Home / Romance / Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival / Chapter 131: Elijah desperately planned it

Share

Chapter 131: Elijah desperately planned it

Author: Alia Ema
last update publish date: 2026-04-20 22:52:23

PAGKATAPOS maligo ni Elijah, nakahiga siya sa sofa sa sala, nakasandal ang buong katawan, at maputla ang mukha. Si Jiro naman ay abala sa kusina, nagluluto ng sabaw pampagising sa kalasingan si Elijah.

Maya-maya, biglang tumunog ang cellphone ni Elijah. Bahagyang napakibot ang katawan ni Elijah dahil sa ilang araw na pag-inom, mabagal ang paggalaw niya.

Kinapa niya ang cellphone, pagkakuha ay agad na tiningnan ang taong tumatawag sa kanya. Napahinto siya at nanlaki ang mata at mas lalong namut
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 135: This is not the end

    TATLONG araw na lang bago ang engagement, bumalik si Bettina sa Manila kasama si Evander. Mas abala kaysa dati ang mansyon ng mga Hudson—mga kasambahay ay abala sa paghahanda, may mga dekorasyon na unti-unting inaayos, at may mga staff na pabalik-balik na parang hindi nauubusan ng gagawin.Pagpasok ng sasakyan sa loob ng compound, agad silang sinalubong ni Rexan Hudson.“Bumalik na kayo? Napagod ba sa biyahe?” nakangiting bati nito, tila puno ng malasakit.Ngunit nang mapunta ang tingin niya kay Bettina, mas lalo pang lumawak ang ngiti niya—halatang may halong pakitang-tao.“Miss Bettina—ah, hindi… mukhang malapit ko na kayong tawaging pamangkin. Welcome!”Bahagyang ngumiti si Bettina bilang paggalang.Samantalang si Evander, nanatiling malamig ang ekspresyon.“Tito.”Isang salita lang. Walang dagdag. Walang emosyon.Hindi na siya nagtagal. Hinawakan niya ang kamay ni Bettina at diretsong dinala ito papasok, patungo sa loob ng bahay upang makita ang lolo niya.Naiwan si Luther sa laba

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 134: What’s mine is yours

    Alam ni Bettina na sinasadya lang ni Evander na baluktutin ang ibig niyang sabihin. Hindi niya ito matalo sa biruan—lagi siyang nauunahan, lagi siyang napapahamak sa mga sagot nito—kaya sa inis ay muli siyang umiwas ng tingin at nagpasya na huwag na itong pansinin.Tahimik siya, pero halatang halata sa paraan ng pag-angat ng balikat niya na may tampo pa.Napangiti nang bahagya si Evander. Lumapit siya ng kaunti, bahagyang yumuko para silipin ang mukha ni Bettina.“Ganito na lang ba?” mahina niyang tanong, may halong lambing. “Hindi mo na talaga ako kakausapin?”Hindi siya sinagot ni Bettina. Mas lalo pa niyang iniwas ang tingin, parang batang nagtatampo.Napabuntong-hininga si Evander, pero may ngiti pa rin sa labi.“Okay na, huwag ka nang magalit,” malumanay niyang sabi. “Bibigyan kita ng regalo. Ano ang gusto mo?”Sumimangot lang si Bettina at nanatiling tahimik.Ilang segundo siyang tinitigan ni Evander, parang sinusukat kung hanggang saan ang tampo nito. Pagkatapos ay bahagyang na

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 133: Say my name, three times

    Mula noon, hindi na muling nagpakita si Elijah. Ang Cebu branch ng Castillo Law Firm sa kabilang panig ay nagpalit na rin ng namamahala.Paminsan-minsan, tumitingin si Bettina sa labas ng bintana at pakiramdam niya pati ang maulan na panahon sa Cebu ay tila mas sariwa at magaan kaysa dati. Parang lahat ng problema at kaguluhan ay sumabay na ring inanod papunta sa Pasig River nang mawala si Elijah.Siyempre, kung wala sana sa tabi niya ang assistant niyang kulay ginto ang buhok, mas magiging payapa pa sana ang buhay niya.Si Luther ay nananatiling mayabang tingnan—iba’t ibang punit-punit na maong ang suot niya araw-araw na akala mong leading sa sa action movie katulad ni Coco Martin. At may aura na parang “huwag mo akong subukan kung ayaw mong mamatay.”Pero hindi maikakaila ang galing niya sa trabaho ay tugma sa nakakasilaw niyang credentials.Mabilis siyang mag-isip, photographic memory pa, at ang mga komplikadong kaso ay inaayos niya nang napakalinis. Minsan, nakakaisip pa siya ng m

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 132: The End of Us

    SA mismong sandaling matapos magsalita si Evander, bahagyang nayanig ang katawan ni Elijah. Mahigpit niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao hanggang sa bumaon ang mga kuko niya sa kanyang palad.“Hindi… hindi gano’n…” paos at tuyot ang boses niya habang pilit na nagpapaliwanag. “Bettina, makinig ka sa’kin… hindi ko kailanman ginustong saktan ka. Gusto ko lang… gusto ko lang…”Gusto lang niyang mabawi siya. Gusto lang niyang gamitin ang sukdulang paraang iyon para maibalik lamang niya si Bettina sa piling niya. Hindi niya lang matanggap na tuluyan na siyang mawawala sa mundo niya.Pero hindi niya inasahang hahantong sa ganito ang lahat.At lalong hindi niya inasahang gano’n kabilis at kalalim ang mahuhukay ni Evander iyon.“Gusto mo lang ng ano?” malamig na singhal ni Evander. “Magpanggap na bayani? Para kaawaan ka niya, tanawin niya ang utang na loob, at baka sakaling balikan ka? Elijah, talagang binuksan mo ang mata ko. Para makuha ang gusto mo, kaya mong isugal kahit sarili mong buha

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 131: Elijah desperately planned it

    PAGKATAPOS maligo ni Elijah, nakahiga siya sa sofa sa sala, nakasandal ang buong katawan, at maputla ang mukha. Si Jiro naman ay abala sa kusina, nagluluto ng sabaw pampagising sa kalasingan si Elijah. Maya-maya, biglang tumunog ang cellphone ni Elijah. Bahagyang napakibot ang katawan ni Elijah dahil sa ilang araw na pag-inom, mabagal ang paggalaw niya.Kinapa niya ang cellphone, pagkakuha ay agad na tiningnan ang taong tumatawag sa kanya. Napahinto siya at nanlaki ang mata at mas lalong namutla ang mukha nang makita niya ang pangalan ng isang tao.Agad siyang tumayo mula sa sofa. Ngunit dahil sa biglaang paggalaw ay biglang kumirot ang sugat niya sa dibdib. Napangiwi siya sa sakit. Agad siyang pinawisan ng malamig.Sinagot ni Elijah ang tawag. “Hello? Ba’t napatawag ka?”May kaunting katahimikan sa kabilang linya. “Elijah, may problema. Nahuli na ‘yung mga kasabwat natin!”Biglang bumilis ang paghinga ni Elijah. Halos mamuti ang mga daliri niya sa higpit ng pagkakahawak sa cellphon

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 130: I got something interesting

    NANG mapansin ng mga empleyado ang pagdating ni Luther sa law firm na may matingkad na gintong buhok, suot ang punit na maong, at basta na lang umupo sa assistant desk ni Bettina na parang siya ang may-ari ng lugar—napatingin sila sa isa’t isa.Hindi man sila nagsalita, pero halatang iisa ang laman ng isip nila.May isa pang napasulyap ulit, baka sakaling maling tao lang ang nakita niya.May isa namang bahagyang napakunot ang noo, parang tinatanong ang sarili kung bagong hire ba ‘to… o naligaw lang.Halos sabay-sabay pumasok sa isip nila ang parehong tanong:Saan ba napulot ni Bettina ang imported na taong ito?At higit sa lahat…May silbi ba talaga ‘to… o dagdag pasakit lang sa opisina?Samantala, napamasahe na lang si Bettina sa kanyang noo habang pinagmamasdan ang lalaking halatang hindi nababagay sa firm niya. Hawak ni Luther ang cellphone at kasisimula pa lang maglaro nang magsalita siya.“Luther, pasok ka,” mahinahong utos ni Bettina habang binubuksan ang pinto ng opisina niya.

  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 018: The truth about her pain

    MATAMLAY at nanginginig ang mga hakbang ni Elijah nang tuluyang pumasok siya sa St. Luke’s emergency room. Parang hinigop ng ospital ang natitira niyang lakas nang sumagi sa isip ang pinagdaanan ni Bettina. Ang putla na ng mukha niya, nanlilisik pa ang mga mata sa sobrang kaba, at gusot na ang mama

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 016: Agatha’s Public Defeat

    HABANG palabas na ng revolving door si Bettina, ay mabilis siyang naglakad at hinarangan ang daan nito, halos masabit pa ang takong niya dahil sa pagmamadali.

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 014: A Ring Without a Finger

    DAHIL sa nag-uumapaw na galit at selos, bigla na lang hinawakan ni Elijah ang kwelyo ng lalaki na halos maangat ito mula sa sahig. Hindi niya na inisip kung tama o mali ba ito, at hindi niya na rin inisip kung ano ang magiging kahihinatnan sa ginagawa niya. Wala na

    last updateLast Updated : 2026-03-18
  • Claimed by My Brother’s Forbidden Billionaire Rival   Chapter 011: Don’t even think about coming back!

    HUMINGA nang malalim si Bettina bago binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Gaya ng dati, maayos at sobrang tahimik ang opisina ni Elijah. Kulay itim ang mga muwebles at puno ng law books ang paligid, na parang paalala kung gaano kaseryoso at hindi madaling lapitan

    last updateLast Updated : 2026-03-18
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status