Share

Chapter 4

BUKOD sa three days suspension ay buong buwang cleaners sina Toni at Erica na ipinagpasalamat naman ng dalagita. Dahil para sa kanya ay hindi na mabigat na parusa iyon.

Samantala, galit na galit sa kanya ang nanay ni Erica dahil sa natamong sugat sa mukha nito. Abot langit ang kanyang ginawang pagpipigil kanina na huwag magsalita at ipaalam dito ang mga kalokohang ginawa ng anak nito sa kanya kung hindi lamang niya inaaalalang baka madagdagan pa ang kanyang parusa. Hinayaan na lamang niyang siya ang lumabas na masama at si Erica ang biktima. Isa ring ikinainis niya na wala rin siyang magawa ay ang paulit-ulit na paghingi ng kanyang nanay ng tawad kay Erica at sa mama nito.

“Sayang ang araw ko ngayon, Toni. Sana ito na ang una at huling ipatatawag ako sa school mo,” saad ng kanyang ina.

Subalit hindi siya sumagot dahilan upang lingunin siya nito. “Naririnig mo ba ako, anak?”

“Nay, nakadepende po ’yon sa babaeng ’yon kung ito na ang huli. Siya ang nagsimula. Hindi lang ako makapagpaliw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status