Kapag Walang Mapagpilian
Seraphina’s POV
Ang ₱5,000 ko mula sa gabing iyon ay nasa mesa, tahimik, parang hindi alam kung saan mauuna.
Sa harap ko si Elara—nakahiga, namumutla, at nilalamig sa kabila ng init ng gabi. Pangalawang gabi na siyang may lagnat, at pangatlong linggo na mula nang hindi siya makakain nang maayos. Umiigting na rin ang pananakit ng kanyang mga kasukasuan.
“Masakit po ang balakang ko, ate,” ungol niya habang pinupunasan ko ang kanyang katawan ng basang bimpo.
“Sandali lang, El,” mahinahon kong sagot. “Uminom ka ulit ng gamot.”
Ngunit ang totoo, paubos na ang gamot namin. Yung natitirang supply ay para lang sa susunod na dalawang araw. Hindi biro ang kondisyon ni Elara—hindi siya pwedeng maputulan ng maintenance. Ang sabi ng doktor, chronic autoimmune disorder. Hindi lang basta lagnat—isang komplikadong karamdaman na kailangan ng regular na laboratoryo, gamutan, at sapat na pahinga.
At lahat ng iyon ay nangangailangan ng perang wala sa bulsa ko.
Pagkatapos ko siyang painumin, naupo ako sa gilid ng kutson. Kinuha ko ang lumang cellphone at nagbukas ng email. Muli kong tiningnan ang lumang rejection letter mula sa Deveraux Holdings Mall Branch.
“Thank you for your application, Ms. Liam. We appreciate your interest. However, due to current qualifications and age requirements, we are unable to move forward with your application.”
Twenty years old pa lang ako noon—fresh grad ng Accountancy. Wala akong kakilala sa loob, pero may mataas akong pag-asa. Nakapila ako sa application booth suot ang simpleng blouse at black slacks, dala ang kapirasong résumé na pinagawa ko pa sa computer shop. Gusto ko lang maging cashier pansamantala. Wala pa kasing hiring na banko hanggang ngayon malapit dito sa amin. Hindi malaki ang sweldo, pero sapat. Regular. May SSS. May health card. May seguridad.
Pero hindi ako pinansin.
Hindi ko na rin pina-forward ang application ko. Nakakahiya. Nakakainis. Kaya’t ilang buwan matapos iyon, nang dumating ang panibagong bayarin sa ospital, wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang trabahong inaalok sa bar.
Hindi ko sinabing pangarap ko iyon. Hindi rin ako nagpakita ng ilusyon na masaya ako roon. Pero kailangan.
Hindi ako bayaran. Hindi ako sumasayaw. Hindi rin ako umaasa sa atensyong binibigay ng mga lalaking umiinom. Pero tuwing weekend, nakatayo ako sa entablado o sa gilid ng VIP corner, hawak ang tray, suot ang uniform na halos wala nang tinatakpan. Bottle girl daw ang tawag—pero ang totoo, mukha kaming palamuti. At sa halagang ₱5,000 kada gabi, natutong ngumiti kahit pagod, kahit nababastos, kahit gusto mo nang sumigaw.
-----
Kinabukasan, habang tulog si Elara, tumambay ako sa waiting shed sa tapat ng boarding house. Nakatitig lang ako sa palad ko—mainit, nanginginig. Sa totoo lang, hindi ako gutom. Hindi rin inaantok. Pero pagod ako. Pagod mag-isip. Pagod magpakalakas. Pagod magpanggap na may kinabukasan pa kami.
At sa di inaasahang pagkakataon, pumasok na naman siya sa isip ko.
Cayden Deveraux.
Hindi ko siya kilala nang personal. Pero sa gabing unang nagtagpo ang tingin namin, may kung anong dumaloy sa akin—hindi kilig, kundi kaba. Hindi tamis, kundi takot na may halong... pagkagusto?
O baka imahinasyon ko lang iyon. Baka dahil lang sa narinig kong pangalan niya, saka ko lang siya napansin. Pero kakaiba talaga. Hindi siya uminom para magpakalasing. Hindi rin siya tumingin sa mga babae sa entablado. Tingin niya ay para bang...
...para bang kilala niya ako.
Pero imposibleng mangyari iyon. Paano naman niya ako makikilala eh isang hamak na bottle girl lang ako samantalang siya eh laging laman ng news.
------
Bigla akong natauhan sa malalim na ubo ni Elara mula sa loob. Tumakbo ako agad, at doon ko siya nadatnan—nakayuko, nasusuka, nanginginig ang kamay. Nangingitim na ang paligid ng kanyang mga mata. Pinilit kong yakapin siya kahit basang-basa siya ng pawis.
“P-pasensya na po, ate...” garalgal niyang sabi. “Hindi ko na po kaya...”
Napapikit ako, pinipigil ang luha. Alam ko na ang susunod.
Kailangan na siyang dalhin sa ospital.
Pero may pasok ako mamayang gabi. Kailangan ko ang ₱5,000. Kailangan ko ang buhay ng kapatid ko.
At kailangan kong gumawa ng desisyon.
Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Tita Sita. Mabuti na lang at agad siyang pumayag na siya muna ang magbantay kay Elara pansamantala at bukas na bukas din ay ipupunta ko na si Elara sa hospital upang magamot.
--------
Pagbaba ng gabi, suot ko na naman ang crop top na halos hindi na damit at ang paldang mas maikli pa sa dignidad ko. Papasok na naman ako sa bar. Mag-aabot ng inumin. Magpapanggap na okay lang ang lahat.
Hindi ko alam kung hanggang kailan.
Pero ang alam ko lang...
Kapag wala ka nang mapagpilian, kahit ang impyerno, mukhang daan palabas.
-----------
“Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ni Boss,” bulong ni Mia pagpasok ko.
Kinabahan ako. “Nasaan siya? Galit ba siya?”
“Pinapasabi niya—umakyat ka raw sa office,” sabi ng manager naming si Ate Cherry, halatang may kaba rin sa boses. Mainitin kasi ang ulo ng boss namin minsan lalo na kapag nalalaman niyang madalas ang pagliban sa trabaho o di kaya’y puro ka kapalpakan sa trabaho. Of course milyonaryo din kasi ang boss namin, isa siya sa pinakamayaman sa bansa dahil marami din itong business.
Nakayuko akong pumunta sa hagdanan, pinipigilan ang pagkatuyo ng lalamunan.
Pagkakatok ko sa pintuan, walang sumagot. Kaya marahan kong pinihit ang doorknob at bahagyang sumilip sa loob.
Para akong binuhusan ng yelo.
N*******d si Boss. May kahalikang babae. Nasa gitna sila ng mainit na eksenang hindi ko dapat nakita.
“What the fuck is wrong with you!” bulyaw niya sa akin. Napaatras ako, agad isinara ang pinto, at napatayo sa gilid na parang binagsakan ng langit.
Patong-patong na kasalanan. Isa pa, lagot ka, Seraphina.
Ilang minuto pa, lumabas ang babae—gusot ang buhok, lukot ang damit, hindi man lang tumingin sa akin.
At ako? Nag-aalangan pa rin kung papasok.
Pero kailangan ko. Kailangan ko ang trabaho. Kailangan ko ang kita.
Kahit sa isang lugar na bawat paghinga ay parang pagsusugal ng buhay.
Kumain lang ako nang kumain hanggang sa maamoy ko ang sinigang na baboy. Mainit pa ang sabaw, humahalo sa hangin ang maasim na halimuyak nito na tila ba yumayakap sa akin mula ulo hanggang paa. Sa bawat singhot ko ay parang gumagaan ang dibdib ko, kahit papaano. Mas lalo akong natakam at pansamantalang nakalimutan ang sakit na kanina pa nakabigkis sa puso ko dahil kina Cayden at Eunice.Sa loob ng kusina, naririnig ko ang bahagyang paglalagaslas ng tubig mula sa gripo, kaluskos ng mga kubyertos, at mahihinang tawanan ng mga kasambahay na para bang walang mabigat na problema sa mundo. Naiinggit ako—dahil sa gitna ng kaguluhan ng emosyon ko, sila ay may sandaling normal na ligaya.Ilang minuto pa ng paghihintay, at tuluyan nang naluto ang gusto kong kainin. Mainit pa ang usok na pumapailanlang mula sa mangkok habang inihahain ko ito sa mesa. Magana akong kumain kahit na mag-isa lang ako sa hapag. Ang bawat subo, parang pilit kong isinasaksak sa tiyan para punuan ang puwang sa dibdib ko.
Tahimik akong lumabas ng clinic kasama ang mayordoma at ang bodyguard na sumundo sa amin. Hawak ko pa rin ang sobre ng test result—parang mabigat itong bato sa kamay ko.Pagliko namin sa main lobby, biglang bumagal ang hakbang ng bodyguard. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya—at doon ko sila nakita.Si Cayden.Kasama niya si Eunice.Magkalapit silang naglalakad, nakadikit ang kamay ng babae sa braso niya, at may mga ngiting para bang sila lang ang tao sa buong lugar. Dumiretso sila patungo sa isang private room, hindi man lang tumitingin sa paligid.Ramdam ko ang paghigpit ng dibdib ko, pero nanatili akong nakatayo, nakapako ang tingin sa kanilang dalawa.“Ma’am…” maingat na tawag ng mayordoma, pero halata ang pagbabago sa tono niya—may halong pagkadismaya at pagkabigo. Hindi niya inasahan na ganito ang makikita niya, lalo na pagkatapos ng nangyari ngayong araw.Tahimik lang ang bodyguard, pero kita ko ang paraan ng pagkuyom niya ng panga, para bang pinipigilan ang anumang reaksy
Ngumiti ako nang bahagya at umupo sa mahabang mesa. Matamlay akong kumain, habang nakatayo ang apat na kasambahay sa gilid, pinapanood lang ako.“Pwede bang samahan niyo ako kumain?” tanong ko, may halong lungkot.Nagkatinginan sila, saka sabay-sabay na umiling.“Hindi po pwede, ma’am. Hindi dapat kasabay ang amo,” paliwanag ng mayordoma.“Pero ako naman ang nag-request. Kaya samahan niyo na ako. Ang lungkot kasi,” pilit kong sabi, may bahagyang pakiusap sa boses.Umiling pa rin sila, pero kalaunan ay napapayag ko rin. Kahit saglit lang, nagkaroon ako ng kasabay sa pagkain.Pagkatapos kumain, umakyat na ako sa kwarto. Ganun pa rin—nakaupo si Cayden, nakatutok sa laptop.May biglang tumunog na cellphone niya. Kinuha niya iyon at dumiretso sa veranda, nilalampasan lang ako na parang wala ako sa kwarto.Hindi ko napigilang lumapit nang palihim, pinapakinggan ang boses niya habang sinisigurado kong hindi niya ako mapapansin.“What is it this time, Eunice?” malamig niyang tanong sa kabilan
May bahagyang gumalaw sa kaliwa ko—isa sa mga senior managers na kanina pa pilit pinapakalma ang sarili. Namumutla siya, at halata sa mahigpit na pagkakahawak sa folder na nanginginig ang kamay niya. Para bang bawat segundo na lumilipas, mas lalong bumibigat ang hangin sa conference room.“Five million pesos worth of contracts were lost because you missed the deadline,” patuloy ni Sir Cayden, mabagal at malinaw ang bawat salita, pero ramdam ang bigat at latay. “And you expect me to smile? You expect me to understand? This company is built on precision, discipline, and fearlessness—three things you obviously don’t have.”Sa bawat salita niya, para bang pumapalo ang isang malamig na martilyo sa mesa—hindi maingay, pero matindi ang tama. Wala siyang itinaas na boses, pero mas nakakatakot iyon kaysa sa sigawan.Alam kong sanay na siya sa ganitong eksena, at sanay na rin kami sa ganitong klaseng meeting, pero ngayong araw… may kakaiba. Parang may bigat na lampas sa trabaho ang dala niya. N
Tahimik ang ibang katulong habang patuloy sa pag-a-unpack, pero alam kong nakikinig sila. Maging ang mahinang kaluskos ng mga plato sa lababo at mga kahon na inaayos ay parang musika na lang sa background habang naglalabas ng sikreto ang mayordoma.“Pero… totoo bang nangaliwa si Eunice?” tanong ko, halos pabulong pero sapat para mabaling ang tingin ng tatlo pang kasambahay sa amin.Tumango ang mayordoma, mabigat ang ekspresyon. “Oo, ma’am. Hindi lang kasi pinublic ni Sir Cayden kaya walang nakakaalam. Pero itong isang kaibigan ni Sir Cayden—yung doktor, si Sir Dylan—siya ang unang naging kabit ni Ma’am Eunice.”Natigilan kaming lahat. “K-kay Dylan? Yung mismong kaibigan niya?” tanong ng isa sa mga katulong, nakakunot ang noo na parang hindi matanggap ang narinig.“Oo,” patuloy ng mayordoma, “hindi naman alam ni Sir Dylan na girlfriend siya ni Sir Cayden noon. Ayaw rin ni Ma’am Catherine na malaman ng publiko na si Eunice ang girlfriend ng anak niya kasi hindi siya boto. Kaya nang i
Kinabukasan, mabigat at nananakit ang bawat kalamnan ko—parang ang buong katawan ko ay may iniwang marka ng kagabi. Mahina kong iminulat ang mga mata ko at sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon, wala na si Cayden sa tabi ko. Parang biglang may kumalam na lungkot sa dibdib ko, at kasabay nito ang hapdi mula sa aking pagkababae na nagpapaalala sa akin ng lahat ng nangyari.Napalingon ako sa wall clock—ala-una na ng tanghali. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na gulat akong umupo sa kama, ramdam ang panlalamig ng pawis sa batok ko, at kinuha ang cellphone ko sa mesa. Pagbukas ko, iisang mensahe lang ang bumungad sa screen:"Hello wife, don't forget to eat your meal. Just rest the whole day."Parang naririnig ko pa ang boses niya habang binabasa ko iyon—yung malamig pero may bahid ng pagmamay-ari. Hindi ko siya nireplyan. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil alam kong anumang salita ang ibalik ko, may kakabit na emosyon na baka ayokong ipakita sa