Napabaling ang atensiyon namin kay Archmaster, na bigla na lamang lumitaw sa harapan naming lahat.
“Good job, everyone. Hindi ko napanood ang inyong laban kanina, dahil abala ako sa paglilipat ng mga estudyante sa ligtas na lugar. Ngunit, alam kong ginawa niyo ang lahat nang makakaya niyo para protektahan ang Caelum Academy,” bungad niyang pagbati sa amin, at saka nginitian kaming lahat.
Tumango naman sa kaniya ang ilan sa amin. Mahina akong napabuga ng hangin mula sa aking ilong. Mukhang tapos na ang laban. Salamat naman. Makakahinga na ako nang maluwag.
“Archmaster Leonard, ano nang gagawin natin sa kaniya?” tanong ni Almirah, habang nakaturo ang kaniyang daliri sa kalabang nakalutang pa rin sa itaas at naghuhumiyaw dahil sa paghihirap na nararanasan pa rin hanggang sa ngayon.
“Aaahhh! Aaahhh! Aaahhh!” walang hanggang daing ng aming kalaban dahil sa
Nakatayo ako ngayon sa tapat ng isang malaking pintong gawa sa kahoy. Ito ang pinto ng opisina ni Archmaster. Ako lang ang mag-isang pumunta rito. Hindi ko pinaalam kina Caya at Suzaine ang pupuntahan ko.Mahigit isang buwan na ako dito sa Academy kaya medyo kabisado ko na ang mga pasikot-sikot dito. Nagpunta ako dito dahil may mga bagay na gusto kong malaman mula kay Archmaster. Gusto kong maliwanagan.Huminga muna ako nang malalim bago kumatok. Tatlong beses kong pinatunog ang pinto gamit ang aking nakakuyom na kamay. Walang tumugon sa aking pagkatok, ngunit may mga boses akong naririnig na nag-uusap sa loob.Mukhang ang mga tinig ay nagmumula kay Archmaster Leonard at Archmistress Demia. May mahalaga yata silang pinag-uusapan. Baka makakaabala lang ako. Sa ibang araw na lang siguro.Napabuntong hininga na lamang ako. Ngunit ilang segundo lang, pinayagan ako ni Archmaster na pumasok sa loob. Mabuti na lamang at hindi agad ako umalis.
Humarap sa akin si Deborah at hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa. Napaawang na lamang ang aking bibig dahil sa labis na pagkagulat. Bigla niya akong dinamba ng yakap at saka umiyak sa aking balikat.“Ate Ash!” malungkot niyang sambit, at saka impit siyang napahikbi.“Debbie,” mahinang bulong ko.Nagsimulang mangilid ang aking mga luha hanggang sa hindi ko na napigilang tumulo ang mga ito. Na-miss ko 'to. Na-miss ko ang kaniyang mga yakap noong mga bata pa lamang kami. Na-miss ko ang batang Deborah na sobrang higpit ng yakap sa akin tuwing may mga kulog at kidlat.“Ate Ash...” muling pagtawag niya sa aking pangalan, at tila may gusto siyang sabihin na hindi niya maituloy-tuloy.“Ssshhh, huwag kang mag-aalala. Nandito na ang iyong Ate. Hindi na ako mawawala,” pagpapatahan ko sa kaniya, habang hinahagod-hagod ang kaniyang ulo.“Ate, patawarin mo ako!&rd
Napaigtad kaming pareho ni Deborah sa aming kinaroroonan nang biglang dumilim ang kalangitan. Sinakop ng itim na ulap ang itaas Academy. Isang malaking itim na tore ang bumaba mula sa langit.Napapalibutan ito ng mga nasusunog na tinik at baging. Sa isang kisapmata lamang, nasira ang mga barrier na pumoprotekta sa Academy. Isa-isang kumalas ang mga baging mula sa pagkakapit sa pader ng tore at walang habas na hinagupit ang mga gusali ng paaralan. Mabilis na nagiba at gumuho ang mga ito habang nasusunog ang mga parte.Nagsilabasan ang lahat ng estudyanteng nasa loob ng kanilang silid-aralan at maging ang mga salamangkerong naninirahan dito sa Academy. Nabalot ng sigawan at tili ang buong lugar. Biglang sumiklab ang nagngangalit na apoy sa mga pader.Napasinghap ako ng hangin dahil sa sobrang takot na namamayani sa akin ngayon. Bakas na bakas din kay Deborah ang labis na pagkaalarma. Nahuhuli ko siyang napapalunok ng kaniyang sariling laway habang pina
Inis kong sinigawan si Raid, kahit pa napakalapit namin sa isa't-isa. Mabilis akong nakatanggap ng reklamo sa kaniya dahil sa aking ginawa. Paano ba naman kasi, muntik na akong mahulog dahil sa bilis niyang magpatakbo ng kaniyang celestial spirit habang iniilagan ang mga baging na umaatake sa amin.“Ano ba, Raid! Kanina ko pa sinabi sa'yong bagalan mo lang,” asik ko sa kaniya.“Anong magagawa ko? Kailangan kong bilisan para mailagan ang mga buwisit na mga baging na 'yan. Kumapit ka kasi nang mahigpit sa akin,” singhal niya at halatang naiinis na rin sa akin, ngunit wala akong pakialam.Sinubukan kong kumapit muli sa kaniya. Nakakailang kaya. Hindi ko alam pero nahihiya ako. Tapos nakakapa ko pa ang mababatong abs niya sa kaniyang tiyan. Tila nakukuryente ako sa tuwing dumadampi ang balat namin sa isa't-isa.Binilisan niya pa ang pagpapatakbo ng kaniyang alagang leon na naging dahilan para mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa
Magkakasunod-sunod na spell ang aming pinakawalan patungo sa kalaban. Ngunit, lahat ng ito ay nagawa niyang ilagan nang walang binibigkas na anumang engkantasyon. Tae! Anong klase ng mahika ang tinataglay niya?Napatigil kaming lahat sa pag-atake dahil sa pagod. Ilang sandali lamang, muling sumugod si Acanta. Kahit nasa kalagitnaaan ng pakikipaglaban, napaka-kalmado niya pa ring tingnan. Hindi mo makikitaan ng takot ang ekspresyon sa kaniyang mukha.“Archmaster Leonard at Archmistress Demia, kunin niyo ang pagkakataong ito para hanapin ang pinto patungo sa pangalawang palapag. Ako na ang bahala rito,” saad ni Acanta sa dalawang Archmages.“Hindi maaari! Sama-sama tayong pupunta sa susunod na palapag,” pagtutol ni Archmaster.“Leonard, tama si Acanta. Kailangan nating magmadali. Hindi puwedeng maraming maiwan dito dahil may mga kalaban pang naghihintay sa atin sa itaas. Kung hindi natin bibilisan,
Napatakip na lamang ako ng aking bibig nang makita kung ano ang bagay na dinampot ni Acanta mula sa sahig. Isa itong batang sanggol na hindi maipaliwanag ang kaniyang hitsura. Baluktot ang mga binti at braso nito. Nakausli ang mga ngipin at tabingi ang ilong at mga mata. Ito kaya si Artos? Kaya ba siya nagtatago sa likod ng kaniyang mga ilusyon dahil sa kaniyang hitsura.Ngumawa ang batang sanggol na hawak ni Acanta. Nakakaawa ang kondisyon nito. Nakakadurog ng puso. Kahit hindi ako isang ina, alam ko kung gaano kasakit na magkaroon ng anak na may abnormalidad sa katawan.“Hindi ka ba naaawa sa akin? Ipinanganak akong may kasuklam-suklam na karamdaman. Hindi ako magawang tanggapin ng aking mga magulang kaya itinapon nila ako sa isang ilog na patungo sa Underworld. Sanggol pa lamang ay nakaranas na ako ng pagmamalupit. Ngunit, isang bathala ang nagligtas sa akin at itinuring na parang totoong anak. Binigyan niya ako ng mahika at ginawang isa sa mga Nin
Sumalubong agad sa amin ang isang napakalakas na hangin, nang makapasok kami sa ikalawang palapag. Binabayo ng isang masamang panahon ang buong lugar. Napakaraming buhawi ang nagkalat sa paligid at tinatangay ang bawat bagay na madaraanan.Nasa ikalawang palapag ba talaga kami ng toreng ito? Bakit tila nasa ibang mundo na naman kami ngayon?Napaigtad kaming lahat sa aming kinaroroonan nang biglang umulan nang malakas. Sinabayan pa ito ng mga kulog at kidlat.“Archmaster Leonard at Archmistress Demia, anong gagawin natin? Napakalakas ng bagyo. Susuungin ba natin ito?” tanong ni Nicanor, at sinadya niyang lakasan ang kaniyang boses para marinig ng dalawang Archmages.Lumalagitlit ang paghampas ng hangin sa buong lugar at nakakatakot ang bawat pagkulog at pagkidlat.“Wala tayong pagpipilian kundi suungin ito. Kailangan nating magpatuloy. Hindi tayo dapat mag-aksaya ng oras,” tugon ni Archmaster.Pinapan
Kasalukuyang binabayo ng iba't-ibang uri ng sakuna ang kinaroroonan namin, na naging dahilan upang maging magulo ang daloy ng mana sa lugar. Naglalakihang mga buhawi ang nagsilabasan mula sa kung saan-saan, habang may kasama itong mga malalakas na pagkulog at matatalim na pagkidlat.“Aaahhh! Kaunting oras na lamang at bibigay na ang mundong ito. Hindi ko na ito kayang patagalin pa,” pagdaing ni Archmistress.Marahas siyang hinahampas ng hangin kaya nadaragdagan ang mga sugat niya sa katawan. Napatunganga na lamang ako sa aking kinaroroonan. Hindi ako makapag-cast ng spell. Asar! Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa hapdi ng aking mga sugat.“Aaahhh!” sigaw ni Caya, nang bigla siyang tangayin ng isang malaking buhawi.“Caya!” bulalas naming tatlo nila Lotus at Suzaine. Nagkatinginan pa kaming tatlo. Ngunit, hindi ko na sila pinansin at mabilis na sinalungat ang malakas na hanging patuloy sa pagh