Presyo ng Kalayaan
Seraphina’s POV
Napalunok ako, nanginginig ang kamay habang nakakorner sa malamig na pader ng VIP Room 1. Ramdam ko ang init ng palad ni Cayden sa baywang ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o sa tension sa pagitan naming dalawa, pero ang puso ko—parang mababaliw sa tibok. “One hundred thousand,” ulit niya, ang boses ay mababa, matigas, at puno ng intensyon. “One dance. Just for me.” Hindi ako agad nakasagot. Sa loob ng isang segundo, parang tumigil ang oras. ₱100,000. Mas malaki pa sa sahod ko sa dalawang buwan. Halos kasya na sa buwanang gamot ni Elara. Puwede akong makabayad ng upa. Makabili ng pagkain. Makapagpa-laboratory siya. Pero kapalit nito…Ako.
Bumigat ang dibdib ko. “Bakit ako?” mahina kong tanong. “Bakit hindi ang mga dancer talaga rito? Alam mo bang hindi ako para sa ganyan…” His eyes narrowed, then he leaned closer, just enough to make me feel his breath ghost over my cheek. “Because none of them look at me the way you do,” he said. “You look at me like you don’t want to. Like you're trying to fight something you’re already losing.” “Hindi po ako bayarang babae,” bulong ko, halos hindi ko na marinig ang sarili ko. His hand moved from my waist to my chin, gently tilting it up so I had no choice but to meet his eyes. “Then don’t think of it as payment,” he said. “Think of it as… surrender.” “Surrender?” “To something inevitable.” Hindi ko alam kung ano ang mas nakakakaba—ang paraan ng pagkakatingin niya sa akin o ang paraan ng pagbigkas niya sa salitang iyon, na parang hindi ito isang tanong kundi isang hatol. “Hindi kita kayang bilhin, Seraphina,” dagdag niya. “Pero kaya kitang kunin.” Napasinghap ako. Hindi siya nagyayabang. Hindi rin ito pananakot. Isa itong babala. “I’ve been watching you,” bulong niya. “Since the first night. You were different. Not for sale, but not unreachable. And I want to be the one to see you break.” “Ano’ng gusto mong mangyari, sir?” tanong ko, halos maputol ang boses sa kaba. “I want a dance,” he repeated. "Satisfy me" Lumingon siya saglit, saka binuksan ang isang envelope mula sa bulsa ng coat niya. Ibinigay ito sa akin—hindi pilit, hindi rin mabigat. Basta tahimik. Nandoon ang halaga. “One hundred thousand. No touching. One dance. Just for me.” Tumitig siya. “If you walk away now, I won’t stop you. But if you stay—then understand this…” Tumigil siya, saka muling lumapit. “…you’re not walking out of here the same.” ------ Tumunog ang cellphone ko. Napalingon ako agad, parang nabalik sa katinuan. Marahan ko siyang itinulak upang mabigyan niya ako ng space at nakaramdam ako ng takot ng biglang sumeryoso ang kanyang mukha at tila hindi nagustuhan ang aking inakto. Hindi naman niya natinag dahil malapit pa din ako sa kanya dahil sa kanyang kamay na ayaw maalis sa aking balakang.“Sandali lang po sir Cayden” ngubnit hindi niya ako sinagot at binitawan man lang.
“Sagutin mo” mariin niyang wika sa akin.
Nag-aalinlangan kong hinugot ito mula sa palda ko at si tita ang tumatawag. Kaagad ko itong sinagot dahil baka importante ang kanyang sasabihin.
“Sera!” sigaw niya, agad na nanginginig ang boses. “Nasa daan na kami papunta sa emergency room. Hindi ako mapakali—ang taas ng lagnat ng kapatid mo, nangingisay na kanina!” Parang may sumabog sa loob ng dibdib ko. “Ha? Anong—Tita! Hindi po ba siya gumaling?!” Nanginginig ang boses ko. “Hindi na siya makatayo. Tumatagilid ang mata. Hindi ako makakuha ng ambulansya, kaya sinakay ko na lang sa tricycle. Akon a lang muna ang nagbayad sa tricycle” kinakabahang wika ni tita sa kabilang linya. “Sige pupunta ako dyan tita. Magpapa-alam ako ngayon din sa boss ko” naiiyak kong wika sa kanya. Sana lang ay limang libo pa din ang ibigay sa akin ni sir Janus dahil kailangan ko na talaga ng pera dahil hindi na naman kami aasikasuhin kapag alam ng hospital na wala na naman kaming sapat na pambayad. Yan ang masakit na katotohanan sa hospital namin.“Anak, hindi sapat ang dala kong pera ngayon para bayaran kung ilan ang ipapabayad ng hospital. Sana’y nakahanda ka anak” bakas ang pagpipigil ni tita ng iyak sa kabilang linya.
Hindi ako agad nakasagot. Tumulo ang luha sa mata ko, hindi ko na napigilan. “Pakibantayan siya, Tita… pupuntahan ko kayo agad,” mabilis kong sagot bago ibinaba ang tawag. ------- Pagbaling ko, ngayon ko lang naalala na nandito pa din pala si Cayden at nakikinig sa usapan namin ni tita sa dating posisyon padin. Sinubukan kong alisin ang kanyang kamay ngunit diniinan niya ang pagkakahawak“Please pakawalan niyo na po ako. Narinig niyo naman po diba? Kailangan kong puntahan ang kapatid ko” sa aking sinabi ay naiyak na ako.
“I know you need money, so why not take my offer” malamig niyang wika habang nakatingin sa aking mga mata.“Just take it” kita niya ang katigasan pa din sa akin. Napa-iwas ako ng tingin sa kanya nang bumaba ang tinigin niya sa aking leeg pababa sa aking hinaharap na nakadikit ngayon sa kanya dahil sa aming pwesto.
“Seryoso po ba talaga kayo sa alok niyo?” paninigurado ko sa kanya at marahan lang itong tumango
“Sasayaw lang ako kapalit ang ganitong kalaking halaga?”
“Yes, I’m fucking serious” malamig niyang wika sa akin
“Okay,” bulong ko. “Gagawin ko para sa kapatid ko.” Walang saya sa mukha niya. Walang ngiti. Pero may liwanag sa mga mata niya—liwanag na parang panalo. “Good,” bulong niya. “You’ll dance... for me.” "Pero pwede bang sa susunod na lang po? Kailangan po kasi ako ngayon ng kapatid ko" pinunasan niya ang ang luha. Alam kong ang gaya niya ay mainipin kaya nakakasigurado akong hindi ako papayagan. Mas lalo akong pinangambahan ng mas diniinan pa niya ang paghawak sa aking balakang at nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tenga. Hindi ko alam pero parang nakakaramdam ako ng kakaibang init dahil sa pwesto namin ngayon. Napahawak ako sa kanyang balikat nang maramdaman kong dumampi ang kanyang mainit na labi sa aking tenga. "A-anong ginagawa niyo po" kinakabahan at natatakot kong tanong sa kanya. "Stay still" mariin niyang wika sa akin. Mas lalo akong binalot ng takot nang bumaba ang kanyang bibig sa aking leeg. Napahawak ako sa kanyang balikat saka marahan siyang tinulak. “Sir, I know naman po na binayaran niyo ako ng ganitong kalaking halaga, pero ang sinabi niyo lang kanina ay sayaw lang. Wala naman po kayong sinabi na may ganito pa pala... Parang awa niyo na po...” umiiyak akong tumingin sa kanya, nagmamakaawa. Napapikit siya. Umatras. At sa isang iglap— “Damn,” mariin niyang mura, mababa pero puno ng poot. “Damn it!” Napayuko ako sa takot dahil sa kanyang boses na tila galit. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit, nagbayad siya ng malaking halaga pero tinanggihan ko ang kanyang gustong gawin. “You should go,” bulong niya, halos pabulong sa hangin kaysa sa akin. “You should make me satisfied with your performance when I come here…” Tahimik akong lumabas ng silid, ang envelope ay mahigpit kong hawak. Hindi ko alam kung kaninong galit ang mas mabigat—yung nasa kanya… o yung unti-unting galit ko sa sarili ko, sa mundong ’to, at sa presyong ibinayad para sa dignidad kong sumayaw sa harap ng lalaking ni hindi ko kilala.Kumain lang ako nang kumain hanggang sa maamoy ko ang sinigang na baboy. Mainit pa ang sabaw, humahalo sa hangin ang maasim na halimuyak nito na tila ba yumayakap sa akin mula ulo hanggang paa. Sa bawat singhot ko ay parang gumagaan ang dibdib ko, kahit papaano. Mas lalo akong natakam at pansamantalang nakalimutan ang sakit na kanina pa nakabigkis sa puso ko dahil kina Cayden at Eunice.Sa loob ng kusina, naririnig ko ang bahagyang paglalagaslas ng tubig mula sa gripo, kaluskos ng mga kubyertos, at mahihinang tawanan ng mga kasambahay na para bang walang mabigat na problema sa mundo. Naiinggit ako—dahil sa gitna ng kaguluhan ng emosyon ko, sila ay may sandaling normal na ligaya.Ilang minuto pa ng paghihintay, at tuluyan nang naluto ang gusto kong kainin. Mainit pa ang usok na pumapailanlang mula sa mangkok habang inihahain ko ito sa mesa. Magana akong kumain kahit na mag-isa lang ako sa hapag. Ang bawat subo, parang pilit kong isinasaksak sa tiyan para punuan ang puwang sa dibdib ko.
Tahimik akong lumabas ng clinic kasama ang mayordoma at ang bodyguard na sumundo sa amin. Hawak ko pa rin ang sobre ng test result—parang mabigat itong bato sa kamay ko.Pagliko namin sa main lobby, biglang bumagal ang hakbang ng bodyguard. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya—at doon ko sila nakita.Si Cayden.Kasama niya si Eunice.Magkalapit silang naglalakad, nakadikit ang kamay ng babae sa braso niya, at may mga ngiting para bang sila lang ang tao sa buong lugar. Dumiretso sila patungo sa isang private room, hindi man lang tumitingin sa paligid.Ramdam ko ang paghigpit ng dibdib ko, pero nanatili akong nakatayo, nakapako ang tingin sa kanilang dalawa.“Ma’am…” maingat na tawag ng mayordoma, pero halata ang pagbabago sa tono niya—may halong pagkadismaya at pagkabigo. Hindi niya inasahan na ganito ang makikita niya, lalo na pagkatapos ng nangyari ngayong araw.Tahimik lang ang bodyguard, pero kita ko ang paraan ng pagkuyom niya ng panga, para bang pinipigilan ang anumang reaksy
Ngumiti ako nang bahagya at umupo sa mahabang mesa. Matamlay akong kumain, habang nakatayo ang apat na kasambahay sa gilid, pinapanood lang ako.“Pwede bang samahan niyo ako kumain?” tanong ko, may halong lungkot.Nagkatinginan sila, saka sabay-sabay na umiling.“Hindi po pwede, ma’am. Hindi dapat kasabay ang amo,” paliwanag ng mayordoma.“Pero ako naman ang nag-request. Kaya samahan niyo na ako. Ang lungkot kasi,” pilit kong sabi, may bahagyang pakiusap sa boses.Umiling pa rin sila, pero kalaunan ay napapayag ko rin. Kahit saglit lang, nagkaroon ako ng kasabay sa pagkain.Pagkatapos kumain, umakyat na ako sa kwarto. Ganun pa rin—nakaupo si Cayden, nakatutok sa laptop.May biglang tumunog na cellphone niya. Kinuha niya iyon at dumiretso sa veranda, nilalampasan lang ako na parang wala ako sa kwarto.Hindi ko napigilang lumapit nang palihim, pinapakinggan ang boses niya habang sinisigurado kong hindi niya ako mapapansin.“What is it this time, Eunice?” malamig niyang tanong sa kabilan
May bahagyang gumalaw sa kaliwa ko—isa sa mga senior managers na kanina pa pilit pinapakalma ang sarili. Namumutla siya, at halata sa mahigpit na pagkakahawak sa folder na nanginginig ang kamay niya. Para bang bawat segundo na lumilipas, mas lalong bumibigat ang hangin sa conference room.“Five million pesos worth of contracts were lost because you missed the deadline,” patuloy ni Sir Cayden, mabagal at malinaw ang bawat salita, pero ramdam ang bigat at latay. “And you expect me to smile? You expect me to understand? This company is built on precision, discipline, and fearlessness—three things you obviously don’t have.”Sa bawat salita niya, para bang pumapalo ang isang malamig na martilyo sa mesa—hindi maingay, pero matindi ang tama. Wala siyang itinaas na boses, pero mas nakakatakot iyon kaysa sa sigawan.Alam kong sanay na siya sa ganitong eksena, at sanay na rin kami sa ganitong klaseng meeting, pero ngayong araw… may kakaiba. Parang may bigat na lampas sa trabaho ang dala niya. N
Tahimik ang ibang katulong habang patuloy sa pag-a-unpack, pero alam kong nakikinig sila. Maging ang mahinang kaluskos ng mga plato sa lababo at mga kahon na inaayos ay parang musika na lang sa background habang naglalabas ng sikreto ang mayordoma.“Pero… totoo bang nangaliwa si Eunice?” tanong ko, halos pabulong pero sapat para mabaling ang tingin ng tatlo pang kasambahay sa amin.Tumango ang mayordoma, mabigat ang ekspresyon. “Oo, ma’am. Hindi lang kasi pinublic ni Sir Cayden kaya walang nakakaalam. Pero itong isang kaibigan ni Sir Cayden—yung doktor, si Sir Dylan—siya ang unang naging kabit ni Ma’am Eunice.”Natigilan kaming lahat. “K-kay Dylan? Yung mismong kaibigan niya?” tanong ng isa sa mga katulong, nakakunot ang noo na parang hindi matanggap ang narinig.“Oo,” patuloy ng mayordoma, “hindi naman alam ni Sir Dylan na girlfriend siya ni Sir Cayden noon. Ayaw rin ni Ma’am Catherine na malaman ng publiko na si Eunice ang girlfriend ng anak niya kasi hindi siya boto. Kaya nang i
Kinabukasan, mabigat at nananakit ang bawat kalamnan ko—parang ang buong katawan ko ay may iniwang marka ng kagabi. Mahina kong iminulat ang mga mata ko at sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon, wala na si Cayden sa tabi ko. Parang biglang may kumalam na lungkot sa dibdib ko, at kasabay nito ang hapdi mula sa aking pagkababae na nagpapaalala sa akin ng lahat ng nangyari.Napalingon ako sa wall clock—ala-una na ng tanghali. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na gulat akong umupo sa kama, ramdam ang panlalamig ng pawis sa batok ko, at kinuha ang cellphone ko sa mesa. Pagbukas ko, iisang mensahe lang ang bumungad sa screen:"Hello wife, don't forget to eat your meal. Just rest the whole day."Parang naririnig ko pa ang boses niya habang binabasa ko iyon—yung malamig pero may bahid ng pagmamay-ari. Hindi ko siya nireplyan. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil alam kong anumang salita ang ibalik ko, may kakabit na emosyon na baka ayokong ipakita sa