Share

Chapter 41

Auteur: eleb_heart
last update Dernière mise à jour: 2025-01-07 13:43:38

MAGKAHAWAK ANG KAMAY nina Kath at Thirdy na pumasok sa loob ng venue kung saan gaganapin ang welcome party ni Kath. ang party na iyon ay idinaos sa isang hotel. Huminga na muna ng malalim si Kath bago sila tuluyang mapakapasok sa loob. Kahit na sinabi sa kaniya ni Thirdy na huwag na siyang dapat kabahan ay hindi niya pa rin maiwasan na hindi kabahan.

Nang pumasok sila sa loob ay bumungad sa kanila ang maraming tao at kahit na inaasahan na nga talaga niyang maraming tao ang dadalo doon ay nagulat pa rin siya. Idagdag pa nang igala niya ang kanyang mga mata ay halos lahat ng mga mata ng taong naroon ay bigla na lang napunta sa kanilang dalawa ni Thirdy ng wala sa oras.

Ilang sandali pa ay bigla na lang naramdaman ni Kath ang mahinang pagpisil ni Thirdy sa kanyang palad na hawak nito kung kaya ay hindi niya maiwasang mapatingin dito. Nginitian siya nito ng malumanay dahilan para kahit papano ay gumaan ang nararamdaman niya. Mabuti na lang talaga ay naroon si Thirdy kasama niya.

Naglakad
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé
Commentaires (3)
goodnovel comment avatar
Mary Joy Eslana
and salamat may update na din
goodnovel comment avatar
Mary Joy Eslana
pa update please
goodnovel comment avatar
Tim Sec
salamat ma'am please continue PO...
VOIR TOUS LES COMMENTAIRES

Latest chapter

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 88

    DALI-dali siyang napababa ng kama nang marinig niya ang sinabi ng kanyang anak na si Parker. Kung nandito na ang dalawa ay tiyak na kasama nila ang kanyang ina. Naguguluhang tiningnan lang siya ng dalawa. “Dito muna kayo okay? Magpahinga kayo at kailangan ko lang kausapin ang Mommyla ninyo.” sabi niya sa mga ito.Agad naman na nagtanguan ang mga ito sa kaniya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at dali-daling bumaba para hanapin ang kanyang ina. Naabutan niya ito sa sala na nagkakape. Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti sa kaniya. “Anak—” hindi pa man ito nakaka umpisang magsalita ay inunahan niya na kaagad ito.“Bakit niyo naman hinayaan si Ace na sumama kay Noah?” inis na tanong niya. Hindi niya rin alam pero bigla na lang siyang nainis nang malaman niyang kasama ito ni Noah. paano na lang kung pabayaan nito ang anak niya? Paano kung itrato ito ng asawa ni Noah ng hindi maganda? Ibinaba nito ang hawak nitong tasa at pagkatapos ay nagpakawala ng buntong hininga. “Hindi ko r

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 87

    “Ma’am Kath! Saan po kayo nanggaling?” iyon ang bungad ni Nina sa kaniya na naghihintay sa sala ng dumating siya.Sa halip na sumagot ay ibinagsak niya ang sarili sa sofa. Napapikit siya at napabuga ng malalim na buntong hininga. Naramdaman niyang umupo si Nina sa tabi niya. “May problema mo pa ma’am Kath?” muling tanong nito sa kaniya.Napailing na lang siya. “Wala naman.” sagot niya rito at pagkatapos ay tumayo na mula sa kanyang kinatatayuan. Kailangan niyang magpahinga dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Ayaw niya sanang ma-stress pero mukhang wala siyang pagpipilian kundi ang ma-stress. Baka kasi kalakip ng buhay niya talaga ang stress.Sinundan na lang naman siya ng tingin ni Nina.Pagdating niya sa kanyang silid ay napaupo siya sa kama at pagkatapos ay napahilamos sa kanyang mukha. Bakit ba nangyayari sa kaniya ang lahat ng ito? Ano bang nagawa niyang kasalanan para danasin niya ang lahat? Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang kanyang cellphone na hindi pala niya na

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 86

    “Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ni Kath sa mga nag-imbestiga kung saan nagmula ang sunog ng warehouse.“Hindi po aksidente ang sunog at ayon na rin sa isang guard ay may nakita daw silang tao na tumakbo nang sumiklab ang apoy. Hindi na nila ito nagawang habulin dahil mas inuna nilang apulahin ang apoy Ma’am.” paliwanag nito sa kaniya at nang marinig niya iyon ay agad siyang napakuyom ng kanyang mga kamay.Hindi aksidente ang nangyaring sunog. Ibig sabihin ay may nagsimula talaga ng sunog, pero sino naman sana ang gagawa nun sa kaniya? “May alam po ba kayong may galit sa inyo o sa inyong pamilya para gawin ang bagay na ito?” tanong pang muli ng imbestigador sa kaniya.Sino nga ba ang maglalakas ng loob na gawin iyon sa kaniya? Wala naman siyang ibang kagalit kundi tanging ang kanyang Tita lang. Wala na siyang ibang maisip pa na ibang gagawa nun kundi tanging ito lang.“Wala po akong ibang maisip na gagawa nito kundi tanging ang tiyahin ko lang. Hindi po kasi niya matanggap na sa

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 85

    MAHIMBING na ang tulog ni Kath nang tumunog ang kanyang cellphone. Hirap pa siyang dumilat ng mga oras na iyon at dali-daling sinagot ang tawag kahit na hindi pa gaanong nakamulat ang kanyang mga mata. Ni hindi na din niya pinagkaabalahan pang tingnan kung sino ang tumatawag at bigla na lang niyang sinagot ito.“Ma’am Kath…” nanginginig ang tinig nito at halatang kinakabahan. Akala niya ay ang kanyang ina ang tumatawag kaya niya sinagot ito.“Hmm…” nakapikit niyang sagot dito dahil antok na antok pa talaga siya. Nakahiga pa nga siya sa kama ng mga oras na iyon dahil pakiramdam niya ay katutulog niya pa lang.“Ma’am Kath nasusunog mo ang warehouse!” natatarantang sabi nito at nang marinig niya ito ay para bang bigla na lang nawala ang antok niya. Napabangon din siya ng wala sa oras.“Anong sabi mo?!” gulantang na tanong niya. Nag-umpisa na ring kumabog ng husto ang dibdib niya.“Hi-hindi ko po alam ma’am Kath kung paano nagsimula ang sunog…” halos maiyak na ito sa pagbabalita.Hindi na

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 84

    MAGHAPON lang na nagkulong si Kath. may mga inasikaso at binasa siyang mga papeles sa kanyang silid. Halos mag-aalas singko na nang hapon nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto ng kanyang silid. “Pasok.” sabi niya dahil wala siyang balak na lumabas.Bumukas ang pinto at sumilip si Nina doon. “May kailangan ka ba?” tanong niya rito kaagad habang nakataas ang kanyang kilay.“Ah, wala naman po ma’am Kath kaya lang ay may bisita kayo.” sabi nito.Mas kumunot pa naman ang kanyang noo nang marinig niya ang sinabi nito. Bisita? Sino naman sana ang bibisita sa kaniya e wala naman siyang kaibigan sa ngayon? Puno man ng pagtataka ay tumango na lang siya rito. “Sige susunod na ako.” sagot niya pagkatapos ay iniligpit na muna ang mga papeles na binabasa niya bago nagbihis ng damit. Naka kaswal lang kasi siyang pambahay at masyado iyong simple, nakakahiya naman sa bisita niya kung sino man iyon.Lumabas siya ng kanyang silid at pagkatapos ay naglakad patungo sa hagdan at pagbaba niya ay kaagad n

  • Carrying The Zillionaire Triplets   Chapter 83

    NAPAHILOT si Kath sa kanyang noo. Kagigising niya lang pero ramdam na ramdam na niya ang pananakit ng ulo niya. Paano ba naman, tinawagan siya ng kanyang ina kagabi at sinabi na uuwi sila ng bansa dahil na rin sa pakiusap ni Noah. gusto daw di umano nito na makasama ang mga anak niya kaya pumayag naman daw ito kaagad. Sa totoo lang ay bahagya pa ngang sumama ang loob niya dahil bakit ito pumayag kaagad nang hindi man lang sumasangguni sa kaniya kung papayag ba siya o hindi, pero sa huli ay umoo na lang din siya dahil ano pa nga ba naman ang magagawa niya? Wala na, lalo pa at nag-umpisa na silang mag-impake.Idagdag pa nang kausapin niya ang mga anak niya ay halata sa mga mukha ng mga ito ang labis na kasiyahan at sino ba naman siya para ipagkait ang sayang iyon sa mga anak niya hindi ba? Wala din naman siyang ibang gusto kundi ang maging masaya ang mga anak niya kaya nga lang ay paano ang magiging sitwasyon nila ni Noah? Palagi na naman silang magkikita, paano kung sugurin na naman si

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status