Share

Chapter 11

WALA sa sariling napasabunot si Toni sa sariling buhok. Hindi niya binitiwan ang buhok hangga’t hindi sumasakit ang kanyang anit. Dalawang oras na rin siyang ganoon sa higaan.

Kalauna’y tumayo siya mula sa kama. Lumapit siya sa bintana saka binuksan iyon. Agad na sumalubong sa kanya ang hanging dagat.

Kanina pa kasi niya sinusubukang makatulog pero ang imahe ni Elton ang paulit-ulit na umuukilkil sa kanyang isipan. Panay din ang tingin niya sa cellphone sa pag-asang baka tumawag sa kanya ang lalaki o mag-text man lang ngunit wala.

First time in the whole history of her life that there was a man who captured her heart.

'Ano? Heart?' Mabilis niyang napalis ang isipin. 'Heart agad? Hindi ba puwedeng crush lang muna?'

Ikinumpara niya ang nararamdaman noon sa dating amo saka kay Elton. Hindi siya ganito ka aligaga sa kanyang amo noon kahit pa nga ba nakakasama pa siya sa mga out of town meetings. Pero heto siya kay Elton, iniligtas lang naman siya ng dalawang beses pero mukhang nahulog
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status