Share

Chapter 8

Bumungad agad sa amin ni Caya ang malakas na boses ni Raid nang makarating kami sa training ground. Mukhang nakikipagtalo na naman ang lalaki kay Marc. 

“Hoy, bata, hindi ba't sinabi ko sa 'yong huwag mong papasukin si Poly sa bahay natin? Kapag nagkalat na naman mamaya ang alaga mo sa kuwarto ko, humanda iyon sa akin. Iihawin ko talaga 'yon ng buhay,” pagbabanta ni Raid kay Marc.

Napasampal na lamang ako sa aking noo matapos paikutin ang aking mga mata. 

“Subukan mong ihawin iyon at siguradong pagpipira-pirasuhin ko ang bawat laman mo. At huwag mo akong matawag-tawag na bata ulit, dahil kasing-edad mo lang ako,” angil ni Marc sa lalaki. 

“Kasing-edad mo nga ako pero 'yong height mo ay pambata pa rin, kaya bata pa rin ang itatawag ko sa iyo,” paninindigan ni Raid.

Lumapit naman si Glade sa kanila at saka inawat ang dalawa sa kanilang bangayan. 

“Oyy! Puwede bang itikom niyo ang mg

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status