"Ano nga ba, Mari?" seryosong tanong niya na medyo ikinagulat ko dahil alam niya ang pangalan ko. "Have a guess. I'll reward you if you guess it right."
Napalunok ako. Sa sinabi niya parang hinahamon niya ako. "Hulaan po, Sir?" Wala akong nakuhang sagot ng ilang segundo mula sa kanya. "Sir?" "I was wondering, do you even know basic english?" Napakamot ako ng buhok. "Tagalog please, Sir. Bobô ako sa english. Limitado lang po ang alam ko." Nahihiyang sagot ko rito. Napansin kong napasuklay siya ng buhok na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. "So, ako pa ang mag-a-adjust dahil hindi ka marunong umintindi ng english?" Napaurong ako. Mukhang mapapasubo pa ako nito. "Medyo lang, Sir. Huwag niyo lang bilisan at 'yong hindi sana labas sa ilong 'yong salitaan. Wala po tayo sa ibang bansa." "Huh! Are you saying na bawal akong magsalita ng english just because nasa Pilipinas tayo? Wow ha!" Nakagat ko ang ibabang labi at tumalikod. Dapat pala hindi na lang ako nakipag-usap sa kanya at mukhang mauuwi pa 'to sa away. Sino ba naman kasing matinong kasambahay na sa first day pa lang ay nagagawang sumagot-sagot sa amo niya. Ako lang siguro. Huwag sana niya akong sibakin sa trabaho. "Oh, ba't tumalikod? Takot?" "Mismo, Sir. Maglilinis na po ako." Tinuldukan ko na ang pakikipag-usap sa kanya at baka kung saan pa mapunta. Gusto ko pang manatili. Hindi ko kayang bumalik sa pamilyang iniwan ko. Titiisin ko na lang ang pagiging strikto at masungit ni Sir Keaton. "Hindi mo pa nahuhulaan ang tanong ko kanina, Mari." At talagang binalikan pa niya. Nawala na nga 'yon sa isip ko dahil parang may iba pa siyang ibig sabihin doon. Hindi ako inosente para hindi makaramdam sa sinabi niya. Maaga akong namulat sa makamundong pagnanasa dahil sa asawa ng tiyahin ko na puro kamanyákan ang tumatakbo sa isip pero kung totoo mang may alaga siya, eh 'di maganda! Pero kung wala, naku, in heat si Sir. Mahina akong umiling para iwaglit 'yon sa isip ko. "Hindi ko po mahulaan, Sir. Maglilinis na po ako." "Are you trying to piss me off, Mari? Try guessing." Huminga ako ng malalim. "Anaconda? Iyon po ba?" baling ko sa kanya ngunit kumunot ang noo ko nang bigla siyang humagalpak ng tawa. "Sabi ko naman po sa inyo Sir na hindi ko talaga mahuhulaan. Pero nagbase naman po ako sa sinabi niyong nanunuklaw ang alaga niyo." "Well, may tama ka naman. Malaki, nanunuklaw kapag nagising lalo na kapag ginalit." Namilog sandali ang bibig ko. So totoo talagang may alaga siyang anaconda? Pero nasaan? Tulog pa ba? "T-Talaga po? Gaano po kalaki? S-Saan po nakalagay?" Baka nandito lang 'yon tapos tuklawin ako! Jusko! Gusto ko pang mabuhay ng matagal! Nang mapansin kong hindi siya kumibo, kahit malayo, napansin ko ang malalim nitong paninitig sa akin. "Gusto mo ba talagang malaman kung saan?" Mariin akong napalunok, kinakabahan at baka nasa likuran ko lang. "O-Opo." "Come here, I'll show you." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang tapikin niya ang kama nito. "S-Sa kama?" "Yeah, why? Saan ba dapat?" "Ah, h-hindi na po. Maglilinis na lang po talaga ako." Tarantang tinalikuran ko siya at nangapa kung saan-saan. Pakiramdam ko luluwa ang puso ko sa matinding kabang nararamdaman ko. Bakit sa kama? Nandoon ba sa kumot niya? Sa ilalim ng kama? Saan? Marahas akong napailing sa iniisip. B-Baka pinagttrip-an lang ako ni Sir. "What are you thinking, Mari?" Natigilan ako at nanlamig. "W-Wala naman po, Sir. Hindi na po ako interesado malaman kung saan." "Really? Sayang." Sayang? Anong sayang? Ah! Ito't naglilikot na naman ang utak ko! Nakaka-intriga! "Hey, be careful with that!" biglang sigaw niya. Mabilis kong nailapag ang vase sa lamesa. "Sorry po, Sir. Nililinisan ko lang po." "Just be careful. Mamahalin lahat 'yan, and just so you know mas mahal 'yan kesa sa buhay mo." Grabe naman si Sir, pero alam ko naman 'yon. Lahat yata sa bahay na 'to mamahalin. "Dahan-dahan sa pagtanggal ng tela sa mga gamit, nababahing ako. I'm allergic to dust." Reklamo niya. "Eh bakit niyo po pinalis ngayong madaling araw kung pwede naman pong bukas?" tanong ko pa at nagpatuloy sa ginagawa. "I want to observe you. Kung paano ka maglinis, kung polido ba o hindi. If not, baka ibang bagay ang ipagawa ko sa'yo." Napatigil ako sa ginagawa. "Po? A-Ano pong trabaho?" "Hm, let me think... ano bang magandang ipagawa sa'yo? You said magaling ka 'di ba? Sa lahat ba?" "Hanggang sa makakaya ko, Sir," sabi ko na may halong panginginig ang boses. "Pero sa paglilinis po talaga ako—" "Do you know how to massage?" "Masahe po?" "Oo, Mari, masahe." Diin niyang sabi. "Saan po banda, Sir?" pagkklaro ko. "Saan ba dapat minamasahe, Mari? Di ba sa likod?" Bakit ba ang sungit-sungit niya? Pag tinatanong ng maayos, binabato rin niya ako ng isa pang tanong tapos parang may bahid na iritasyon sa boses o baka gano'n lang talaga? Ewan ko sa amo kong 'to. Ang hirap e-spelling-in. "G-Gusto ko lang pong klaruhin kung saan." Kinakabahang tugon ko rito. "Pero marunong ka 'di ba?" "Opo, Sir. Marunong naman po." "Kung gano'n, buong katawan ko ang masahiin mo." "Po?!" gulat kong reaksyon. "Bakit? May reklamo ka? I'll double your salary or name your price just massage my body. Tapusin mo muna 'yan at maghugas ng kamay bago pumunta rito. I'll wait." "Pero..." halos pabulong kong tutol. Pinapasok ba niya ako rito para maglinis o magmasahe? Pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis at talagang binagalan ko ang kilos dahil hindi ko kayang masahiin siya. Kasambahay lang ako rito at hindi masahista. Pero ano bang magagawa ko kung utos ng amo ko? Sa taranta ko ba naman kanina, napa-oo na lang ako na magaling sa lahat kahit hindi naman. Napabuga ako ng hangin at namalayan na lang na tapos ko na lahat kaya ultimo sahig pinunasan ko kahit ilang beses kong binalikan. "Tatlong beses mo na 'yan sa sahig, Mari. Are you intentionally taking it too long para hindi mo 'ko ma-masahe?" Mabilis akong napatingala sa lalaking nakatayo ngayon sa harap ko at halos takasan ako ng hangin sa lalamunan nang dumako ang tingin ko sa mahabang bagay na nakadikit sa puson niya. Oh my God! Ito na ba 'yong tinutukoy niyang alaga niya?! "S-Sir..."Hiyang-hiya ako sa nangyari. Siguradong nakita niya lahat. “Ano ba, Keaton!” halos maiyak kong sigaw at tinakpan ang sarili kong basang-basang gamit ang manipis na tuwalya. Pinaghahampas ko sa likod niya ang basang labahan na nadampot ko, hiyang-hiya at nanginginig sa lamig. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Matagal na panahon na no'ng makita namin ang katawan ng isa't-isa. "Look, I was shocked. Kasalanan ko bang sumigaw ka? Nag-alala lang ako, Mari." At talagang pumihit pa siya paharap sa akin. “I said, turn around!” sigaw ko ulit habang pinapalo siya sa balikat, sa likod, kahit saan ko siya pwedeng mahampas na hinayaan lang din niya. "Hindi mo kailangang takpan, Mari, nakita ko na lahat sa'yo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong sabi mo?!" "Oh, you heard me, honey." "Bwisit ka!" Pero sa halip na mag-sorry siya, tinawanan lang niya ako. Mariin kong pinikit ang mga mata ko, nagpipigil sa inis at baka masubsob ko siya sa kanal na 'to. “Keaton, bali
Pagkatapos no’n, pinili ko na lang abalahin ang sarili ko sa pagtutupi ng mga nilabhang damit sa maliit na lamesa malapit sa bintana. Isa-isa kong inaayos ang mga ito, paboritong gawain ko ‘yon kapag gusto kong umiwas sa ingay o sa kung sino mang ayaw ko munang makausap. Aminado naman akong nakita ko na noon ang alaga ni Keaton pero matagal na 'yon! Hindi ko na halos maalala tapos 'yong kanina—ah! Parang tumatak na ulit sa isipan ko ang itsura! Bakit kasi ang laki? Mas humaba? Bwisit! Pero kahit anong iwas ko, tila tadhana na ang pilit na naglalapit sa amin. Naramdaman ko ang presensya ni Keaton na ngayon ay nakahilig sa pader. Hindi ko siya tiningnan agad. Nagpanggap akong busy, pero hindi ko napigilang mapalingon din. Bahagyang napamaang ang bibig ko sa nahagip ng mata ko. Nakasampay sa balikat niya ang puting tuwalya habang pinapatuyo ang basang buhok. At ewan ko ba kung bakit parang mas luminaw ang features niya, ‘yung matangos na ilong, matalim na panga, at seryosong mukha.
Bago ako tuluyang makapasok ng bahay, nagulat ako sa sinabi niya, "Mari, samahan moko maligo. I'm sweating." Mabilis akong humarap sa kanya, nanlalaki ang mga mata kaya tinawanan niya ako. "Funny. Laki pala ng mata mo." "Kasi nahihibang ka na. Tama bang ayain akong samahan kang maligo? Kalalaking mong tao takot sa multo. Ayoko! Mag-isa ka!" Lalampasan ko na sana siya nang hawakan niya ako sa braso. "Please? I'm scared, Mari. Hm?" "Ayoko nga!" Mariin kong tanggi. "Hindi mo naman kasi ako sasamahan sa loob. Well, unless gusto mo. Walang problema," asar niya kaya sinamaan ko ng tingin. "Manyak!" singhal ko pero sa huli napapayag ako dahil si Aling Lolita na ang nakiusap. Ang malala, kinailangan ko pa siyang hiraman ng damit pamalit bago tumungo sa banyo sa likod ng bahay. "Hindi naman siguro ma-i-infect ang skin ko sa tubig?" tanong niya nang ilusong niya ang kamay sa rumaragasang tubig. Palihim akong napairap. Ang arte ha. "Eh di wag kang maligo!" Narinig kong tumawa siya ng
Habang tahimik kaming kumakain, napansin kong panay sulyap si Shaun sa akin habang sumasandok ng kanin mula sa maliit na kaldero. Sanay naman siya sa ganito dahil sa akin o nag-adjust lang din dahil mayaman siya tapos mahirap ako. “Mari,” tawag niya bigla kaya napatigil ako sa pag-inom ng tubig. Lahat ng mata, pati na rin ni Keaton, ay napatingin sa amin. “May sasabihin sana ako.” “Ano po ‘yon?” tanong ko, medyo kinakabahan, kasi bihira siya magsalita nang gano’n sa harap ng iba. “Actually,” simula niya at umayos ng pagkaka-upo, “I’m starting a small publishing company. Kaka-register pa lang last week. Independent lang siya, hindi malaki, but we’ll need staff.” Tumagal ang tingin ko sa kanya, nakakunot ang noo. “Publishing, po?” “Yeah. House for small authors, local writers. We'll produce books and the likes. Since nakita ko ‘yung progress mo sa TESDA, at sinabi mong gusto mo ng stable job… I was thinking if you’d like to work with me.” “Me?” Tinuro ko ang sarili. Hindi
Napuno ng kwentuhan at tawanan ang kusina dahil kay Aling Lolita na panay biro. Si Keaton na hindi ko inaasahan na tumawa, nakikipagtawanan ngayon kaya hindi ko maiwasang magulat. Hindi siya ganito dati. Hindi tumatawa. Hindi rin nakikipag-kwentuhan pero sa nakikita ko, may nagbago. Malaking pagbabago. Matapos ko kasing tanggihan ang inalok niyang isaw, hindi na niya ako pinansin. Akala mo naman big deal. Nang mapatingin siya akin, agad akong nagbawi ng tingin at nagpatuloy sa pagkusot ng towel sa lababo. Huminga ako ng malalim— "Ay kabayo! Ba't ba bigla-bigla ka na lang nalapit?" singhal ko kay Keaton nang lumapit na naman sa akin. "Where's your bathroom? I need to pee." Napairap ako. "Dyan sa labas. Covered naman yan at walang dumadaan. May bungkal dyan at rumaragasang tubig mula sa bundok kaya malinis. Dyan ka maghugas o kung anong gusto mo." "Oh, hindi mo ba ako sasamahan? Paano kung may sumilip?" Natigilan ako. "Sumilip? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Walang dumadaan d
Habang nililinisan ko ang rice cooker sa sink, nanatili akong nakayuko, abala sa pagkuskos ng natuyong kanin sa gilid. Gusto ko na sanang matapos agad para makaiwas sa nasa likuran ko kaso ang tagal matanggal. Ngunit nanigas ako nang may naramdaman akong mainit na katawan sa likod ko. Hindi naman dikit, pero sapat na para maramdaman ko ang init ng hininga niya kaya napahinto ako sa pagkilos. Pagtingin ko sa gilid, si Keaton. Nakatayo sa tabi ko, at sumingit para maghugas ng kamay. “Excuse me,” malamig niyang sabi habang patuloy sa paghuhugas ng kamay, suot pa rin ang mask niya. Ang arte talaga kahit kailan. Bahagya akong napalunok. Kailangan bang sumingit? Dumikit? Hindi makapaghintay na matapos ako? Ang bossy ha! Hindi alam kung gagalaw ba ako o iiwas. Pero hindi pa siya natapos. “I told you earlier,” mahina niyang sabi. “Can I taste that?” Alam ko na agad ang tinutukoy niya. Yung isaw. Napangiwi ako. “Hindi pwede,” masungit na sagot ko habang nagbabanlaw pa rin ng ri