Share

Kabanata 3

Author: Ensi
last update Last Updated: 2025-06-08 16:52:48

"Mari, wake up!"

"Ay hotdog!" balikwas ko at napangiwi nang mauntog ang ulo ko sa ilalim ng mesa. "S-Sir, b-bakit po?" Nakatingalang tanong ko rito.

Buti na lang at may suot siyang pang-itaas at kung wala, baka magkatotoo pa 'yong nasa panaginip ko.

"Umaga na! Did you just sleep here? I told you to massage me. Bakit masakit pa rin ang katawan ko?!" Napapikit na lamang ako sa paninigaw nito at napayuko.

"Pasensya na po kayo Sir, nakatulog po ako nang hindi namamalayan," nanlulumong sabi ko rito. "Ima-masahe na lang po kayo mamaya."

"Mamaya?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Do you think I have time for that? Baka nakakalimutan mong kasambahay ka lang dito? Huwag kang umastang magagawa mo lahat ng gusto mo rito! Hindi mo hawak ang oras mo, babae. Bullshît!"

Mas lalo akong napayuko at hindi na lang umimik. Hindi ko alam na gano'n ka-bigdeal sa kanya ang masahe. Sa nakatulog ako dahil sa pagod. Anong magagawa ko?

Kahit na gano'n, ramdam na ramdam ko ang galit sa boses niya na para bang gustong-gusto niya akong bigwasán dahil lang sa hindi ko siya namasahe. Babawi na lang siguro ako kapag gusto na niya kesa naman sa masermonan ako ulit. Takot ko na lang sa kanya.

"Dàmn it! I shouldn't have hired you! Kung hindi lang dahil kay Aling Lolita, hindi kita tatanggapin dito. Unang araw mo pa lang sa trabaho, palpak ka na."

"Pasensya na po talaga, Sir." Kagat labing saad ko, hindi magawang tumingin sa kanya. "Sorry po talaga."

"Get out!" Muli akong napapikit ng mariin nang hampasin niya ang lamesa. "Out, Mari! Out!"

Taranta akong tumayo, iwas na iwas at baka sapákin o hampasîn niya ako dahil sa galit.

"Fvck!"

Paglabas na paglabas ko sa kwarto, dumaosdos ako sa sahig habang nakatakip ang mga tenga ko.

Nag-unahan tumulo ang mga luha ko, pinipigilan ang sarili na huwag humikbi.

Napapikit ako ng mariin at wala sa sariling pinaghahampás ang ulo ko nang maalala ko na naman lahat ng mga nangyari sa akin mula sa sigawan, pagwawala, pang-aabuso ng tiyahin ko, pagtatangkang panggagahása ng asawa niya, lahat. Lahat bumalik sa akin. Lahat ng traumang gusto ko nang ibaon sa limot ay bumalik.

"T-Tama na! T-Tama n-na!"

Sinakál ko ang sarili hanggang sa hindi na ako makahinga ng maayos.

"Mari! Anong ginagawa mo?!" sigaw ni Aling Lolita at mabilis na dumalo sa akin, pilit na tinatanggal ang kamay ko sa aking leeg. "Mari! Mari! Ano bang nangyayari sa'yo?!"

Niyugyog niya ako at no'ng halos malagutan na ako ng hininga, sinampál niya ako at doon pa lang natauhan.

Natulala ako sa kawalan habang patuloy na bumubuhos ang mga luha ko.

"Mari?" tawag ni Aling Lolita ngunit parang bulong lang sa akin ang tinig niya. "Mari? Naririnig mo ba ako?"

"N-Natatakot po ako," tanging lumabas sa bibig ko.

"S-Saan, Mari? Saan ka natatakot? Pinagalitan ka ba ni Sir K?" sunod-sunod niyang tanong.

"B-Baka k-katulad lang din siya ng asawa ng tiyahin ko," halos pabulong kong sabi.

"Ano bang nangyari, hija? Ikwento mo sa akin. Makikinig ako." Hinagod niya ang likod ko at inalalayang tumayo.

Bumaba kami at dumiretso sa kusina saka niya ako pinainom ng tubig. Nang mahimasmasan, kinuwento ko lahat sa kanya ang karanasan ko kung bakit ako tumakas sa amin.

Habang nagk-kwento, tulala lang ako sa kawalan at siya walang humpay na umiiyak.

"Mga wala silang puso! Hayop sila! Kadugo ka ng tiyahin mo, paano niya nagagawa sa'yo 'yon?!" gigil na sabi nito, galit na galit. "Paano nasisikmura ng tiya mo ang gano'ng klaseng asawa?"

"Wala po eh, mahal niya. Nagbulag-bulagan. Takot maiwan." Walang kabuhay-buhay kong tugon rito.

"Wag kang mag-alala hija, simula ngayon sasamahan na kita rito nang hindi ka matakot. Nang mapanatag ang loob mo. Pero gusto kong malaman, senirmonan ka ba ni Keaton kaya natrigger ka para gawin 'yon sa sarili mo?"

Mahina akong tumango. "Opo. Hindi ko nasunod ang gusto niya."

Napabuntong hininga siya. "Iyan ang iniiwasan ko, iyong hindi masunod ang gusto niya. Lahat kami na nagtrabaho rito, dumanas niyan kaya magmula noon, sinusunod namin kahit maliit na bagay. Sa tingin ko may pinagdadaanan si Sir K, at sana maintindihan mo. Pero hija, huwag mong ipaalam sa kanya na may pinagdadaanan ka rin. Hindi siya magdadalawang isip na sibakin ka sa trabaho kapag nalaman niya." Payo nito na siyang tinanguan ko.

"Susubukan ko po. Na-trigger lang po dahil nasigawan niya ako."

"Kapag nasa gano'n kang sitwasyon, mahigpit mong takpan ang mga tenga mo. Takasan mo kapag sa tingin mo ma-t-trigger ka. Huhupa rin naman ang galit niya at parang walang nangyari."

"Sige po, Aling Lolita. Salamat po sa payo at sa pakikinig."

Nginitian niya ako, isang ngiting pakiramdam ko'y humahaplos sa dibdib ko dahil hindi niya ako hinusgahan sa mga karanasan ko.

"Walang anuman, hija. Nandito lang ako handang makinig sa'yo," malamyos niyang wika. "Matulog ka muna at mukhang wala kang sapat na tulog. Kakausapin ko lang din si Sir K tungkol sa pananatili ko rito."

"Sige po, Aling Lolita."

Maaga pa naman para magtrabaho kaya bumalik na ako ng kwarto at natulog.

Hindi ko alam kung ilang oras ang tinulog ko pero kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Iyong mata ko lang namaga dahil sa kakaiyak.

Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto saka dumiretso sa kusina. Nadatnan ko si Aling Lolita na nagluluto at 'di maiwasan na kumalam ang sikmura nang manuot sa ilong ko ang amoy ng adobo.

Napalunok ako at kahit amoy pa lang, natakam na ako.

"Magandang umaga po, Aling Lolita." Masiglang bati ko rito na may maliit na ngiti sa labi.

"Magandang umaga rin, hija." Lingon niya sa akin at sinuklian ako ng matamis na ngiti. "Bagay sa'yo ang bestida. Marami 'yan sa aparador mo."

"Ah, opo. Salamat. Kamusta naman po ang pakikipag-usap niyo kay Sir K?"

"Ah, 'yon ba? Pumayag naman. Hindi ako matiis no'n kaya walang naging problema. Mainit nga lang ang ulo. Hindi makapagsulat."

Kumunot ang noo ko. "Po? Ano pong ibig niyong sabihin?"

Humarap siya sa akin habang hawak ang sandok. "Hindi mo ba alam? Hindi mo ba siya nakikita ang mga larawan niya sa mga lugar?"

Umiling ako, nagtataka. "Bakit po? Ano pong meron?"

"Isa siyang sikat na author. Manunulat kumbaga at mainit ang ulo niya ngayon dahil hindi siya makapagsulat ng maayos."

"Dahil po ba sa akin?" Napayuko ako at pinagdaop ang mga palad. Nasira ko yata ang araw ni Sir. "Sorry po."

"Hindi naman ikaw ang dahilan—Ah, magandang umaga, Sir K."

Nanigas ako sa kinatatayuan nang maramdaman ko ang presensya sa likuran ko.

"Morning, Aling Lolita." Bati rin nito pabalik sa ginang pero halatang wala sa mood dahil walang kagana-gana ang boses nito.

Napigil ko ang hininga nang lampasan niya ako.

"G-Good morning, Sir." Lakas na loob na bati ko rin dito.

"Come here." Napa-angat ang tingin ko sa kanya at baka mali lang ako ng dinig. "Hindi mo ba ako narinig? I said, come here. Tagalugin ko pa?"

"Ah, hindi na po..." Mabilis akong pumunta sa kinaroronan niya at yumuko. Paano kaya siya kakain kung nakasuot siya ng mask? "Ano pong i-u-utos niyo?"

"Marunong ka bang magluto ng tahong?"

"Tahong? Iyon po ba 'yong parang may mani sa loob?"

Nagsalubong ang makapal niyang kilay. "What the fvck?! Mani?! We're not talking about pvssy here! Are you out of your mind?!"

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Mariiiiii............
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 46

    Hiyang-hiya ako sa nangyari. Siguradong nakita niya lahat. “Ano ba, Keaton!” halos maiyak kong sigaw at tinakpan ang sarili kong basang-basang gamit ang manipis na tuwalya. Pinaghahampas ko sa likod niya ang basang labahan na nadampot ko, hiyang-hiya at nanginginig sa lamig. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Matagal na panahon na no'ng makita namin ang katawan ng isa't-isa. "Look, I was shocked. Kasalanan ko bang sumigaw ka? Nag-alala lang ako, Mari." At talagang pumihit pa siya paharap sa akin. “I said, turn around!” sigaw ko ulit habang pinapalo siya sa balikat, sa likod, kahit saan ko siya pwedeng mahampas na hinayaan lang din niya. "Hindi mo kailangang takpan, Mari, nakita ko na lahat sa'yo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong sabi mo?!" "Oh, you heard me, honey." "Bwisit ka!" Pero sa halip na mag-sorry siya, tinawanan lang niya ako. Mariin kong pinikit ang mga mata ko, nagpipigil sa inis at baka masubsob ko siya sa kanal na 'to. “Keaton, bali

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 45

    Pagkatapos no’n, pinili ko na lang abalahin ang sarili ko sa pagtutupi ng mga nilabhang damit sa maliit na lamesa malapit sa bintana. Isa-isa kong inaayos ang mga ito, paboritong gawain ko ‘yon kapag gusto kong umiwas sa ingay o sa kung sino mang ayaw ko munang makausap. Aminado naman akong nakita ko na noon ang alaga ni Keaton pero matagal na 'yon! Hindi ko na halos maalala tapos 'yong kanina—ah! Parang tumatak na ulit sa isipan ko ang itsura! Bakit kasi ang laki? Mas humaba? Bwisit! Pero kahit anong iwas ko, tila tadhana na ang pilit na naglalapit sa amin. Naramdaman ko ang presensya ni Keaton na ngayon ay nakahilig sa pader. Hindi ko siya tiningnan agad. Nagpanggap akong busy, pero hindi ko napigilang mapalingon din. Bahagyang napamaang ang bibig ko sa nahagip ng mata ko. Nakasampay sa balikat niya ang puting tuwalya habang pinapatuyo ang basang buhok. At ewan ko ba kung bakit parang mas luminaw ang features niya, ‘yung matangos na ilong, matalim na panga, at seryosong mukha.

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 44

    Bago ako tuluyang makapasok ng bahay, nagulat ako sa sinabi niya, "Mari, samahan moko maligo. I'm sweating." Mabilis akong humarap sa kanya, nanlalaki ang mga mata kaya tinawanan niya ako. "Funny. Laki pala ng mata mo." "Kasi nahihibang ka na. Tama bang ayain akong samahan kang maligo? Kalalaking mong tao takot sa multo. Ayoko! Mag-isa ka!" Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso. "Please? I'm scared, Mari. Hm?" "Ayoko nga!" Mariin kong tanggi. "Hindi mo naman kasi ako sasamahan sa loob. Well, unless gusto mo. Walang problema," asar niya kaya sinamaan ko ng tingin. "Manyak!" singhal ko pero sa huli napapayag ako dahil si Aling Lolita na ang nakiusap. Ang malala, kinailangan ko pa siyang hiraman ng damit pamalit bago tumungo sa banyo sa likod ng bahay. "Hindi naman siguro ma-i-infect ang skin ko sa tubig?" tanong niya nang ilusong niya ang kamay sa rumaragasang tubig. Palihim akong napairap. Ang arte ha. "Eh di wag kang maligo!" Narinig kong tumawa siya ng

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 43

    Habang tahimik kaming kumakain, napansin kong panay sulyap si Shaun sa akin habang sumasandok ng kanin mula sa maliit na kaldero. Sanay naman siya sa ganito dahil sa akin o nag-adjust lang din dahil mayaman siya tapos mahirap ako. “Mari,” tawag niya bigla kaya napatigil ako sa pag-inom ng tubig. Lahat ng mata, pati na rin ni Keaton, ay napatingin sa amin. “May sasabihin sana ako.” “Ano po ‘yon?” tanong ko, medyo kinakabahan, kasi bihira siya magsalita nang gano’n sa harap ng iba. “Actually,” simula niya at umayos ng pagkaka-upo, “I’m starting a small publishing company. Kaka-register pa lang last week. Independent lang siya, hindi malaki, but we’ll need staff.” Tumagal ang tingin ko sa kanya, nakakunot ang noo. “Publishing, po?” “Yeah. House for small authors, local writers. We'll produce books and the likes. Since nakita ko ‘yung progress mo sa TESDA, at sinabi mong gusto mo ng stable job… I was thinking if you’d like to work with me.” “Me?” Tinuro ko ang sarili. Hindi

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 42

    Napuno ng kwentuhan at tawanan ang kusina dahil kay Aling Lolita na panay biro. Si Keaton na hindi ko inaasahan na tumawa, nakikipagtawanan ngayon kaya hindi ko maiwasang magulat. Hindi siya ganito dati. Hindi tumatawa. Hindi rin nakikipag-kwentuhan pero sa nakikita ko, may nagbago. Malaking pagbabago. Matapos ko kasing tanggihan ang inalok niyang isaw, hindi na niya ako pinansin. Akala mo naman big deal. Nang mapatingin siya akin, agad akong nagbawi ng tingin at nagpatuloy sa pagkusot ng towel sa lababo. Huminga ako ng malalim— "Ay kabayo! Ba't ba bigla-bigla ka na lang nalapit?" singhal ko kay Keaton nang lumapit na naman sa akin. "Where's your bathroom? I need to pee." Napairap ako. "Dyan sa labas. Covered naman yan at walang dumadaan. May bungkal dyan at rumaragasang tubig mula sa bundok kaya malinis. Dyan ka maghugas o kung anong gusto mo." "Oh, hindi mo ba ako sasamahan? Paano kung may sumilip?" Natigilan ako. "Sumilip? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Walang dumadaan d

  • Chain Me, Author (SPG)   Kabanata 41

    Habang nililinisan ko ang rice cooker sa sink, nanatili akong nakayuko, abala sa pagkuskos ng natuyong kanin sa gilid. Gusto ko na sanang matapos agad para makaiwas sa nasa likuran ko kaso ang tagal matanggal. Ngunit nanigas ako nang may naramdaman akong mainit na katawan sa likod ko. Hindi naman dikit, pero sapat na para maramdaman ko ang init ng hininga niya kaya napahinto ako sa pagkilos. Pagtingin ko sa gilid, si Keaton. Nakatayo sa tabi ko, at sumingit para maghugas ng kamay. “Excuse me,” malamig niyang sabi habang patuloy sa paghuhugas ng kamay, suot pa rin ang mask niya. Ang arte talaga kahit kailan. Bahagya akong napalunok. Kailangan bang sumingit? Dumikit? Hindi makapaghintay na matapos ako? Ang bossy ha! Hindi alam kung gagalaw ba ako o iiwas. Pero hindi pa siya natapos. “I told you earlier,” mahina niyang sabi. “Can I taste that?” Alam ko na agad ang tinutukoy niya. Yung isaw. Napangiwi ako. “Hindi pwede,” masungit na sagot ko habang nagbabanlaw pa rin ng ri

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status