Share

CTBRH 04:

•Ariya•

Humihigpit ang pagkakahawak sa aking pulso ni Ashton kaya balak ko sana iyong hilahin palayo nang makita ko si daddy na papalapit sa amin. Napabuntong-hininga ako at nanatiling nakatayo sa gilid niya na tila ba isang maamong tupa. Kaagad naman siyang lumingon sa akin at kumunot ang noo dahil sa biglaan kong pagtigil.

"Why?" he asked, while looking at me intently. Hindi ko siya sinagot ar nanatili lang na nakatayo roon habang pinagmamasdan ang mga bisitang nagtatawanan. "Bakit natameme ka na lang bigla? Galit na galit ka pa sa akin kanina roon sa loob. Gusto mo pa nga yata akong sapakin."

Tiningnan ko lang siya saglit at muli nang nag-iwas ng tingin at baka mapagsalitaan ko ito nang masama sa harap ni daddy. "Hijo, mabuti na lang at nagkaunawaan naman kayo nitong anak ko," wika ni daddy pagkalapit niya sa akin.

"Of course, tito, napakabait nga nitong anak ninyo," tugon naman ni Ashton. Napangisi ako nang marinig ang tono ng kanyang pananalita. Alam ko naman kasi na galit pa rin ito sa akin ngunit hindi niya lang maipakita sa ibang tao.

"Mabuti naman kung ganoon hindi na ako mag-iisip ng kung ano-ano kapag nalayo sa amin ang anak ko," nakangiti namang saad ni daddy. Ngayon ko lang napagtanto na sobrang swerte ni Ayana dahil mahal na mahal siya ni daddy at lahat ay gagawin nito para lang humaba ang kanyang buhay.

Kilala ko ang ama ko bilang isang matatag at ma-pride na tao. Hindi ito nang hihingi ng tulong sa ibang tao lalo sa hindi niya kilala, ngunit para kay Ayana ay kailangan pa nitong mag-propose kay Ashton para lang pakasalan ang kakambal ko.

Bakit ba hindi ko natanggap ang pagmamahal na ibinibigay nila sa kakambal ko? Kailangan ko rin bang magkaroon nang malubhang sakit para mabigyan nila ng pansin? Napailing ako sa tumatakbong ideya sa aking isipan, hindi iyon maganda kaya dapat ko nang itigil iyon.

"Ari—Ayana, magpakabait ka sa asawa mo. Huwag mong bigyan ng sakit ng ulo si Mr. Herrera lalo na at marami siyang iniisip sa kanyang trabaho." Napatikhim ako sa sinabi ni daddy bago nilingon si Ashton.

"Opo naman, daddy, hindi ko po kakalimutan iyong mga bilin niyo sa akin," nakangiti kong tugon. Siguro kong nag-audition lang ako sa pag-aartista ay natanggap na ako. Ang galing kong magbago ng emosyon para lang makasabay sa mga taong 'to.

"Bakit wala po pala ang kakambal ni Ayana hindi po ba at nabanggit niyo siya dati sa akin." Natigilan si daddy sa tanong ni Ashton at ibinaling sa akin ang tingin. Hindi ako umimik wala naman talagang balak si daddy na imbitahan ako sa kasalang ito, lalo na at si Ayana lang ang kilala ng mga kasosyo niya sa negosyo.

"She's very sick right now, hijo, kaya hindi siya nakapunta sa kasal ng kapatid niya," kinakabahang sagot ni daddy. Napaubo ako sa sinabi nito kaya sabay silang napatingin sa akin.

"Are you okay, wife? Tito, we need to go kasi kailangang uminom ng asawa ko ng tubig—"

"Huwag ka nang mag-abala pa, Ashton, kaya ko naman ang sarili ko—"

"I insist, wife. Sige po, tito, enjoy the party po." Bumuntong-hininga ako dahil alam ko naman na wala akong magagawa rito. Hindi ko rin alam kung kailan ako makakawala sa pagkakahawak nito dahil palagi naman itong nakabuntot sa akin. "Pwede ba, Ashton? Hindi ako tatakas sa iyo—"

"Hindi ka tatakas pero makikipag-usap ka sa ibang lalaki sa madilim na lugar na iyon? Ano na lang ang sasabihin ng mga kasosyo ko sa negosyo kapag nakita nila ang asawa ko na may ibang kayakap na lalaki sa araw ng kasal nito?"

Napabuga ako ng hangin at hinilot ang aking sentido sa sobrang stress ko sa sinasabi nito. Kung pwede ko lang sana itong pagalitan at awayin sa harapan ng mga bisita nito ay ginawa ko na, ngunit kailangan kong magmukha na isang mabait at maalalahanin na asawa. Bilang isang Ayana na kilala ng lahat na santo.

"You should stop watching dramas, Mr. Herrera, wala akong ginagawang masama kaya kung iyon ang makikita ng mga kososyo mo ay pwede ko naman i-deny kaagad iyon. Hindi mo na dapat palakihin pa ang problemang ito," mariin kong bulong dito. Kahit galit na galit na ako ngayon ay kailangan ko pa ring ngumiti para hindi mahalata ng iba na nag-aaway na kaming dalawa.

"Pinapalaki ko ba? Binabalaan lang kita sa pinanggagawa mo, Ayana. Kayo ang may kailangan sa akin kaya dapat sundin mo ang lahat ng gusto ko—"

"Kami lang ba talaga ang may kailangan sa iyo, Mr. Herrera? Hindi ba at pinakasalan mo ako dahil kumukunti na ang investor ng kompanya niyo dahil mas gusto nila ang CEO na may asawa at anak?" nakangisi kong saad.

Natigilan siya sa sinabi ko at tiningnan ako nang maigi. Sinusuri ang buo kong katawan bago nanatili sa aking mukha ang kanyang mga tingin deretso sa aking mga mata tila ba inaalam ang takbo ng aking isipan.

"Ang sabi sa akin ni Mr. Mendoza ay wala ka raw kaalam-alam sa mga negosyong ito dahil ayaw mong ma-stress," nagtataka niyang saad.

Napabuntong-hininga ako at inilingan siya. Nakalimutan ko pa tuloy na ako si Ayana ngayon at hindi si Ariya. "I need some water," wika ko para mailayo lang sa usapan na iyon ang atensyon niya.

Saad ko at tinawag ang waiter na naglilibot para magbigay ng wine at water. Mabilis naman itong lumapit sa amin at binigyan ako at nang matapos ay bumalik din ito kaagad sa paglilibot.

"Hindi mo pa sinagot ang tanong ko sa iyo kanina, Ayana, bakit may alam ka sa bagay na iyon—"

"Oh my gosh, Ashton! Hindi ka ba talaga hihinto sa kakatanong mo na 'yan? Ang simpleng bagay lang na 'yun! Napaka-imposible naman na hindi ko rin malaman ang mga ganoon," inis kong baling sa kanya at uminom na ng tubig ko.

"Really, huh? O baka may itinatago ka talaga sa akin, Miss Mendoza?" Tumaas kaagad ang kilay ko para dispensahan ang sarili ko at hindi niya mahalata na nagsisinungaling lang ako.

"Kung ayaw mong maniwala wala na akong pakialam doon. Hindi ako obligado na sabihin sa iyo ang lahat ng gagawin ko," mariin kong saad.

Tumango naman siya kaagad at pinasadahan ako ng tingin. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa aking pulso kaya nakahinga ako nang maluwag ngunit hindi pa ako nakakalayo rito ay bigla naman niyang hinapit ang aking bewang.

"I hate liars, Miss Mendoza, kaya siguraduhin mo lang na nagsasabi ka sa akin ng totoo," balik naman niya sa akin. Napabuntong-hininga ako at tumango sa sinabi niyang iyon. "I'll ask you more later kapag tayo na lang dalawa."

Kinabahan siya sa sinabi ng binata kahit naman na sanay na siyang magpanggap na si Ayana ay hindi niya pa rin lubusang kilala ang kapatid, lalo na at hindi naman sila malapit sa isa't-isa. Ano na lang ang isasagot niya rito mamaya?

Paano kapag magkaiba ang sagot nilang dalawa ni Ayana kapag tinanong din ito ni Ashton kinabukasan?

"You look pale may nasabi ba akong mali?" Hindi ako umimik at nag-iwas na lang ng tingin sa kanya. Hinawakan ko ang aking kamay na namumula dahil sa paghawak niya kanina sa akin. "Ayana, I'm asking you—"

"I'm fine, Ashton! Hindi porke't namumutla ako ay ang mga salitang binabato mo na kaagad sa akin ang may kagagawan no'n!" Natuptop ko ang aking bibig dahil napalingon sa amin ang mga malalapit na bisita. "I'm sorry," hinging-paumanhin ko kaagad sa mga ito.

Nilingon ko si daddy at hindi nga ako nagkakamali. May masamang tingin nga ito na ibinibigay sa akin tila ba sobrang sama nang ginawa ko. Nawala lang ang masamang tingin nito sa akin nang binalingan din siya ng tingin ni Ashton.

"Come. May pupuntahan tayong dalawa!" Hinawakan ulit ni Ashton ang aking kamay at hinila ako patungo sa may second floor ng mansyon nilang iyon.

Hindi na ako umimik at nagpatianod na lang kahit saan niya ako dalhin. Ayaw ko nang makipag-away sa kanya at baka masampal ako ni daddy sa harap ng maraming tao. Hindi pa naman ako si Ariya ngayon baka mas lalo itong mawalan investor.

Pumasok kami sa isang kulay puting kwarto na may marangyang dekorasyon. Akala ko ay de-deretso kami sa may kama nito ngunit hinila ako nito patungo sa may balkonahe.

"Bakit tayo nandito, Ashton? Marami pang bisita sablabas na kailangan nating asikasuhin," paalala ko sa kanya. Handa naman na akong ibigay sa kanya ang katawan ko dahil iyon naman talaga ang pinunta ko rito kaya kung gagawin na namin iyon ngayon ay wala na akong pakialam.

Napasandal ako sa sandalan ng armchair na kinauupuan ko nang lumapit si Ashton sa akin. Sobrang lapit na halos magkabanggaan na ang aming ilong. Napaiwas ako kaagad ng tingin sa kanya at baka may makita itong kaibahan sa mukha ko at sa mukha ni Ayana.

Ayaw ko rin naman na mag-suffer ito kapag pumalit na siya sa akin. "Are you ready, Miss Mendoza?" nang-aakit niyang turan at dinampian ng h***k ang aking ilong.

Napalunok ako nang mapagtanto ko na hindi pala talaga ako ready sa bagay na ito. Iniisip ko lang talaga na kaya kong gawin iyon, ngunit nang nasa harapan ko na si Ashton tila ba may kakaibang kaba akong nararamdaman.

"Naninigas ka. It's okay, Ayana, normal lang iyan sa walang experience," nakangiti niyang saad sabay kindat sa akin. Hinalik-halikan na rin niya ang buo kong mukha. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang paggapang ng kanyang kamay sa aking katawan.

Gusto ko iyong pigilan ngunit ano naman ang gagawin namin ngayong gabi? Paano ako makakaalis sa lugar na ito kapag hindi ko kaagad naibigay ang gusto nito?

"Calm down, wife. Hindi naman kita sasaktan. Magdahan-dahan ako sa gagawin ko sa'yo because I know that you're a virgin," saad niya at hinalikan ang aking leeg.

Nanayo ang aking balahibo sa ginawa nito. He's licking and sucking my neck na nagpapatigil din sa aking paghinga. "You like it?" tanong nito sa akin.

Napalunok ako ngunit hindi sumagot. Nag-iinit na ang buo kong katawan dahil sa h***k at hawak nito sa akin.

"Ashton—" Napatigil ako sa pag-ungol sa pangalan nito nang biglang may kumatok sa kanyang pinto. Kaagad din naman na lumayo sa akin si Ashton at inayos ang kanyang nagusot na damit at pumunta sa may pinto.

Narinig jo pa ang mahihina nitong mura habang papunta roon. Alam ko na nabitin ito sa ginagawa niya ngunit hindi rin naman niya pwedeng baliwalain iyon lalo na at marami pang bisita sa labas na naghahanap sa presensya naming dalawa.

"Wife, come here!" Tumayo ako at inayos din ang aking damit bago lumapit sa kanila. Nakita ko ang pag-ngisi ni Ashton habang nakatingin sa akin, ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay at tiningnan ang taong nasa pintuan. "Kailangan na nating bumaba dahil hinahanap na tayo ng mga bisita. Are you okay?"

Tumango naman ako kaagad. Mauuna na sana akong maglakad nang hinila niya ako papalapit sa kanya at hinapit ang aking bewang. Wala akong magawa at hinayaan na lamang ito at sumabay na sa kanyang paglalakad.

"I want you, Ayana, you taste so sweet." Pangalan pa lang na binabanggit nito ay nawawalan na ako ng ganang makipagtalim dito. Hindi ako si Ayana at wala akong balak na tugunin ang mga ungol nito kapag Ayana ang tinatawag niya sa akin.

Napatingin ako sa mga taong nakatingin sa amin at may malapad na ngiti sa labi. Kumunot ang aking noo at nilingon si Ashton na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao.

"Anong nangyayari? Bakit nakatingin sila ng gan'yan sa atin?" puno nang pagtataka kong tanong sa kanya. Kaagad naman niyang tinuro ang aking leeg kaya napahawak ako roon kahit hindi ko naman alam kung anong meron.

"My marks. Binigyan lang kita ng kaunti para naman malaman ng mga lalaking tumitingin sa iyo na akin ka," mariin niyang saad.

Napalunok ako sa sinabi niya at tinanggal ang tali ng aking buhok para matakpan iyon. Namamangha namang tumingin sa akin si Ashton kaya muli ko siyang kinunotan ng noo.

"Hindi ko aakalain na may mas iga-ganda ka pa pala."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status