MasukHindi dinalaw ng antok si Celine nang gabing iyon.
Pagulog-gulong siya sa malambot na kama ng guest room, nakatitig sa kisame habang tumatagos ang mga ilaw ng Makati sa siwang ng kurtina. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang imahe ni Jaxson De Silva kanina, ang mga mata niyang nanlalamig, ang matalas na panga, at ang tingin na punong-puno ng poot.
Bakit siya bumalik?
Bakit ngayon pa?
At bakit kailangan niyang maging abogado ko?
Alas-tres na ng madaling araw nang makatulog siya, pero parang ilang kurap lang ang lumipas, tumunog na agad ang alarm niya.
6:00 AM.
Bangungot man ang gising, kailangan niyang bumangon. Wala siyang karapatang magmukmok dahil sa nakaraan. Kailangan nya muna maging isang ina, bago maging isang babaeng muling dinudurog ng pag-ibig.
Kinaladkad ni Celine ang sarili papasok ng banyo. Sa harap ng salamin, napabuntong-hininga siya. Kahit sa malamlam na ilaw, nangingibabaw ang kulay ng mga pasa sa mukha niya. Ang lila sa pisngi niya ay nangingitim na, at ang hiwa sa labi ay namamaga pa rin.
Gugugol siya ng kalahating oras para patungan ito ng makapal na concealer at foundation, pilit na binubura ang ebidensya ng impyernong kasal nila ni Rico. Pagkatapos, nagsuot siya ng oversized sunglasses at bucket hat.
Mukha siyang katawa-tawa, parang artistang nagpipilit magtago, pero mas gugustuhin na niya ito kaysa makita ng anak niya ang katotohanan.
Pumasok siya sa kwarto at dahan-dahang ginising ang bata.
"Baby... wake up na. Time for school."
Kinuskos ni Clara ang inaantok pang mga mata at humikab nang malaki. Pero pagkakita niya kay Celine, agad kumunot ang noo ng bata.
"Mommy? Why are you wearing shades inside the house? And a hat?" takang tanong nito habang nakatagilid ang ulo. "Diba po pag sa labas lang 'yan?"
Napalunok si Celine. Iba talaga ang talas ng mga bata.
"Ah... kasi baby, nagpa-facial treatment si Mommy yesterday. Sabi ni Doctora, bawal daw maarawan at mahanginan ang face ko para gumaling agad. Kaya kailangan nakatakip."
Isang marupok na kasinungalingan, pero dahil busilak ang puso ni Clara, naniwala ito agad.
Thank God. Habang nagwawala si Rico kagabi, mahimbing na natutulog si Clara. Nangako si Celine sa sarili na proprotektahan niya ang kainosentehan ng anak, at all costs. Hinding-hindi nito malalaman kung gaano kademonyo ang tatay-tatayan nito.
"Mommy, you don't need treatment naman eh," malambing na sabi ni Clara habang yumayakap sa leeg ni Celine. "You are already the prettiest Mommy in the world. Kahit walang cover 'yung face mo."
Naramdaman ni Celine ang pagkirot ng puso niya, kasabay ng init na humaplos dito.
Si Clara ang kanyang salbabida.
Noong mga panahong gusto na niyang sumuko, noong mga panahong gusto na niyang tumalon mula sa terrace ng mansyon dahil sa pang-aabuso, si Clara ang nagpapanatili sa kanyang mga paa sa lupa. Ito lang ang nag-iisang magandang bagay na ibinunga ng magulo niyang nakaraan.
"Thank you, baby," bulong ni Celine sabay halik sa tuktok ng ulo ng anak. "Ikaw din, you are the most beautiful girl for Mommy. O siya, bangon na. You don't want to be late for school, diba?"
"Okay!"
Mabilis silang nag-ayos. Matapos ang mabilisang almusal na inihanda ng katulong ni Sam, lumabas na sila ng unit para maghintay ng elevator.
"Mommy, excited ako! Teacher said may star stamp daw today pag good girl!" daldal ni Clara habang nilalaro ang isang maliit na rainbow bouncy ball.
"Talaga? Galingan mo ha- "
Natigil si Celine sa pagsasalita.
Bumukas ang pinto ng elevator.
At sa loob nito, nakatayo ang isang pamilyar na pigura.
Nanigas si Celine. Parang binuhusan siya ng sementong mabilis matuyo.
Si Jax.
Suot niya ang isang dark gray suit na sumisigaw ng karangyaan. Ang puting kwelyo ng polo niya ay lalong nagpatingkad sa moreno niyang balat. Nakatayo lang siya doon habang nakatingin sa phone, balot ng awtoridad na nagpasikip sa malawak na elevator.
Anong ginagawa niya dito?
Dito ba siya nakatira? Sa Rockwell?
Wait, hindi. Kahit high-end ang The Proscenium, medyo luma na ang building na ito kumpara sa mga bagong properties sa BGC. Sa estado ni Jax bilang Managing Partner ng isang international firm, sigurado siyang may penthouse ito sa mas bago at mas eksklusibong skyscraper. Baka may binisita lang siya?
Umangat ang tingin si Jax.
Nagtagpo ang mga mata nila. O mas tamang sabihin, ang malamig na tingin ni Jax ay tumama sa madilim na salamin ni Celine.
Wala siyang reaksyon. Tiningnan lang niya si Celine saglit, tapos ay ibinalik ang tingin sa harap, para bang hangin lang ang nakita niya.
"Mommy?" hinila ni Clara ang laylayan ng damit niya. "Are we going in?"
Nagising si Celine sa katotohanan. Gusto niyang tumakbo pabalik sa unit ni Sam, pero nag sasarado na ang pinto.
"Pasok... pasok tayo."
Hila-hila si Clara, pumasok si Celine sa loob.
Ang lawak ng elevator, pero siksik na siksik si Celine sa pinaka-dulong sulok, sa likod ni Jax. Sinadya niyang ipwesto ang sarili para harangan si Clara mula sa paningin nito. Ginawa niyang pananggalang ang sarili niyang katawan.
Ding.
Nagsara ang pinto.
Nakakabingi ang katahimikan. Ang tanging naririnig niya ay ang ugong ng makina at ang dagundong ng kaba sa dibdib niya.
Nakatitig siya sa likod ni Jax. Kahit nakatalikod, nakakatakot pa rin ang presensya nito. Malapad ang balikat. Tuwid ang tindig. Amoy na amoy niya ang pabango nito, Santal 33 na may halong mint, na pumuno sa kulob na espasyo. Ito rin ang amoy niya kahapon. Nakakahilo.
Bumababa ang elevator.
35... 34... 33...
Ang bagal. Sobrang bagal.
Pinipigilan ni Celine ang paghinga niya. Takot na takot siyang lumingon si Jax. Takot na takot siyang makita nito si Clara.
Si Clara na carbon copy nito. Ang mga mata, ang ilong, pati ang hugis ng mukha. Kung makikita ito ni Jax, hindi pwedeng hindi siya maghinala. At kapag nalaman niya... kapag nalaman niyang itinago ni Celine ang anak niya...
Hindi niya kayang isipin ang pwedeng mangyari.
Pero mukhang walang pakialam si Jax. Hindi ito gumagalaw. Para itong estatwa na walang pakialam sa paligid.
Syempre. Galit siya kay Celine. Bakit nga naman niya papansinin ang anak nito sa ibang lalaki? (O 'yun ang akala niya).
Nakakahinga na sana nang maluwag si Celine nang biglang...
Boogsh.
Nabitawan ni Clara ang hawak niyang rainbow bouncy ball.
Tumalbog ito sa sahig. Boing. Boing. Boing.
At gumulong ito papunta sa paanan ni Jax.
Huminto ang mundo ni Celine.
"Mommy! My rainbow ball!" sigaw ni Clara.
Patay.
"Hala, wait lang baby- " akmang dadamputin ni Celine, pero huli na ang lahat.
Sumilip si Clara mula sa likod ni Celine. Iniunat nito ang maliit na kamay, pilit na inaabot ang bola malapit sa makintab at mamahaling sapatos ni Jax.
Yumuko si Jax.
Nakita niya ang bola. Nakita niya ang maliit na kamay na pilit inaabot ito.
Dahan-dahan, dinampot ni Jax ang bola gamit ang malaki niyang palad.
Pinanood ni Celine ang eksena na parang naka-slow motion.
Inabot ni Jax ang bola pabalik. Inabot naman ni Clara ang kamay niya para kunin ito.
Nagdikit ang mga daliri nila.
Isang malaking kamay, at isang maliit na kamay.
Halos himatayin si Celine.
Ang hugis ng mga daliri... ang istruktura ng palad... parehong-pareho. Pati ang korte ng mga kuko nila ay magkatulad. Parang nananalamin, magkaiba lang ng laki.
Please, Jax. Don't look at her face. Please.
"Thank you po, Tito," Clara said with her sweetest, most charming smile, ang parehong ngiti na meron si Jax bago siya wasakin ni Celine noon.
Tinitigan ni Jax ang bata.
Sa isang iglap, nakita ni Celine ang pagdaan ng emosyon sa mga mata nito. Pagkalito? Pagkilala?
Pero mabilis itong nawala. Bumalik ang malamig niyang maskara. Tumango lang siya, moisang tipid at walang emosyon na tango.
"Welcome," bulong niya, halos hindi marinig.
Magsasalita pa sana si Clara, pero mabilis na hinila ni Celine ang anak pabalik sa likuran niya. Bahagya niyang tinakpan ang bibig nito.
Ding.
Ground Floor.
Tunog ng langit para kay Celine.
Bumukas ang pinto.
Nakatayo pa rin si Jax sa harap. Hindi siya gumalaw. Sa Basement Parking pa ang punta niya.
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Celine. Mahigpit niyang hinawakan si Clara at halos kaladkarin na ito palabas.
"Excuse me," kapos-hiningang bulong niya, dumampig pa ang braso niya sa braso ni Jax nang dumaan siya. Kahit ang dampi na 'yun ay naghatid ng kilabot sa buong katawan niya.
Tumakbo sila palabas ng lobby na parang may sunog.
Nang makalabas na sila ng building at makasakay sa nag-aabang na Grab car, doon lang nakahinga si Celine.
Sumandal siya sa upuan, nanginginig ang mga tuhod. Basang-basa ng pawis ang palad niya.
"Mommy?"
Tumingala si Clara, ang mga inosenteng mata ay puno ng pagtataka.
"Yes, baby?"
"Is that Tito a bad person?"
Natigilan si Celine. "Bakit mo naman natanong 'yan, anak?"
"Kasi po... you were blocking me inside the elevator. Tapos sobrang sweaty ng hands mo oh," tinuro ni Clara ang kamay ng ina. "You only sweat like that when you're scared."
Napapikit si Celine. Masyadong matalino ang anak niya. Masyadong nakakaramdam.
"No, baby," pilit na ngiti ni Celine, kahit na gusto na niyang umiyak. "Hindi siya bad person. Pero stranger siya. Diba sabi ni Mommy, we have to keep distance from strangers?"
"Opo... pero stranger lang naman siya. Why were you shaking?"
Niyakap ni Celine nang mahigpit ang anak, ibinaon ang mukha sa mabangong buhok nito para kumalma.
"Kasi... kasi ayokong ma-late ka. Traffic pa naman sa Edsa. Hurry, baka wala tayong star stamp niyan."
Doon lang nakuha ang atensyon ni Clara.
"Ayoko ma-late! I want my star!"
Habang busy ang anak sa pagtingin sa bintana, napatingin si Celine sa rearview mirror.
Nakita niya ang sariling repleksyon. Takot. Nanginginig.
Ang lapit ni Jax. Sobrang lapit
At kung akala niya na ang annulment lang ang poproblemahin niya, nagkakamali siya. Dahil sa pagkikita nila sa elevator kanina, alam ni Celine na nagsisimula pa lang ang tunay na gulo.
Pagkauwi galing sa school ni Clara, hindi na nag-aksaya ng panahon si Celine. Agad siyang sumabak sa paghahanap ng bagong abogado.Nakaupo siya sa sahig ng guest room ni Sam, napapalibutan ng mga calling cards at listahan ng mga law firms na nahanap niya sa Google. Nanginginig ang kanyang mga daliri habang dina-dial ang bawat numero.Pero isa-isa siyang binabagsakan ng telepono."Sorry, Mrs. Alcantara, but we have a conflict of interest.""Pasensya na po, puno ang schedule ni Attorney.""We don't handle cases against politicians."Napahilamos na lang si Celine sa mukha sa sobrang frustration.Naiintindihan naman niya. Si Rico Alcantara ay hindi lang basta Mayor; siya ay miyembro ng isang makapangyarihang political dynasty. Senador ang tatay nito, at malalim ang impluwensya nila sa lipunan ng Maynila. Walang abogadong gustong magpakamatay sa career nila para lang ipagtanggol ang isang "disgraced heiress" na walang pambayad at kalaban ang higante.May isang pangalan sa listahan
Tahimik na umandar ang itim na Mercedes-Benz G-Wagon palabas ng underground parking ng The Proscenium.Sa loob, mahigpit ang hawak ni Atty. Jaxson De Silva sa manibela. Namumuti ang mga buko ng kanyang mga daliri sa diin, isang matinding kontraste sa madilim na leather ng sasakyan. Mahigpit na nakatiim ang kanyang panga, habang naglalaban ang galit at pagkalito sa kanyang kalooban.Pagliko niya sa kanto ng Estrella Street, nakita niya ulit sila.Dalawang pigura na naglalakad sa ilalim ng lilim ng mga puno ng banaba. Isang malaki, at isang maliit. Magkahawak-kamay.Tumagos ang sikat ng araw sa mga dahon, na tila bang nilalagyan ng spotlight ang bata. Naka-pigtails ito, at may suot na cherry hair ties na kumikinang tuwing tinatamaan ng liwanag. Masaya itong tumatalon-talon habang naglalakad kasama ang kanyang ina, walang kamalay-malay sa mabigat na tingin na sumusunod sa kanya mula sa loob ng tinted na sasakyan.Biglang bumukas ang isang lumang kahon ng alaala sa utak ni Jax. Isang
Hindi dinalaw ng antok si Celine nang gabing iyon.Pagulog-gulong siya sa malambot na kama ng guest room, nakatitig sa kisame habang tumatagos ang mga ilaw ng Makati sa siwang ng kurtina. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang imahe ni Jaxson De Silva kanina, ang mga mata niyang nanlalamig, ang matalas na panga, at ang tingin na punong-puno ng poot.Bakit siya bumalik?Bakit ngayon pa?At bakit kailangan niyang maging abogado ko?Alas-tres na ng madaling araw nang makatulog siya, pero parang ilang kurap lang ang lumipas, tumunog na agad ang alarm niya.6:00 AM.Bangungot man ang gising, kailangan niyang bumangon. Wala siyang karapatang magmukmok dahil sa nakaraan. Kailangan nya muna maging isang ina, bago maging isang babaeng muling dinudurog ng pag-ibig.Kinaladkad ni Celine ang sarili papasok ng banyo. Sa harap ng salamin, napabuntong-hininga siya. Kahit sa malamlam na ilaw, nangingibabaw ang kulay ng mga pasa sa mukha niya. Ang lila sa pisngi niya ay nangingitim na, at a
Halos hindi maramdaman ni Celine ang mga binti niya nang lumabas siya ng Single Origin sa BGC.Parang hinigop ang lahat ng lakas sa katawan niya, iniiwan siyang manhid at halos hindi makatayong tuwid. Napakapit siya nang mahigpit sa railings ng bangketa para lang hindi siya tuluyang matumba. Ang maalinsangan na hangin ng Maynila ay nakakasakal, pero mas nakakapigil-hininga ang bigat ng mga alaala sa mga mata ni Jax.Sa loob ng anim na taon, pilit niyang ibinaon ang pangalang Jaxson De Silva sa pinaka sulok sulukan ng kanyang puso. Nilunod niya ang bawat alaala, ang halakhak nito, ang amoy nitong parang pinaghalong ulan at sabon, at ang paraan ng pagtingin nito sa kanya na para bang siya ang buong mundo nito.Akala niya, okay na siya.Akala niya, manhid na siya.Winasak niya ang puso nito noon dahil wala siyang pagpipilian. O 'yun ang pilit niyang sinasabi sa sarili niya. Pero nang makita niya si Jax ngayong araw, nang hindi inaasahan, habang nakasuot ng mamahaling suit at mukhang
Sabi nila, ang karma raw ay hindi magnanakaw; isa itong tapat na maniningil. At para kay Celine Villareal, ang paniningil ay dumating nang may kasamang interes.Anim na taon.Anim na taon na ang nakalilipas nang durugin niya ang puso ng isang Jaxson De Silva. Tandang-tanda pa niya ang eksena: ang ulan, ang usok ng sigarilyo, at ang mga salitang binitawan niya na parang patalim.“Let's stop wasting time. You were a fun project, Jax, pero tapos na ang charity work ko. I need a real man now, not a charity case.”Wala siyang naramdamang awa noon. Siya ang prinsesa ng Villareal empire, at si Jax ay isang hamak na pahina lang sa kanyang kwento. Sumama siya kay Rico Alcantara, ang lalaking akala niya'y kapantay ng kanyang estado.Pero ang ginto ay naging tingga. Ang palasyo ay naging bilangguan.Sa loob ng mansyon ng mga Alcantara, natutunan ni Celine ang tunay na kahulugan ng sakit. Hindi sa salita, kundi sa kamao. Ang kanyang imperyo ay gumuho, ang kanyang ama ay nalugmok, at ang kanyang d







