Chapter 19.1
Hawak hawak ang aking telepono, masaya kong ibinalita kina Isla at Beau na makakapag aral na akong muli.
“Sa Manila ka ba sissybells?” tanong ni Isla. Tumango naman ako bilang sagot dito. Naka facetime kaming tatlo nina Isla at Beau dahil pare-parehas namang mansanas ang aming mga telepono.
“Hala! Sana ol!” aniya. Si Beau naman ay tahimik lang na nakatingin dahil kumakain ito. Dahil hapon na ay pauwi na silang dalawa galing sa kani-kanilang mga klase. Nakita ko sa background ni Beau ang mga waiter na dumaraan sa kaniyang likuran. Si Isla naman ay medyo natahimik dahil ito ay patakbong tumatawid.
“Si Beau, yayamanin. Tamang kain lang sa Restaurant oh,” pang-aasar ko. Kunot noo naman itong tumingin sa ka
As I promised babies, here's the update! Happy reading! - Author, LP <3
“How’s your day?” tanong nito nang makapasok na ako. Inayos ko muna ang aking mga gamit at ang mango shake na hawak ko bago ko sagutin ang tanong niya, “It’s so tiring!” pagod na pagod na sabi ko at nag unat unat pa ako.“Oh, my baby is tired,” malambing na sabi niya na ikinapula ng aking mukha. Sanggol na naman ako. “Shut up! Just drive, ok?” mahina naman itong tumawa. “Ok Ma’am,” bulong nito.Hindi naman na ako kumibo at pinabayaan na lang siya sa kaniyang ginagawa. “Do you want to eat?” tanong niya sa akin.Hindi naman na ako nag dalawang isip pa at tumango na ako sa kaniya. “Yes please, I’m already starving,” mahinang sagot ko. Narinig ko naman an
Chapter 20.1Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, ang akala ko ay bibilhan niya ako ng Jollibee. Oo binilhan niya ako pero hindi ko naman ineexpect na isang branch ang bibilhin niya! Ang akala ko ay pagkain lang. Jusko may ari na ako ng Jollibee ngayon.“Diba? Para pag gusto mo ng Jobee ay hindi mo na kailangan pumila nang napaka haba, pwedeng pwede ka ng dumiretso sa kitchen at kumuha ng gusto mo!” sabi nito habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.Hindi naman ako kumibo at hinigpitan ang hawak sa supot na naglalaman ng isang bucket na chicken at iba pang binili sa akin ni Laurence.“Sa friday ang balik mo?” tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.&nb
Napahawak naman ito sa kaniyang balikat na kinagat ko nang humiwalay ako sa kaniya. Tumayo ako nang tuwid at inayos ang aking damit. Hindi pa rin nawawala ang aking ngisi sa labi habang nakatingin sa kaniya na ngayon ay nakatingin sa loob ng kaniyang damit para tignan kung nag kasugat ba ang kaniyang balikat. “Wag kang mag aalala, hindi ko naman masyadong binaon,” natatawang sabi ko. Nakanguso naman itong tumingin sa akin na kala mo ay ilang sandali na lang ay iiyak na. “Anong hindi!?” may tampo sa kaniyang tinig. Muli ko namang kinagat ang aking labi dahil baka mas lalong mag tampo kung makikita niya na tumatawa ako. “Eh ikaw nauna eh!” katwiran ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng ka
Chapter 21 Nakahiga ako ngayon at patuloy sa pag iisip do’n sa nangyari kanina. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko, kung si Laurence ba o si Ms. Rhaya. Marami ang nakakakita na madalas pumunta si Ms. Rhaya sa Opisina ni Laurence. Naalala kong sabi sa akin ni Crystal. Hindi imposible na may namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko, pabago bago ako nang nararamdaman. No’ng nakaraan lang ay nagpaubaya na ako at pinabayaan ko na na ang damdamin ko ang magpasya, ngunit ngayon… nag dadalawang isip na naman ako. Nahihiya naman akong maag tanong kay Laurence kung anong totoo dahil paano kung totoo ang sinasabi nila at baka mag mukha pa akong kahiya-hiya sa harapan ni Laurence.
CHAPTER 22 Nilibot ko ang aking mata sa kabuuan ng kaniyang condo unit, malaki ito kumpara sa natural na condo unit. Malaya kang makakagalaw rito. Sa pagpasok ay meron rin sa gilid na pinto para sa banyo at katapat naman ng pinto ay may isang malaking salamin. Pag diretso naman ng aking tingin ay merong isang mahabang sofa at katapat no’n ay ang flat screen tv. Pag liko naman ay may maliit na Island counter akong nakita at sa gilid naman nito ay mayroong maliit na kitchen at sa harap naman nito ay dalawang pinto kung saan naroon ang kwarto. “Gutom ka na?” tanong nito habang tinatanggal ang sapatos na kaniyang suot. Ngumiti naman ako sa kaniya at umiling. “Ikaw ba?” balik na tanong ko sa kaniya. Pinagmasdan ko naman siya habang dahan-dahan siyang napahawak sa kaniyang batok
CHAPTER 23 Maaga akong nagising ngayon kaya agad akong bumangon at nag ayos ng aking sarili pagkatapos ay agad akong dumiretso sa kusina para mag handa ng agahan. Kunot ang aking noo habang umiikot dito sa kaniyang kusina. Last na ba ‘yong niluto ko kagabi? Muli kong tinignan ang mga stock niya sa ref at wala na nga talaga, siguro nga ay last na ‘yong kagabi na niluto ko. Napabuntong hininga naman ako at tinignan ang kaniyang cupboard at gano’n na lang ang aking pag ngisi nang makita ko ang stock niya ng coco crunch. Punong-puno ng cereal ang isang cabinet na ito, at tiyak na hindi siya mauubusan ng stock ng coco crunch. Dahil ‘yon lang ang nakita ko ay ‘yon na lang ang aking inihain. Kumuha ako ng dalawang cereal bowl at naglagay rin ako ng gatas bago ko inilagay ang cereal. Na
CHAPTER 24 Napatagilid ang aking mukha dahil sa lakas ng kaniyang sampal sa aking kaliwang pisngi. “Oh My God Aicelle! He’s your boss! Baka nakakalimutan mo? Pwedeng pwede kitang ipatanggal dyan sa trabaho mo!” sigaw niya sa akin at ang kaniyang boses lang ang nag eecho sa buong hallway nitong floor na ito. Ipinikit ko na ang aking mata nang makita ko siya na hihilahin ang aking buhok. Ayoko nang lumaban pa dahil alam ko namang ako ang may mali. Ilang segundo pa bago tuluyang maabot ni Ms. Rhaya ang aking buhok ay naramdaman ko na may humatak sa aking braso at ikinulong niya ako sa kaniyang bisig. “What the heck are you doing here in my condo, huh!?” galit na sigaw ni Laurence sa kaniya. Tumingin naman ako kay M
CHAPTER 25 Ilang minuto ang lumipas ay nakayuko lang siya sa aking harap at hindi kumikibo kaya napagpasyahan ko nang ayusin ang mga bagay na nakakalat sa lapag. Mga karton ng laruan at iba pa. Nang matapos ko itong niligpit ay muli akong nagtungo sa kinaroroonan ni Laurence. Nakayuko pa rin ito habang nakasandal sa sofa. “Laurence, kailangan ko nang umalis.” Hindi naman ito kumibo o inangat man ang kaniyang paningin. “Laurence,” muling tawag ko sa kaniya. Sa pagkakataon naman na ito ay inangat na niya ang kaniyang tingin. “S-stay,” mahinang sabi nito na halos bulong na lang ngunit narinig ko pa rin ito kahit gaano pa ito kahina. Napayuko naman ako dahil hindi ko alam kung ano ang aking gagawin sa hinihiling niya. Hindi pwede, hindi ligtas kung mananatili ako ngayon dahil magkakasakitan kaming dalawa… hindi pisikal ngunit masasak