LOGINSi Antoniette Ramos ay isang dalagang mag-isa na lamang sa buhay. Nag-iisang anak lamang siya nina Criselda at Antonio. Subalit ang buhay ni Antoniette o mas kilala sa nickname na Toni ay hindi normal gaya ng sa ibang tao. Halos kasi kalahati ng buhay niya ay panay na lamang siya tumatakas o tumatakbo sa mga taong ginawan ng kanyang ama ng atraso. Upang tuluyang makalayo sa mula sa mga humahabol sa kanya ay nagdesisyon siyang manirahan sa isla ng Siquijor kung saan ni isa man ay walang nakakakilala sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na makikitang muli roon si Elton, ang lalaking sumagip sa kanya mula sa kapahamakan. Ang pagkakaibigan nilang dalawa ni Elton ay nauwi rin kalaunan sa pag-iibigan ngunit sabi nga nila, walang sekreto ang hindi nabubunyag. Isang araw ay biglang nagpakita ang ama ni Toni sa kanyang pinapasukang restaurant. Hindi na nag-aksaya pa ang kanyang ama ng oras. Kaagad nitong sinabi sa kanya ang totoong pagkatao ni Elton. Bagay na hindi agad pinaniwalaan ni Toni. Siya mismo ang humanap ng ibendensyang makapagpapatunay. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya ang kanyang litrato sa wallet nito. Hindi rin niya sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ni Elton at ng boss nito na si Franco. Doon ay tila siya binuhusan ng malamig na tubig. Ngunit, muli siyang nalagay sa alanganin at muli ay nailigtas siya ni Elton. Subalit, pagkatapos niyon, lumayo si Toni mula kay Elton dahil para sa dalaga ay hindi sila nababagay sa isa’t isa. Pinili niya ang mabuhay nang malayo kay Elton kahit sa paglipas ng mga araw ay lalong humirap para sa kanya ang hindi makasama si Elton. Sa huli ay hindi rin niya natiis ang desisyong layuan si Elton. Muli silang nagtagpo, sa pagkakataong iyon ay nagsama sila kasama ang magiging anak nila.
View MoreDINALA ni Elton si Toni sa isang mamahaling restaurant at mababakas ang pagkailang nito sa lugar. Pinigilan niya ang pagsupil ng kanyang ngiti. She looked cute for being conscious of what she was wearing in that place.“Ayos ka lang ba?” naitanong niya kahit alam na ang dahilan ng pagkabalisa nito.“H-hindi mo naman sinabing sa ganito pala kagarang lugar mo ako dadalhin saka kakayanin ba natin magbayad dito?” pagbibiro nito. Bahagya nasaktan ang ego niya sa sinabi ng dalaga pero dahil nagpapanggap siyang isang simpleng lalaki ay hindi siya maaring umapela. And he knew that Toni was just joking to ease her uneasiness right now.“Huwag kang mag-alala, hindi tayo maghuhugas ng pinggan dito,” he tapped her shoulder to make her comfortable.Subalit hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nito. “Puwede bang sa iba na lang tayo kumain? Nahihiya kasi ako sa suot ko.”He chuckled lightly. “Magkapareho lang naman tayong may suot na hindi angkop dito.” Natahimik siya sandali nang may naisip na iban
“QUAL è esattamente il tuo piano?” Franco suddenly asked Elton. Ibig sabihin sa tagalog ay kung ano ang kanyang pinaplano.They were both sitting on the verandah of his mansion. His mansion was on the top of the cliff, surrounded by the blue sea. Pinili talaga ni Elton ang lugar na iyon upang tayuan ng mansion dahil gusto niyang natatanaw ang malawak na karagatin at ang bayan. Maliit na bayan kung kanyang ituring. Ang mansion na iyon ay ngayon lamang niya napuntahan at nagamit. Kahit pa sabihing may tatlong taon na ang negosyong restaurant, bar at talyer niya sa isla ng Siquijor ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataong bisitahin iyon. Tanging si Franco lamang at ang tauhan nito ang nag-aasikaso niyon para sa kanya. “Mukhang nalilihis ka na sa orihinal na plano,” dugtong pa ni Franco sa sinabi. Sinimsim niya ang alak sa sariling baso kasabay niyon ay ang muling pagguhit ng imahe ni Toni sa kanyang isipan.“Una ay hinayaan mo siyang makawala sa kamay mo. Pangalawa, you became her hero
“ELTON?”“Hi!” May malawak na ngiti sa mga labi ni Elton nang makita ni Toni ang lalaking naghihintay sa labas ng restaurant. Siya naman ay pilit na sinupil ang sariling ngumiti ng sobra dahil baka mahalata nitong crush niya ang lalaki.“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.Napakamot ito sa batok habang nahihiyang nakatingin sa kanya. “Balak ko sanang ihatid ka ulit sa inyo. Gusto ko lang masiguro na ligtas kang makakauwi sa tinutuluyan mo.”Toni’s heart were pounding. “Salamat. Makakatipid ako ng pamasahe dahil sa ’yo,” biro na lamang niya.Binuksan nito ang pinto sa passenger’s seat. Pagkatapos ay ito naman ang pumwesto sa driver’s seat. Habang nasa biyahe ay hindi niya maiwasang maging tahimik. Naiilang kasi siya sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa ngayon. Ano ba ang dapat nilang pag-usapan? Wala siyang maisip na puwedeng pag-usapan.Napakislot siya nang ito ang unang magsalita. “Hindi ba isang villa ang tinutuluyan mo ngayon?”Tumango siya.“Para ka na rin palang nan
WALA sa sariling napasabunot si Toni sa sariling buhok. Hindi niya binitiwan ang buhok hangga’t hindi sumasakit ang kanyang anit. Dalawang oras na rin siyang ganoon sa higaan. Kalauna’y tumayo siya mula sa kama. Lumapit siya sa bintana saka binuksan iyon. Agad na sumalubong sa kanya ang hanging dagat. Kanina pa kasi niya sinusubukang makatulog pero ang imahe ni Elton ang paulit-ulit na umuukilkil sa kanyang isipan. Panay din ang tingin niya sa cellphone sa pag-asang baka tumawag sa kanya ang lalaki o mag-text man lang ngunit wala. First time in the whole history of her life that there was a man who captured her heart.'Ano? Heart?' Mabilis niyang napalis ang isipin. 'Heart agad? Hindi ba puwedeng crush lang muna?'Ikinumpara niya ang nararamdaman noon sa dating amo saka kay Elton. Hindi siya ganito ka aligaga sa kanyang amo noon kahit pa nga ba nakakasama pa siya sa mga out of town meetings. Pero heto siya kay Elton, iniligtas lang naman siya ng dalawang beses pero mukhang nahulog






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews