Share

Chapter 5

Author: Celeste Voss
last update Huling Na-update: 2025-06-29 09:16:36

Mga Sugat na Hindi Nakikita

Seraphina’s POV

Nanginginig ang kamay ko habang hawak pa rin ang envelope. Pumasok ako sa emergency room na parang lumulutang—tulad ng pakiramdam ko nung una kong tinanggap ang trabaho sa bar. Parang wala akong sariling katawan.

Nakita ko agad si Tita, nakaupo sa gilid ng kama habang pinupunasan ang pawisang noo ni Elara. Nakakabit na ang dextrose, at may benda sa braso ng kapatid ko—doon siguro siya tinurukan.

“Ay, salamat sa Diyos at nandito ka na,” halos maluha-luhang bulong ni Tita. “Buti na lang at kasya pa ang perang dala ko pambayad agad sa paunang laboratory…”

“Pasensya ka na po tita hah, nadamay ko pa kayo, hayaan niyo babayaran ko din kayo agad” mahinang wika ko saka nilabas ang envelope na naglalamang pera. Kaagad naman niya akong pinigilan.

“Hindi na anak, tulong ko naman sa inyong magkapatid. Hindi ko naman iyon sinisingil. Saan ka pala kumuha ng ganyang kalaking pera?” nagtataka niyang tanong sa akin

Hindi ko kayang sabihin kung saan galing ang pera. Kahit gustuhin ko, parang may bara sa lalamunan ko. Napatingin ako kay Elara—maputla, nanlalambot, pero buhay.

Diyos ko, salamat. 

“May tumulong po,” maikli kong sagot.

Hindi na siya nag-usisa pa. Pero alam ko—nararamdaman kong alam niyang may hindi tama. Hindi lang niya masabi.

Umupo ako sa tabi ni Elara, hinawakan ang kanyang malamig na kamay. Wala pa siyang malay. Habang tinititigan ko siya, parang dumadagundong ang tanong sa isip ko:

Worth it ba?

Bumalik sa alaala ko ang hininga ni Cayden sa leeg ko. Ang tinig niya. Ang paraan ng pagkakahawak niya sa baywang ko—parang pag-aari niya ako. Hindi ko pa nga siya sinayawan, pero parang wala na akong kontrol sa sarili ko. Kahit mismong katawan ko, nilinlang ako—dahil kahit takot ako, may isang bahagi sa akin na… na curious. Na nadarang.

Seraphina, anong ginagawa mo sa sarili mo?

------

Cayden’s POV

The city lights blurred outside the room’s window as I leaned back in my seat, replaying the last few minutes in my head like a curse on repeat.

Her breath. Her trembling fingers. The way her voice cracked when she said, “Parang awa niyo na po…”

Damn it.

I gritted my teeth, running a hand through my hair.

I didn’t mean to touch her. Not like that. I just—lost control.

Why her?

I’ve seen women beg to dance for me. Seen them undress their dignity for less than half of what I offered her. But she… she looked at me like I wasn’t supposed to have her. Like I had no right.

And it drove me insane.

“You know, I did exactly what you told me. Tinawaran ko siya ng ten thousand. Sexy dance lang. No touching. Straightforward offer. And yet—tinanggihan ang offer mo," Janus said while smirking. I just looked at him blankly.

“I didn’t ask for your commentary,” I said in a cold tone.

“Oh, but you want my execution, right? Kasi kung ako ang tatanungin mo, bro, you’re not just playing anymore. You’re… hunting.”

“She needs the money,” I replied.

“She needed it, and still said no. That girl’s got spine. And you? You’re slipping,” Janus said in a serious tone.

“I wanted her to choose.”

“No, you wanted her cornered. Admit it. You sent me, like a damn emissary, thinking she’d fold for ten grand. Pero anong nangyari? She walked.”

I looked at him dangerously. "How the fuck did I corner her? I just opened a way to help her."

“Until last night,” I said in a low voice and closed my eyes because of the lust I still felt when I remembered her neck.

“Ah. So she finally said yes?” hindi makapaniwala niyang wika sa akin.

“She said yes. Then begged me to stop.”

“You lost control, didn’t you? After all she's pretty and sexy. But I didn’t know that a ruthless billionaire Cayden Deveraux will have an interest in a girl younger than him for fucking seven years. I know how this ends when you get obsessed.” Sabay tagay ng brandy. “And let’s be honest... you’re not after the dance.”

I leaned forward and tapped the screen in front of me. The footage from VIP Room 1 played. Her eyes, those damned pleading eyes, stared back at me. I paused it there.

She thinks I’m the villain. She’s not wrong. But she has no idea what she’s started.

I picked up my phone.

-------

Seraphina’s POV

Nag-ring ang cellphone ko kinabukasan habang binabantayan ko pa rin si Elara. Number na hindi ko kilala.

Hindi ko agad sinagot, pero ilang segundo lang, may dumating na text.

“Your debt isn’t paid. I want my dance. Tomorrow. Same place.” —C.D.

Nanlamig ako. Hindi ko siya nireplyan. Tumingin ako sa aking kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa din nagigising. Umuwi na din si Tita upang siya ay makapagpahinga. Ako naman ay naiwan upang bantayan ang aking kapatid.

"Ate," napatingin ako sa aking kapatid na nanghihina pa din.

"Gising ka na pala, Elara. Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya.

"Medyo okay na, Ate. Wala na yung sakit. Pasensya ka na, Ate." Agad ko siyang dinaluhan at pinunasan ang luha niya. Umiiyak siya habang nanghihina.

"Shhh, wala kang kasalanan. Hindi mo 'yan ginusto kaya magpagaling ka ha? Magpalakas ka. Pasensya ka na, hindi kita tuloy-tuloy na napapacheck up," naiiyak ko ding wika saka hinawakan ang kanyang pisngi.

"Maraming salamat, Ate." Niyakap ko siya ng marahan.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Chained by the Billionaire   Chapter 99

    Kumain lang ako nang kumain hanggang sa maamoy ko ang sinigang na baboy. Mainit pa ang sabaw, humahalo sa hangin ang maasim na halimuyak nito na tila ba yumayakap sa akin mula ulo hanggang paa. Sa bawat singhot ko ay parang gumagaan ang dibdib ko, kahit papaano. Mas lalo akong natakam at pansamantalang nakalimutan ang sakit na kanina pa nakabigkis sa puso ko dahil kina Cayden at Eunice.Sa loob ng kusina, naririnig ko ang bahagyang paglalagaslas ng tubig mula sa gripo, kaluskos ng mga kubyertos, at mahihinang tawanan ng mga kasambahay na para bang walang mabigat na problema sa mundo. Naiinggit ako—dahil sa gitna ng kaguluhan ng emosyon ko, sila ay may sandaling normal na ligaya.Ilang minuto pa ng paghihintay, at tuluyan nang naluto ang gusto kong kainin. Mainit pa ang usok na pumapailanlang mula sa mangkok habang inihahain ko ito sa mesa. Magana akong kumain kahit na mag-isa lang ako sa hapag. Ang bawat subo, parang pilit kong isinasaksak sa tiyan para punuan ang puwang sa dibdib ko.

  • Chained by the Billionaire   Chapter 98

    Tahimik akong lumabas ng clinic kasama ang mayordoma at ang bodyguard na sumundo sa amin. Hawak ko pa rin ang sobre ng test result—parang mabigat itong bato sa kamay ko.Pagliko namin sa main lobby, biglang bumagal ang hakbang ng bodyguard. Sinundan ko ang direksyon ng tingin niya—at doon ko sila nakita.Si Cayden.Kasama niya si Eunice.Magkalapit silang naglalakad, nakadikit ang kamay ng babae sa braso niya, at may mga ngiting para bang sila lang ang tao sa buong lugar. Dumiretso sila patungo sa isang private room, hindi man lang tumitingin sa paligid.Ramdam ko ang paghigpit ng dibdib ko, pero nanatili akong nakatayo, nakapako ang tingin sa kanilang dalawa.“Ma’am…” maingat na tawag ng mayordoma, pero halata ang pagbabago sa tono niya—may halong pagkadismaya at pagkabigo. Hindi niya inasahan na ganito ang makikita niya, lalo na pagkatapos ng nangyari ngayong araw.Tahimik lang ang bodyguard, pero kita ko ang paraan ng pagkuyom niya ng panga, para bang pinipigilan ang anumang reaksy

  • Chained by the Billionaire   Chapter 97

    Ngumiti ako nang bahagya at umupo sa mahabang mesa. Matamlay akong kumain, habang nakatayo ang apat na kasambahay sa gilid, pinapanood lang ako.“Pwede bang samahan niyo ako kumain?” tanong ko, may halong lungkot.Nagkatinginan sila, saka sabay-sabay na umiling.“Hindi po pwede, ma’am. Hindi dapat kasabay ang amo,” paliwanag ng mayordoma.“Pero ako naman ang nag-request. Kaya samahan niyo na ako. Ang lungkot kasi,” pilit kong sabi, may bahagyang pakiusap sa boses.Umiling pa rin sila, pero kalaunan ay napapayag ko rin. Kahit saglit lang, nagkaroon ako ng kasabay sa pagkain.Pagkatapos kumain, umakyat na ako sa kwarto. Ganun pa rin—nakaupo si Cayden, nakatutok sa laptop.May biglang tumunog na cellphone niya. Kinuha niya iyon at dumiretso sa veranda, nilalampasan lang ako na parang wala ako sa kwarto.Hindi ko napigilang lumapit nang palihim, pinapakinggan ang boses niya habang sinisigurado kong hindi niya ako mapapansin.“What is it this time, Eunice?” malamig niyang tanong sa kabilan

  • Chained by the Billionaire   Chapter 96

    May bahagyang gumalaw sa kaliwa ko—isa sa mga senior managers na kanina pa pilit pinapakalma ang sarili. Namumutla siya, at halata sa mahigpit na pagkakahawak sa folder na nanginginig ang kamay niya. Para bang bawat segundo na lumilipas, mas lalong bumibigat ang hangin sa conference room.“Five million pesos worth of contracts were lost because you missed the deadline,” patuloy ni Sir Cayden, mabagal at malinaw ang bawat salita, pero ramdam ang bigat at latay. “And you expect me to smile? You expect me to understand? This company is built on precision, discipline, and fearlessness—three things you obviously don’t have.”Sa bawat salita niya, para bang pumapalo ang isang malamig na martilyo sa mesa—hindi maingay, pero matindi ang tama. Wala siyang itinaas na boses, pero mas nakakatakot iyon kaysa sa sigawan.Alam kong sanay na siya sa ganitong eksena, at sanay na rin kami sa ganitong klaseng meeting, pero ngayong araw… may kakaiba. Parang may bigat na lampas sa trabaho ang dala niya. N

  • Chained by the Billionaire   Chapter 95

    Tahimik ang ibang katulong habang patuloy sa pag-a-unpack, pero alam kong nakikinig sila. Maging ang mahinang kaluskos ng mga plato sa lababo at mga kahon na inaayos ay parang musika na lang sa background habang naglalabas ng sikreto ang mayordoma.“Pero… totoo bang nangaliwa si Eunice?” tanong ko, halos pabulong pero sapat para mabaling ang tingin ng tatlo pang kasambahay sa amin.Tumango ang mayordoma, mabigat ang ekspresyon. “Oo, ma’am. Hindi lang kasi pinublic ni Sir Cayden kaya walang nakakaalam. Pero itong isang kaibigan ni Sir Cayden—yung doktor, si Sir Dylan—siya ang unang naging kabit ni Ma’am Eunice.”Natigilan kaming lahat. “K-kay Dylan? Yung mismong kaibigan niya?” tanong ng isa sa mga katulong, nakakunot ang noo na parang hindi matanggap ang narinig.“Oo,” patuloy ng mayordoma, “hindi naman alam ni Sir Dylan na girlfriend siya ni Sir Cayden noon. Ayaw rin ni Ma’am Catherine na malaman ng publiko na si Eunice ang girlfriend ng anak niya kasi hindi siya boto. Kaya nang i

  • Chained by the Billionaire   Chapter 94

    Kinabukasan, mabigat at nananakit ang bawat kalamnan ko—parang ang buong katawan ko ay may iniwang marka ng kagabi. Mahina kong iminulat ang mga mata ko at sinalubong ako ng malamig na hangin mula sa aircon, wala na si Cayden sa tabi ko. Parang biglang may kumalam na lungkot sa dibdib ko, at kasabay nito ang hapdi mula sa aking pagkababae na nagpapaalala sa akin ng lahat ng nangyari.Napalingon ako sa wall clock—ala-una na ng tanghali. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na gulat akong umupo sa kama, ramdam ang panlalamig ng pawis sa batok ko, at kinuha ang cellphone ko sa mesa. Pagbukas ko, iisang mensahe lang ang bumungad sa screen:"Hello wife, don't forget to eat your meal. Just rest the whole day."Parang naririnig ko pa ang boses niya habang binabasa ko iyon—yung malamig pero may bahid ng pagmamay-ari. Hindi ko siya nireplyan. Hindi dahil wala akong gustong sabihin, kundi dahil alam kong anumang salita ang ibalik ko, may kakabit na emosyon na baka ayokong ipakita sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status