Sa Dilim Kita Nakilala
Seraphina’s POVAng gabi ay parang kasabwat ng kasalanan sa lugar na ’to. Las Vegas-style ang ilaw, pero nasa Maynila kami. Malamlam. Pulang-pula. Kumikinang ang mga katawan sa entabladong puno ng usok, at bawat lalaking nakaupo sa paligid ay may hawak na baso—o babae.
Kasama ako sa mga babae. Hindi ako dancer, pero pumayag akong magsideline bilang “bottle girl” tuwing weekend sa bar na ito—hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko. ₱5,000 kada gabi, plus tip. Sapat para sa gamot ni Elara.
Nasa VIP corner ako, may hawak na tray ng tequila, suot ang puting crop top na halos hindi na crop, at skirt na parang sinukat para malaglag. Pero sanay na ako. Ganito ang buhay kapag desperado.
“Uy, Sera,” tawag ni Mia, sabay irap. “Nando’n na naman si Mr. Deveraux sa corner table. Nagtataka na talaga ako. Palagi siyang nasa VIP room, pero simula noong dumating ka, palagi na siyang nasa labas.”
Kumunot ang noo ko. Kilala ang apelyidong iyon sa lahat ng lugar. Tinignan ko kung saan siya nakatingin at halos mapa-atras ako nang magtama ang aming paningin ni Mr. Deveraux. Napakatangkad, may seryosong gwapong mukha. Naka-itim na long sleeves kahit mainit. Naka-upo sa pinakadulong sulok, may hawak na baso ng whiskey, at nakatitig.
“Hindi ko akalaing ang mga mayayamang kagaya niya ay nagpupunta sa ganitong klaseng lugar,” bulong ko, sapat na marinig ni Mia.
“Ano ka ba naman, Sera. Syempre asensado ka na sa buhay, ano pa bang gagawin mo? Malamang magpapakasaya ka,” singit ni Luwalhati.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako sigurado kung ako talaga ang tinititigan niya. Pero isa lang ang sigurado ako—iba ang tingin niya. Hindi bastos. Hindi rin inosente. Pero mabigat. Mapanganib.
Hindi siya tulad ng ibang lalaking dumadaan dito para lang maglibang. Tahimik siya. Parang siya ang tunay na may-ari ng gabi. Kung hindi pa sinabi ni Mia, baka hindi ko siya napansin.
Lumapit si Mia. “Alam mo bang ang dami sa atin ang sumubok lumapit sa kanya para mag-serve o manlandi, pero wala. Mahigpit ang security. Pero ikaw—ikaw ang tinititigan. Subukan mo kaya? Malay mo, malaking tip.”
Nagkibit-balikat ako. “Napakarami natin dito, imposibleng ako ang tinitingnan, baka si Lisa. Siya naman ang may pinakamalakas ang hatak sa inyo. Hayaan mo na.”
Ngumuso siya. “Kaibigan ni Sir Janus. Palagi ’yan sa Room 1 kung dadalaw dito. At hindi si Lisa ang tinitingnan niyan. Nilapitan nga niya kanina, tinaboy lang. Gusto mo bang i-verify natin? Lapitan mo siya.”
“Ay naku, Mia. Hindi ako pumunta rito para mag-entertain ng lalaki. Nandito ako para magtrabaho.”
Nagkibit-balikat siya at bumalik sa pag-serve. Muling napalingon ako—pero wala na siya sa kanyang puwesto.
“Ang swerte mo kung ikaw ang inaabangan niya. Instant bilyonarya ka na, Sera. Pero ‘yan… delikado. Ruthless billionaire ’yan,” bulong ni Ate Cherry, ang manager namin.
May lumapit sa akin—isang lalaking naka-itim, may earpiece.
“Miss Liam?” tanong niya.
Napalingon ako, kabado. “Ano ’yon?”
“Mr. Deveraux would like to have a private word with you.”
Bigla akong kinabahan. “Bakit daw?”
“Basta sumama na lang po kayo, Miss.”
--------------------
Tahimik ang kuwarto. Malamig. Parang wala sa Pilipinas. May art sa pader, mamahaling wine sa sulok, at sa gitna—siya.
Cayden Deveraux.
Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan. Siya ang bilyonaryong may-ari ng Deveraux Holdings—may hawak ng mga hotel, tech, finance—lahat. Sa balita, palagi siyang laman. Isa sa top 10 richest men.
At ngayon, narito siya. At ako—nasa harap niya.
Nakatayo ako. Naupo lang nang iwesto niya ang silyang kaharap niya. Mahigpit ang hawak ko sa palda, sinusubukang itago ang kaba.
“Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?” magalang kong tanong.
“Alam mo ba kung sino ako?”
Tumango ako. “Opo.”
“Alam mo ba kung bakit kita pinaakyat dito?”
Umiling ako. “Hindi po. Gusto niyo po ba ng maiinom?”
Pinagmasdan niya ako ng matagal. “You don’t belong down there,” aniya sa huli. “Your eyes don’t flirt. They fight.”
Napalunok ako. “Sideline lang po ’yon.”
“But you’re not made for tips. Or for men like them.” Tumayo siya, lumapit. “You don’t even know how desirable you are, do you?”
Tumingin ako sa gilid. Hindi ako makatingin.
“Sir, ano pong ibig n’yong sabihin?”
Nanigas ako nang maramdaman ko ang presensya niya. Masyadong malapit.
“Look at me, Seraphina.”
Napasinghap ako. Tinawag niya ako sa buong pangalan ko. Kilala niya ako.
Dahan-dahan akong tumingin.
At parang may humila sa kaluluwa ko. Ang mga mata niya—itim, malalim, mapanganib.
“I know what it feels like to lose,” bulong niya. “That’s why when I want something… I do everything to take it.”
Napakagat ako sa labi. “Anong gusto niyong makuha?”
Ngumiti siya. Isang ngiting hindi ko alam kung dapat katakutan… o asahan.
“Don’t worry,” aniya.
“This won’t be our last night.”
Kumain lang ako nang kumain hanggang sa maamoy ko ang sinigang na baboy. Mainit pa ang sabaw, humahalo sa hangin ang maasim na halimuyak nito na tila ba yumayakap sa akin mula ulo hanggang paa. Sa bawat singhot ko ay parang gumagaan ang dibdib ko, kahit papaano. Mas lalo akong natakam at pansamantalang nakalimutan ang sakit na kanina pa nakabigkis sa puso ko dahil kina Cayden at Eunice.Sa loob ng kusina, naririnig ko ang bahagyang paglalagaslas ng tubig mula sa gripo, kaluskos ng mga kubyertos, at mahihinang tawanan ng mga kasambahay na para bang walang mabigat na problema sa mundo. Naiinggit ako—dahil sa gitna ng kaguluhan ng emosyon ko, sila ay may sandaling normal na ligaya.Ilang minuto pa ng paghihintay, at tuluyan nang naluto ang gusto kong kainin. Mainit pa ang usok na pumapailanlang mula sa mangkok habang inihahain ko ito sa mesa. Magana akong kumain kahit na mag-isa lang ako sa hapag. Ang bawat subo, parang pilit kong isinasaksak sa tiyan para punuan ang puwang sa dibdib ko.
Tahimik akong lumabas ng clinic kasama ang mayordoma at ang bodyguard na sumundo sa amin. Hawak ko pa rin ang sobre ng test result—parang mabigat itong bato sa kamay ko.Pagliko namin sa main lobby, biglang bumagal ang hakbang ng bodyguard. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya—at doon ko sila nakita.Si Cayden.Kasama niya si Eunice.Magkalapit silang naglalakad, nakadikit ang kamay ng babae sa braso niya, at may mga ngiting para bang sila lang ang tao sa buong lugar. Dumiretso sila patungo sa isang private room, hindi man lang tumitingin sa paligid.Ramdam ko ang paghigpit ng dibdib ko, pero nanatili akong nakatayo, nakapako ang tingin sa kanilang dalawa.“Ma’am…” maingat na tawag ng mayordoma, pero halata ang pagbabago sa tono niya—may halong pagkadismaya at pagkabigo. Hindi niya inasahan na ganito ang makikita niya, lalo na pagkatapos ng nangyari ngayong araw.Tahimik lang ang bodyguard, pero kita ko ang paraan ng pagkuyom niya ng panga, para bang pinipigilan ang anumang reaksy
Ngumiti ako nang bahagya at umupo sa mahabang mesa. Matamlay akong kumain, habang nakatayo ang apat na kasambahay sa gilid, pinapanood lang ako.“Pwede bang samahan niyo ako kumain?” tanong ko, may halong lungkot.Nagkatinginan sila, saka sabay-sabay na umiling.“Hindi po pwede, ma’am. Hindi dapat kasabay ang amo,” paliwanag ng mayordoma.“Pero ako naman ang nag-request. Kaya samahan niyo na ako. Ang lungkot kasi,” pilit kong sabi, may bahagyang pakiusap sa boses.Umiling pa rin sila, pero kalaunan ay napapayag ko rin. Kahit saglit lang, nagkaroon ako ng kasabay sa pagkain.Pagkatapos kumain, umakyat na ako sa kwarto. Ganun pa rin—nakaupo si Cayden, nakatutok sa laptop.May biglang tumunog na cellphone niya. Kinuha niya iyon at dumiretso sa veranda, nilalampasan lang ako na parang wala ako sa kwarto.Hindi ko napigilang lumapit nang palihim, pinapakinggan ang boses niya habang sinisigurado kong hindi niya ako mapapansin.“What is it this time, Eunice?” malamig niyang tanong sa kabilan
May bahagyang gumalaw sa kaliwa ko—isa sa mga senior managers na kanina pa pilit pinapakalma ang sarili. Namumutla siya, at halata sa mahigpit na pagkakahawak sa folder na nanginginig ang kamay niya. Para bang bawat segundo na lumilipas, mas lalong bumibigat ang hangin sa conference room.“Five million pesos worth of contracts were lost because you missed the deadline,” patuloy ni Sir Cayden, mabagal at malinaw ang bawat salita, pero ramdam ang bigat at latay. “And you expect me to smile? You expect me to understand? This company is built on precision, discipline, and fearlessness—three things you obviously don’t have.”Sa bawat salita niya, para bang pumapalo ang isang malamig na martilyo sa mesa—hindi maingay, pero matindi ang tama. Wala siyang itinaas na boses, pero mas nakakatakot iyon kaysa sa sigawan.Alam kong sanay na siya sa ganitong eksena, at sanay na rin kami sa ganitong klaseng meeting, pero ngayong araw… may kakaiba. Parang may bigat na lampas sa trabaho ang dala niya. N
Tahimik ang ibang katulong habang patuloy sa pag-a-unpack, pero alam kong nakikinig sila. Maging ang mahinang kaluskos ng mga plato sa lababo at mga kahon na inaayos ay parang musika na lang sa background habang naglalabas ng sikreto ang mayordoma.“Pero… totoo bang nangaliwa si Eunice?” tanong ko, halos pabulong pero sapat para mabaling ang tingin ng tatlo pang kasambahay sa amin.Tumango ang mayordoma, mabigat ang ekspresyon. “Oo, ma’am. Hindi lang kasi pinublic ni Sir Cayden kaya walang nakakaalam. Pero itong isang kaibigan ni Sir Cayden—yung doktor, si Sir Dylan—siya ang unang naging kabit ni Ma’am Eunice.”Natigilan kaming lahat. “K-kay Dylan? Yung mismong kaibigan niya?” tanong ng isa sa mga katulong, nakakunot ang noo na parang hindi matanggap ang narinig.“Oo,” patuloy ng mayordoma, “hindi naman alam ni Sir Dylan na girlfriend siya ni Sir Cayden noon. Ayaw rin ni Ma’am Catherine na malaman ng publiko na si Eunice ang girlfriend ng anak niya kasi hindi siya boto. Kaya nang i
Kinabukasan, mabigat at nananakit ang bawat kalamnan ko—parang ang buong katawan ko ay may iniwang marka ng kagabi. Mahina kong iminulat ang mga mata ko at sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon, wala na si Cayden sa tabi ko. Parang biglang may kumalam na lungkot sa dibdib ko, at kasabay nito ang hapdi mula sa aking pagkababae na nagpapaalala sa akin ng lahat ng nangyari.Napalingon ako sa wall clock—ala-una na ng tanghali. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na gulat akong umupo sa kama, ramdam ang panlalamig ng pawis sa batok ko, at kinuha ang cellphone ko sa mesa. Pagbukas ko, iisang mensahe lang ang bumungad sa screen:"Hello wife, don't forget to eat your meal. Just rest the whole day."Parang naririnig ko pa ang boses niya habang binabasa ko iyon—yung malamig pero may bahid ng pagmamay-ari. Hindi ko siya nireplyan. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil alam kong anumang salita ang ibalik ko, may kakabit na emosyon na baka ayokong ipakita sa