya para matauhan. Napailing ako at natampal ang sarili kong mukha. Hindi ko kailangang pahirapan buhay si Ayana bago ako umalis dito. Kahit ano pa ang mangyari ay nakasalalay sa akin ang magiging relasyon ni Ayana kay Ashton.

"I'm sorry," mahina kong saad. Pinipigil ko ang sarili ko na makipagsagutan dito. Kinakalma ko ang buo kong katawan dahil baka sumabog na naman ako at kung ano ang masabi ko sa kanya.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin dahil sa biglaan kong pagbabago ng mood. Yumuko ito para magkapantay ang aming mukha at tiningnan ako ng puno nang pagtataka.

"Bakit ang bilis mo naman yatang magbago ng mood? Parang kanina lang gustong-gusto mo na awayin ako tapos ngayon para kang isang maamong tupa na gusto parating naglalambing. Okay ka lang ba talaga, Ayana?"

Napangiwi ako sa itinawag nito sa akin. Hindi ko na talaga magampanan ang katauhan ni Ayana. "Can you please call me, Luna?" wika ko.

Ayana Luna at Ariya Luna siguro naman ay pwede ko pa rin na gamitin ang pangalawang pangalan maming dalawa para hindi ako naiinis na pakinggan ang pagtawag nito sa akin ng Ayana.

"Bakit naman? May problema ka ba sa pangalan mo?" Nagkibit-balikat ako sa tanong niya. Papalitan ko ba kung wala akong problema roon? Pero hindi ko iyon pwedeng sabihin sa kanya at baka sabihin na naman nito na nagsusungit ako. "Okay fine. I'll call you Luna. Maganda rin ang pangalan mo na ito bagay sa iyo."

Ngumisi ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hindi niya ako madadala sa ganitong klaseng mga salita niya.

"You don't need to compliment me always, Mr. Herrera, hindi ko kailangan iyon kasi alam ko sa sarili ko kung anong meron ako," nakangiti kong saad. Ramdam ko ang paghawak niya sa aking kamay kaya muli ko siyang nilingon. "Anong kailangan mo?"

"Wala lang. Gusto lang kitang hawakan pakiramdam ko kasi ang dami mong problema sa mundong ito," nagkakamot sa batok na sagot niya sa akin. Napailing ako sa kanya at tatanggalin sana ang aking kamay sa pagkakahawak niya nang dumating si daddy. "Mr. Mendoza!"

"Dad," tawag ko rin dito.

"Pwede ko bang makausap sandali itong anak ko, Mr. Herrera? May sasabihin lang akong importante rito bago ako umuwi," mahina kong saad.

"Sige po, kaso isauli niyo rin po kaagad mabilis ko po siyang mamiss." Malalim akong napabuntong-hininga sa sinabi Ashton lalo na nang marinig ko ang pekeng tawa ni daddy na ako lang ang nakakaalam.

Nang umalis si Ashton sa harapan namin ay hinila ako ni daddy sa may sulok at walang masyadong taong lugar. "Ano po ang kailangan niyong sabihin, dad?"

"Bukas ay tatawagan kita para makipagpalit sa kakambal mo. Kailangan mong bilisan ang iyong kilos, Ari, para walang makahalata sa atin. Naiintindihan mo ba ako?" taas-kilay nitong tanong sa akin. Tumango naman ako kaagad para hindi na siya magalit pa.

Alam ko na masasaktan ako matapos ang gabing ibibigay ko ang sarili kay Ashton ngunit hindi naman iyon makakapigil sa akin para umalis sa bahay ng lalaking iyon.

"Iyon lang pi ba ang sasabihin niyo, dad?" tanong ko sa kanya.

"Oo, sige na bumalik ka na sa asawa ng kapatid mo." Muntikan na akong makapagbitaw ng mura dahil sa sinabi nito. Pakiramdam ko kasi ay inaagaw ko sa kapatid ko si Ashton dahil sa tono ng pananalita nito.

"Huwag po kayong mag-alala, daddy, papaligayahin ko po ang asawa ng kapatid ko," mariin kong balik dito. Hindi ko na rin siya hinayaan pang makasagot at naglakad na palayo sa kanya

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Saraza Delos Reyes
pa unlock po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status