Share

Chapter 006: I’m tired

Author: Alia Ema
last update Last Updated: 2025-12-01 08:00:34

“AT SINO ka namang bata ka? Anong ginagawa mo at nanggugulo ka rito?” gulat na sabi ng lalaki matapos itong itulak ni Bettina.

“Para naman ‘yan sa ikabubuti ni Elijah. Tingnan niyo, malapit nang lumubog ang araw. Aakyat pa ba kayo ng bundok?” sabi pa ng isang kasama niya.

Huminga nang malalim si Bettina habang tanaw niyang tahimik na nakaupo sa lupa si Elijah. 

“Hindi pa naman madilim, manong. Ang dami-dami natin dito, bakit hindi na lang tayo magsama-samang umakyat para hanapin ang mommy niya? Mas mabuti na ‘yon kaysa wala tayong ginagawa rito.”

Natahimik ang lahat sa sinabi ni Bettina. Nagkatinginan lang ang mga tao at mukhang hindi sila sang-ayon sa gusto ng dalaga. Iniisip nila na baka makasalubong nila ang baboy ramo at buhay nila ang magiging kapalit no’n!

“Kung ayaw niyo, h’wag niyo na siyang pigilan!” Lumapit si Bettina kay Elijah at hinawakan niya ang kamay nito. “Halika na, Elijah. Sasamahan kitang hanapin si Tita.”

Naka-upo pa rin si Elijah sa lupa, tulalang nakatingala sa kanya. Hindi niya inakalang ganito pala katapang si Bettina.

“What are you waiting for? Let’s go!”

Hinila ni Bettina si Elijah paangat at dinala paakyat ng bundok. Malapit nang lumubog ang araw pagdating nila roon. Mabuti na lang full charge pa ang cellphone niya kaya ito ang gagamitin niya kung sakaling maabutan sila ng dilim dito.

“Don’t worry, Elijah, tutulungan kitang hanapin si Tita Regina.”

Humugot nang malalim na hininga si Bettina habang nakatitig sa delikadong daan sa unahan. Para bang pinatitibay ang loob niya kahit ang puso niya ay kumakabog na parang lalabas na sa lalamunan niya.

Napahinto si Bettina nang may narinig siyang mabilis na pagtakbo ng isang inaakala niyang baboy ramo.

Napalunok na lang siya, marahang natawa na halatang kabado ito.

“P-Pag nahanap natin ang mommy mo, mag-aaral tayo ng taekwondo, ah?”

Muli ay huminga nang malalim si Bettina. Mas lalo niyang nilakasan ang loob lalo pa’t maalala niya ang nangyari kanina.

Bigla niyang naisip ang mukhani Elijah na nakadapa sa lupa na kawawa at walang kalaban-laban.

Doon niya napagtanto na kahit ang malamig at perpektong Elijah na kilala niya, may mga sandaling wala rin itong magawa… na minsan ay wala rin itong pag-asa.

Ayaw ni Bettina na makita itong gano’n. Isa si Elijah sa hinahangaan at tinitingala ng lahat. Dapat nananatiling nagniningning ito. Dapat wala itong kinatatakutan.

Sa mismong oras na lumubog na ang araw ay ma-swerte nilang nakita si Regina. Nakita nilang nagdurugo ang binti at halos wala nang malay.

Hindi naman pala ito sinaktan ng baboy ramo. Nadapa lang ito sa matinik na kahoy at nasugatan nang malalim ang binti kaya ito dumugo nang husto.

“Mom!” pag-aalalang sigaw ni Elijah nang lapitan ito.

Agad na inalalayan ni Elijah si Regina pababa ng bundok.

Naalala pa ni Bettina kung paano paulit-ulit na nagpapasalamat sa kanya si Regina. At ilang beses nitong sinabihan si Elijah na h’wag nitong sayangin ang kabutihan niya.

Pero ngayon… 

Tila nagbago na ang lahat.

Ngayon, si Regina na mismo ang nagmamakaawa sa kanyang mag-donate ng dugo para kay Agatha.

“Ospital po ito, Tita Regina. Sigurado akong kumpleto ang blood bank ng lahat ng blood type. Hindi niyo na ako kailangan pa,” malamig na sabi ni Bettina.

May kung anong pag-alinlangan sa mukha ni Regina, hindi siya sang-ayon sa desisyon ni Bettina.

Hindi na siya nilingon ni Bettina, imbes ay inilipat ang tingin nito sa binata. “Elijah, nilagay ko na sa mesa mo ang resignation letter ko. Nagsimula na rin akong mag-impake ng mga gamit ko. Kapag may oras ka, bumalik ka sa kompany at pirmahan mo na lang.”

“Resignation letter?” kunot-noong sagot ni Elijah.

“Abang batang ito!” kabadong sabi ni Regina. “H’wag ka naman magtampo sa akin, Bettina. Hindi gano’n ang ibig kong sabihin.”

Umismid si Bettina, walang bahid na emosyon niyang tiningnan si Regina. “Hindi naman po ako nagtatampo, desisyon ko po iyon. At saka magpahinga na po kayo, Tita. Mauna na po ako, kailangan ko pang tapusin ang pag-iimpake sa opisina.”

Iniwan niyang natulala ang mga ito nang tumalikod siya. Ngunit, pagkapasok niya sa elevator at papasara na sana ang pinto, may dalawang kamay ang humarang dito.

Dahan-dahang bumukas muli ang elevator at nagkasalubong ang mata nila ni Elijah. Madilim ang tingin nito sa kanya. Bihira niya lang makita ang emosyong iyon, no’ng panahon nasa Aurora sila.

“Bakit ka nag-resign?” habol hiningang tanong ni Elijah, habang diretsong nakatitig lang ito sa kanya. “Is it because of today’s wedding? Or because of the blood transfusion?”

Desperadong hinawakan ni Elijah ang kamay nito. “I’m really sorry about the wedding. And I told you about the blood transfusion na maghahanap kami ng ibang donor. I won’t force you, Bettina. Just please don’t make a scene, okay?”

Halos matawa si Bettina sa narinig niya at tinanggal ang pagkakahawak nito.

Make a scene?

Kung sabagay, kailan ba siya gumawa ng gulo?

Anumang sakit at problemang dinaanan nila. Sino ang umako? Si Bettina lang.

Sa mga unang taon nila sa law firm, lahat ng mga kinapipikonan ni Elijah at mga nakaaway nitong kliyente… si Bettina lamang ang laging humahawak sa gulo. Na kahit ikasira pa ng tiyan niya sa pag-inom ng alak, gagawin niya para makipag-areglo lang.

Hanggang sa na-diagnosed siya ngayon ng hyperacidity, at kailangan ng gamot every time na umaatake ito.

“Elijah… pagod na ako.”

“Kung pagod ka na, pwede naman kitang bigyan ng annual leave,” kunot-noong sagot ni Elijah.

Napailing si Bettina saka huminga nang malalim. “Elijah, gusto kong nang makipag—”

Hindi pa man niya nasasabi ang salitang makikipaghiwalay na siya, bigla na lang nag-vibrate ang cellphone nito.

Agad na sinagot ni Elijah ang tawag ni Regina.

“Nahimatay si Agatha, Elijah! Bumalik ka na agad!”

Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Elijah. “Okay, Mom. Papunta na po ako.”

Pagkababa ng tawag ay natural na napatingin siya kay Bettina.

“Nahimatay raw si Agatha. Umuwi ka muna sa bahay ko. May sasabihin ako sa’yo. Pagkatapos nito, pupuntahan kita.”

At bago pa makasagot si Bettina ay lumabas na ito ng elevator, ni hindi man lang lumingon.

Gaya ng nakasanayan, si Agatha pa rin ang pinili nito.

Pagkasara ng elevator, ang tanging naiwan kay Bettina ay ang tunog ng sarili niyang paghinga. 

Mabigat.

Magaspang.

At puno ng sakit.

Sa salamin, bumungad ang isang babaeng maputla at halos hindi na niya makilala ito sa pagod. Isang babaeng nilamon ng limang taong siya lang ang kumakapit.

At ngayong wala nang natitirang dahilan para manatili pa, napagdesisyunan niyang puntahan na lamang ang lalaki sa bahay nito.

Oras na para harapin niya si Elijah.

Oras na para sabihin ang mga salitang matagal nang nanginginig sa lalamunan niya.

At oras na para tapusin na ang relasyong siya lang ang lumalaban.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Julie F.Abenes
thank you Miss A ...
goodnovel comment avatar
Cherrie Baccay
ung hyperacidity mo malamang walang nakakaalam sa kanila
goodnovel comment avatar
Cherrie Baccay
thank you Miss A
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 027: When She Meets Him Again

    “BETTINA…” Maingat ang pagkakasabi ni Regina, ngunit ramdam na ramdam ang pilit na paghinahon niyang binabalot ng pagkairita.“Ikaw talagang bata ka. Bakit ka umalis nang hindi man lang nagpapaalam? Ni hindi mo ako binisita bago ka umalis. Kailan ka ba babalik? Miss na miss ka na ng soon-to-be mother-in-law mo…”Parang may malamig na kamay na humawak sa sikmura ni Bettina. Mother-in-law? Hindi na iyon kailanman mangyayari.Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone, halos mabasag sa bigat ng dibdib niya.Alam niya kung ano si Regina—hindi ito masuyo at hindi kailanman naging mabuti sa kanya. Suwerte na lang kay Bettina kung may araw na hindi siya sinisermonan nito o pinagsasalitaan ng masama. Kung narinig niya ang mga salitang ito noong una ay baka napaiyak pa siya sa tuwa. “Ayos lang po ako, Tita,” malumanay ngunit malayong sagot ni Bettina, halos walang buhay ang boses. “Salamat po sa pag-aalala. Ano po ba ang dahilan ng pagtawag ninyo?”Natigilan si Regina na para bang hindi siya h

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 026: Not His Childhood Sweetheart, Never Was

    HINDI sumuko si Agatha. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at muling tinawagan si Elijah, pilit binubura ang kahihiyan na kanina pa kumakain sa kanya.The number you dialed is not in service. Please try your call later.Isang matinis na sigaw ang lumabas sa kanya. “Ah!” Halos mabitawan niya ang dalang pagkain nang ibinagsak niya ito sa upuan.Naramdaman niyang kumuyom ang mga kamao niya, mahigpit, halos bumaon na ang mga kuko sa sariling palad.“Tsk! Si Bettina talaga! Kahit wala siya rito, ginugulo pa rin niya ang buhay namin!”Pero hindi siya papayag na matalo ng babae na iyon. Hindi ngayon. Hindi kailanman.Kailangan niyang makita si Elijah ngayon, at kailangan niyang manatili sa tabi nito. Kahit anong mangyari.“Bigyan mo nga ako ng kape,” utos niya sa receptionist habang naupo sa sofa na parang siya ang may-ari ng law firm. “Freshly ground. No sugar. No milk.”Sanay na ang mga staff sa ugali ni Agatha. Sanay na sila sa pagdating niya, sa pag-aasta niyang parang fiancée ni Elijah

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 025: Evander’s Hidden Jealousy

    MARAHANG inilapag ni Nelson ang cellphone sa conference table bago siya bumaling sa kanyang mga kasamahan sa legal department upang ipaliwanag ang follow-up details ng settlement agreement.Sa isip niya, desperado lang si Elijah kaya ito nag-reply at nagtanong tungkol kay Bettina. Mas mahalaga pa rin sa kanya ngayon ang problema sa settlement case ng Luxe Sciences — masyado kasing mababa ang hinihingi ng Aleria Legal Group, halos borderline loss na para sa kanila. At higit sa lahat, hindi niya kayang lubos na intindihin kung bakit tinanggap iyon ni Evander nang walang pag-aalinlangan.Habang patuloy siyang nagpapaliwanag, biglang umilaw muli ang cellphone.A new message from Elijah.[Papunta na ako d’yan sa Cebu City!]Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita iyon ni Evander na nakaupo lamang sa tabi ni Nelson. Sa sandaling mabasa niya ang mensahe, parang may kumislot na iritasyon sa mga mata niya. Lalong lumalim ang tingin niya, matalim, mabigat, tila nagbabanta.Dahan-dahang inang

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 024: The Viral Ex-Fiancée

    HINDI agad maigalaw ni Bettina ang katawan niya habang nakatigtig lang siya sa screen ng cellphone ni Fiona. Parang unti-unting lumalabo ang paligid habang binabasa niya ang mga komento sa Facegram post ni Elijah.@isay21: Parang kilala ko ’yan si Bettina no’ng nag-aaral pa ako sa UST!@plxers: Ang alam ko co-founder ’yon ng Castillo Law Firm.@iamjuana: Siya yung babaeng dapat pakakasalan ni Atty. Elijah pero hindi natuloy.@crushkita01: Bakit hinahanap si Bettina? May utang ba ’to kaya tumakas? Hahaha!@j.j.cruz: Grabe naman ang judgemental niyo. Si Atty. Bettina defended me once sa kaso ko at sobrang bait niya.Naramdaman ni Bettina ang unti-unting pag-init ng mukha niya habang binabasa ang mga komento. Nagngingitngit ang panga niya, at hindi niya namalayang nagdidikit na ang mga ngipin niya sa sobrang inis. Gustuhin man niyang murahin si Elijah sa isip dahil sa galit, mukhang wala na siyang lakas para gawin iyon. “Kung makapag-comment sila, para bang kilalang-kilala nila ako,” bu

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 023: The Price of Finding Her

    PAGKATAPOS ma-revise ni Nelson ang settlement agreement ay marahan nang pumirma si Bettina sa huling bahagi ng dokumento. Hinipan pa niya nang mahina ang ibabaw ng papel bago isinara ang folder at binigay sa assistant ni Evander para pirmahan naman ito. Ramdam niya ang unti-unting pagluwag ng dibdib niya, kahit papaano ay may nagawa siyang tama ngayong araw.Si Nelson naman ay napaupo nang bahagya, hinihingal na parang siya ang nakipagdebate kay Evander. “A-Ayos na… sa wakas,” mahina niyang sabi habang inaayos ang laptop at mga papel.Tahimik ang conference room, na tila ba nagbalik ang tunog sa loob matapos lumabas saglit si Evander dahil may kausap ito sa phone. Si Fiona ay abala sa paglalagay ng notes sa binder. Si Bettina naman ay inaabot na sana ang bag niya, handa nang lumabas nang biglang nag-ring ang cellphone ni Nelson sa mesa.Napaangat ang tingin nilang tatlo sa cellphone ni Nelson na nakapatong sa mesa. Umilaw ang screen at dahan-dahan itong umiikot dahil sa vibration.Napa

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 022: The Imperial Ace

    HINDI maigalaw ni Bettina ang sarili niya. Para siyang napako sa kinatatayuan niya nang magtama ang mga mata nila ni Evander Hudson. Ramdam niya ang dahan-dahang pag-akyat ng kaba mula sa sikmura niya hanggang sa dibdib, na para bang ang ingay ng tibok ng puso niya ang tangi niyang naririnig sa buong conference room.Bahagyang tumaas ang dalawang kilay ni Evander, na waring pinagmamasdan siya nang may halong pagsusuri. Nakatingin lamang ito sa kanya, para bang sinasadya nitong hayaan siyang malunod sa tensyon.Napalunok na lamang si Bettina. “O-Opo. Ako nga po si Atty. Bettina Imperial.”Isang mababa at marahang tawa ang lumabas mula kay Evander, iyon ay isang tunog na nakapagpatayo ng balahibo niya.“Hmm. Ikaw nga pala talaga si Atty. Imperial… yung tinatawag nilang ‘Imperial Ace’.”Halos sabay-sabay na napalingon ang lahat kay Bettina saka kumakabog ang pulso sa sentido ng dalaga.Imperial Ace?Hindi niya alam na gano’n pala ang tawag sa kanya sa industriya. Kadalasan kasi, pinepers

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status