MasukLason Sa Alok
Seraphina’s POV Tahimik akong tumayo sa harap ng pinto ni Boss Janus, kinakabahan pa rin matapos ang eksena kaninang nakita ko. Pinilit kong lunukin ang kaba. Kailangan ko ang trabahong ‘to. Kailangan ko ng pera para kay Elara. Kumatok ako. Walang sagot. Kumatok ulit ako, mas mahina ngayon. Baka pagalit siyang sumagot. Pero sa halip ay narinig ko ang isang tinig mula sa loob. “Come in.” Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Pagbukas ko, bumungad sa akin si Janus—nakaupo sa kanyang leather chair, hawak ang isang basong may brandy, tila kalmado ngunit may ngiti sa labi na hindi ko mawari kung may halong layaw o bitag. “Seraphina,” aniya. “Finally. Come. Sit down.” Pumasok ako at umupo ako sa dulo ng sofa, malayo sa mesa niya. “Pasensiya na po, Boss. Na-late lang ako dahil—” “It’s fine,” putol niya. “Hindi iyon ang dahilan kung bakit kita pinatawag.” Napalunok ako. “Ano po?” Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Para akong hinuhubaran ng tingin. Napakapit ako sa laylayan ng aking palda. “Straight to the point na tayo,” aniya, sabay lagok ng brandy. “There’s a guest tonight. VIP. Very generous. May gusto siyang special performance.” Napakunot ang noo ko. “Special performance po?” “Isang sayaw.” Ngumiti siya, nakatagilid. “Private. Sa kanya lang. Ten thousand pesos for one dance. Just this night.” Parang binaril ang puso ko. “Hindi po ako sumasayaw,” mariin kong sagot. “Bottle girl lang po ako dito, Boss. Hindi po ako—” “Wala kang gagawin kundi sayaw lang. Sexy lang. Hindi ka hahawakan. Nakaalalay ang security. Ten thousand, Sera.” Tumayo siya, lumapit. “Isipin mo ‘yon. Sampung libo. Alam kong kailangan mo ngayon ng pera. Tanggapin mo na, sayang ang sampong libo ngayong gabi lang plus ang limang libong sweldo mo sakin" Bumigat ang dibdib ko. Ang mukha ni Elara ang pumasok sa isip ko—ang kanyang ubo, ang kanyang nanginginig na kamay, ang mamahaling gamot na hindi ko alam kung paano bibilhin. Pero hindi. Hindi ako papayag. “Pasensiya na po, Boss. Hindi ko po kaya. Hindi po ako para sa ganyan. Saka marami naman po tayong dancers bakit ako pa po?” Napatingin siya sa akin, ang ngiti niya unti-unting nawala. Tumango siya, pero hindi ako makatingin sa mga mata niya. Hindi ko alam kung pagkabigo ba ‘yon o galit. "Well, ikaw ang nirequest sa akin. Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Decision mo yan pero kung kailangan mo ng pera, I think open pa din yang offer na yan" ani nito sa akin saka tinignan ako ng kakaibang tingin. "Pasensya na po talaga" hingi ng paumanhin ko sa kanya “Alright,” aniya. “Kung ’yan ang gusto mo, pwede ka ng umalis.” Tumayo ako, agad na lumabas. ---- Makalipas ang isang oras, naglalakad ako sa VIP section ng lounge, dala ang tray ng alak, sinusubukang itago ang nanlalamig kong kamay. Wala si Mia, at marami ngayong guest sa lounge. “Dito,” tawag ng isang lalaking naka-black suit, may hawak na cigar. Malaki ang katawan. May kasamang dalawa pang lalaki. Tumango ako at lumapit, iniabot ang alak. “Maganda ka,” ani ng isa, halos nakadikit sa akin. “Anong pangalan mo, sweetheart?” bulong ng isa pa, ang hininga niya amoy alak at yosi. “Nagse-serve lang po ako,” mahina kong sagot. Pero hindi nila ako pinakawalan. Isa sa kanila ay humawak sa braso ko. Mahigpit. “Sandali lang, ‘wag kang umalis agad.” “Bitawan n’yo po ako,” pabulong kong sabi, pilit kumakawala. Ngunit ang isa pa ay pumwesto sa likuran ko. “Sayaw ka muna sa’min. Di ba ‘yon ang trabaho mo rito?” Lumingon ako. Wala si sir Janus. Walang guard. Ang VIP area ay masyadong malayo sa main floor. Na-trap ako. “Tumigil kayo,” mas mariin ko nang sabi. Napaatras ako pero sinundan nila ako, hanggang sa maramdaman kong may sumandal sa akin mula sa likod—isang palad sa balakang ko. “Miss kapag sinabi namin na sumayaw ka, sumayaw ka. Gusto mo bang iparating namin ito sa manager na ang kanilang employee ay hindi effective? Hindi man lang kami pasayahin” nakangising wika ng isa sa kanila Napapikit ako sa takot. At doon—isang tinig, malamig, malalim, mapanganib: “Get your hands off her.” Tumigil ang lahat. Pagbukas ng mata ko, naroon siya. Cayden Deveraux. Nakatayo sa gilid, nakasuot ng itim na coat, ang mga mata'y para bang nagliliyab sa galit. May kasa-kasama siyang mga security. Isang sulyap lang niya ang nagpakalma sa paligid. Ang mga lalaki, agad na umatras, napayuko. “W-we didn’t mean anything, Mr. Deveraux —” bulalas ng lalaking nakahawak sa akin na tila natatakot at kaagad akong binitawan Mr. Deveraux walked forward, his voice calm but laced with steel. Nasa likod niya lang ang kanyang mga security at nanonood sa susunod niyang gagawin. “Touch her again, and I’ll make sure you never touch anything ever again.” Tahimik. Parang huminto ang mundo. Lumapit siya sa akin, at tinanggal ang tray sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, pero hindi ko magawang magsalita. “Come,” tipid niyang wika sa akin. “You're not safe here.” wala akong sinayang na oras at mabilis na sumama sa kanya. Nang maka-alis kami doon ay huminto ako at napahinto din siya sa paglalakad. "M-maraming salamat po kanina sir. Hanggang dito na lang po ako" nahihiya kong wika sa kanya. "You're coming with me" hindi niya hinintay ang sasabihin ko pa. Hinawakan niya ang braso ko at kinaladkad. --- Hindi ko alam pero kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwang nang makita ko siya at inilayo niya ako sa mga lalaking bastos kanina. Pero ngayon ay kinakaladkad naman ako patungo sa kung saan. "Sir Deveraux, maaari niyo na po akong bitawan" ngunit hindi siya nakinig sa akin at hinila pa din ako papasok sa palagi niyang pwesto. Sa VIP room 1. Napalunok ako saka binalut ng matinding kaba nang luwagan niya ang kanyang necktie. Para siyang galit. "Lumabas muna kayo" mariin niyang wika sa kanyang dalawang security na sumunod papasok sa loob. Naalarma ako bigla nang bigla siyang lumapit sa akin. Dahan-dahan naman akong umatras hanggang sa macorner niya ako sa pader. Natatakot akong tumingin sa kanya at agad akong napahawak sa kanyang balikat upang itulak dahil sa paghawi niya sa aking balakang papalapit sa kanya ngunit parang wala lang iyon bagkus ay mas inilapit pa ako sa kanya kaya naman ang mukha ko ay malapit na malapit sa kanyang leeg at amoy na amoy ko ang kanyang mabangong amoy. "S-sir anong ginagawa mo?" "I'll change the offer. From ten thousand, I'll make it 100 thousand"Veronica's POVIlang linggo din ang lumipas at miss na miss ko na si Allen. Hindi ko kasi siya nasundan nitong mga nagdaang araw dahil busy kami sa nalalapit naming graduation. Napangiti ako nang maalala ko na birthday pala ngayon ni Allen. Mabilis kong nilabas ang aking cellphone saka tinawagan si kuya Fordy."Ano na naman ba?" Nababagot niyang tanong sa kabilang linya."Saan kayo ngayon? Magcecelebrate ba si Allen ng birthday niya?" Tanong ko din pabalik sa kanya."What? Wag ka na pumunta dito, Vivi. Masasaktan ka lang sa makikita mo." Walang buhay niyang wika sa akin. Napakunot naman ako ng noo sa kanyang sinabi."Why? What happened? Nasaan kayo ngayon, pupuntahan ko kayo?" Tarantang wika ko saka mabilis na naghanda para umalis."Wag mo na nga kaming puntahan. Vivi naman eh. Ang kulit mo." Naaasar niyang wika sa akin na tila hindi na natutuwa sa kakulitan ko. Something is wrong. Parang ayaw niya akong pumunta doon. "May dapat ba akong hindi makita?" Tanong ko sa kanya. Kinuha ko n
Veronica's POV "Kainis." Natawa kaming dalawa ni Mang Erning dahil mabilis siyang naubusan ng bala. Ako naman ay excited kong kinuha ang lima pang token na binigay nila sa akin kanina at saka mabilis na nilagyan ang katabi nilang dalawa. Natutuwa ako dahil kahit kailan ay hindi ko pa nasubukang maglaro sa mga ganitong lugar. Pero ang tuwang nararamdaman ko ay inis dahil mabilis na nauubos ang bala ko. "Ang kunat naman." Mahina kong wika. Tumawa lang si Mang Erning na nasa aking tabi. May mga naiinis din sa kabila na naglalaro dahil parang ang lalakas ng pindut sa mga buton. Inis akong dumukot ng isa pang token pero wala na pala. Tinignan ko sila Jero na naglalaro pa din at may mga nahuhulog-hulog pa silang token sa ibaba nila. "Eto Ma'am, maglaro ka pa." Nakangiting wika niya sa akin sabay bigay ng napanalunan niya. Umiling ako saka tinanggihan iyon. "Can you buy me some tokens? I want to experience any games here." Excited kong wika sa kanya. Ngumiti naman siya pabalik sa aki
Veronica's POVHumahangos ako ngayong tinungo ang hospital kung saan nandun si Allen. Nabalitaan ko kasing pumalya ang sinasakyan nilang private jet ni kuya Cayden. Tinawagan ko muna si kuya Fordy kung saan ang room ngayon ni Allen."Don't bother coming here, Vivi. Hindi ka lang din dito welcome." Parang may tumarak sa aking dibdib sa sinabi ni kuya Fordy sa kabilang linya pero mas nangibabaw sa akin ang pag-aalala kay Allen. Baka malaki ang tinamo niyang sugat. Wala akong pake-alam kahit ipagtabuyan na naman ako ni Allen, ang mahalaga ay makita kong nasa maayos siyang kalagayan."Just say what room, kuya. Please." Pagmamaka-awa ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya sa kabilang linya saka sinabi kung saang room sila."PR05, just keep in your mind I have warned you." Pinatay ko agad ang tawag saka mabilis na tinungo ko ang room na sinabi ni kuya Fordy. Umabsent pa talaga ako ngayon sa aking klase dahil sa nabalitaan ko.Pagdating namin doon sa tapat nang pinto ay sumalubong agad sa amin
Blurb:I was sixteen when he saved me.I still remember the cold water swallowing me whole, the panic clawing through my chest as I tried to scream. I thought I was going to die that afternoon—until strong arms pulled me back to the surface. That was the first time I saw Allen Santiago. The man who became my first love… and my deepest heartbreak.Since then, my world revolved around him. I followed him everywhere—his company events, his success stories, even the smallest glimpse of his smile in newspapers. I waited for the day he’d finally notice me, not as a foolish girl, but as the woman who loved him beyond reason.I didn’t care what people said—that I was too young, too naïve, too desperate. They didn’t know what it felt like to be saved by someone and to carry that moment like a promise for years.I told myself I would marry him one day. I even promised it to him. But Allen never promised me anything in return.Still, I waited. I smiled when he ignored me. I endured when he pushed
Seraphina's POVLimang buwan na ang nakalipas matapos ang aming kasal. Oo tama. Pinakasalan nga niya ako agad sa lalong madaling panahon at sa awa ng Diyos, namuhay kaming tahimik. Wala na ding mga gulo. Nabalitaan ko din ang nangyari kay Eunice. May sakit pala siya sa utak gaya lang din ni Camille. Ngayon lang din namin nabalitaan na blood related pala sila at nasa dugo nila ang sakit na ganun.Akala ko lupus lang ang sakit ni Eunice, may iba pa pala siyang sakit. Nakaka-awa naman siya. "Anong ginagawa mo dito? Ang aga mo naman yatang umuwi." tanong ko agad pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Cayden sa pinto. Ang aga kasi niyang umuwi samantalang malayo pa ang alas singko na uwian nila. Alas diyes pa lang ng umaga kaya naman nakakapagtaka. Kung hindi pa nagtext sa akin si Allen na bigla na lang siyang umalis kahit na nasa meeting pa lang, ay hindi ko na malalaman na umuwi pala ito."Wife, wag ka namang magalit dyan. Para kang mangangain eh. Saka ganyan na ba talaga ang galit mo sa a
Ivy's POVNakangiti kaming lahat habang nanonood kay Cayden na pinagpapawisan at hindi alam kung ano ang gagawin. Halatang kinakabahan sa gagawin niyang proposal kay Seraphina."Wag kang kabahan, ano ka ba." sita ko sa kanya. Nilapitan ko siya para kausapin dahil walang kumakausap sa kanya. Puros busy kasi ang iba para sa paghahanda. Tumingin siya sa akin saka tumango. Napatingin naman ako kay Clifford nang lumapit din ito saka humawak sa akin kamay. Tumango lang ako sa kanya para paalalahanan siya na okay lang. Ngumiti naman siya pero hindi pa din binitawan ang aking kamay."Sa wakas insan may nakatunaw din sa yelo mong puso." biro ni Clifford sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ng kanyang pinsan. Gulat kami ni Clifford dahil ngayon lang namin siya nakitang tumawa ng malapitan. Ni kahit minsan ay hindi ko pa nakita na tumawa siya kahit minsan. I'm glad na si Seraphina ang kanyang nakatuluyan. "Hindi pa ba siya gising?" tanong ulit ni Cayden kay Fordy na pabalik dito mula sa kusina







